Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa stockroom. Tatlong araw na rin simula noong huli niyang nakita si Megan.Tatlong araw na puro inis, pag-aalala, at kaba ang nararamdaman ni Primo.Pinilit niyang huwag lumapit kay Megan. Kahit gustuhin man niyang puntahan ito, kahit halos mabaliw na siya sa hindi niya ito nakikita, pinigil niya ang sarili.Alam niyang hindi siya ang kailangan ni Megan ngayon.Pero p*tangina, paano siya mananahimik kung sa bawat sandali, naiisip niyang baka may mangyari na namang masama sa babae?At ngayon, habang nasa opisina niya at nagbabasa ng report tungkol sa isang bagong proyekto ng kumpanya, biglang tumunog ang cellphone niya.Nakita niya ang pangalan ng tumatawag—isang numero na hindi nakasave sa contacts niya, pero alam niya kung sino ito.Ang lalaking inutusan niyang magbantay kay Megan.Mabilis niyang sinagot ang tawag. “Ano?” malamig na tanong niya.“Boss, may kailangan kang malaman.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Primo. “Da
Ang tahimik na himpapawid ng hapon ay hindi sapat para pigilan ang bagyong bumabagabag sa loob ni Primo Giovanni.Sa bawat hakbang niya, sa bawat pagbilis ng tibok ng puso niya, isang bagay lang ang nasa isip niya—nasaan ang kanyang ama?Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras.Mula nang matanggap niya ang balitang may kumuha ng litrato kay Megan at nakita ang taong iyon sa kumpanya nila, hindi na siya mapakali.At ngayon, si Apolo Giovanni mismo ang biglang naglaho.Tangina! Ano bang binabalak ng matandang ’yon?!Walang sabi-sabing bumalik siya sa mansyon nila. Halos wasakin niya ang pinto nang bumungad siya sa loob, mabilis na inikot ang buong bahay na parang isang hayop na nagwawala.“Nasaan si Papa?!” halos pasigaw niyang tanong sa isang tauhan.Nagkatinginan ang ilang kasambahay, halatang nag-aalangan sumagot.“Wala po siya rito, sir. Umalis siya kaninang umaga pa—”Hindi na niya pinakinggan ang kasunod.Mabilis siyang lumabas at dumiretso sa sasakyan, agad na pinaarangkada
Tahimik na umagos ang luha ni Megan habang nakaupo siya sa gilid ng kama, yakap-yakap ang sariling katawan na tila umaasang kaya niyang pigilan ang sakit sa pamamagitan ng sariling init.Wala siyang ibang marinig kundi ang mahina niyang paghikbi at ang tunog ng aircon sa kanyang apartment.Pinipilit niyang kontrolin ang emosyon, pero kahit anong gawin niya, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha.Ang bigat.Ang sakit.Nanginginig ang mga kamay niyang pilit na pinupunasan ang pisngi, pero sa tuwing tatanggalin niya ang luha, panibagong patak ang pumapalit.Wala na siyang magagawa pa.Wala na siyang laban.Alam niya ‘yon, pero bakit parang hindi niya kayang tanggapin?Bakit kailangan pang dumating sa ganito?Itinukod niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha at pilit hinahawi ang mga alaalang gusto niyang kalimutan. Pero kahit anong pilit niyang isantabi ang pag-uusap nila ni Apolo Giovanni, parang may humihila sa kanya pabalik.Hanggang sa—BLAG!Napapitlag siya nang biglang bumukas nang m
