PAULINE
Mahigit sampung oras ang naging biyahe ko mula sa probinsiya namin patungo dito sa Maynila kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Napagod ako sa buong biyahe. Pagkababa ko sa bus na nasakyan ko ay tinanong ko kaagad ang sarili ko kung saan na ako pupunta nito. Tumigil muna ako sa paglalakad. Binitawan ko muna 'yong dala-dala kong bag at inilapag sa may pahabang upuan na walang umuupo. May umuupo naman na tao ngunit doon sa kabilang banda. Dali-dali kong kinuha ang cell phone ko sa loob ng maliit kong bag para tawagan ang mga magulang ko at sabihin sa kanila na nandito na ako sa Maynila. Ako'y nakarating nang maayos at walang aberya sa aming biyahe. Pinangakuan ko pa naman sila na kapag nakarating na ako dito sa Maynila ay tatawagan ko kaagad sila. No'ng una ay hindi kaagad nila sinasagot ang tawag ko ngunit hindi ako tumigil hangga't sagutin na nila 'yon. Si mama ang may hawak ng cell phone kaya siya ang sumagot sa tawag ko. Nakahinga ako nang maluwag. Tinanong kaagad ako ni mama kung kumusta raw ang naging biyahe ko at mabilis ko naman na sinagot 'yon. Sinabi ko sa kanya na maayos naman ang naging biyahe ko at wala namang naging aberya sa daan. Sinabi ko pa sa kanya na kararating lang namin dito sa Maynila at sabihan na lang niya si papa at mga kapatid ko na nandito na ako. Ilang minuto lang ang naging pag-uusap namin ni mama sa kabilang linya. Pagkatapos na makausap ko siya ay tinawagan ko sumunod ang dalawang kaibigan ko para i-inform sila na nandito na ako sa Maynila. Hinatid nga nila ako sa terminal ng mga bus kahapon dahil 'yon ang sabi nila sa akin. Pinaalalahanan nila ako nang sasakay na ako sa loob ng bus na tawagan ko raw sila pagkarating ko dito sa Maynila. Um-oo naman nga ako sa kanila. At kahit hindi nila ako paalalahanin ay gagawin ko naman talaga 'yon dahil mga kaibigan ko sila at gusto ko na malaman nila kung ano na ang nangyayari sa akin. Mabilis rin lang naman ang naging pag-uusap namin. Tinatanong nila ako kung saan na ako pupunta. Wala akong ibang sinabi sa kanila ay kundi ang maghanap ng matutuluyan ko. Hindi puwedeng sa kalye o park ako matulog. Kahit boarding house ay okay na sa akin. At least ay may matutuluyan naman ako kahit papaano. Aarte pa ba ako n'yan? Syempre ay hindi na. Naisipan ko na tingnan kung nasaan ang university na papasukan ko kaya nagtanong-tanong ako sa mga taong nakakasalubong ko kung saan 'yon. Ang alam ko lang ay address ngunit hindi ko naman alam kung nasaan talaga 'yon. Mabuti kung kabisadong-kabisado ko ang buong Maynila. Hindi ako mahihirapan nito. First time ko pa naman dito sa Maynila. Kahit nakakatakot sa isang kagaya ko ay nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko. Nagpapasalamat naman ako sa bawat matatanungan ko kung saan nga ang hinahanap ko na university na pag-aaralan ko ng kolehiyo. Sumakay pa nga ako ng Jeep para makapunta doon. Namamangha ako sa dami ng mga taong nakikita ko lalo na sa mga nagsisigandahang mga sasakyan. Marami rin na nagsisitaasan na mga gusali na nakakatakot na umakyat lalo na kung nandoon ka na sa pinakataas. Tinginan sa akin ang mga pasahero sa loob ng Jeep lalo na sa dala kong malaking bag. They know that I came from the province. Iyong isa ngang babae