Habang pumasok si Matteo sa mansyon, agad niyang naramdaman ang kakaibang tensyon sa paligid. Isang malamig na hangin ang pumapalo sa mga bintana ng malaking sala, ngunit hindi ito ang pinakamalaking bagay na tumama sa kanya. Sa gitna ng silid, nakita niya ang kanyang ama, si Apolo Giovanni, nakaupo sa isang magarang upuan, katabi ang isang lalaking hindi niya kilala. Ang lalaking iyon ay abala sa pagbibigay ng isang brown envelope kay Apolo. Napansin niyang may kakaibang ekspresyon ang lalaki, at hindi na siya nagdalawang-isip nang makita ang kaakit-akit na posisyon ng brown envelope sa mga kamay nito.Mabilis siyang lumapit. Hindi na niya inintindi kung anu-anong mga alingawngaw sa bahay ang kanyang nilalakad—ang mga tunog ng bawat yapak ng sapatos ay tila tumatakbo sa kanyang isipan. Matapos lang ilang sandali, naramdaman na niyang naroroon na siya sa harap ng dalawang tao.“Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Apolo, ngunit walang halong galit sa tinig nito. Isang malamig na ton
Sa loob ng isang pribadong opisina sa Giovanni Group Headquarters, nakaupo si Apolo Giovanni sa kanyang upuan habang matamang nakikinig sa isang ulat mula sa kanyang assistant. Sa harap niya, isang serye ng mga dokumento ang nakalatag sa mesa—mga papeles na may kinalaman sa kasal nina Primo at Allison.“Sir, finalized na po ang wedding preparations for next week,” ulat ng kanyang assistant. “Nakipag-ugnayan na rin po kami sa hotel at sa event organizers.”Ngunit sa halip na aprubahan ang nasabing plano, tumaas ang kilay ni Apolo at ngumiti nang mapakla. Sa kanyang isipan, hindi na kailangang maghintay pa ng isang linggo. Kung gusto niyang siguruhin na matutuloy ang kasal, mas mabuti nang madaliin ito.“Hindi na next week,” malamig niyang sabi habang tumatayo mula sa kanyang upuan. “Gawin itong sa susunod na dalawang araw.”Nagkatinginan ang kanyang mga tauhan, bakas sa kanilang mukha ang gulat at alinlangan. “Sir, dalawang araw na lang po ’yon—”“Hindi ako nagpapaliwanag,” matigas na
Sa isang private room sa isang high-rise building sa sentro ng lungsod, nakaupo si Primo Giovanni sa isang black leather chair, tahimik at walang emosyon habang nakatitig sa kanyang cellphone screen. Sa notification bar nito, sunod-sunod ang spam calls mula sa kanyang mga pinsan—Sunny, Alice, at Laurence.Alam na niya kung bakit.Mula sa kabilang bahagi ng kwarto, nakatayo si Carlisle Jimenez, ang pinakapinagkakatiwalaang secretary ng kanyang ama. Ngunit ngayong gabing ito, hindi si Apolo Giovanni ang sinusunod ni Carlisle—si Primo.“Hindi mo sasagutin?” tanong ni Carlisle habang tinataasan ng kilay ang binata.Primo smirked, tiningnan lang saglit ang cellphone niya bago ibinulsa ito. “Alam ko na ang sasabihin nila,” malamig niyang sagot. “Pero wala nang dahilan para makinig pa ako.”Napatango si Carlisle, saka lumapit sa lamesang naroon at kinuha ang isang folder. “Kailangan mo itong makita,” aniya, binuksan ang folder at inilapag sa harapan ni Primo.Isang serye ng mga dokumento ang
Tahimik na nag-aayos si Megan ng mga librong bagong dating sa isang wooden shelf sa bookstore. Kumikilos siya nang kalmado, pero ang bawat pahina ng librong hinahawakan niya ay tila hindi nagrerehistro sa kanyang isipan. Sa tapat ng cashier counter, isang maliit na TV ang naka-on, at doon niya narinig ang balitang bumalot sa buong lungsod ngayong araw—ang biglaang pagpapabilis ng kasal nina Primo Giovanni at Allison Arcelli. “Mula sa orihinal na petsang itinakda sa susunod na linggo, inanunsyo ngayon ng pamilya Giovanni na gaganapin na ang engrandeng kasalan sa loob ng dalawang araw. Ayon sa mga insider, ito ay isang private event ngunit inaasahang dadaluhan ng pinakamalalaking pangalan sa industriya…” Sumisikip ang dibdib ni Megan habang pinapanood ang news anchor na may malawak na ngiti sa labi habang ine-explain ang lahat. Kasunod nito, ipinakita sa screen ang larawan nina Primo at Allison mula sa isang photoshoot—isang larawang puno ng kasinungalingan. Sa unang tingin, para s
