Matapos ang pictorial ni Maica para sa Bench Fashion Magazine ay nagmamadali siyang nagtungo sa building ng Mango Fashion Group para sa biglaang meeting. Maging siya ay nagulat dahil itinawag lang sa kaniya ni Julie ang tungkol dito. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat unahin lalo na at wala pa naman ito ngayon. Nagpaalam kasi ang kaibigan niya na uuwi sandali ng probinsya dahil sa may sakit nitong ina. Hindi naman siya nagdalawang isip pa na payagan ito lalo pa at pamilya nito ang dahilan ng pag-alis. Sinigurado rin naman nito na makakabalik bago maglunes. Iyon nga lang, kinakailangan niyang umalis na mag-isa para puntahan ang mga naka-schedule niyang appointment sa araw na iyon. Mabuti na lang nga at inayos na nito ang schedules niya, kung ano ang dapat iprioritize sa less prioritized kaya ang kinakailangan niya na lang gawin ay puntahan ito. Isa pa sa pinagpapasalamat niya ay may mga bodyguards siyang nariyan palagi sa cases na need niya ng security. “Hi! I am here for a sch
“Maica, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Third.“I’m fine.” Akmang hahakbang sana si Maica nang makaramdam siya ng pangingirot sa kaniyang paanan. “Shit!”“You are not, okay. Dadalhin na kita sa hospital. Kailangan nating mapa-check ‘yan bago pa lumala,” sabi nito. Labag man sa loob ni Maica ay napilitan siyang kumapit dito upang makarating kaagad sila sasakyan nang sa gayon ay mas mabili nilang maaksyunan ang nangyari sa kaniya.Nang makarating sa waiting area ay kaagad na inutusan si Third na bantayan muna si Maica habang ito naman ay nagmamadaling lumabas ng building. Ilang sandali pa ay humahangos itong lumapit sa kanila at maingat na inalalayan siya palabas ng building. Kaagad namang binuksan ng staff ang pintuan ng sasakyan ni Third ngunit bago pa man makasampa si Maica ay mariin na siyang tumutol dito.“Wait! Manong George is waiting for me,” nag-aalalang sabi niya. Batid kasi niyang tiyak na mag-aalala si Manong George sa oras na hindi siya nito makita.“Don’t worry,
Sa tulong nina Third, Luke at Josh ay nagawan nila ng paraan na hindi makalabas sa media ang nangyari kay Maica lalo na at alam ni Josh na maaari itong makaapekto sa kanilang kumpanya knowing na nangyari ang aksidente right on their premises. “I’m very sorry, Maica,” paulit-ulit na pagsusumamo ni Josh sa kaniya. “Wala naman tayong magagawa. Nangyari na.” Parang batong nakatingin lang si Maica sa bintana habang nakaratay sa kaniyang hospital bed. Second day niya na sa loob ng ospital at hindi siya sanay na matagal na nakatengga at walang ginagawa. Batid niyang kailangan niya ng pahinga pero hindi niya naman hiniling na sobrang tagal. “Nakausap ko na rin pala ang manager mo and he said na babalik as soon as possible,” sabi ni Josh. Mas lalong nanikip ang dibdib ni Maica dahil sa pagdaramdam. Mula kasi ng umalis ito ay wala man lang itong paramdam. Sinubukan niya itong kontakin subalit cannot be reach palagi ang liny anito. Hindi niya tuloy maiwasang mag-overthink na baka nga
Usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na modelong si Maica Delmundo at ang CEO ng Polar Star Enterprise kung saan na-spot-an silang magkasama at tila sweet na sweet sa isa’t isa sa building ng Mango Fashion Group. Iba’t iba ang naging kumento ng mga netizens ukol sa balitang ito. May ilan pa nga na nagsasabing bagay ang dalawa sa isa’t isa at ibibigay nila ang kanilang full support sa mga ito kung sakaling magkaroon ng proyekto ang dalawa ng magkasama. Wala pa namang nagiging kumento ang Mango Fashion at ang dalawa ukol dito. Iyan ang latest scoop sa showbiz happenings. Kaagad na pinatay ni Denver ang T.V. matapos na marinig ang balitang iyon. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bakanteng silya sa loob ng silid kung saan kasalukuyang nagpapahinga si Maica dahil sa natamong injury. “Tsk!” Napapalatak na lang ito dahil sa pagkairita sa balitang iyon. “Denver…” Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Maica. Batid niya kasing masama ang loob nito lalo na at matapos niton