kung makatingin sa akin ay para bang kakainin niya ako ng buhay sa sama ng tingin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Pagkababa ko sa nasakyan kong Jeep ay sumalubong sa akin ang isa sa mga pamosong pamantasan dito sa Maynila na ang ganda-ganda. Nasa labas pa lang ako ng campus ngunit tanaw na tanaw ko na ang ganda nito. Namamangha ako sa aking nakikita. Napapansin ko na sa akin ang tingin ng mga taong nakakakita sa akin lalo na 'yung mga naglalakad malapit sa akin habang nakatayo ako sa labas ng gate ng university na 'yon na manghang-mangha sa aking nakikita. Iyong iba nga tinaasan pa ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit. Iyong iba naman kung makatingin sa akin ay para bang nandidiri sa hitsura ko. Palibhasa ay halata naman na galing ako sa probinsiya. Hindi ko naman na nga sila pinansin pa. Hinayaan ko na lang sila habang ako ay ninanamnam ko ang mga sandaling kaharap ko ang pamantasan o university na pag-aaralan ko na sigurado akong magiging daan para matupad ko ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Naiiyak ako sa tuwa habang nakatingin pa rin ako doon. Sabihan na ako ng mga taong nakakita sa akin na nababaliw na ay wala akong pakialam. Pakialaman nila ang buhay nila. Palibhasa ay hindi naman nila nalalaman kung gaano ako kasaya ngayong nandito na ako sa Maynila lalo na kaharap ko ang pamantasan na sigurado ako na magiging daan para matupad ko ang mga pangarap ko. Ilang minuto na akong nakatayo doon habang tumutulo ang mga luha ko sa tuwa. Mayamaya ay unti-unti ko na ngang tinutuyo ang mga luha ko gamit ang aking panyo na dala-dala nasa bulsa ko lang naman. Panay sulyap na nga sa akin ang ilang security guards na nandoon sa may malaking gate ng university na 'yon hanggang isa sa kanila ay nilapitan ako. "Maaari ka po bang matanong, miss?" tanong sa akin ng isa sa mga security guards. Binasa ko muna ang ibaba kong labi gamit ang dila ko at huminga nang malalim bago nagsalita sa kanya. Napunasan ko na rin ang mga luha ko bago siya tuluyang nakalapit sa akin. "P-Puwede naman po," nauutal na sagot ko sa kanya. Nanginginig ang dalawang tuhod ko sa kaba dahil baka pagalitan niya ako. "A-Ano po ang itatanong mo sa akin?" "Ano po ba ang ginagawa mo dito sa tapat ng pamantasan na 'to? Kanina ka po namin napapansin na nakatayo na nakaharap sa loob ng campus. Napansin pa po namin na umiiyak ka, miss. May problema ka po ba? Nakapagtataka nga lang po na umiiyak ka na nakaharap sa loob ng pamantasan na 'yan. Ano po ba ang iniiyakan mo, miss? Hindi ka ba nakapasa sa pagte-take ng exam?" sunod-sunod na tanong ng security guard sa akin. Matatawa ba ako o maiinis sa mga tanong niya sa akin lalo na sa panghuling tanong niya kung hindi ba ako nakapasa sa pagte-take ng exam? Nilawakan ko na lang ang pang-iintindi ko dahil wala naman siyang alam kaya ganoon ang naitatanong niya sa akin. Muli akong huminga nang malalim bago sinagot ang mga katanungan niya at sasabihin ko na rin sa kanya na nakapasa ako sa exam at kaya ako naluluha ay dahil sa tuwa. I can't believe that I'm here.PAULINE "Congratulations sa 'yo, miss," pangco-congratulate sa akin ng security guard matapos kong sagutin lahat ng mga katanungan niya sa akin. I corrected