Halos manlabo ang paningin ko sa sakit.At sa huli, isang malamig na ngiti ang lumabas sa labi ko. “Oh, ganun pala. So masaya ka na, na ang anak mo ay isang kerida?”Hindi niya ako sinagot. Sa halip, itinuro niya ang phone ko. “O siya,... siya… wag mo na akong paikot-ikutin pa., tapos ka na bang magdrama? Magpapadala ka ba o hindi?” Tiningnan ko siya nang diretso. Sabay sagot “Hindi!”“Hindi lang ngayong buwan—kundi hindi na kita bibigyan ng kahit isang sentimo, kahit kailan!”Nagpanting ang tenga niya dahil sa mga sinabi ko. “Ano?! Anak kita, kaya responsibilidad mong magbigay sa akin!”Dumiin ang titig ko sa kaniya. “Ganoon ba? Sige nga Mama, tatanungin kita, si Elaine ba nagbibigay sa inyo? Hindi ba anak mo rin siya? Ow… correction. Paboritong anak.”Naputol ang hininga niya.“Sabi mo, natural lang na magbigay ako ng sustento dahil anak mo ako. Pero sabihin mo nga, nagampanan mo ba ang pagiging ina mo sa akin? Kung hindi, anong karapatan mong hingin ang responsibilidad ko bil
Last Updated : 2025-02-19 Read more