Kaagad na pinindot ni Third ang loudspeaker ng cellphone nito kaya malayang naririnig ni Maica ang boses ng kausap nito. Nakaramdam si Maica ng paninikip sa kaniyang dibdib habang pinakikinggan ang mga salitang binibitiwan ni Denver mula sa kabilang linya. "Please, Third. I'm begging you. Bring me back my wife." Iyon ang unang pagkakataon na nagmakaawa ito huwag lang siyang mawala kaya mas lalo siyang nakakaramdam ng lungkot sa nangyari sa kanilang dalawa. "Then, let's ask her. She's here with me," tugon ni Third kay Denver. Bigla naman itong tumahimik dahil hindi nito akalaing naroon para ang asawa at nakikinig sa kanila. "Maica, he wants you back," sabi ni Third sa kaniya na animo'y hinihintay ang isasagot niya. Hindi naman alam ni Maica kung ano ba ang isasagot rito lalo na at sariwa pa sa kaniya ang lahat. Idagdag pa sa isipin niya na dinadala niya ang anak nito. Alam niyang kahit saang anggulo tingnan ay may karapatan pa rin ito sa kanilang anak pero sa tuwing naiisip
Terakhir Diperbarui : 2025-02-24 Baca selengkapnya