him, too. Nginitian ko siya. "Maraming salamat po. Hindi po talaga ako makapaniwala na sa pamantasan na 'yan po ako mag-aaral ng kolehiyo. Kaya hindi ko po talaga maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon na nandito na po ako sa Maynila at kaharap ko ang pamantasan na magbibigay daan sa akin upang matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay," sagot ko nga sa kanya na nagpapasalamat. Nginitian niya rin ako pagkasabi ko. Tumango siya. "Walang anuman 'yon, miss. Naiintindihan naman na kita kaya kung bakit ganoon ang nakita namin sa 'yo kanina. Sorry kung napagkamalan ka namin ng kung anu-ano lalo na 'yung akala namin ay hindi ka nakapasa. Nagkamali kami pero ngayon ay alam ko na ang totoo. Kabaliktaran pala. Congratulations ulit sa 'yo," sabi niya sa akin. "Okay lang po 'yon, huwag mo na pong isipin pa 'yon. Hindi n'yo naman
PAULINE Inalis naman kaagad ng lalaki ang malaking katawan niya na nakadagan sa likuran ko kung saan siya napasubsob rin kagaya ko. Kung ako ay sa may poste, siya naman ay sa may likuran ko. Ang bigat-bigat niya kaya napapamura ako kanina. Dahan-dahan akong tumayo. Hinakawan niya ang kaliwang kamay ko para alalayan siguro ako na tumayo. Hinayaan ko lang siya. Habang hawak-hawak niya ang isa kong kamay ay pakiramdam ko ay may dumadaloy na kuryente sa katawan ko mula sa kanya dahilan upang lingunin ko siya kaagad. Nakita ko ang mukha niya. Guwapo siya. Matangkad. Matangos ang ilong at higit sa lahat ay malaki ang katawan.He's standing in front of him. Tindig pa nga lang niya ay kitang-kita na ang kanyang kakisigan. My heart started beating so fast when I saw him. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dumako ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi na unti-unti na bumubuka para magsalita sa aking harapan."Are you okay, miss?" malumanay na tanong niya sa akin. Boses pa nga lang niya ay a
PAULINE "Kakain ako sa loob ng restaurant na 'yan kaya ako papasok. It's already twelve noon, right? Haven't you noticed it? Or else you've done eating your lunch," seryosong sagot niya sa akin. Pagkarinig ko sa sinabi niyang 'yon sa akin ay bahagyang nanlaki ang dalawang mga mata ko, hindi dahil sa kakain siya sa loob ng restaurant na 'yon kaya siya papasok kundi sa oras na sinabi niya. Pasado alas dose na pala ng tanghali. Napamura ako sa aking isipan. Kaya pala kanina ko pa nararamdaman ang pagkalam ng aking tiyan ay dahil sa alas dose na ng tanghali at hindi pa ako kumakain ng lunch. Nawala sa isipan ko ang pagkain ng lunch sapagkat walang ibang laman ang isipan ko kundi ang makahanap ng trabaho na mapapasukan ko habang nag-aaral ako ng kolehiyo dito sa Maynila. Hindi ko talaga napansin sa kalalakad ko na twelve noon na pala. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. "How about you? Did you eat your lunch?" tanong niya sa akin. I was about to speak, but he asked me with that questi