Napakunot ang noo ni Denver nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Third sa loob ng silid ni Maica. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya rito. “Denver, glad you’re here. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot sa tawag ko.” Si Maica ang nagsalita. Sinamaan naman ng tingin ni Denver si Third nang magkibit balikat lang ito sa tanong niya. “Sorry, may inasikaso lang ako. I also adjusted your schedules,” tugon niya sa asawa. “Why?” “Third brought these documents in behalf of Mr. Sarmiento, for us to sign.” Kaagad namang binasa ni Denver ang dokumento at binuklat ito isa-isa. “It’s the contract.” Nag-angat siya ng tingin at nakaramdam siya ng pagkulo sa kaniyang dugo nang makita ang nakangiting ekspresyon ni Third sa kaniya. “I do you a favor, Mr. Castillo. Masyado silang mahigpit pagdating sa kanilang mga modelo. Hindi mo naman siguro gugustuhin malaman nilang narito ngayon ang asawa mo sa ospital hindi ba?” Pinakadiinan pa ni Third ang salitang asawa para mas lalon
“Dahan-dahan. Ayan ganyan nga, Maica.”Napangiti si Maica kay Luke habang inaalalayan siya nito. Kahit paano ay nakaka-recover na siya sa tinamong injury at nakakasigurado siyang anytime soon ay makakalabas na siya ng ospital.“So, pwede mo na ba ako payagang lumabas ng ospital? I’ve been here for two weeks. Pwede naman sigurong sa bahay ko na ituloy ang pagpapahinga ko. You know how much I hate hospitals lalo na ngayon.” Nagpa-cute pa si Maica sa harap ng doktor nagbabakasakaling uubra iyon. Sandali naman itong nag-isip at muling sinipat ng tingin ang kaniyang mga medical results.“Okay. But promise me, babalik ka rito next week Tuesday and Thursday. Then on Saturday for your final check-up,” paalala nito.“Yes, Doc.” Nginitian ni Maica ng ubod nang tamis si Luke kaya napakamot na lang ito sa ulo.“Hay... Malalagot ako nito kay Third.”Hindi naman naiwasan ni Denver na makaramdam ng pagkairita matapos marinig ang pangalang iyon.“Maica, ayusin ko lang ang discharge papers mo pati ang
“Maica, stay focus.” Ilang minuto na ang nasasyang kina Maica dahil sa pictorial nila ni Third sa Mango Fashion. Hindi kasi mapakali si Maica dahil after all those years, ngayon lang sila muling nagkalapit ng ganoon ni Third. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang dito lalo pa at nakikita niya ang mga mata ni Denver na diretsong nakatingin sa kanila. “Sorry,” paghingi niya nang paumanhin. “Maica, may problema ba?” tanong ng photographer sa kaniya. “Wala naman. Pasensya na,” muli niyang sabi rito. “Okay, let’s have a 10-minutes break.” Pagkasabi noon ay kaagad ding bumaling ang photographer sa ibang bagay kaya kahit paano nakahinga siya ng maluwag. Hindi siya mapakali nang mga oras na iyon dahil nakatitiyak siyang hindi pabor si Denver sa nakikita. Ayaw naman niyang pag-awayan pa nilang dalawa ang bagay na iyon lalo pa at parte lang naman ito ng kanilang trabaho. “Maica, okay ka lang?” tanong ni Third sa kaniya. “I’m fine.” Iyon ang paulit-ulit niyang sina
Nang makauwi si Maica ay nadatnan niya si Denver na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang hawak ang isang lata ng beer. Napansin din niya ang ilang mga lata ng beer na wala ng laman na nakapatong sa ibabaw ng lamesa may isa ring nakabuwal sa sahig kaya lumapit na siya rito upang damputin. Yumuko kaagad ang asawa niya kaya hindi niya napansin ang itsura nito. “Hon...” Akmang hahalik siya rito sa pisngi ngunit nag-iwas lang ito sa kaniya. Hindi na siya nagtanong tungkol sa problema nito dahil batid niya na ang dahilan. Tiyak na nakarating na rito ang tungkol sa sinabi niya sa press conference “Let’s talk, Hon.” “I’m fine, Maica. Don’t mind me,” tanging sambit lang nito. “You’re not fine,” sabi niya. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at kitang-kita niya ang pamamaga ng mga mata nito. Tiyak niyang galing ito sa pag-iyak dahil maging ang ilong nito ay namumula-mula pa. Unti-unti itong ngumiti sa kaniya bago muling nagsalita. “My wife is here. Kaya ano pa ang dapat kong ipag-alala?” Tumung
Kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata ni Third nang marinig mula kay Maica ang sagot nito sa proposal niya. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa kaniya dahil sa naging tugon nito sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili niya pa ring baguhin ang dapat sana’y planadong proposal dahil ayaw niyang tuluyang masira ang mood nito ngunit nang mga oras na iyon, tila mood niya ata ang biglang nasira.“I see,” tanging nasambit niya bago ngumiti nang pilit.Akmang tatayo na sana siya nang ilahad ni Maica ang kamay nito sa kaniya.“I just remove first my wedding ring. Ang pangit naman kasing tingnan kung may suot akong wedding ring and engagement ring from different person at the same time.” Malapad na ngumiti si Maica sa kaniya habang naghihintay sa reaksyon niya.Gulat na gulat naman si Third habang pinagmamasdan ito pati na rin ang kaliwang kamay nitong nasa kaniyang harapan. “Nangangalay na ‘ko.”Doon lang tila natauhan si Third sa mga nangyayari. Buong akala niya kasi ay tumatanggi na ta
