Dahan-dahang bumalik si Maica sa pagkakaupo habang pinoproseso ang mga nakita niya sa ilalim ng lamesa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman lalo pa at nasa public place silang apat.Nakita niya kasi ang paa ng kaniyang personal assistant at kaibigang si Julie na naglalakbay sa binti ni Third. Sa nasaksihang iyon ay hindi niya lubos maisip na makakaramdam siya ng bigat sa kaniyang dibdib. Idagdag pa na habang ginagawa ni Julie iyon ay katabi lang nito ang asawa niya. Hindi niya naiwasang makaramdam din ng takot na baka dumating sa puntong magkamabutihan ang kaibigan niya ay si Julie sa isa't isa."Hey! Maica, are you okay?" Doon lang tila nahimasmasan si Maica nang magsalita na si Third at kunin ang atensyon niya. Bakas sa itsura nito ang pag-aalala."Ah, yeah!" matipid na tugon niya kahit na naiinis siya dahil parang kung magtanong ito ay parang walang ginawang kakaiba si Julie sa mga binti nito."You sure?" paniniguro pa nito."Yes." Tumango siya ngunit hindi niya ki
“Denver is cheating on you!”Pakiramdam ni Maica ay tila tumigil ang mundo niya mula sa narinig kay Third. Ngunit sa kabilang banda ay hindi pa rin siya lubos na naniniwala sa sinabi nito kaya mas pinili niyang tawanan na lang ito.“Is that really you, Third? Kailan ka pa natutong manira ng ibang tao?” tanong niya rito.“Maica, I am doing this for you. It’s for your own good,’ paliwanag nito.“For my own good? Talaga ba, Third?” Hindi niya akalaing darating sa puntong ang hindi magandang simula sa pagitan nina Third at ng kaniyang asawa ay aabot hanggang sa puntong iyon.“Maica, I am telling you the truth. Maniwala ka naman sana sa akin.” Tila nanlulumo naman ang itsura ni Third dahil parang kahit anong sabihin nito at hindi umaabot sa pang-unawa ni Maica.Napailing na lang si Maica at tinalikuran ito. Akmang ihahakbang niya na ang mga paa niya nang hawakan siya nito sa braso.“Maica, I am not lying. Kilala mo ako. Never akong nagsinungaling sa ‘yo, alam mo ‘yan sa sarili mo.”
Nagising si Maica sa sunud-sunod na ring ng cellphone niya. Sinulyapan niya ito na kasalukuyang nakapatong sa bedside table. Hindi niya pa man lubos na nakikita kung sino ang tumatawag ngunit batid niya na kung sino ito. Saglit siyang nag-isip bago siya nagpasyang damputin ito at sagutin."Maica, where are you? I have been looking for you all night! Pati si Julie nag-aalala na kakahanap sa 'yo." It was Denver. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ito sa kaniya o sadyang ayaw lang nito na mawala siya sa paningin nito.Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung ano ba ang dapat na isagot dito pero isa lang ang sigurado siya, sa mata ng Diyos at ng batas, siya ang legal na asawa kaya hindi siya makapapayag na basta na lang kunin sa kaniya ang asawa niya."I'm at home," matipid niyang tugon."Sana man lang nagsabi ka bago ka umuwi ng Manila. I stayed up all night kakahanap sa 'yo. I've been calling you and your phone is out of reach. Akala ko kun
Alam ni Maica na walang kasalanan ang bata sa kasalanan ni Julie at Denver sa kaniya. Pinilit niya na ihinahon ang sarili at hindi itinuloy ang balak na gawin kay Julie. "Let me explain, Maica." Kitang-kita ni Maica ang takot at guilt sa mga mata ni Denver ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus at muli siyang lumabas ng kanilang silid upang kunin ang golf club na pag-aari ni Denver. Kaagad niya iyong iwinasiwas sa lahat ng makita niyang gamit nito at hindi niya iyon tinigilan hanggang sa nakikita niya itong buo at maayos. "Maica, please kumalma ka naman," pagmamakaawa ni Denver sa kaniya ngunit tila walang naririnig si Maica. Napalingon si Maica sa 40 inches nilang Smart T.V. at kaagad na hinampas ito. Alam niya sa sarili niyang kulang pa iyon upang mailabas niya ang lahat ng galit niya at sakit na nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanila dahil mas nag-uumapaw sa puso niya ang halu-halong emosyong nararamdaman. Napasulyap siya kay Denver at hindi niya na