Tahimik ang paligid nang makarating sila sa condo ni Primo.Sa loob ng sasakyan pa lang, ramdam na ni Megan ang bigat sa dibdib niya—pero hindi niya hahayaan na sirain nito ang gabing ito.Hindi muna ngayon.Sa gabing ito, gusto niyang makalimutan ang lahat.Gusto niyang sulitin ang sandali kasama si Primo, kahit pa alam niyang pagkatapos nito, babalik sila sa isang realidad na hindi na nila matatakasan.Tahimik siyang sumunod sa lalaki papasok ng unit. Pagkapasok nila, marahang isinara ni Primo ang pinto at tinitigan siya, pero hindi ito nagsalita.Kahit siya, hindi rin alam ang sasabihin.Pero nang marinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Primo, saka siya naglakas-loob na ngumiti.“Huwag na muna nating pag-usapan ang kahit ano, please.”‘Yun lang ang nasabi niya.Hindi siya sigurado kung nagulat si Primo, pero nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito.Mula sa pagiging tensyonado, dahan-dahan itong lumambot.At sa huli, hindi na nito inulit ang tanong.Sa halip, marahan siyang
Maagang nagising si Megan kinabukasan.Tahimik ang buong condo, at ang tanging naririnig niya ay ang marahang paghinga ni Primo mula sa kama. Napangiti siya habang nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog.Minsan lang niya itong makita sa ganitong estado—walang iniisip, walang iniindang problema.Mukhang payapa.At dahil gusto niyang sulitin ang araw na ito, dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama at naglakad papunta sa kusina.“Sana hindi ako sumabog.”Napatawa si Megan habang nakatayo sa harap ng stove, nagpiprito ng bacon.Nakasuot lang siya ng oversized shirt ni Primo—na halos lampas tuhod niya—at isang maikling cycling shorts. Kahit wala siyang planong lumabas, gusto niyang magmukhang presentable habang inihahanda ang breakfast nila.Sa loob ng tatlumpung minuto, nakapaghanda siya ng pagkain—fluffy pancakes, crispy bacon, scrambled eggs, at freshly brewed coffee.Nang makita ang kabuuang set sa lamesa, napangiti siya.“Sana matuwa siya,” bulong niya sa sarili.Tamang-tama n
Sa loob ng malawak at marangyang study room ng Giovanni Estate, isang tensyonadong katahimikan ang bumalot sa pagitan ng mag-amang Matteo at Apolo Giovanni.Nakatayo si Matteo sa harapan ng malaking kahoy na desk ng kanyang ama. Sa likod ni Apolo, may mga matataas na bookshelf na puno ng makakapal na libro—mga business strategy, kasaysayan ng pamilya, at ilang mga confidential files na walang ibang nakakaalam kundi ang mismong puno ng pamilya Giovanni.Sa kabila ng kalmadong ekspresyon ni Apolo, halata sa postura ni Matteo ang iritasyon.Matigas ang kanyang panga. Mahigpit ang kanyang pagkakakuyom sa kanyang kamao.At sa wakas, nagsalita siya.“Ginawa mo rin ba sa taong mahal ni Primo ang ginawa mo sa akin?”Diretso. Walang paligoy-ligoy.Ngunit imbes na magulat o magpakita ng reaksyon, nanatili lamang nakasandal si Apolo sa kanyang upuan. Walang nagbago sa ekspresyon nito—kalmado, ngunit may bahid ng malamig na awtoridad sa kanyang mga mata.Bagaman hindi siya sumagot agad, ang simpl
Tahimik na magkaharap sina Matteo at Francine sa isang maliit na lamesa sa sulok ng café.Sa pagitan nila, isang tasa ng hindi na malamig ngunit hindi na rin mainit na kape ang nakalagay sa harapan ni Matteo. Hindi niya ito ginagalaw. Sa halip, nakatutok lang ang tingin niya sa babaeng nasa harapan niya—ang babaeng matagal na niyang hindi nakikita.Si Francine.Tahimik ito, nakayuko at abala kunwari sa pagsasalansan ng mga resibo sa harapan niya, pero kita sa paraan ng paggalaw ng kanyang mga daliri na hindi siya kalmado.Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago nagpasya si Francine na basagin ito.“Ano bang sadya mo, Matteo?” Mahinahon niyang tanong, hindi pa rin nag-aangat ng tingin. “Hindi ka pwedeng magtagal dito. Kung may makakita sa’yo, baka makarating kay Apolo na bumalik ka sa café na ‘to.”Napangisi si Matteo, pero hindi iyon ngiti ng tuwa. “Matagal mo na akong hindi nakikita, pero si Papa pa rin ang unang pumasok sa isip mo?”Lumingon na sa wakas si Franc
