“Dahan-dahan. Ayan ganyan nga, Maica.”Napangiti si Maica kay Luke habang inaalalayan siya nito. Kahit paano ay nakaka-recover na siya sa tinamong injury at nakakasigurado siyang anytime soon ay makakalabas na siya ng ospital.“So, pwede mo na ba ako payagang lumabas ng ospital? I’ve been here for two weeks. Pwede naman sigurong sa bahay ko na ituloy ang pagpapahinga ko. You know how much I hate hospitals lalo na ngayon.” Nagpa-cute pa si Maica sa harap ng doktor nagbabakasakaling uubra iyon. Sandali naman itong nag-isip at muling sinipat ng tingin ang kaniyang mga medical results.“Okay. But promise me, babalik ka rito next week Tuesday and Thursday. Then on Saturday for your final check-up,” paalala nito.“Yes, Doc.” Nginitian ni Maica ng ubod nang tamis si Luke kaya napakamot na lang ito sa ulo.“Hay... Malalagot ako nito kay Third.”Hindi naman naiwasan ni Denver na makaramdam ng pagkairita matapos marinig ang pangalang iyon.“Maica, ayusin ko lang ang discharge papers mo pati ang
“Maica, stay focus.” Ilang minuto na ang nasasyang kina Maica dahil sa pictorial nila ni Third sa Mango Fashion. Hindi kasi mapakali si Maica dahil after all those years, ngayon lang sila muling nagkalapit ng ganoon ni Third. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang dito lalo pa at nakikita niya ang mga mata ni Denver na diretsong nakatingin sa kanila. “Sorry,” paghingi niya nang paumanhin. “Maica, may problema ba?” tanong ng photographer sa kaniya. “Wala naman. Pasensya na,” muli niyang sabi rito. “Okay, let’s have a 10-minutes break.” Pagkasabi noon ay kaagad ding bumaling ang photographer sa ibang bagay kaya kahit paano nakahinga siya ng maluwag. Hindi siya mapakali nang mga oras na iyon dahil nakatitiyak siyang hindi pabor si Denver sa nakikita. Ayaw naman niyang pag-awayan pa nilang dalawa ang bagay na iyon lalo pa at parte lang naman ito ng kanilang trabaho. “Maica, okay ka lang?” tanong ni Third sa kaniya. “I’m fine.” Iyon ang paulit-ulit niyang sina
Nang makauwi si Maica ay nadatnan niya si Denver na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang hawak ang isang lata ng beer. Napansin din niya ang ilang mga lata ng beer na wala ng laman na nakapatong sa ibabaw ng lamesa may isa ring nakabuwal sa sahig kaya lumapit na siya rito upang damputin. Yumuko kaagad ang asawa niya kaya hindi niya napansin ang itsura nito. “Hon...” Akmang hahalik siya rito sa pisngi ngunit nag-iwas lang ito sa kaniya. Hindi na siya nagtanong tungkol sa problema nito dahil batid niya na ang dahilan. Tiyak na nakarating na rito ang tungkol sa sinabi niya sa press conference “Let’s talk, Hon.” “I’m fine, Maica. Don’t mind me,” tanging sambit lang nito. “You’re not fine,” sabi niya. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at kitang-kita niya ang pamamaga ng mga mata nito. Tiyak niyang galing ito sa pag-iyak dahil maging ang ilong nito ay namumula-mula pa. Unti-unti itong ngumiti sa kaniya bago muling nagsalita. “My wife is here. Kaya ano pa ang dapat kong ipag-alala?” Tumung
"Maica, pinapatawag tayo ni Mr. Milendez," pagbasag ni Denver sa katahimikang namamayani sa pagitan nilang dalawa ni Maica sa loob ng silid."Okay," matipid na tugon nito.Wala pa mang isang araw ang lumilipas sa kanilang dalawa ni Maica ngunit pakiramdam niya parang ilang araw na ang nawala sa kanila dahil sa awkward situation sa pagitan nila dahil sa nangyari sa nagdaang gabi."About pala sa press conference, l understand." Pinili ni Denver na gumawa ng hakbang upang maayos ang ano mang hidwaan sa pagitan nila dahil ayaw niya ring tumagal pa ang hindi nila, pagkakaunawaan."I'm sorry, Hon." Malamlam ang tinig ni Maica nang magsimula na silang pag-usapan iyon."For what?" tanong naman ni Denver."Dahil sinang-ayunan ko ang sinabi ni Third without even informing you first,” paliwanag nito.“It’s for your career.” Ngumiti siya kahit na pakiramdam niya ay tila may karabarang bato sa dibdib niya. “Mawawala ang ano mang thinking nila about our real relationship status, about us.”
