MargauxNang makarating kami sa hotel ay nagpa-valet parking si Dad para hindi na kami maglakad ni Mommy. Aniya, sayang naman ang kagandahan namin kung magpapakapagod pa. Ganyan siya, laging may pangbobola, pero ramdam kong may halong pagmamalaki rin sa tinig niya.Magkakasabay kaming pumasok sa hotel, si Daddy sa gitna naming mag-ina, tila ipinamamalas sa lahat kung gaano siya kaswerte sa amin. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang sumusunod sa amin. Maraming nag-uusap, marahil nagtataka kung bakit narito kami. Wala naman kasi sa larangan ng architecture o anupamang may kinalaman dito ang aming negosyo.Sa di kalayuan, nakita namin si Tita Samantha. Napangiti siya, at sa ekspresyon ng kanyang mukha, alam kong tunay ang kasiyahang nadarama niya sa pagkikita namin. Imbis na magpatuloy sa paglakad ay huminto kami dahil napansin namin ang paglapit niya sa amin.“Kamusta, Morgana?” bati niya kay Mommy.“Mabuti naman, kaibigan,” sagot ng aking ina sa malambing na tinig. Sa pagban
Last Updated : 2025-03-16 Read more