PAULINE "Ang pangalan ko po ay Pauline Alonzo," pakilala ko sa kanya. "Galing po ako ng probinsiya para mag-aral dito sa Maynila ng kolehiyo."Natuwa siya pagkasabi ko sa kanya ng aking pangalan at kahit hindi niya ako tinatanong kung taga-saan ako ay sinabi ko na sa kanya para hindi na siya magtanong pa. Nakakasigurado ako na magtatanong siya kaya mas mabuti na unahan ko na siya. "O, talaga ba? You're from the province. Hindi ka pala taga-rito. Anyway, I'm so happy to meet you, Pauline. Now we know our names. Nakalimutan ko rin kasi na tanungin ang pangalan mo. But it's okay. Ang importante rin ay nalaman na natin kung ano ang pangalan natin. Am I right?" I smiled at him."Opo. Masaya rin po akong makilala ka," sabi ko nga sa kanya na nakangiti. Pangalan pa lang niya ay masasabi mo na hot at guwapo na. Bagay naman sa kanya ang pangalan niya. Never nagkamali ang mga magulang niya na 'yon ang ipangalan sa kanya. "You're an incoming freshman, right?" paninigurado pa niya sa akin na
PAULINE Bigla kong naisip na tanungin siya kung may alam ba siyang puwedeng mapagtrabauhan ko tutal kaharap ko naman siya. Baka sakaling matulungan niya ako kahit papaano. Sigurado ako na marami siyang mga kakilala. Alam ko na mayaman siya. I cleared my throat first and slowly opened my mouth and then asked, "May kakilala ka po ba na naghahanap ng puwedeng magtrabaho sa kanila? Kakapalan ko na po ang mukha ko sa harapan mo po tutal magkaharap naman po tayo. Magbabakasakali po ako na baka may kakilala ka na nangangailangan ng magtatrabaho sa tindahan nila o sa kahit ano pa. Kahit hindi siguro part-time job ay papayag na po ako basta may trabaho po ako."Kumunot muli ang noo niya sa sinabi kong 'yon sa kanya. "Paano ang pag-aaral mo n'yan?" tanong nga niya sa akin. Napanguso ako."Bahala na po. Magagawan ko na lang po 'yan ng paraan. Ang importante po ay may trabaho ako. Kung wala naman po akong pera n'yan ay hindi naman ako makakapag-aral n'yan, eh. Wala naman po sa aking iba na tutu
PAULINE "Hindi ko po alam," tanging sagot ko sa kanya matapos na tanungin niya ako kung pumapayag ako na maging sugar daddy siya. Wala akong maisip kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya 'yon ang tanging naisagot ko. "Bakit hindi mo alam, Pauline? Ayaw mo ba na maging sugar daddy ako? Wala namang masama sa pagiging sugar daddy, eh. At least natulungan kita. Wala rin naman akong karelasyon na babae. I'm single. Wala rin akong pamilya na kailangan na suportahan. Malaya ako na gawin ang gusto kong gawin kaya wala talagang problema. Uulitin ko muli sa 'yo na sabihin na kapag pumayag ka ay hindi mo na kailangan na maghanap pa ng trabaho lang para may panggastos ka araw-araw lalo na sa pag-aaral mo sa kolehiyo mo. I can give you a lot of money you want. I'll pay for your tuition fee until you finish your studies. Sagot ko lahat at kahit ano ang hingiin mo ay kaya kong ibigay sa 'yo. Totoo ang lahat ng sinasabi ko sa 'yo. Walang halong biro 'yon kaya maniwala ka sa sinasabi ko sa 'yo, Paul
PAULINE Naghanap pa rin ako ng puwedeng mapagtrabauhan ko kinabukasan ngunit ganoon pa rin ang nangyari. Walang tumatanggap sa akin na gusto ko rin ang magiging trabaho ko. May tumatanggap naman nga kaso nga lang ay hindi ko gusto dahil kapag pumayag ako ay hindi ako nito makakapag-aral. Mawawalan ako ng oras para mag-attend sa klase ko. Ayaw naman pakinggan ang sinasabi ko dahil kung ano raw ang sinasabi nila ay 'yon ang nararapat na mapangyari. Hindi raw sila ang maga-adjust para sa akin kundi ako raw. Kung iisipin ay tama naman sila sa sinasabi nila sa akin. Hindi sila ang maga-adjust kundi ako raw. They're right. Ang ginawa ko ay umalis na lang ako. Hindi ko na pinagsiksikan pa ang sarili ko sa kanila kung ayaw nila. Ang dami kong realizations sa buhay habang naghahanap ako ng trabaho. Mahirap pala ang maghanap ng trabaho lalo na kung hindi ka college graduate. Maraming aayaw sa 'yo kumpara sa mga nakapagtapos ng pag-aaral na kahit saan nila naisin na magtrabaho ay madali silang