"What the hell is going on, Denver?" Galit na galit si Mr. Milendez habang kausap ito ni Denver sa telepono. Wala pa kasing isang araw ang lumilipas ay kalat na kalat na sa social media maging sa mga T.V. news ang tungkol kay Maica. Samu't saring espekulasyon ang umuugong ngayon sa mga fans at bashers ni Maica dahil sa larawan nilang nakuhanan sa lobby ng condominium na tinutuluyan nila. "I'm sorry, Mr. Milendez. I'll make sure will never happen again." Paulit-ulit niyang paghingi ng paumanhin dito. "Siguraduhin mo lang, Denver! Dahil wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw!" Madidiin na salitang binibitawan nito bago pinutol ang tawag nito. Doon lang tila nakahinga ng kaunti si Denver. Batid niyang hindi pa tapos ang problema niya lalo pa at kasalukuyang naka-confine si Maica sa ospital. May ilang reporters din sa labas ng ospital na naghihintay na makapanayam siya ukol sa kalagayan ni Maica. Sandali siyang lumingon kay Maica at lumapit dito. Simula kasi ng dalhin niya ito roo
Parang binagsakan naman ng langit at lupa si Denver matapos marinig ang sinabi ni Julie. Hindi pa man nito kinukumpirma sa kaniya ang lahat ay sigurado na kaagad siya na siya ang ama ng dinadala nito lalo pa at wala naman itong nagging ibang lalake maliban sa kaniya.“Your wife makes my life miserable. Kinuha ka niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at talagang pinakasalan ka pa niya!” Pinandilatan siya ng mga mata ni Julie at hinawakan siya sa kaniyang panga, “at ikaw, gustung-gusto mo naman! Wala ka pa talagang balak sabihin sa akin ang katotohanan ha? Talagang kailangan kay Maica ko pa malalaman!”Hindi nagawang umimik ni Denver dahil alam niya namang walang ibang dapat na sisihin kung hindi siya. Nabulag siya masyado sa karangyaan na tinatamasa ni Maica. Ang unti-unting pag-angat nito ang nagbigay daan din sa kaniyang pag-angat. Idagdag pa ang utang na loob niya rito sa lahat ng naitulong nito sa kaniya at sa pamilya niya. Naging praktikal lang siya. Alam niyang hindi siya mapa
“I am Julie Sanchez. Malamang marami sa inyo ang hindi pa nakakakilala sa akin but I am Denver’s soon to be wife. Actually, I made this video for awareness. My soon to be wedding and perfect family was shattered just because I trusted too much. I thought, Maica is my bestfriend pero akala ko lang pala ‘yon.” Kasalukuyang umiiyak si Julie sa harap ng camera habang nagkukwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya ilang araw pa lang ang nakakalilipas. “She betrayed me. She stole Denver from me. Hindi pa siya nakuntento, she even killed our child in my tummy. She pushed me hard dahil ayaw niyang maging masaya kaming dalawa ni Denver. Ayoko sanang gawin ito dahil kahit paano ay malaki ang naging tulong sa akin ni Maica at may pinagsamahan din naman kami pero ayaw niya talaga kaming patahimikin. She even blackmailed me na kapag hindi ko nilayuan si Denver ay idadamay niya ang pamilya ko kaya takot na takot ako. Also, ayoko namang palampasin ang lahat ng hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkawa
"Sinusumbatan mo ba ako? Para sabihin ko sa 'yo, Maica, hindi lang ako ang may kasalanan kung bakit nauwi tayo sa ganito!" Nagsimula na si Denver na duruin si Maica habang patuloy sa pagsigaw rito. "You are also at fault here. Wala ka ng ibang inisip kung hindi ang career mo. Wala kang ibang inisip kung hindi ang pag-angat mo! Ako naman etong si tanga, sunud-sunuran sa 'yo maibigay ko lang ang gusto mong kasikatan!" Para namang sinampal si Maica dahil sa sinabi ng asawa. May punto kasi ito at totoo na masyado nga siyang nag-focus sa pag-angat kaysa sa pag-aalaga sa relasyon nilang dalawa. Hindi niya sukat akalain na iyon pala ang tunay na nararamdaman ni Denver. Akala niya okay lang ang lahat. Akala niya suportado siya nito sa lahat ng bagay. Akala niya masaya ito sa pag-asenso niya. Lahat pala ng iyon ay akala niya lang pala. "Hindi mo ba talaga maintindihan na lang ng ito ay ginagawa ko para sa future nating dalawa? Ginawa ko ang lahat ng ito nang sa ganoon ay maibigay ko ang maay
Kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata ni Third nang marinig mula kay Maica ang sagot nito sa proposal niya. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa kaniya dahil sa naging tugon nito sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili niya pa ring baguhin ang dapat sana’y planadong proposal dahil ayaw niyang tuluyang masira ang mood nito ngunit nang mga oras na iyon, tila mood niya ata ang biglang nasira.“I see,” tanging nasambit niya bago ngumiti nang pilit.Akmang tatayo na sana siya nang ilahad ni Maica ang kamay nito sa kaniya.“I just remove first my wedding ring. Ang pangit naman kasing tingnan kung may suot akong wedding ring and engagement ring from different person at the same time.” Malapad na ngumiti si Maica sa kaniya habang naghihintay sa reaksyon niya.Gulat na gulat naman si Third habang pinagmamasdan ito pati na rin ang kaliwang kamay nitong nasa kaniyang harapan. “Nangangalay na ‘ko.”Doon lang tila natauhan si Third sa mga nangyayari. Buong akala niya kasi ay tumatanggi na ta