Tahimik ang buong silid.Wala kang maririnig kundi ang mahinang tunog ng aircon at ang mabagal, malalim na paghinga ng lalaking katabi niya sa kama.Si Primo.Hubad ang kanyang pang-itaas, nakayakap kay Megan habang mahimbing na natutulog. Ang isang braso niya ay nakapulupot sa bewang ni Megan, para bang ayaw siyang pakawalan kahit sa panaginip.Pero si Megan, gising.Gising at tahimik na umiiyak.Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang ganito—nakahiga sa tabi ni Primo, tahimik na tinititigan ang mukha ng lalaking mahal na mahal niya.Mahal na mahal.Pero hindi niya kayang ipagsigawan.Hindi niya kayang ipaglaban.Dahil sa loob ng ilang oras, kailangang mawala siya sa buhay ni Primo.At ang mas masakit?Siya ang pumili nito.Hindi siya pinilit.Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.Dahan-dahang hinaplos ni Megan ang mukha ni Primo.Maingat, parang tinatandaan ang bawat bahagi nito—ang perpektong hugis ng kanyang panga, ang bahagyang magulong buhok, ang maka
Tahimik lang si Primo.Parang walang naririnig.Nakayuko ito habang patuloy na inilalabas ang mga damit ni Megan sa maleta, tila hindi tinanggap ang sinabi nito. Walang pag-aalinlangan sa bawat kilos niya, walang pag-aalinlangan sa bawat paghila niya ng damit mula sa loob at itinatapon ito pabalik sa kama, sa sahig—kahit saan, basta’t hindi sa maleta.Walang pakialam si Primo kung nagkakalat siya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang desperado.Ang tanging alam lang niya ay hindi niya kayang panoorin na muling lumalayo si Megan sa kanya.Pinanood siya ni Megan habang patuloy itong ginagawa ni Primo. Sakit ang namuo sa kanyang dibdib. Bakit ba hindi ito nakikinig? Bakit hindi niya maintindihan?Napapikit siya ng mariin bago tuluyang binitiwan ang isang pangungusap na parang kutsilyong tumarak sa puso ni Primo.“Let me leave, Primo.”Napatigil si Primo.Dahan-dahan siyang humarap kay Megan.Sa isang iglap, parang isang dagok ang tumama sa kanyang dibdib. Para siyang nauubusan ng
Tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Mabigat ang bawat hakbang ni Megan papasok, tila binabalot ng hindi maipaliwanag na lungkot at pagkabalisa ang kanyang buong katawan.Malalim siyang huminga, pilit pinipigil ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Ngunit habang binabalikan niya ang lahat ng nalaman niya kanina mula kay Allison, hindi niya mapigilang muling mapaluha.Napatingin siya sa paligid ng condo—sa lugar na naging tahanan nilang dalawa ni Primo. Dito niya naramdaman kung paano mahalin at mahalin muli. Dito niya inisip na, sa wakas, natagpuan na niya ang lugar kung saan siya nababagay. Pero ngayon, parang hindi na siya dapat manatili rito.Dahan-dahan siyang lumapit sa aparador at hinila ang kanyang maleta. Isa-isa niyang inilagay ang kanyang mga damit sa loob, mabilis at may panggigigil, habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha.Sa bawat piraso ng damit na inilalagay niya sa maleta, pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya. Napakaraming beses na niyang pin
Tahimik na dumukot si Allison mula sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ang ilang piraso ng lumang litrato at dahan-dahang inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. “Tingnan mong mabuti, Megan,” aniya, may bahagyang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Megan. Hindi agad gumalaw si Megan. Tila may bumabara sa kanyang lalamunan, hinihigop ng takot ang kanyang kakayahang huminga. Pero sa kabila ng panghihina, dahan-dahan niyang inabot ang litrato. At nang makita niya ang laman nito, nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano…?” Halos mabitawan niya ang papel. Nanginginig ang kanyang kamay habang unti-unti niyang sinuri ang imahe sa kanyang harapan. Tatlong kabataan ang nasa larawan, mukhang nasa high school pa lang. Magkakaakbay ang mga ito, nakangiti at tila ba walang anumang alalahanin sa buhay. Ngunit ang ikinagulat ni Megan ay ang mga taong naroon sa larawan. Si Alfred Davis—ang kanyang ama. Si Elisse Renaldi—ang kanyang ina. At si Apolo Giovanni—ang ama ni Primo
Tahimik ang umaga sa café. Hindi tulad ng mga nagdaang araw na dagsa ang mga customer, ngayon ay tila nagpapahinga ang buong paligid. Ang tanging ingay lamang ay ang marahang tunog ng coffee machine at ang pagkalansing ng mga tasa habang inaayos ni Megan ang mga ito sa counter.Inilipat niya ang tingin sa labas ng bintana. Maaliwalas ang araw, ngunit kahit pa gaano kaganda ang panahon, pakiramdam niya ay may bumabagabag sa kanya—isang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib.DING!Biglang tumunog ang maliit na kampanilya sa ibabaw ng pinto, hudyat na may bagong pasok na customer.Napalingon si Megan, ngunit nang makita kung sino ito, agad siyang nanigas.Si Allison.Dahan-dahang pumasok ang babae sa loob ng café, ang matatalim na mata nito ay nakatuon sa kanya. Nakatayo ito nang may kumpiyansa, may bahagyang ngiti sa labi na hindi niya alam kung totoo o pang-aasar lang.Naramdaman ni Megan ang panginginig ng kanyang mga daliri habang mahigpit na hinawakan ang tray na hawak niya.
Nagmamaneho si Primo nang hindi alintana ang bilis ng kanyang sasakyan. Masyado siyang naalog sa mga rebelasyong ibinunyag ni Enzo. Ang buong buhay niya, ang alam niya lang ay si Apolo Giovanni ang haligi ng pamilya, isang lalaking walang kinatatakutan, matalino at makapangyarihan, at higit sa lahat—hindi kailanman nagkakamali. Ngunit ngayon, isang nakatagong katotohanan ang unti-unting nagbabagsak sa imaheng iyon.“Totoo ba?”Ang paulit-ulit na tanong sa isip niya. Totoo bang ang lalaking inidolo niya noon ay siyang naging dahilan ng trahedya sa buhay ng babaeng minamahal niya?Mabilis siyang bumaba ng sasakyan pagkarating sa mansion at halos hindi na nag-abala pang iparada ito ng maayos. Sa labas pa lang, nakasalubong na niya si Charlisle, ang matagal nang assistant ni Apolo.“Nasan si Dad?” malalim at matigas ang boses ni Primo, halatang pinipigilan ang kanyang emosyon.Nag-aalangang sumagot si Charlisle ngunit sa huli, tumango ito.“Kakauwi lang niya galing sa business meeting.”