MATTHEW I woke up early in the morning the next day. I'm so excited to see the woman who is the reason why I'm like this. Tumawag kagabi si Pauline sa akin at sinabi niya na hindi pa raw siya nakakahanap ng trabaho para matustusan ang pag-aaral niya ng kolehiyo dito sa Maynila. Sinabi niya rin sa akin na hindi na raw siya maghahanap pa. Pagod na raw siya. Wala namang nangyayari sa pagpapakapagod niyang ginagawa. Mabuti naman nga na na-realize niya na huwag na magpatuloy sa paghahanap ng trabaho na baka wala namang mangyari.Natutuwa ako na marinig 'yon mula sa kanya ngunit nandoon rin ang lungkot dahil naawa ako para sa sitwasyon niya. Ramdam ko naman kung gaano siya kapursige sa buhay at ka-determinado na matupad ang mga pangarap niya. She really wants to help her family. Kung pumayag kaagad siya sa akin na maging sugar daddy niya ako ay hindi na niya kailangan na mapagod pa. Nangyari na, wala na akong magagawa pa. Gusto niya na magkita kaming dalawa sa restaurant kung saan kami na
PAULINE Dali-dali na akong lumabas sa room namin dahil tapos na ang klase namin ngayong araw na 'to. Pinauna na akong lumabas ng kaibigan ko na si Angeline dahil may kailangan pa akong kitain ngayong hapon. Patakbong naglalakad na ako patungo sa parking area kung saan naka-park ang kotse ko. Habang papunta ko doon ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang babaeng kausap ni Matthew noong isang araw na isa sa mga professors sa university na 'to. Hindi ko siya kilala ngunit interesado akong malaman kung ano ang pangalan niya. Wala pa kasi akong oras para alamin kung ano ang pangalan niya.Nakangiti siya sa akin ngunit ako ay hindi ko man lang nagawang gantihan ang ngiti niyang 'yon sa akin. Kinunutan ko pa nga siya ng aking noo. We're not close kaya hindi dapat siya makipag-ngitian lalo na medyo naiinis ako sa pagmumukha niya. Maganda siya ngunit naiinis ako ngayon na kaharap ko siya. Siguro ay dahil kausap siya ni Matthew na kakilala niya o ano pa. Baka nga isa siya
MATTHEWNaisip ko na ikuwento sa kanya 'yong nangyari noong isang araw kung saan kaming dalawa nagse-sex ni Pauline. Hindi ko muna sinagot ang katanungan na 'yon sa akin ng kaibigan ko na si Edward James. Masasagot na rin naman ang katanungan niyang 'yon kapag kinuwento ko na sa kanya ang tungkol sa nangyaring 'yon noong isang araw."May iku-kuwento pala ako sa 'yo, bro," sabi ko sa kanya. "Sa iku-kuwento kong 'to sa 'yo ay masasagot na nito siguro ang katanungan mong 'yon sa akin."Tumango siya. "Sige, bro. Go ahead. Makikinig ako sa iku-kuwento mo sa akin," sabi niya na nakangiti. I smiled at him too. "Noong isang araw kasi habang nagse-sex kaming dalawa ni Pauline ay biglang may lumabas sa mga labi niya na—""Na ano, bro? Ano'ng lumabas sa mga labi niya? Did she orgasm on her mouth?" pabirong tugon ni Edward James sa akin na kinunutan ko naman ng noo."Of course not, bro. Narinig ko kasi na sinabi niya na mahal na raw niya ako habang nagse-sex kaming dalawa. Sarap na sarap siya s