Nagkakagulo na sa loob ng headquarters ng Arcelli & Giovanni Company. Ilang executives ang nagmamadaling naglalakad sa hallways, bitbit ang kani-kanilang mga telepono, habang ang iba naman ay abala sa pagdampot ng mga dokumentong nagkalat sa conference room.“Ano’ng ibig sabihin nito?!” sigaw ng isang board member, sabay hampas ng papel sa mesa. “Paano ito nangyari nang hindi natin nalalaman?!”“Impossible! Wala tayong natanggap na kahit anong babala tungkol dito! How did Primo Giovanni acquire 35% of Arcelli Group’s shares?!”Ilang ulit nang binabasa ng mga executive ang report, pero hindi pa rin nila maintindihan. Si Primo, na dating walang direktang kontrol sa Arcelli Group, ngayon ay may hawak nang 35% shares—isang mas malaking porsyento kaysa sa mismong 10% shares ni Apolo Giovanni.Ibig sabihin… may mas malaking kapangyarihan na ngayon si Primo kaysa sa ama niya pagdating sa kumpanya ng Arcelli!BLAG!Tumilapon ang isang mamahaling baso sa pader ng Giovanni Mansion, tumalsik ang
Nagmamadaling pinatakbo ni Primo ang kanyang sasakyan, ang mga daliri niya ay mahigpit na nakakapit sa manibela. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa matinding determinasyon.Kailangan niyang makarating sa villa kung nasaan sina Sunny, Laurence, at Alice. Hindi pa tapos ang laban. Alam niyang nagwawala na ngayon ang kanyang ama matapos niyang agawin ang 35% shares ng Arcelli Group. At alam din niyang hindi siya basta-basta titigilan nito.Pero handa na siya sa kahit anong laban.Binuksan niya ang Bluetooth earpiece at tinawagan si Laurence.“Bro, on the way na ako. May kailangan tayong pag-usapan—”BEEP. BEEP. BEEP.Napalunok siya nang biglang mawalan ng signal ang tawag. Kasabay noon, napansin niyang parang sobrang tahimik ng highway. Kanina lang ay may ilan pang sasakyan sa likod at harap niya, pero ngayon… parang sila na lang ng kalsada ang natitira.Something’s wrong.Mabilis niyang sinilip ang rearview mirror.Isang van ang biglang bumuntot sa ka
Nagmamadaling ipinarada ni Primo ang sasakyan sa harapan ng villa. Halos wala na siyang lakas matapos ang laban kanina, pero hindi niya maaaring huminto ngayon.Bumukas ang malalaking kahoy na pinto, at lumabas sina Sunny, Laurence, at Alice.Napanganga si Sunny nang makita ang itsura ni Primo. “Tangina, anong nangyari sa’yo?!”“Primo, you’re bleeding!” sigaw ni Alice, mabilis na lumapit para tingnan ang sugat niya sa gilid ng labi at braso.Habang si Laurence naman ay sumandal sa pinto, nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ang duguang anyo ng pinsan nila. “What the hell did you do this time?”Dahan-dahang bumaba si Primo mula sa sasakyan, kahit ramdam niya ang bigat ng katawan niya. Inabot niya ang tissue sa loob ng bulsa niya at pinunasan ang dugo sa labi.“Pinapadampot ako ni Apolo,” mahinahon niyang sagot.Biglang natahimik ang tatlo.Nagkatinginan sila, hindi alam kung paano magre-react.Si Alice ang unang nagbitaw ng tanong. “Wait, what? Gusto kang ipapatay ng sarili mong ama
Malalim na ang gabi. Tahimik ang paligid ng maliit na bookstore kung saan nagtatrabaho si Megan. Nakapatay na ang karamihan sa mga ilaw sa loob, senyales na malapit na itong magsara.Sa labas, isang itim na van ang nakaparada sa di kalayuan. Sa loob nito, nakaupo sina Primo, Laurence, Sunny, at Alice, pawang seryoso ang mga mukha.“Alright,” sabi ni Laurence, nakatingin sa phone kung saan may nakalabas na CCTV footage ng loob ng bookstore. “She’s still inside. May isa pang customer, pero mukhang paalis na rin.”“Anong plano?” tanong ni Alice, nag-aadjust ng earpiece niya.Primo looked out the window, staring at the glass doors of the bookstore. His grip tightened. “We take her quietly. Walang gulatan, walang ingay. Kapag lumabas siya, kunin natin siya agad bago pa siya makatawag ng tulong.”Napabuga ng hangin si Sunny. “Simple. Pero sure ka bang hindi siya sisigaw?”Napangiti si Laurence. “Eh ‘di takpan ang bibig.”Alice rolled her eyes. “Real smooth, Laurence.”“I’m just saying.”“Hu
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag