PAULINE "Congratulations sa 'yo, miss," pangco-congratulate sa akin ng security guard matapos kong sagutin lahat ng mga katanungan niya sa akin. I corrected him, too. Nginitian ko siya. "Maraming salamat po. Hindi po talaga ako makapaniwala na sa pamantasan na 'yan po ako mag-aaral ng kolehiyo. Kaya hindi ko po talaga maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon na nandito na po ako sa Maynila at kaharap ko ang pamantasan na magbibigay daan sa akin upang matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay," sagot ko nga sa kanya na nagpapasalamat. Nginitian niya rin ako pagkasabi ko. Tumango siya. "Walang anuman 'yon, miss. Naiintindihan naman na kita kaya kung bakit ganoon ang nakita namin sa 'yo kanina. Sorry kung napagkamalan ka namin ng kung anu-ano lalo na 'yung akala namin ay hindi ka nakapasa. Nagkamali kami pero ngayon ay alam ko na ang totoo. Kabaliktaran pala. Congratulations ulit sa 'yo," sabi niya sa akin. "Okay lang po 'yon, huwag mo na pong isipin pa 'yon. Hindi n'yo naman
Last Updated : 2025-03-02 Read more