Halos isang buwang ding nagpahinga si Third sa ospital bago tuluyang namalabas ng ospital. Kahit paano rin ay nabawasan ang pag-aalala kay Third para sa kaligtasan ni Maica dahil nakakulong na rin naman si Julie. Batid niya rin kasing hindi naman ito guguluhin ni Denver pero para makasiguro ay lihim niya pa rin itong pinasusundan sa mga bodyguards nito para mapanatili ang kaligtasan ni Maica.“Make sure to report to me every details even the smallest one,” sabi ni Third sa isa sa mga bodyguard ni Maica.“Gladly, Sir,” tugon nito bago ito naglakad paalis kasama ang iba pang mga bodyguards.Napasandal si Third sa swivel chair niya at saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit paano ay masasabi niyang unti-unti na talagang nagbubunga ang lahat ng paghihirap niya. Batid niyang sa oras na magkaroon na ng resulta ang annulment case nila Maica at Denver ay wala na siyang dapat na ipangamba at tuluyan nang magiging opisyal ang relasyon nila ni Maica.Nagpasya siyang tumayo mula sa kinauup
Gulat at takot ang kaagad na namayani sa puso ni Denver habang papalapit si Maica sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging presentable naman sa paningin ng asawa. “Maica…” malamlam ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ito ngunit himbis na lumapit ito sa kaniya ay nilagpasan lamang siya nito at dumeretso sa lalakeng sumalubong ng suntok sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Maica sa lalake. “Maica?” Tila gulat na gulat naman ito nang mapagsino ang kaharap. Humawak pa ito sa tagiliran habang iniinda ang tamang natamo mula kay Denver. “You need to go to the hospital,” sabi ni Maica rito. Dahil sa nasaksihan ay mas lalong nainis si Denver dahil hindi man lang siya pinapansin ng asawa. Mabilis niyang hinaltak ang braso nito at hinawakan ng mariin. “Can’t you see that I am here?” sabi niya kay Maica. “Mas inalala mo pa talaga ang sira ulong ‘yan kaysa sa akin na asawa mo. Look what he did to me?” Tinuro niya pa ang putok n
Sandali pang nanatili si Maica sa loob ng opisina ni Mr. Milendez habang pinanunuod ang replay ng kaniyang live broadcast. Ginamit niya na rin ang pagkakataong iyon upang basahin ang mga kumento ng mga nakapanood at masaksihan ang sunud-sunod na tawag na natanggap nila Mr. Milendez tungkol sa live. Masasabi ni Maica na halos lahat ng kumento ay pabor sa kaniya habang galit na galit naman ang karamihan kay Denver. Batid ni Maica na mangyayari iyon ngunit mas pipiliin niya ang sariling katahimikan kaysa sa asawang nagtaksil sa kaniya.“Mr. Milendez, I think I should take my leave. May kailangan pa kasi akong asikasuhin,” sabi ni Maica.“Sige, Maica. Pag-usapan na lang natin sa susunod ang mga bagong schedules mo,” sagot naman ni Mr. Milendez.Paglabas na paglabas pa lang ng building ay naroon na ang ilan sa mga reporters na naghihintay sa kaniya upang siya ay makapanayam ngunit ayaw niya nang magbigay ng karagdagang detalye dahil pagod na rin siya ng araw na iyon ay minabuti niyang h
Habang nagpapagaling si Third sa ospital ay napagpasyahan ni Maica na makipagkita kay Denver. Batid niyang dapat noon niya pa ito ginawa para hindi na sana umabot sa puntong may nadadamay na at may nasasaktan ng iba.“Maica, here.” Kumaway pa si Denver kung saan siya nakaupo habang naghihintay kay Maica.Kaagad namang lumapit si Maica rito at naupo sa bakanteng upuan sa harap nito.“Pwede mo baa kong samahan? May gusto lang akong puntahan,” sabi ni Maica ngunit hindi naman batid ni Denver kung saan iyon pero pumayag pa rin ito.“Sure. Kahit saan Maica. I’ll do anything for you.”Nang marinig ni Maica iyon ay napangiti siya. Hindi niya naiwasang maalala ang masayang pagsasama nila noon na kasinungalingan lang pala simula’t sapul.Takang-taka si Denver nang mapagsino ang kaharap nila. Walang iba kung hindi si Mr. Milendez.“What are we doing here?” tanong ni Denver habang tinatantsa ang mga susunod na mangyayari.“Hindi ba ang sabi mo ay gagawin mo ang kahit na ano para sa akin?”
