All Chapters of Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle: Chapter 201 - Chapter 210

474 Chapters

Kabanata 201

Simula pagkabata, may takot na si Vince sa kanyang tiyuhin, na kilala sa buong Tondo. Kaya sa halip na sumagot, tumingin na lang siya sa akin at halatang nagmamakaawa. "Anne, please naman, iurong mo na ang kaso." "Oo nga naman," sang-ayon agad ni Joana. "Anne, mas mabuti nang wala tayong gulo. Isa pa, isinugal ni Vince ang buhay niya para iligtas ka—" Hindi pa siya tapos magsalita nang biglang putulin siya ni Vince. "Bakit mo pa binabanggit 'yan!" Pagkatapos niyang pagalitan si Joana, lumingon siya kay Hector na may halatang guilt sa mukha. Napansin ni Hector ang saglit na pagbabago sa ekspresyon ni Vince, pero nanatiling kalmado ang mukha nito. Ano ang ikinagulat ni Vince? Pagsugal ng buhay? Natural lang na isang lalaki ay ililigtas ang girlfriend niya, anuman ang mangyari. Nakahinga ng maluwag si Vince nang hindi mabanggit ni Joana ang salitang "sunog" at hindi rin nagpakita ng reaksyon si Hector. Sinamaan ko ng tingin si Joana bago ako nagsalita, "Joana, hindi b
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Kabanata 202

Pagod na ako, kaya hindi na ako sumagot. Sa halip, sumagot ako ng tungkol sa ibang bagay, "Kumain na tayo. Nagugutom ako.""Sige." Tumango si Hector at dinala ako sa pribadong silid-kainan ng Dusit Hotel.Pagkalapag ng mga pagkain, kumain ako ng kaunti para maibsan ang gutom ko, pagkatapos ay malalim akong huminga bago nagsalita."Tinanong mo kanina kung nasasaktan ako?"Narinig niya ang tanong ko, at nakita kong bumagsak ang tingin niya sa mukha ko."Sa totoo lang nalungkot ako." Ngumiti ako at ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng sugat sa puso ko. "Tatlong taon din kaming magkasama, may pinagsamahan pa rin kami kahit papaano. Masakit makita kung paano niya ako tratuhin. Ang hirap sabihin na wala akong pakialam."Medyo nagdilim ang tingin ni Hector, pero bahagya siyang tumango, tanda ng kanyang pang-unawa sa akin. Hindi ko din siya masisisi dahil may point naman siya.Pagkatapos, idinantay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kanya, at bahagyang ngumiti na may halong kaunting ginhawa sa paki
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Kabanata 203

HECTOR POV Habang gumaganda ang pakiramdam ni Anne, mas naging madaldal na siya. Sinulyapan niya ako pero kailangan kong itago ang simpleng pagkairitable ko dahil sa nangyari , nagulat ako ng bigla siyang manlambing sa akin. "Alam mo ba, kanina muntik na akong mamatay sa kaba! Hiningi pa sa akin ng pulis yung itim na stockings! Kung hindi dahil kay Atty. Romero, ewan ko na lang kung anong nangyari sa akin!" Uminom siya ng juice at muling nagtanong. "hon ,narinig ko sa mga kasamahan ko, isa raw si Atty. Romero sa pinakamahusay na abogado sa Manila. Mahal at mahirap daw siyang kunin. Totoo ba 'yun?" Tumango ako sa kaniya. "Oo, totoo ang sinasabi nila." "Eh paano ka agad nakapag-pa-book sa kaniya ng appointment? Sabi nila fully booked na siya hanggang sa susunod na taon!" Ngumiti ako sa kaniya at simpleng sinagot ang tanong niya "Siya ang exclusive lawyer ko." "Exclusive?" Napakunot ang noo ni Anne. Matamang ipinaliwanag ko ang sitwasyon. "Oo, may long-term contract
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Kabanata 204

