“Tapos ka na ba?” tanong muli ni Gwyneth.Tumigil si Liana, hindi siya sigurado sa binabalak niya, pero nangangati pa din siyang galitin si Gwyneth. “Hindi ko siya iiwan. Kahit na mag-abroad kayo, sasama ako. Sa tabi lang ako ni Asher—mahal niya ako. Hindi magiging masaya ang pagsasama ninyo habang nandito ako!”Ibinaba ni Gwyneth ang mga plato at sumingkit ang mga mata niya. “Tapos ka na? Ngayon, ako naman. Ito ang munting payo ko. Kung magiging kabit ka, galingan mo umarte at huwag ng magsalita.”Sinampal niya ng malakas si Liana, napalingon siya sa ibang direksyon sa lakas.Natapilok si Liana at natabig niya ang mangkok ng sabaw sa lamesa. Natalsikan siya ng sobrang init na sabaw, at sumigaw siya, “Aray! Ang init!”Napukaw ang atensyon ni Asher, at nagmadali siya sa kusina. “Anong nangyari, Lia?”Tumingala si Liana, ang kanang pisngi niya ay namumula sa sampal at ang kaliwang kamay naman namamaga at napaso. Galit niyang itinuro si Gwyneth na nananatiling malamig at malayo. “Ho
Baca selengkapnya