Halos isang buwang ding nagpahinga si Third sa ospital bago tuluyang namalabas ng ospital. Kahit paano rin ay nabawasan ang pag-aalala kay Third para sa kaligtasan ni Maica dahil nakakulong na rin naman si Julie. Batid niya rin kasing hindi naman ito guguluhin ni Denver pero para makasiguro ay lihim niya pa rin itong pinasusundan sa mga bodyguards nito para mapanatili ang kaligtasan ni Maica.“Make sure to report to me every details even the smallest one,” sabi ni Third sa isa sa mga bodyguard ni Maica.“Gladly, Sir,” tugon nito bago ito naglakad paalis kasama ang iba pang mga bodyguards.Napasandal si Third sa swivel chair niya at saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit paano ay masasabi niyang unti-unti na talagang nagbubunga ang lahat ng paghihirap niya. Batid niyang sa oras na magkaroon na ng resulta ang annulment case nila Maica at Denver ay wala na siyang dapat na ipangamba at tuluyan nang magiging opisyal ang relasyon nila ni Maica.Nagpasya siyang tumayo mula sa kinauup
Gulat at takot ang kaagad na namayani sa puso ni Denver habang papalapit si Maica sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging presentable naman sa paningin ng asawa. “Maica…” malamlam ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ito ngunit himbis na lumapit ito sa kaniya ay nilagpasan lamang siya nito at dumeretso sa lalakeng sumalubong ng suntok sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Maica sa lalake. “Maica?” Tila gulat na gulat naman ito nang mapagsino ang kaharap. Humawak pa ito sa tagiliran habang iniinda ang tamang natamo mula kay Denver. “You need to go to the hospital,” sabi ni Maica rito. Dahil sa nasaksihan ay mas lalong nainis si Denver dahil hindi man lang siya pinapansin ng asawa. Mabilis niyang hinaltak ang braso nito at hinawakan ng mariin. “Can’t you see that I am here?” sabi niya kay Maica. “Mas inalala mo pa talaga ang sira ulong ‘yan kaysa sa akin na asawa mo. Look what he did to me?” Tinuro niya pa ang putok n
Sandali pang nanatili si Maica sa loob ng opisina ni Mr. Milendez habang pinanunuod ang replay ng kaniyang live broadcast. Ginamit niya na rin ang pagkakataong iyon upang basahin ang mga kumento ng mga nakapanood at masaksihan ang sunud-sunod na tawag na natanggap nila Mr. Milendez tungkol sa live. Masasabi ni Maica na halos lahat ng kumento ay pabor sa kaniya habang galit na galit naman ang karamihan kay Denver. Batid ni Maica na mangyayari iyon ngunit mas pipiliin niya ang sariling katahimikan kaysa sa asawang nagtaksil sa kaniya.“Mr. Milendez, I think I should take my leave. May kailangan pa kasi akong asikasuhin,” sabi ni Maica.“Sige, Maica. Pag-usapan na lang natin sa susunod ang mga bagong schedules mo,” sagot naman ni Mr. Milendez.Paglabas na paglabas pa lang ng building ay naroon na ang ilan sa mga reporters na naghihintay sa kaniya upang siya ay makapanayam ngunit ayaw niya nang magbigay ng karagdagang detalye dahil pagod na rin siya ng araw na iyon ay minabuti niyang h
Habang nagpapagaling si Third sa ospital ay napagpasyahan ni Maica na makipagkita kay Denver. Batid niyang dapat noon niya pa ito ginawa para hindi na sana umabot sa puntong may nadadamay na at may nasasaktan ng iba.“Maica, here.” Kumaway pa si Denver kung saan siya nakaupo habang naghihintay kay Maica.Kaagad namang lumapit si Maica rito at naupo sa bakanteng upuan sa harap nito.“Pwede mo baa kong samahan? May gusto lang akong puntahan,” sabi ni Maica ngunit hindi naman batid ni Denver kung saan iyon pero pumayag pa rin ito.“Sure. Kahit saan Maica. I’ll do anything for you.”Nang marinig ni Maica iyon ay napangiti siya. Hindi niya naiwasang maalala ang masayang pagsasama nila noon na kasinungalingan lang pala simula’t sapul.Takang-taka si Denver nang mapagsino ang kaharap nila. Walang iba kung hindi si Mr. Milendez.“What are we doing here?” tanong ni Denver habang tinatantsa ang mga susunod na mangyayari.“Hindi ba ang sabi mo ay gagawin mo ang kahit na ano para sa akin?”