“I thought, iiwasan mo na talaga ako.”Napabuntong hininga si Denver sa sinabi ng katabi niya. Iyon naman talaga ang plano niya. Ang iwasan na ito at ayusin ang relasyon nilang dalawa ni Maica lalo pa at unti-unti na siyang nahuhulog sa asawa. Ayaw niyang dumating sa puntong matuklasan pa nito ang kasalanan niya na tuluyang sisira sa relasyon nilang dalawa. Subalit matapos niyang malaman ang lahat ng inililihim nito sa kaniya, hindi niya naiwasang makaramdam ng galit at labis-labis na sama ng loob sa asawa. Hindi niya pa rin maunawaan kung saan siya nagkulang para patuloy siyang itago nito sa publiko samantalang nagawa naman nitong ipakilala si Third bilang manliligaw sa nakararami.“Please, ayokong pag-usapan ‘yan. I don’t want any dramas,” sabi niya bago ito tinalikuran.Kasalukuyan silang magkatabi sa kama ng babae habang yakap-yakap naman siya nito mula sa likuran.“Baby, sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba? Your wife is doing you no good at all,” mas inilapit pa nito ang labi sa tenga
"Wow! Congrats, Julie." Kaagad na niyakap ni Maica ang kaibigan dahil sa tuwa sa balitang natanggap. "Thank you, Maica." "Alam mo, na-surprise talaga ako sa sinabi mo. I knew na may boyfriend ka and that you are planning na rin soon. Iyon nga lang, hindi ka na kasi nagkukwento sa akin." Napanguso naman si Maica upang ipakita ang pagtatampo sa kaibigan. Napangiti naman si Julie dahil sa ekspresyon sa mukha ng kaibigan. "Sorry. Biglaan lang din kasi. Ang totoo nga niyan, ngayon lang din niya nalaman ang tungkol dito." "So, kailan mo naman ipapakilala sa amin ang boyfriend mo?" tanong ni Maica rito. Muling ngumiti si Julie sa kaibigan bago sumagot dito. "Soon, Maica." "Aba! Dapat lang makilala namin siya ni Denver para naman makasigurado kami na aalagaan ka niyan ng tama." Bumaling siya ng tingin sa asawa upang kunin ang atensyon nito. "Hindi ba, Hon?" Ngumiti naman si Denver kapagkuwan at tumango. "Yes. Tama si Maica." Tiningnan ni Julie si Denver upang makita ang reaksyo
Nagmamadaling bumyahe si Third patungong Coron, Palawan nang malaman niya na nandoon ngayon sina Maica at Denver. Kung tutuusin ay alam niyang labas siya sa problema ng mga ito subalit hindi niya naman magawang pabayaan na lang basta ang dating kasintahan lalo na at nakumpirma niya na ang hinala niya. Diretsong nakamasid si Third sa kalsada habang nagmamaneho nang kaniyang sasakyan nang magring ang kaniyang cellphone. Kaagad niya iyong sinagot gamit ang kaniyang earphone na nakakonekta rito. "Sir, nandito po ngayon si Mam Monique. Hinahanap po kayo." Hindi naiwasan ni Third na mapaismid dahil sa dahilan ng pagtawag ng kausap niya. Una, hindi naman iyon ganoon kaimportante para sa kaniya at pangalawa, hindi naman siya interesado sa kung ano man ang sadya ni Monique sa kaniya. Batid niya kasing nagpunta lang naman ito roon para kulitin siya."Tell her that I'm busy. Hindi ko pa kamo alam kung kailan ako makakabalik," tugon niya rito."Okay, Sir."Pagkasabi no'n ay mabilis niyang pinut
