Share

Chapter 56

Author: Amaya
last update Huling Na-update: 2025-02-15 22:46:59

Hindi nag-aksaya ng oras si Primo.

Pagkabigay sa kanya ni Enzo ng address ni Megan, agad siyang nagmaneho patungo sa opisina ng kanyang ama—si Apolo Giovanni. Alam niyang may malaking posibilidad na hindi ito pumayag sa hinihingi niya, pero wala na siyang pakialam.

Pagkapasok niya sa maluwang at modernong opisina ni Apolo, diretso siyang lumapit sa ama, hindi man lang naghintay ng imbitasyon.

“Ibalik mo si Megan sa akin,” diretsong sabi niya, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Nilingon siya ni Apolo mula sa desk nito, ang kanang kamay ay hawak ang isang basong whiskey habang ang kaliwa ay nakasandal sa armrest ng mamahaling leather chair. Pinagmasdan siya nito, tila sinusuri kung may halong biro ang sinasabi niya.

Nang walang marinig na sagot, mas lalong humigpit ang panga ni Primo.

“Papakasalan ko si Allison,” dagdag niya, mas matigas ang boses. “Ibabalik mo lang si Megan.”

Tahimik.

At pagkatapos ng ilang segundo, isang mahinang tawa ang pumuno sa opisina.

Natawa si Apolo.

Isang mababaw,
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 57

    Sa kabila ng malakas na ulan at malamig na hangin, walang inisip si Primo kundi si Megan.Pinagmasdan niya ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Naroon lang ito sa tapat ng bookstore, nakaupo sa bench, nakayakap sa sarili, wari’y walang balak umalis hanggang sa tumila ang ulan.Sa loob ng ilang segundo, pinag-isipan ni Primo kung dapat ba siyang lumapit.Pero sa huli, hindi na niya nagawang pigilan ang sarili.Hawak ang itim niyang payong, lumabas siya ng kotse at tumawid sa kalsada. Hindi niya alintana ang dumadaang mga sasakyan, hindi niya alintana ang malakas na ulan na sumasalubong sa kanya—ang tanging nasa isip niya ay si Megan.Nakita niyang napatingin ito sa kanya.At ang ekspresyon sa mukha nito?Pagkabigla. Takot.At sakit.Parang gusto nitong tumakbo at magtago, pero nanatili lang itong nakaupo, tila hindi makapaniwala sa nakikita.Parang biglang bumagal ang oras.Sa bawat hakbang ni Primo papalapit kay Megan, mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya.At sa oras na

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 58

    Bagsak si Megan sa pintuan ng kanyang inuupahang apartment, basang-basa, nangangatog, at wala nang lakas para bumangon.Mula nang iwan siya ni Primo sa gitna ng ulan, hindi na tumigil ang sakit na bumabalot sa kanya. Ang lamig na dulot ng basang damit niya ay walang sinabi sa ginaw na bumabalot sa kanyang puso.Nakapayakap siya sa sarili, mahigpit na nakakapit sa itim na payong na iniwan ni Primo.Diyos ko…Parang bumabalik-balik sa tenga niya ang boses nito, ang pakiusap, ang lungkot, ang desperasyon sa mga mata nito.“Umuwi ka na, please. Umuwi ka na sa ‘kin, Megan.”Napalunok siya, pilit pinipigilan ang panibagong bugso ng iyak. Pero hindi niya kaya.Para siyang isang basong puno na ng tubig—isang patak na lang, aapaw na.At doon na siya tuluyang bumigay.Napahagulgol siya, ni hindi na nag-abala pang alisin ang basa niyang damit. Umupo siya sa sahig, yakap ang payong na tila iyon lang ang natitirang koneksyon niya kay Primo.Diyos ko, gusto niyang bumalik.Gusto niyang habulin ito,

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 59

    Sa kalagitnaan ng tahimik na gabi, isang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng engrandeng mansion ng pamilya Giovanni. Bumaba mula rito sina Laurence, Sunny, at Alice—tatlong magkakapatid na lumaki kasama si Primo. Hindi nila matiis ang balitang bumalot sa kanilang pinsan sa nakalipas na mga araw.Tahimik na tinitigan ni Laurence ang mansyon bago lumingon sa kanyang mga kapatid.“Sigurado ba kayo rito?” tanong niya, mababa ang boses.“Tito Apolo ang kakausapin natin, hindi si Primo,” sagot ni Sunny, halatang may pag-aalinlangan. “Kailangan nating malaman kung anong nangyayari.”Tahimik lang si Alice, nakayuko, waring nag-iisip. Alam niyang hindi magiging madali ang gabing ito.Hindi nagtagal, pumasok sila sa mansion, sinalubong ng mga malalaking chandelier at mamahaling palamuti. Ngunit sa kabila ng marangyang paligid, may mabigat na atmospera ang buong bahay—tila may unos na nagbabanta sa pagdating nila.Nasa sala nila natagpuan ang kanilang tiyuhing si Apolo Giovanni, nakaupo sa

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 60

    Malalim na gabi na, pero sa loob ng kwarto ni Primo Giovanni, walang katahimikan.BAG!Isang baso ang tumama sa pader, nagkalasog-lasog sa sahig. Tumulo ang natirang alak mula rito, sumama sa pinaghalo-halong basag na bote, papel, at mga sirang gamit na nagkalat sa buong silid.Hingal na hingal si Primo, nakatayo sa gitna ng gulo, namumula ang mga mata at kumikibot ang panga. Mula sa kama niya, nagkalat ang mga punit-punit na larawan, mga bagay na minsang may halaga sa kanya—ngayon ay walang ibang silbi kundi paalala ng isang bagay na hindi na niya maibabalik.Hawak niya ang kamao niyang duguan, hindi na mabilang kung ilang beses niyang inuntog sa dingding o ibinalibag sa mesa. Pero wala siyang pakialam. Ang sakit na nararamdaman niya sa loob ay mas matindi kaysa sa anumang pisikal na sugat.Mabigat siyang napaluhod sa sahig, humihingal. Nanginginig ang kanyang balikat habang unti-unti siyang nilamon ng pagkawasak.Megan.Ang pangalan niya ay paulit-ulit na sumisigaw sa isip niya, isa

