"Maica, pinapatawag tayo ni Mr. Milendez," pagbasag ni Denver sa katahimikang namamayani sa pagitan nilang dalawa ni Maica sa loob ng silid."Okay," matipid na tugon nito.Wala pa mang isang araw ang lumilipas sa kanilang dalawa ni Maica ngunit pakiramdam niya parang ilang araw na ang nawala sa kanila dahil sa awkward situation sa pagitan nila dahil sa nangyari sa nagdaang gabi."About pala sa press conference, l understand." Pinili ni Denver na gumawa ng hakbang upang maayos ang ano mang hidwaan sa pagitan nila dahil ayaw niya ring tumagal pa ang hindi nila, pagkakaunawaan."I'm sorry, Hon." Malamlam ang tinig ni Maica nang magsimula na silang pag-usapan iyon."For what?" tanong naman ni Denver."Dahil sinang-ayunan ko ang sinabi ni Third without even informing you first,” paliwanag nito.“It’s for your career.” Ngumiti siya kahit na pakiramdam niya ay tila may karabarang bato sa dibdib niya. “Mawawala ang ano mang thinking nila about our real relationship status, about us.”
Terakhir Diperbarui : 2025-02-10 Baca selengkapnya