"Third?" Kasalukuyang nasa cafeteria si Maica 'di kalayuan sa tinutuluyan nila ni Denver nang makita niya roon si Third. Sa dinami-rami nga naman ng lugar sa mundo ay doon pa talaga sila magkikitang dalawa. "Hi! What a small world," sabi nito at saka lumapit sa kaniya nang nakangiti. "What are you doing here?" tanong niya kahit batid niya namang wala naman siyang pakialam dapat doon subalit naunahan na siya ng kyuryusidad. "Meeting with my Client. What about you?" tanong nito pabalik sa kaniya. "I'm with Denver. Anniversary kasi namin ngayon," tanging tugon niya."I see." Nakangiti man si Third sa sagot ni Maica ngunit sa kaloob-looban niya ay nagpupuyos ang damdamin niya dahil doon. Iniisip niya pa rin kung paano sasabihin kay Maica ang nalaman niya lalo pa at involve ang asawa nitong si Denver sa kaniyang natuklasan."Oo nga pala, thank you, Third," panimula ni Maica."For what?" Napakunot naman ang noo ni Third dahil 'di niya maunawaan kung bakit ito nagpapasalamat sa kaniya.
Nagpatuloy ang trabaho ni Maica sa Mango Fashion Group dahil na rin sa impluwensya ni Third. Kahit paano ay hindi niya maitatanggi na malaki rin talaga ang naitulong nito sa kaniya. "Mr. Calvin, batid mo naman siguro ang issue na kinakaharap ni Ms. Delmundo ngayon. Tiyak malaki ang magiging epekto nito sa ating negosyo kapag ipinagpatuloy pa natin ang pakikipagnegosasyon sa kaniya." Isa sa mga shareholders ang labis ang pagtutol sa pamamalagi ni Maica sa kumpanya. Kasalukuyang naroon si Third at nakaupo habang pinakikinggan ang opinyon ng mga naroon. "Tama si Mr. Dela Cruz. Paano na lang kung pati tayo ay sumama sa pagbagsak niya?" Dagdag pa ng isa. Sabay-sabay naman nagbulungan ang mga naroon pa at karamihan sa kanila ay sumasang-ayon sa naunang nagsalita. "Why don't we vote?" suhestyon ni Josh dahil batid naman niya ang magiging resulta ng botohan. "Those who are in favor of Ms. Delmundo staying to work in our company, kindly raise your hand." Kaagad naman dinampot ni Thi
"Sinusumbatan mo ba ako? Para sabihin ko sa 'yo, Maica, hindi lang ako ang may kasalanan kung bakit nauwi tayo sa ganito!" Nagsimula na si Denver na duruin si Maica habang patuloy sa pagsigaw rito. "You are also at fault here. Wala ka ng ibang inisip kung hindi ang career mo. Wala kang ibang inisip kung hindi ang pag-angat mo! Ako naman etong si tanga, sunud-sunuran sa 'yo maibigay ko lang ang gusto mong kasikatan!" Para namang sinampal si Maica dahil sa sinabi ng asawa. May punto kasi ito at totoo na masyado nga siyang nag-focus sa pag-angat kaysa sa pag-aalaga sa relasyon nilang dalawa. Hindi niya sukat akalain na iyon pala ang tunay na nararamdaman ni Denver. Akala niya okay lang ang lahat. Akala niya suportado siya nito sa lahat ng bagay. Akala niya masaya ito sa pag-asenso niya. Lahat pala ng iyon ay akala niya lang pala. "Hindi mo ba talaga maintindihan na lang ng ito ay ginagawa ko para sa future nating dalawa? Ginawa ko ang lahat ng ito nang sa ganoon ay maibigay ko ang maay
“I am Julie Sanchez. Malamang marami sa inyo ang hindi pa nakakakilala sa akin but I am Denver’s soon to be wife. Actually, I made this video for awareness. My soon to be wedding and perfect family was shattered just because I trusted too much. I thought, Maica is my bestfriend pero akala ko lang pala ‘yon.” Kasalukuyang umiiyak si Julie sa harap ng camera habang nagkukwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya ilang araw pa lang ang nakakalilipas. “She betrayed me. She stole Denver from me. Hindi pa