Tahimik sa loob ng opisina. Ang tanging maririnig ay ang patuloy na tikatik ng wall clock sa gilid at ang marahang paghinga ng dalawang taong magkaharap. Sa harapan ng malawak na mesa, nakaupo si Enzo, nakaakbay sa sandalan ng upuan, waring walang pakialam. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon, may dumadagundong na emosyon.Si Allison naman ay nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa habang ang kabila ay mahigpit na nakahawak sa mga lumang litrato nina Elisse, Alfredo, at Apolo.“Tama ba ang dinig ko?” malamig na tanong ni Enzo matapos marinig ang buong kwento mula kay Allison.Tumango si Allison, titig na titig sa kanya. “Oo. Ngayon alam mo na kung anong koneksyon ni Megan kay Primo—at higit sa lahat, kung paano natin ito magagamit para paghiwalayin sila.”Nanatili siyang walang reaksyon. Sa loob-loob niya, hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa koneksyon nina Megan at Primo, kundi dahil sa kung anong binabalak gawin ni Allison.Sa halip na magp
Tahimik na nakaupo si Allison sa kanyang opisina, nakasandal sa upuan habang sinusuri ang mga papeles sa kanyang mesa. Sa labas ng bintana, kitang-kita ang malawak na cityscape, ngunit hindi iyon ang nasa isip niya ngayon. Ilang linggo na siyang balisa—mula nang bumalik si Megan sa buhay ni Primo, wala na siyang ginawa kundi pagmasdan ang bawat kilos ng babae. Alam niyang hindi niya basta-basta mapapatumba si Megan nang walang matibay na bala.At ngayon, narito na ang sagot sa kanyang matagal nang hinihintay.Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking inutusan niyang imbestigahan si Megan. May hawak itong isang brown envelope at diretsong lumapit sa kanya. Hindi ito umupo, halatang seryoso ang ekspresyon nito.“Allison, narito na ang lahat ng impormasyon tungkol kay Megan,” anito, inilapag ang envelope sa mesa.Agad itong kinuha ni Allison at walang pag-aalinlangan na binuksan. Isa-isang lumabas mula sa envelope ang mga lumang litrato—mapurol na ang kulay, halatang dekada na ang lumipa
Tahimik na naglalakad si Primo sa loob ng isang high-end na jewelry store. Mamahalin ang bawat piraso ng alahas na naka-display sa mga glass cases—mga singsing na may nagkikislapang brilyante, kuwintas na puno ng kinang, at pulseras na gawa sa pinakamahuhusay na materyales. Ngunit isa lang ang dahilan kung bakit siya narito.Isang engagement ring.Sa wakas, gusto na niyang pakasalan si Megan.Isang totoong kasal na nararapat para sa babaeng katulad ni Megan. Marami na silang pinagdaanan, at alam niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok. Pero sa halip na matakot, mas lalo niyang nararamdaman ang kagustuhang makasama ito habang buhay. Gusto niyang harapin ang anumang unos nang magkahawak-kamay sila.“Magandang araw po, Sir! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?” bati ng isang saleslady na nakasuot ng eleganteng uniform at may propesyonal na ngiti.“Engagement ring,” diretsong sagot ni Primo habang tumingin sa paligid.Saglit na napataas ang kilay ng babae bago muling ngumiti. “Napaka
Tahimik ang paligid ng sementeryo, tanging ang mahihinang huni ng ibon at ang malamlam na ihip ng hangin ang maririnig. Ang dapithapon ay nagkulay kahel sa kalangitan, binibigyang-diin ang katahimikan ng lugar.Sa harap ng isang puntod, isang lalaking nakaitim ang nakaluhod, ang mga kamay ay marahang nakapatong sa malamig na marmol. Ang kanyang tikas at awtoridad, na kadalasang nagbibigay-takot sa iba, ay nawala. Wala ang mabangis na Apolo Giovanni—ang makapangyarihang negosyante, ang lalaking walang kinatatakutan.Ngayon, siya ay isang lalaking nabibigatan sa kanyang nakaraan.Dahan-dahang hinaplos ni Apolo ang ukit na pangalan sa lapida.Elisse Renaldi Davis.Mahina siyang huminga, parang sa bawat pagbuga ay inilalabas niya ang sakit na matagal nang nakabaon sa kanyang puso.“Elisse…” mahina niyang bulong, halos pinuputol ng bigat ng emosyon ang kanyang tinig.Sa likod niya, tahimik lang na nakatayo si Charlisle, ang kanyang matagal nang pinagkakatiwalaang sekretarya. Hindi siya nag