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Third at natagpuan si Maica na humbing na natutulog habang nakahilig ang ulo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Hawak nito ang kaniyang kamay kaya hindi niya naiwasang haplusin iyon gamit ang kaniyang hinlalaki. Napangiti pa siya lalo nang tumama ang sikat ng araw sa mukha nito na mas nagpakinang sa taglay nitong ganda.Tila nasilaw naman si Maica kaya unti-unti siyang napamulat ng mata. Nakita niya si Third na nakatingin sa kaniya kaya napatayo siya kaagad mula sa pagkakaupo.“Wait! I’ll just call the doctor,” sabi niya. Hakbang maglalakad na siya paalis upang tawagin ang doktor nang hawakan nito ang kamay niya at pigilan siya.“Maica, just stay...” mahina at garalgal ang boses na sabi nito sa kaniya.Wala na siyang nagawa kung hindi bumalik sa pagkakaupo at doon kinausap ito."Do you need anything? Nagugutom ka ba? Just tell me whatever you need," sabi niya habang nag-aalala sa binata."You. I need you," sabi nito.Hindi napigilan ni Maica ang m
Napapahampas si Third sa kaniyang manibela habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang napamura dahil sa sobrang inis niya. “Fuck! Fuck! Fuck!” Mabilis niyang pinihit ang kaniyang manibela pabalik dahil sa inis na nararamdaman sa sarili. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya kung paano siya habulin ni Maica. Pilit itong nagkukumawala sa pagkakahawak ni Denver na tila ba hindi ito naging parte ng buhay ni Maica. Doon lang napagtanto ni Third ang mga pinagdaanan ni Maica noong panahong iniwan niya ito. Naging makasarili siya at hind man lang inisip ang mararamdaman ni Maica. *** “Maica...” bulong ni Denver habang pilit siyang inaalo. Napalingon na lang silang dalawa sa kung saan nang makarinig sila ng palakpak. Nanlalaki ang mga mata ni Denver nang mapagsino ang pinanggagalingan nito. “Julie!” sambit ni Denver. “How sweet naman, baby.” Huminto ito sa paglalakad sa harap nila at saka tinitigan nang matalim si Maica. “Parang nangyari na ‘t
“Third!” Mabilis na naglakad palayo si Third sa naturang restaurant kaya ganoon na lang ang kabang naramdaman ni Maica. Kaagad siyang tumayo upang habulin sana si Third upang makapagpaliwanag ngunit pinigilan naman siya ng kaniyang asawa. “Maica, please…” pagmamakaawa ni Denver sa kaniya habang hawak ang kaniyang braso. Tiningnan niya iyon at hindi niya maiwasang malungkot. Hindi siya makapag-isip nang matino nang mga oras na ‘yon subalit alam niyang kinakailangan niyang magdesisyon. *** Pabagsak na nahiga si Third sa kaniyang kama habang inaalala ang mga nangyari. Mula nang bumalik siya sa buhay ni Maica ay puro problema na lang ang kinakaharap niya. Halos wala na rin siyang oras para sa kaniyang sarili. Sa kabila ng lahat ng iyon ay nananatili pa rin siya sa tabi nito dahil iyon ang gusto niya. Dahil doon siya masaya at ito lang ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Pero nang sandaling malaman niyang umalis si Maica upang sumama kay Denver hindi niya naiwasang ma
It was that day when I met Maica.“Are you okay?” tanong ko. I am just a passerby concerned.She was crying in the middle of nowhere. Para bang wala siyang pakialam kung may ibang nakakakita sa kaniya. Basta sapat na sa kaniya na mailabas niya ang bigat na dinadala ng kaniyang dibdib.Mabilis niyang pinahid ang kaniyang mga luha at saka tumango sa akin.She is a beauty. A beauty that is hidden beyond those cries.“You sure?” paniniguro ko.Ngumiti lang ito na para bang walang nangyari at saka muling tumango. Matapos iyon ay tumakbo na ito palayo at akala ko iyon na ang huli naming pagtatagpo pero…“Denver!” Kumakaway si Julie habang papalapit sa akin pero nasa iba ang atensyon ko. It was the second time we met. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Julie.“Halos kararating ko lang,” tugon ko. Sinadya kong ibaling ang atensyon ko kay Julie dahil iyon naman talaga ang dapat. We are in a relationship back then. Hindi ko sinasabing attracted ako kay Maica but I find her interesting. Never