siya nakuntento, she even killed our child in my tummy. She pushed me hard dahil ayaw niyang maging masaya kaming dalawa ni Denver. Ayoko sanang gawin ito dahil kahit paano ay malaki ang naging tulong sa akin ni Maica at may pinagsamahan din naman kami pero ayaw niya talaga kaming patahimikin. She even blackmailed me na kapag hindi ko nilayuan si Denver ay idadamay niya ang pamilya ko kaya takot na takot ako. Also, ayoko namang palampasin ang lahat ng hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkawa
Parang binagsakan naman ng langit at lupa si Denver matapos marinig ang sinabi ni Julie. Hindi pa man nito kinukumpirma sa kaniya ang lahat ay sigurado na kaagad siya na siya ang ama ng dinadala nito lalo pa at wala naman itong nagging ibang lalake maliban sa kaniya.“Your wife makes my life miserable. Kinuha ka niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at talagang pinakasalan ka pa niya!” Pinandilatan siya ng mga mata ni Julie at hinawakan siya sa kaniyang panga, “at ikaw, gustung-gusto mo naman! Wala ka pa talagang balak sabihin sa akin ang katotohanan ha? Talagang kailangan kay Maica ko pa malalaman!”Hindi nagawang umimik ni Denver dahil alam niya namang walang ibang dapat na sisihin kung hindi siya. Nabulag siya masyado sa karangyaan na tinatamasa ni Maica. Ang unti-unting pag-angat nito ang nagbigay daan din sa kaniyang pag-angat. Idagdag pa ang utang na loob niya rito sa lahat ng naitulong nito sa kaniya at sa pamilya niya. Naging praktikal lang siya. Alam niyang hindi siya mapa
"What the hell is going on, Denver?" Galit na galit si Mr. Milendez habang kausap ito ni Denver sa telepono. Wala pa kasing isang araw ang lumilipas ay kalat na kalat na sa social media maging sa mga T.V. news ang tungkol kay Maica. Samu't saring espekulasyon ang umuugong ngayon sa mga fans at bashers ni Maica dahil sa larawan nilang nakuhanan sa lobby ng condominium na tinutuluyan nila. "I'm sorry, Mr. Milendez. I'll make sure will never happen again." Paulit-ulit niyang paghingi ng paumanhin dito. "Siguraduhin mo lang, Denver! Dahil wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw!" Madidiin na salitang binibitawan nito bago pinutol ang tawag nito. Doon lang tila nakahinga ng kaunti si Denver. Batid niyang hindi pa tapos ang problema niya lalo pa at kasalukuyang naka-confine si Maica sa ospital. May ilang reporters din sa labas ng ospital na naghihintay na makapanayam siya ukol sa kalagayan ni Maica. Sandali siyang lumingon kay Maica at lumapit dito. Simula kasi ng dalhin niya ito roo
Alam ni Maica na walang kasalanan ang bata sa kasalanan ni Julie at Denver sa kaniya. Pinilit niya na ihinahon ang sarili at hindi itinuloy ang balak na gawin kay Julie. "Let me explain, Maica." Kitang-kita ni Maica ang takot at guilt sa mga mata ni Denver ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus at muli siyang lumabas ng kanilang silid upang kunin ang golf club na pag-aari ni Denver. Kaagad niya iyong iwinasiwas sa lahat ng makita niyang gamit nito at hindi niya iyon tinigilan hanggang sa nakikita niya itong buo at maayos. "Maica, please kumalma ka naman," pagmamakaawa ni Denver sa kaniya ngunit tila walang naririnig si Maica. Napalingon si Maica sa 40 inches nilang Smart T.V. at kaagad na hinampas ito. Alam niya sa sarili niyang kulang pa iyon upang mailabas niya ang lahat ng galit niya at sakit na nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanila dahil mas nag-uumapaw sa puso niya ang halu-halong emosyong nararamdaman. Napasulyap siya kay Denver at hindi niya na