MATTHEW Pangiti-ngiti pa nga ang kaibigan ko na si Edward James habang hinihintay ko na ibuka niya ang kanyang mga labi para sagutin ako. Hindi maiwasan na hindi ko muling ikunot ang aking noo sa harapan nga niya.''Bro, isa lang ang ibig sabihin n'yan kaya ka ganoon. She makes you happy and a lot of changes happened in your life because of her. Isa lang talaga ang ibig sabihin n'yan at 'yon nga ay ang may gusto ka na sa kanya, bro. You have feelings for her. Mahal mo na siya nang hindi mo namamalayan. Tinamaan ka na rin sa isang kagaya niya. Sinasabi ko na nga ba, bro. You're still a man. Hindi mo maiiwasan na hindi mahulog sa isang babae kahit ano pa ang gawin mo na pagpipigil sa sarili mo. There's nothing wrong with that, bro. You're still single and she's single. Walang problema na mahalin mo nga siya," seryosong paliwanag sa akin ng kaibigan ko na si Edward James.Hindi kaagad ako nakapagsalita matapos na sabihin niya 'yon sa akin. Kaya raw ako ganoon ay dahil sa mahal ko na nga
MATTHEW Napalunok muna ako ng aking laway ng dalawang beses at bumuga ng hangin bago nagsalita sa kaibigan ko na si Edward James na hinihintay ang isasagot ko sa kanya."Yeah, bro. Matagal-tagal ko pa nga siya n'yan na makakasama dahil hanggang makatapos siya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo ay dapat kasama ko pa siya. I promised her that, okay? Hindi ko siya dapat buguin sapagkat umaasa siya na makakatapos siya ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Gustong-gusto pa naman niya na makatapos ng pag-aaral para makatulong sa pamilya niya. Hindi ko siya bibiguin sa pangakong binitawan ko sa kanya," malumanay na sagot ko sa kaibigan ko na si Edward James na tumango-tango pagkasabi ko."I understand you, bro. You shouldn't break your promise to her because she'll get hurt for sure. Kailangan mo talagang panindigan o gawin ang pangako mo sa kanya," sagot niya sa akin. "You'll be a great help for her success, bro. Wala namang masama na tumulong, eh. You have the money and courage to help her so y
PAULINE Habang nasa university ako ay tumawag na naman sa akin ang ex-boyfriend ko na si Miguel. Nakukulitan na nga ako sa kanya. Wala pa naman kaming klase at isa pa ay hindi ko naman kasama si Matthew na sugar daddy ko. Hindi naman niya malalaman na may komunikasiyon pa rin kaming dalawa ng ex-boyfriend ko hanggang ngayon. Nagpaalam muna ako sa kaibigan ko na si Angeline na sasagutin ko muna ang tawag ng ex-boyfriend ko. Lumabas ako sa room namin para sagutin ang tawag niya. Wala pa naman kaming klase kaya doon muna kami tumambay sa room na 'yon. Wala pa namang gumagamit doon na mga estudyante. Kami dapat kaso nga lang ay wala 'yong professor namin. May sakit raw."O, ba't ka napatawag ngayon?" tanong ko sa kanya kung bakit siya napatawag ngayon sa akin. I heard him gasped for air before he speaks to me. "Puwede ba tayong dalawa magkita mamayang hapon pagkatapos ng klase mo? Wala ka naman sigurong trabaho," tanong niya sa akin kung puwede ba kaming dalawa magkita mamayang hapon.
