Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi makatingin nang diretso sa akin si Vince. Sa sandaling iyon, dumating din si Hector, itinutulak ni Renz ang kanyang wheelchair, may nakangiting tanong sa labi. “Aba mukhang may party tayo dito ah, bakit hindi ako na informed?” Pagkarinig sa boses ni Hector, agad na bumaliktad ang mukha ni Jennie sa galit. “Hector, tuwang-tuwa ka, ano?” “Medyo lang, hindi pa sapat ee” sagot ni Hector na nakangiti pa rin. “Masaya lang talaga ako.” “Ikaw—!” Sa sobrang galit ni Jennie, parang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo, at napahawak siya sa sentido niya. “Anak, anak, tulungan mo ako!” Ngunit hindi siya pinansin ng mga pulis at tuluyan nang dinala palabas. Sa sulok, isang kasambahay ang palihim na kinunan ng video ang buong eksena gamit ang kanyang cellphone. Nang tuluyan nang mawala si Jennie, biglang lumubog sa katahimikan ang buong bahay. Lumapit sa akin si Vince at kitang-kita ang sama ng loob sa mukha niya. “Anne, ano bang problema
Terakhir Diperbarui : 2025-02-23 Baca selengkapnya