Nagising si Maica sa sunud-sunod na ring ng cellphone niya. Sinulyapan niya ito na kasalukuyang nakapatong sa bedside table. Hindi niya pa man lubos na nakikita kung sino ang tumatawag ngunit batid niya na kung sino ito. Saglit siyang nag-isip bago siya nagpasyang damputin ito at sagutin."Maica, where are you? I have been looking for you all night! Pati si Julie nag-aalala na kakahanap sa 'yo." It was Denver. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ito sa kaniya o sadyang ayaw lang nito na mawala siya sa paningin nito.Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung ano ba ang dapat na isagot dito pero isa lang ang sigurado siya, sa mata ng Diyos at ng batas, siya ang legal na asawa kaya hindi siya makapapayag na basta na lang kunin sa kaniya ang asawa niya."I'm at home," matipid niyang tugon."Sana man lang nagsabi ka bago ka umuwi ng Manila. I stayed up all night kakahanap sa 'yo. I've been calling you and your phone is out of reach. Akala ko kun
“Denver is cheating on you!”Pakiramdam ni Maica ay tila tumigil ang mundo niya mula sa narinig kay Third. Ngunit sa kabilang banda ay hindi pa rin siya lubos na naniniwala sa sinabi nito kaya mas pinili niyang tawanan na lang ito.“Is that really you, Third? Kailan ka pa natutong manira ng ibang tao?” tanong niya rito.“Maica, I am doing this for you. It’s for your own good,’ paliwanag nito.“For my own good? Talaga ba, Third?” Hindi niya akalaing darating sa puntong ang hindi magandang simula sa pagitan nina Third at ng kaniyang asawa ay aabot hanggang sa puntong iyon.“Maica, I am telling you the truth. Maniwala ka naman sana sa akin.” Tila nanlulumo naman ang itsura ni Third dahil parang kahit anong sabihin nito at hindi umaabot sa pang-unawa ni Maica.Napailing na lang si Maica at tinalikuran ito. Akmang ihahakbang niya na ang mga paa niya nang hawakan siya nito sa braso.“Maica, I am not lying. Kilala mo ako. Never akong nagsinungaling sa ‘yo, alam mo ‘yan sa sarili mo.”
Dahan-dahang bumalik si Maica sa pagkakaupo habang pinoproseso ang mga nakita niya sa ilalim ng lamesa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman lalo pa at nasa public place silang apat.Nakita niya kasi ang paa ng kaniyang personal assistant at kaibigang si Julie na naglalakbay sa binti ni Third. Sa nasaksihang iyon ay hindi niya lubos maisip na makakaramdam siya ng bigat sa kaniyang dibdib. Idagdag pa na habang ginagawa ni Julie iyon ay katabi lang nito ang asawa niya. Hindi niya naiwasang makaramdam din ng takot na baka dumating sa puntong magkamabutihan ang kaibigan niya ay si Julie sa isa't isa."Hey! Maica, are you okay?" Doon lang tila nahimasmasan si Maica nang magsalita na si Third at kunin ang atensyon niya. Bakas sa itsura nito ang pag-aalala."Ah, yeah!" matipid na tugon niya kahit na naiinis siya dahil parang kung magtanong ito ay parang walang ginawang kakaiba si Julie sa mga binti nito."You sure?" paniniguro pa nito."Yes." Tumango siya ngunit hindi niya ki