Semua Bab Accidentally Married To A Billionaire’s Son: Bab 41 - Bab 50

122 Bab

Chapter 41

Tahimik na umagos ang luha ni Megan habang nakaupo siya sa gilid ng kama, yakap-yakap ang sariling katawan na tila umaasang kaya niyang pigilan ang sakit sa pamamagitan ng sariling init.Wala siyang ibang marinig kundi ang mahina niyang paghikbi at ang tunog ng aircon sa kanyang apartment.Pinipilit niyang kontrolin ang emosyon, pero kahit anong gawin niya, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha.Ang bigat.Ang sakit.Nanginginig ang mga kamay niyang pilit na pinupunasan ang pisngi, pero sa tuwing tatanggalin niya ang luha, panibagong patak ang pumapalit.Wala na siyang magagawa pa.Wala na siyang laban.Alam niya ‘yon, pero bakit parang hindi niya kayang tanggapin?Bakit kailangan pang dumating sa ganito?Itinukod niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha at pilit hinahawi ang mga alaalang gusto niyang kalimutan. Pero kahit anong pilit niyang isantabi ang pag-uusap nila ni Apolo Giovanni, parang may humihila sa kanya pabalik.Hanggang sa—BLAG!Napapitlag siya nang biglang bumukas nang m
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 42

Tahimik ang paligid nang makarating sila sa condo ni Primo.Sa loob ng sasakyan pa lang, ramdam na ni Megan ang bigat sa dibdib niya—pero hindi niya hahayaan na sirain nito ang gabing ito.Hindi muna ngayon.Sa gabing ito, gusto niyang makalimutan ang lahat.Gusto niyang sulitin ang sandali kasama si Primo, kahit pa alam niyang pagkatapos nito, babalik sila sa isang realidad na hindi na nila matatakasan.Tahimik siyang sumunod sa lalaki papasok ng unit. Pagkapasok nila, marahang isinara ni Primo ang pinto at tinitigan siya, pero hindi ito nagsalita.Kahit siya, hindi rin alam ang sasabihin.Pero nang marinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Primo, saka siya naglakas-loob na ngumiti.“Huwag na muna nating pag-usapan ang kahit ano, please.”‘Yun lang ang nasabi niya.Hindi siya sigurado kung nagulat si Primo, pero nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito.Mula sa pagiging tensyonado, dahan-dahan itong lumambot.At sa huli, hindi na nito inulit ang tanong.Sa halip, marahan siyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 43

Maagang nagising si Megan kinabukasan.Tahimik ang buong condo, at ang tanging naririnig niya ay ang marahang paghinga ni Primo mula sa kama. Napangiti siya habang nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog.Minsan lang niya itong makita sa ganitong estado—walang iniisip, walang iniindang problema.Mukhang payapa.At dahil gusto niyang sulitin ang araw na ito, dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at naglakad papunta sa kusina.“Sana hindi ako sumabog.”Napatawa si Megan habang nakatayo sa harap ng stove, nagpiprito ng bacon.Nakasuot lang siya ng oversized shirt ni Primo—na halos lampas tuhod niya—at isang maikling cycling shorts. Kahit wala siyang planong lumabas, gusto niyang magmukhang presentable habang inihahanda ang breakfast nila.Sa loob ng tatlumpung minuto, nakapaghanda siya ng pagkain—fluffy pancakes, crispy bacon, scrambled eggs, at freshly brewed coffee.Nang makita ang kabuuang set sa lamesa, napangiti siya.“Sana matuwa siya,” bulong niya sa sarili.Tamang-tama n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 44