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 61

    Ang makina ng sasakyan ni Matteo ay dumadungaw sa dilim ng kalsada, ang mga ilaw mula sa headlights ng kotse ay nagsisilbing gabay sa kanyang daraanan. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi siya makapag-concentrate sa kalsadang tinatahak. Ang utak niya ay puno ng mga alaala—mga salitang binitiwan ni Primo, mga damdamin ng isang kapatid na tila nakalimutan na ang mga pinakamahalagang bagay sa buhay.Sa bawat kanto at pagliko na tinatahak niya, paulit-ulit niyang naririnig ang mga huling salitang sinabi ni Primo. Nakaramdam siya ng sakit sa bawat salitang binitiwan ng kapatid, dahil alam niyang iyon ang sakit na matagal na niyang tinago.“Wala na akong pakialam sa kumpanya, wala na sa akin si Megan… may mas isasakit pa ba don?”Matagal na niyang hindi naramdaman ang sakit ng pagkawala ng isang minamahal. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang sakit ay bumalik sa kanya, mas matindi kaysa dati. Ibinuhos ng kapatid ang lahat ng kanyang hinagpis at galit—maging ang pagsisi sa kanilang magulang na

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 62

    Habang pumasok si Matteo sa mansyon, agad niyang naramdaman ang kakaibang tensyon sa paligid. Isang malamig na hangin ang pumapalo sa mga bintana ng malaking sala, ngunit hindi ito ang pinakamalaking bagay na tumama sa kanya. Sa gitna ng silid, nakita niya ang kanyang ama, si Apolo Giovanni, nakaupo sa isang magarang upuan, katabi ang isang lalaking hindi niya kilala. Ang lalaking iyon ay abala sa pagbibigay ng isang brown envelope kay Apolo. Napansin niyang may kakaibang ekspresyon ang lalaki, at hindi na siya nagdalawang-isip nang makita ang kaakit-akit na posisyon ng brown envelope sa mga kamay nito.Mabilis siyang lumapit. Hindi na niya inintindi kung anu-anong mga alingawngaw sa bahay ang kanyang nilalakad—ang mga tunog ng bawat yapak ng sapatos ay tila tumatakbo sa kanyang isipan. Matapos lang ilang sandali, naramdaman na niyang naroroon na siya sa harap ng dalawang tao.“Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Apolo, ngunit walang halong galit sa tinig nito. Isang malamig na ton

    Huling Na-update : 2025-02-18
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 63

    Sa loob ng isang pribadong opisina sa Giovanni Group Headquarters, nakaupo si Apolo Giovanni sa kanyang upuan habang matamang nakikinig sa isang ulat mula sa kanyang assistant. Sa harap niya, isang serye ng mga dokumento ang nakalatag sa mesa—mga papeles na may kinalaman sa kasal nina Primo at Allison.“Sir, finalized na po ang wedding preparations for next week,” ulat ng kanyang assistant. “Nakipag-ugnayan na rin po kami sa hotel at sa event organizers.”Ngunit sa halip na aprubahan ang nasabing plano, tumaas ang kilay ni Apolo at ngumiti nang mapakla. Sa kanyang isipan, hindi na kailangang maghintay pa ng isang linggo. Kung gusto niyang siguruhin na matutuloy ang kasal, mas mabuti nang madaliin ito.“Hindi na next week,” malamig niyang sabi habang tumatayo mula sa kanyang upuan. “Gawin itong sa susunod na dalawang araw.”Nagkatinginan ang kanyang mga tauhan, bakas sa kanilang mukha ang gulat at alinlangan. “Sir, dalawang araw na lang po ’yon—”“Hindi ako nagpapaliwanag,” matigas na

    Huling Na-update : 2025-02-18
  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 64

    Sa isang private room sa isang high-rise building sa sentro ng lungsod, nakaupo si Primo Giovanni sa isang black leather chair, tahimik at walang emosyon habang nakatitig sa kanyang cellphone screen. Sa notification bar nito, sunod-sunod ang spam calls mula sa kanyang mga pinsan—Sunny, Alice, at Laurence.Alam na niya kung bakit.Mula sa kabilang bahagi ng kwarto, nakatayo si Carlisle Jimenez, ang pinakapinagkakatiwalaang secretary ng kanyang ama. Ngunit ngayong gabing ito, hindi si Apolo Giovanni ang sinusunod ni Carlisle—si Primo.“Hindi mo sasagutin?” tanong ni Carlisle habang tinataasan ng kilay ang binata.Primo smirked, tiningnan lang saglit ang cellphone niya bago ibinulsa ito. “Alam ko na ang sasabihin nila,” malamig niyang sagot. “Pero wala nang dahilan para makinig pa ako.”Napatango si Carlisle, saka lumapit sa lamesang naroon at kinuha ang isang folder. “Kailangan mo itong makita,” aniya, binuksan ang folder at inilapag sa harapan ni Primo.Isang serye ng mga dokumento ang

    Huling Na-update : 2025-02-18

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 122

    Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 121

    Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 120

    Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 119

    Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 118

    Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 117

    Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 116

    Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 115

    Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka

  • Accidentally Married To A Billionaire’s Son   Chapter 114

    Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status