PAULINE Hindi ko puwedeng sabihin kay Matthew na nandito si Miguel na ex-boyfriend ko sa Maynila dahil malalagot ako nito sa kanya. Alam niya na wala na kaming komunikasiyon ni Miguel kahit mayroon pa kaya kapag nalaman niya 'yon ay iisipin niya na hindi ko naman sinunod ang gusto niyang gawin ko na putulin na naming dalawa ni Miguel ang aming komunikasiyon dahil nag-uusap pa rin kaming dalawa kaya ko nalaman na nandito siya sa Maynila. Tikom ang aking bibig tungkol doon.Pagkarating ko sa bahay niya ay ang pinag-usapan lang naman naming dalawa ang tungkol sa ginawa namin maghapon. We didn't have sex. May ginawa pa naman ako na essay na pinagagawa sa amin ng isa naming professor sa literature. Habang nagsusulat akong essay ay narinig ko na humihilik na siya. Lumingon ako sa kanya sa kama at nakita ko nga na natutulog na siya. Kaya nga siya humihilik ay dahil tulog na siya, kung gising pa siya n'yan ay hindi ko siya maririnig na humihilik, 'di ba?Pagkatapos ko na magsulat ng essay ay
MIGUEL Two days na ako dito sa Maynila ngunit hindi ko pa rin sinasagot ni Pauline ang tawag ko. Sasabihin ko na sana sa kanya na nandito na ako sa Maynila ngunit hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Paano ko naman siya n'yan makikita o mahahanap? Hindi ko alam kung saan ang boarding house niya. Ang alam ko lang ay ang pamantasan kung saan siya nag-aaral ng kolehiyo ngunit mahirap rin na hanapin siya lalo na malaki 'yon. Hindi ko pa naman kabisado sa loob ng pamantasan na 'yon. Ang tanging solusiyon lamang para makita ko siya at masabi na nandito na ako sa Maynila ay ang sagutin niya ang tawag ko dahil sasabihin ko 'yon sa kanya. Naisipan ko na i-text tuloy siya at sinabi ko na nandito na ako sa Maynila. I sent my message to her immediately. Baka sakaling mabasa niya 'yon at siya na mismo ang tumawag sa akin.I really want to see her. Hindi na ako makapaghintay na makita siya kaso nga lang ay para bang siya ang ayaw na makipagkita sa akin.Nandito na nga ako sa Maynila para sa k
MATTHEW Sumilong muna ako sa ilalim ng malaking puno habang nagpapahinga pa ang mga players. Nag-break muna kami para makapagpahinga sila lalo na mainit. Mag-isa lang akong nakaupo. May klase ngayong oras na 'to si Pauline kaya hindi ko siya makikita. Habang mag-isa lang akong nakaupo sa ilalim ng malaking puno ay inalala ko kanina 'yong nakita ko na pagkapasok ko sa campus ay hindi ko sigurado kung si Macy na ex-girlfriend ko ang nakita kong 'yon. I was inside my car kaya hindi ko nalapitan siya. Kung siya nga 'yon ay ano naman kaya ang ginagawa niya sa pamantasan na 'to? Hindi kaya ay nagtatrabaho siya dito? Posibleng nagtatrabaho nga siya dito sa pamantasan na 'to. Naalala ko tuloy ang ginawa niyang panloloko sa akin. Niloko at ginamit niya ako at 'yon ang totoo. Muli kong naramdaman ang sakit na ginawa niya sa akin. Nagpakawalang-hiya talaga niya. Kailanma'y hindi ko talaga siya mapapatawad. Binigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya ngunit ganoon ang ginawa niya. Hindi nam
MATTHEW Natapos pa rin naming dalawa ni Pauline ang aming pagtatalik ngunit hindi na nawala sa isipan ko ang kanyang sinabi habang umuulos ako sa kanya nang napakasarap kanina. She didn't speak about it. She denied that she didn't say that while she's moaning earlier. Hinayaan ko na lang siya, hindi na ako nagmakulit pa sa kanya. Basta sinabi niya 'yon sa akin kanina at malinaw pa 'yon sa malinaw. Ngayon ay talagang tinatanggi na niya sa akin. Baka mag-away pa kami nitong dalawa kapag kinulit ko siya. I don't want us to fight with that. Hindi naman kailangan na pag-awayan namin 'yon. Dini-deny talaga ni Pauline sa akin na hindi niya raw sinabi 'yon. Ako na pala ngayon ang sinunggaling sa aming dalawa o gumagawa-gawa ng kuwento? I'm not that kind of person.We kissed our lips again. We had second round after our first one. Nag-enjoy pa rin kaming dalawa ni Pauline sa kabila ng nalaman kong 'yon na sinabi niya hindi ko alam kung totoo o nadala lang siya dahil sa pagtatalik naming dalaw