THIRD PERSON POVSa kabilang banda, mabilis na nagmaneho si Vince para makarating kaagad sa bahay nila Joana. Wala siyang pakielam kung mag over speeding man siya. Basta ang kaniya ay makarating sila sa bahay nito at abutang buhay ang Mama nito. Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa brgy nito at itinuro ni Joana ang isang puting tatlong-palapag sa hindi kalayuan at sinabing, "Ito na yung bahay namin. Dito na lang tayo"Natigilan si Vince saglit, hindi niya ito inaasahanSa kanyang isipan, iniisip niyang isang barong-barong lang ang bahay nito o di kaya ay isang lumang bahay na halos gumuho na. Pasimple siyang napailing ng makita ang estado ng bahay nito. Napansin ni Joana ang iniisip ni Vince at agad siyang nagpaliwanag kahit hindi tinatanong."Kakapagawa lang namin ng bahay na 'to kaya medyo bago pa. Noong huli, sinabi ng barangay na delikado na ang dating bahay namin at inabisuhan kaming i renovate na ito. Dapat nga pala akong magpasalamat sa'yo sa pagpapautang mo sa akin
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 205

"Wala na ang mga biik namin, kailangan pang ipaayos ang kulungan, bumili ng panibagong mga inahin, at ipaospital ang asawa ko. Ano ng mangyayari sa amin?” Nang makita ni Vince ang hirap na dinaranas ng pamilya ni Joana ay nakaramdam siya ng matinding awa para sa mga ito. "Tita, huwag na po kayong malungkot. Maliit na bagay lang ang pera kung yun ang problema niyo. Kung maayos natin ang kulungan ng biik at makakabili tayo ng inahing baboy unti-unti ay magiging maayos din ang buhay niyo.”Ngunit umiling si Christy "Ano ka ba?! Kung ang sahod lang anak namin ang aasahan namin, hindi yun sasapat! Puwede naming tiisin ang maghirap, pero hindi namin puwedeng pabayaan ang sakit ng asawa ko!"Habang nagsasalita, seryosong tumingin siya sa anak niyang lalaki at paawang nagsalita. “Ano kaya kung ibenta ko na lang kaya ang isang atay ko? May isa pa naman akong matitira pag nagkataon. Kung maibebenta ko ito, magkakapera tayo."Nagimbal ang kapatid ni Joana at agad na niyakap ang kanyang ina.
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 206

Nanatahimik si Vince, hindi niya alam kung anong isasagot niya sa kaniyang Daddy."Pupuntahan ko na ang Mommy mo ngayon. Bumalik ka rito agad!" ma-awtoridad na utos ni Henry sa anak.Napabuntong na lang si VincePero nang makita ni Bruce na nilalagay ni Vince ang kaniyang gamit sa loob ng kaniyang sasakyan ay nag-iba ang ekspresyon niya. "Sir Vince, saan ka pupunta?""Kailangan kong umuwi agad," sagot ni VinceBiglang naging seryoso ang mukha ni Bruce. "Hindi—hindi! Naku Sir Vince, madilim na sa labas. Walang streetlights sa kalsadang papalabas ng brgy namin, at madalas ang mga aksidente roon. Napakapanganib kung babalik ka sa Manila ngayon!""Pero ang pamilya ko—"Bago pa natapos ni Vince ang sasabihin ay pinuto nal siya ng lalaki. "Dahil ba sa girlfriend mo kaya mo gustong bumalik kaagad? Hindi ba siya marunong umunawa?Alam niyang gabing gabi na, tapos pinipilit ka pa niyang bumiyahe ngayon? Paano kung may mangyari sa'yo sa daan? Naku kunsensya namin yan!"Sabay hablot nito sa gam
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 207

Nilagyan niya ng mga kiss mark si Vince at sinimulang laruin ang ari nito. Matapos ang ilang minuto ay nilabasan din si Vince sa ginawa niyang paglalaro sa talong nito. Mabilis niyang tinatakan ang test tube at inilagay ito sa freezer, binihisan niya si Vince, at agad na tumakbo upang hanapin ang kanyang Kuya."Kuya, ngayon na nakuha na natin ito, ano ang susunod nating gagawin?"Kumikindat ang si Bruce at nag-utos kay Joana. "Dalian mo, magbihis ka na agad at pupunta tayo sa ospital at magpapa-artificial insemination!"Pinatakbo ni Bruce ang motorsiklo at dinala si Joana sa isang ospital sa liblib na lugar upang ipaliwanag ang kanilang pakay."Doktora, ngayon ang panahon ng obulasyon ng kapatid ko. Gusto niyang sumailalim sa artificial insemination."Tinanggal ng babaeng doktor, na nasa edad singkuwenta, ang kanyang salamin at tiningnan ang magkapatid sa harapan niya, na may halong pagtataka.Unang beses niyang makakita ng isang kapatid na sumasama sa kanyang kapatid na babae para s
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 208