Sa loob ng malawak at marangyang study room ng Giovanni Estate, isang tensyonadong katahimikan ang bumalot sa pagitan ng mag-amang Matteo at Apolo Giovanni.Nakatayo si Matteo sa harapan ng malaking kahoy na desk ng kanyang ama. Sa likod ni Apolo, may mga matataas na bookshelf na puno ng makakapal na libro—mga business strategy, kasaysayan ng pamilya, at ilang mga confidential files na walang ibang nakakaalam kundi ang mismong puno ng pamilya Giovanni.Sa kabila ng kalmadong ekspresyon ni Apolo, halata sa postura ni Matteo ang iritasyon.Matigas ang kanyang panga. Mahigpit ang kanyang pagkakakuyom sa kanyang kamao.At sa wakas, nagsalita siya.“Ginawa mo rin ba sa taong mahal ni Primo ang ginawa mo sa akin?”Diretso. Walang paligoy-ligoy.Ngunit imbes na magulat o magpakita ng reaksyon, nanatili lamang nakasandal si Apolo sa kanyang upuan. Walang nagbago sa ekspresyon nito—kalmado, ngunit may bahid ng malamig na awtoridad sa kanyang mga mata.Bagaman hindi siya sumagot agad, ang simpl
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 45

Tahimik na magkaharap sina Matteo at Francine sa isang maliit na lamesa sa sulok ng café.Sa pagitan nila, isang tasa ng hindi na malamig ngunit hindi na rin mainit na kape ang nakalagay sa harapan ni Matteo. Hindi niya ito ginagalaw. Sa halip, nakatutok lang ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya—ang babaeng matagal na niyang hindi nakikita.Si Francine.Tahimik ito, nakayuko at abala kunwari sa pagsasalansan ng mga resibo sa harapan niya, pero kita sa paraan ng paggalaw ng kanyang mga daliri na hindi siya kalmado.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago nagpasya si Francine na basagin ito.“Ano bang sadya mo, Matteo?” Mahinahon niyang tanong, hindi pa rin nag-aangat ng tingin. “Hindi ka pwedeng magtagal dito. Kung may makakita sa’yo, baka makarating kay Apolo na bumalik ka sa café na ‘to.”Napangisi si Matteo, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Matagal mo na akong hindi nakikita, pero si Papa pa rin ang unang pumasok sa isip mo?”Lumingon na sa wakas si Franc
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 46

Tahimik ang buong silid.Wala kang maririnig kundi ang mahinang tunog ng aircon at ang mabagal, malalim na paghinga ng lalaking katabi niya sa kama.Si Primo.Hubad ang kanyang pang-itaas, nakayakap kay Megan habang mahimbing na natutulog. Ang isang braso niya ay nakapulupot sa bewang ni Megan, para bang ayaw siyang pakawalan kahit sa panaginip.Pero si Megan, gising.Gising at tahimik na umiiyak.Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang ganito—nakahiga sa tabi ni Primo, tahimik na tinititigan ang mukha ng lalaking mahal na mahal niya.Mahal na mahal.Pero hindi niya kayang ipagsigawan.Hindi niya kayang ipaglaban.Dahil sa loob ng ilang oras, kailangang mawala siya sa buhay ni Primo.At ang mas masakit?Siya ang pumili nito.Hindi siya pinilit.Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.Dahan-dahang hinaplos ni Megan ang mukha ni Primo.Maingat, parang tinatandaan ang bawat bahagi nito—ang perpektong hugis ng kanyang panga, ang bahagyang magulong buhok, ang maka
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter 47

Nag-umpisa ang umagang iyon sa mabigat na pakiramdam na bumabalot sa buong katawan ni Megan. Halos walang tulog ang kanyang mga mata, namamaga sa walang tigil na pag-iyak kagabi. Hindi niya alam kung paano niya nagawang ipagpatuloy ang pag-iimpake, pero wala siyang ibang pagpipilian.Nakatayo siya sa gitna ng kanyang maliit na apartment, walang kahit anong tunog kundi ang mahihinang hikbi niya. Sa bawat damit na tinutupi at inilalagay sa maleta, tila ba may bahagi rin ng puso niya ang napupunit at naiiwan dito.Nang huminto siya upang huminga nang malalim, napatingin siya sa mesa kung saan nakapatong ang isang puting sobre—ang tiket na ibinigay ni Apolo Giovanni.Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan. Isang one-way plane ticket papalayo. Wala man lang itinakdang petsa ng pagbabalik. Halatang gusto na lamang siyang itapon palayo, gaya ng isang problema na dapat kalimutan.Muling nanikip ang dibdib niya.Paano siya humantong sa ganito?Noong isang linggo lang, nasa isang tahimik pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya

Chapter 48

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Primo habang marahang bumaling sa kabilang bahagi ng kama.Ngunit sa halip na maramdaman ang init ng katawan ni Megan, ang malamig at walang laman na espasyo lamang ang bumungad sa kanya.Dahil sa gulat, agad siyang bumangon, pilit inaaninag ang paligid ng madilim pang silid. “Megan?” tawag niya, bahagyang paos ang tinig dahil sa bagong gising niyang boses.Walang sumagot.Nagmadali siyang tumayo, hinanap ito sa banyo, sa kusina—kahit saan. Pero wala.Doon na siya nakaramdam ng kaba.Hindi ito tulad ng mga dati nilang umaga kung saan maagang gumigising si Megan upang magtimpla ng kape. Ngayon, wala siyang naabutang kahit na anong senyales na dumaan ito rito kanina.Napalunok si Primo, pilit pinapakalma ang sarili.Hindi. Baka nasa café lang siya.Mabilis siyang nagbihis, kinuha ang susi ng sasakyan, at halos hindi na niya isinara nang maayos ang pinto sa pagmamadali.Nang makapasok siya sa kotse, mabilis niyang sinimulan ang makina a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya

Chapter 49

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Primo habang binabaybay niya ang daan patungo sa mansyon ng mga Giovanni. Halos hindi na niya iniinda ang mga pulang ilaw ng trapiko, ang matatalas na busina ng mga sasakyang nakakasalubong niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang galit na unti-unting kumukulo sa kanyang dibdib.Ang huling imahe ni Megan—iyong wala na siyang gamit sa apartment, ang malamig at walang buhay na silid—ay paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan.Alam niyang may kinalaman si Apolo rito.At hindi niya hahayaang palampasin ito.Pagkarating niya sa mansyon, hindi man lang siya bumaba nang maayos sa sasakyan. Sa halip, pabagsak niyang isinara ang pinto at naglakad nang mabilis papasok sa loob, hindi pinansin ang mga bantay na mukhang nagulat sa kanyang biglaang pagdating.“Sir, si Mr. Giovanni ay nasa kanyang study—”Hindi niya hinayaan pang tapusin ng isa sa mga butler ang sasabihin nito. Diretso siyang naglakad, ang mabibigat niyang hakbang ay umaalingawngaw sa marmol na s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya

Chapter 50

Makalipas ang ilang araw, hindi pa rin tumitigil si Primo sa paghahanap kay Megan. Maging sina Sunny, Laurence, at Alice ay abala rin sa pagtulong sa kanya. Walang oras na sinayang si Primo—sa bawat segundo, bawat minuto, siya ay gumagalaw, gumagawa ng paraan, nagbubungkal ng impormasyon.Pero tila nawawala si Megan na parang bula.Sa loob ng pribadong opisina ni Primo, halos hindi na siya umaalis sa kanyang upuan. Ilang laptop ang nakabukas sa harapan niya, iba’t ibang screen ang naglalaman ng mga CCTV footage, flight records, at kahit mga transactions na maaaring may koneksyon sa pagkawala ni Megan.“Any updates?” malamig niyang tanong kay Laurence, na kasalukuyang nakatutok sa isa pang laptop.“Wala pa,” sagot nito habang mariing nakakunot ang noo. “Sinasala na namin ang listahan ng mga pasaherong lumipad nitong nakaraang linggo, pero wala siyang pangalan sa alinman sa official records.”Napatigil si Primo.Isa lang ang ibig sabihin nito—ginamit ni Megan ang isang pekeng pangalan p
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
13
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status