Tahimik.Ito ang buhay ni Megan ngayon.Matapos ang lahat ng gulong pinagdaanan niya, sa wakas, natagpuan niya ang sarili sa isang lugar kung saan walang nakakaalam kung sino siya—isang tahimik na bayan sa tabi ng dagat, malayo sa magulong mundo ng mga Giovanni.Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang iwan niya ang lahat. Mahigit dalawang linggo na rin mula noong huling beses niyang nakita si Primo.At sa bawat araw na lumilipas, pilit niyang pinapaniwala ang sariling tama ang ginawa niya.Pero sa totoo lang? Hindi siya sigurado.Tahimik ang loob ng bookstore kung saan siya nagtatrabaho. Maliit lamang ito, may tatlong shelves na puno ng lumang libro, isang counter na gawa sa kahoy, at malalaking bintanang tanaw ang dagat sa di kalayuan.Isang matandang babae, si Señora Estrella, ang may-ari ng bookstore. Tahimik ito ngunit mabait, at hindi masyadong nagtatanong tungkol sa nakaraan ni Megan. Sa unang araw niya sa trabaho, isang bagay lang ang sinabi nito sa kanya—“Huwag mo
“THIS CAN’T BE HAPPENING!”Galit na ibinato ni Allison ang hawak niyang cellphone sa kama, ngunit hindi ito sapat para mawala ang galit na sumisiklab sa kanya. Sa screen ng kanyang laptop, paulit-ulit niyang binasa ang article na ilang minuto pa lang inilabas—isang opisyal na anunsyo mula kay Rebecca Arcelli tungkol sa kasal nito kay Arthur Moretti.Her mother was really going to do it.Hindi lang ito basta chismis. Ito ay isang official statement.Humigpit ang hawak niya sa gilid ng kama habang nararamdaman niyang parang sasabog siya sa inis. Hindi siya makapaniwala—seryoso talaga ang mommy niya sa pagpapakasal sa lalaking iyon?At ang pinakamasakit?Nakikisabay pa ang anunsyong ito sa sarili niyang engagement kay Primo.Kulang na lang ay gawing double wedding ang lahat ng ito.“Damn it!”Pinilit niyang kumalma, ngunit hindi niya kaya. Kinuha niya ang coat niya at mabilis na lumabas ng kwarto. Alam niya kung sino lang ang pwede niyang kausapin tungkol dito.Habang papunta sa hotel ku
Tahimik ang buong bookstore.Maliban sa mahina at paos na tugtog ng lumang radyo sa counter, walang ibang ingay. Ang amoy ng mga libro ay sumasama sa malamig na hanging pumapasok sa maliit na siwang ng nakabukas na bintana.Biyernes ngayon, at tulad ng dati, halos walang pumapasok na customer.Napatingin si Megan sa labas. Ang langit ay kulay abo, tila nagbabadya ng ulan. Napangiti siya nang bahagya. Mas gusto niya ang ganitong panahon—tahimik, maaliwalas, at walang anumang gulo.Ilang linggo na siyang ganito ang buhay.Simple. Walang stress. Walang kaba. Walang Primo.Ngunit kahit gaano niya subukang magpakasaya sa bago niyang buhay, hindi niya pa rin matanggal sa isip niya ang lalaking iniwan niya.Napapikit siya sandali, pilit na tinataboy ang sakit na bumabalot sa puso niya.“Kailangan ko nang kalimutan siya.”Huminga siya nang malalim at bumalik sa pag-aayos ng mga libro sa isang wooden shelf. Wala siyang oras mag-isip ng nakaraan.Pero sa isang iglap, isang tunog ang sumira sa k
Malamig ang hangin nang pumasok sina Megan at Enzo sa isang maliit at tahimik na coffee shop sa gilid ng baybayin.May mangilan-ngilang customer sa loob—isang matandang lalaking nagbabasa ng diyaryo, isang babaeng abala sa laptop, at isang grupo ng estudyanteng tahimik na nagre-review.Walang makakapansin sa kanila.Sakto lang ang liwanag sa loob ng café, may halong dilaw at kahel na kulay mula sa maliliit na lampshade sa bawat mesa. Ang aroma ng bagong timplang kape ay bumalot sa buong paligid, tila isang munting yakap na nagpapakalma sa kanilang magulong isipan.Pumili sila ng mesa sa may bintana, malapit sa isang bookshelf na puno ng lumang libro. Umupo si Megan, habang si Enzo naman ay umupo sa tapat niya, nakatingin sa kanya nang hindi nagsasalita.Tahimik si Megan. Maga pa rin ang mga mata niya sa kakaiyak. Kahit anong pilit niyang itago ang sakit, halata pa rin sa kanya.Si Enzo ang unang bumasag sa katahimikan.“Dapat bumalik ka.”Napatigil si Megan sa paghalo ng kutsarita sa