Mabilis na hinawakan ni Bruce ang kamay ng matanda "Naku Dok, kayo naman nagbibiro lang po siya, gusto po naming ituloy ito!"Pagkasabi noon, sinulyapan niya nang masama ang kapatid: "Talaga bang ayaw mong yumaman punyeta ka?"Nakaramdam ng matinding pag-aalinlangan si Joana sa ideya na ang matandang ito ang gagawa ng proseso sa kanya...Pero nang maalala niyang kahit lasing si Vince ay pangalan pa rin ni Anne ang tinatawag niya, mariin siyang napakagat-labi at tumango.Nang makita ng matanda na pumayag si Joana, lumambot nang bahagya ang tono ng kanyang boses "Iunat mo ang kamay mo para makuha ko ang pulso mo."Mabilis na sumabat si Bruce sa doktor. "Dokt, hindi po kami pumunta rito para ipaayos ang katawan niya. Gusto po namin ng artificial insemination." Habang sinasabi iyon, inilabas ni Bruce ang isang test tube."Ah? Iyan ba ang dahilan kung bakit kayo nandito?" Puno ng pagtataka ang boses ng matandang lalaki, ngunit matapos niyang tingnan si Joana, unti-unting lumabo ang kany
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 209

"Tapos na ang imbestigasyon namin, oo lahat ng ebidensya ay malinaw na siya ang tinuturo!” "Posible bang may hindi pagkakaunawaan o ibang nangyari?" tanong ni Henry.Umiling ang kausap niya."Sige, naiintindihan ko." Mahigpit na ibinalot ni Henry ang kanyang trench coat at hiniling sa kakilala na ayusin ang pagbisita niya kay Jennie. Nang makita niya si Jennie ,ay magulo ang buhok nito at hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon."Darling, iligtas mo ako! Iligtas mo ako! Yung malanding si Anne, gusto niya akong ipapatay!"Tahimik na umupo si Henry sa harap ng detain cell ni Jennie, hindi siya agad nagsalita at tinitigan niya ng diretso si Jennie. Pagkatapos malagbas ng lahat ng sama ng loob ni Jennie tungkol kay Anne, hindi siya kumibo, at unti-unti niyang naramdaman na may mali sa ikinikilos ng kaniyang asawa. "Darling ano ba?, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?"Umayos ng upo si Henry, sumandal siya sa likod ng upuan, at may bahagyang awtoridad ng isang lalaking lumaki sa
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Kabanata 210

Matapos maupo, agad na bumagsak ang mata ni Henry sa mga binti ni Hector na puno ng pag-aalala. "Kumusta ka na? May nararamdaman ka bang pagbabago?""Halos parehas pa rin ng dati," sagot ni Hector, na tila umiiwas sa totoong sagot.Bahagyang dumilim ang mga mata ni Henry. Hinaplos niya ang balikat ng kapatid at sinabi, "Gagaling ka rin. Huwag kang mag-alala"Pagkatapos ay tinawag niya si Anne para maupo. "Anne, halika. Dumaan ako rito para makausap ka."Lumapit si Anne at umupo sa tapat ni Hector, habang si Vivian ay naupo naman sa tabi niya.Pagkaupo pa lang ni Anne, nakangiting nagtanong si Henry, "Anong ginagawa niyong dalawa rito nang sabay?"Sa totoo lang, gusto niyang itanong kung bakit naroon si Anne. Alam niyang hindi mahilig magpatuloy ng bisita ang nakababata niyang kapatid.Bago pa makasagot si Anne, biglang sumingit na si Vivian."Dad, hindi mo pa alam, ano? Ang kuya ko talaga, hindi maaasahan! May bwisit na manyakis na nanggugulo kay Ate Anne, pero iniwan siya ng kuya k
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more
PREV
1
...
1920212223
...
48
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status