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Third at natagpuan si Maica na humbing na natutulog habang nakahilig ang ulo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Hawak nito ang kaniyang kamay kaya hindi niya naiwasang haplusin iyon gamit ang kaniyang hinlalaki. Napangiti pa siya lalo nang tumama ang sikat ng araw sa mukha nito na mas nagpakinang sa taglay nitong ganda.Tila nasilaw naman si Maica kaya unti-unti siyang napamulat ng mata. Nakita niya si Third na nakatingin sa kaniya kaya napatayo siya kaagad mula sa pagkakaupo.“Wait! I’ll just call the doctor,” sabi niya. Hakbang maglalakad na siya paalis upang tawagin ang doktor nang hawakan nito ang kamay niya at pigilan siya.“Maica, just stay...” mahina at garalgal ang boses na sabi nito sa kaniya.Wala na siyang nagawa kung hindi bumalik sa pagkakaupo at doon kinausap ito."Do you need anything? Nagugutom ka ba? Just tell me whatever you need," sabi niya habang nag-aalala sa binata."You. I need you," sabi nito.Hindi napigilan ni Maica ang m
Napapahampas si Third sa kaniyang manibela habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang beses siyang napamura dahil sa sobrang inis niya. “Fuck! Fuck! Fuck!” Mabilis niyang pinihit ang kaniyang manibela pabalik dahil sa inis na nararamdaman sa sarili. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya kung paano siya habulin ni Maica. Pilit itong nagkukumawala sa pagkakahawak ni Denver na tila ba hindi ito naging parte ng buhay ni Maica. Doon lang napagtanto ni Third ang mga pinagdaanan ni Maica noong panahong iniwan niya ito. Naging makasarili siya at hind man lang inisip ang mararamdaman ni Maica. *** “Maica...” bulong ni Denver habang pilit siyang inaalo. Napalingon na lang silang dalawa sa kung saan nang makarinig sila ng palakpak. Nanlalaki ang mga mata ni Denver nang mapagsino ang pinanggagalingan nito. “Julie!” sambit ni Denver. “How sweet naman, baby.” Huminto ito sa paglalakad sa harap nila at saka tinitigan nang matalim si Maica. “Parang nangyari na ‘t
“Third!” Mabilis na naglakad palayo si Third sa naturang restaurant kaya ganoon na lang ang kabang naramdaman ni Maica. Kaagad siyang tumayo upang habulin sana si Third upang makapagpaliwanag ngunit pinigilan naman siya ng kaniyang asawa. “Maica, please…” pagmamakaawa ni Denver sa kaniya habang hawak ang kaniyang braso. Tiningnan niya iyon at hindi niya maiwasang malungkot. Hindi siya makapag-isip nang matino nang mga oras na ‘yon subalit alam niyang kinakailangan niyang magdesisyon. *** Pabagsak na nahiga si Third sa kaniyang kama habang inaalala ang mga nangyari. Mula nang bumalik siya sa buhay ni Maica ay puro problema na lang ang kinakaharap niya. Halos wala na rin siyang oras para sa kaniyang sarili. Sa kabila ng lahat ng iyon ay nananatili pa rin siya sa tabi nito dahil iyon ang gusto niya. Dahil doon siya masaya at ito lang ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Pero nang sandaling malaman niyang umalis si Maica upang sumama kay Denver hindi niya naiwasang ma
It was that day when I met Maica.“Are you okay?” tanong ko. I am just a passerby concerned.She was crying in the middle of nowhere. Para bang wala siyang pakialam kung may ibang nakakakita sa kaniya. Basta sapat na sa kaniya na mailabas niya ang bigat na dinadala ng kaniyang dibdib.Mabilis niyang pinahid ang kaniyang mga luha at saka tumango sa akin.She is a beauty. A beauty that is hidden beyond those cries.“You sure?” paniniguro ko.Ngumiti lang ito na para bang walang nangyari at saka muling tumango. Matapos iyon ay tumakbo na ito palayo at akala ko iyon na ang huli naming pagtatagpo pero…“Denver!” Kumakaway si Julie habang papalapit sa akin pero nasa iba ang atensyon ko. It was the second time we met. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Julie.“Halos kararating ko lang,” tugon ko. Sinadya kong ibaling ang atensyon ko kay Julie dahil iyon naman talaga ang dapat. We are in a relationship back then. Hindi ko sinasabing attracted ako kay Maica but I find her interesting. Never