Dahan-dahang ipinarada ni Enzo ang kanyang sasakyan sa basement parking ng kanyang hotel. Wala siyang kahit anong musika na pinapatugtog, tanging ang tunog ng makina at ang mahinang paghinga niya ang maririnig.Dapat gumaan na ang pakiramdam niya matapos niyang sabihin kay Megan ang totoo. Dapat nabawasan na ang bigat na matagal na niyang kinikimkim. Pero hindi.Mas lalo lang siyang nabibigatan ngayon.Napamura siya habang hinihigpitan ang kapit sa manibela.“Putangina,” mahina niyang bulong, kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.Mali. Mali ang lahat. Hindi dapat siya nagkagusto kay Megan.Babaeng gusto ni Primo.“Ang tanga mo, Enzo,” bulong niya ulit sa sarili.Maya-maya pa, lumabas siya ng sasakyan at dumiretso sa elevator. Pinindot niya ang button papunta sa penthouse floor, at habang paakyat ang elevator, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mukha ni Megan. Ang lungkot sa mga mata nito, ang panginginig ng kanyang mga kamay, ang hindi nito pagsagot sa kanya matapos niyang sabihi
Hindi nag-aksaya ng oras si Primo.Pagkabigay sa kanya ni Enzo ng address ni Megan, agad siyang nagmaneho patungo sa opisina ng kanyang ama—si Apolo Giovanni. Alam niyang may malaking posibilidad na hindi ito pumayag sa hinihingi niya, pero wala na siyang pakialam.Pagkapasok niya sa maluwang at modernong opisina ni Apolo, diretso siyang lumapit sa ama, hindi man lang naghintay ng imbitasyon.“Ibalik mo si Megan sa akin,” diretsong sabi niya, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Nilingon siya ni Apolo mula sa desk nito, ang kanang kamay ay hawak ang isang basong whiskey habang ang kaliwa ay nakasandal sa armrest ng mamahaling leather chair. Pinagmasdan siya nito, tila sinusuri kung may halong biro ang sinasabi niya.Nang walang marinig na sagot, mas lalong humigpit ang panga ni Primo.“Papakasalan ko si Allison,” dagdag niya, mas matigas ang boses. “Ibabalik mo lang si Megan.”Tahimik.At pagkatapos ng ilang segundo, isang mahinang tawa ang pumuno sa opisina.Natawa si Apolo.Isang mababaw,
Sa kabila ng malakas na ulan at malamig na hangin, walang inisip si Primo kundi si Megan.Pinagmasdan niya ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Naroon lang ito sa tapat ng bookstore, nakaupo sa bench, nakayakap sa sarili, wari’y walang balak umalis hanggang sa tumila ang ulan.Sa loob ng ilang segundo, pinag-isipan ni Primo kung dapat ba siyang lumapit.Pero sa huli, hindi na niya nagawang pigilan ang sarili.Hawak ang itim niyang payong, lumabas siya ng kotse at tumawid sa kalsada. Hindi niya alintana ang dumadaang mga sasakyan, hindi niya alintana ang malakas na ulan na sumasalubong sa kanya—ang tanging nasa isip niya ay si Megan.Nakita niyang napatingin ito sa kanya.At ang ekspresyon sa mukha nito?Pagkabigla. Takot.At sakit.Parang gusto nitong tumakbo at magtago, pero nanatili lang itong nakaupo, tila hindi makapaniwala sa nakikita.Parang biglang bumagal ang oras.Sa bawat hakbang ni Primo papalapit kay Megan, mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya.At sa oras na
Bagsak si Megan sa pintuan ng kanyang inuupahang apartment, basang-basa, nangangatog, at wala nang lakas para bumangon.Mula nang iwan siya ni Primo sa gitna ng ulan, hindi na tumigil ang sakit na bumabalot sa kanya. Ang lamig na dulot ng basang damit niya ay walang sinabi sa ginaw na bumabalot sa kanyang puso.Nakapayakap siya sa sarili, mahigpit na nakakapit sa itim na payong na iniwan ni Primo.Diyos ko…Parang bumabalik-balik sa tenga niya ang boses nito, ang pakiusap, ang lungkot, ang desperasyon sa mga mata nito.“Umuwi ka na, please. Umuwi ka na sa ‘kin, Megan.”Napalunok siya, pilit pinipigilan ang panibagong bugso ng iyak. Pero hindi niya kaya.Para siyang isang basong puno na ng tubig—isang patak na lang, aapaw na.At doon na siya tuluyang bumigay.Napahagulgol siya, ni hindi na nag-abala pang alisin ang basa niyang damit. Umupo siya sa sahig, yakap ang payong na tila iyon lang ang natitirang koneksyon niya kay Primo.Diyos ko, gusto niyang bumalik.Gusto niyang habulin ito,
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag