"Wow! Congrats, Julie." Kaagad na niyakap ni Maica ang kaibigan dahil sa tuwa sa balitang natanggap. "Thank you, Maica." "Alam mo, na-surprise talaga ako sa sinabi mo. I knew na may boyfriend ka and that you are planning na rin soon. Iyon nga lang, hindi ka na kasi nagkukwento sa akin." Napanguso naman si Maica upang ipakita ang pagtatampo sa kaibigan. Napangiti naman si Julie dahil sa ekspresyon sa mukha ng kaibigan. "Sorry. Biglaan lang din kasi. Ang totoo nga niyan, ngayon lang din niya nalaman ang tungkol dito." "So, kailan mo naman ipapakilala sa amin ang boyfriend mo?" tanong ni Maica rito. Muling ngumiti si Julie sa kaibigan bago sumagot dito. "Soon, Maica." "Aba! Dapat lang makilala namin siya ni Denver para naman makasigurado kami na aalagaan ka niyan ng tama." Bumaling siya ng tingin sa asawa upang kunin ang atensyon nito. "Hindi ba, Hon?" Ngumiti naman si Denver kapagkuwan at tumango. "Yes. Tama si Maica." Tiningnan ni Julie si Denver upang makita ang reaksyo
Terakhir Diperbarui : 2025-02-12 Baca selengkapnya