Ayan, magkakasarilinan na kayo!
Margaux“Ikaw na muna ang bahala kay Draco, anak. Nagtext ang assistant ko may hinihinging documents i-scan send ko lang sa mini office ko,” sabi ni Dad.“Pero aakyat na po ako,” sabi ko bilang pagtutol. Ayaw kong maiwang mag-isa na kasama ang lalaking ito. Hindi ko pa nakakalimutan na iniwan niya ako upang ibigay sa first love niya ang choker na ‘yon.Naalala ko naman ang pagkapahiyang naramdaman ko ng akalain ko na isusuot niya sa akin iyon matapos iabot sa kanya ni Carlos ang choker.Pasimple pa akong tumingin kila Charito, Chloe at Sam para alamin kung nakatingin ba sila sa akin at ganon na lang ang pagsalakay ng kayabangan sa kalooban ko ng makita ko ang masamang tingin na ipinukol sa akin ng mag-ina.Ngunit binalot ako ng pagkadismaya at sobrang hiya ng biglang iabot ni Draco kay Kevin ang box na kung nasaan nakalagay ang alahas at kitang kita ko kung paano ngumisi ang mag-inang Charito at Chloe.“Hintayin mo lang ako, nakakahiyang maiwan si Draco mag-isa,” tugon ng aking ama bag
MargauxFriday, nagmamadali akong umuwi dahil kailangan ko pang magbihis para sa party ng Alegre Construction. Siniguro ni Draco na makapunta ako kaya naman wala na talaga akong magagawa kung hindi ang sumama sa aking mga magulang.Anyway, para na rin ito sa aming negosyo. Tanggap ko na na malaki ang magagawa ng pagdikit namin sa kanya dahil nga kilalang kilala siya sa buong mundo.Pagdating ko ng bahay ay nag merienda lang kami ni Mommy saglit bago ako umakyat na sa aking silid upang mag simula ng magbihis.Kagaya ng lagi ay hindi na ako kumuha ng stylist. Nasasanay na rin naman kasi ako at lalo kong nakikita ang improvement ng skill ko.Naligo na ako at ng makatapos ay pumasok ako sa aking walk-in closet upang mamili ng susuutin.Nakita ko ang dalawang damit na kasamang binili namin ni Mommy na si Draco ang nagbayad. Napaisip ako kung isa ba sa mga iyon ang susuotin ko. Pero ng maalala kong nandoon din si Sam ay nilagpasan ko na lang at namili sa iba ko pang mga evening dress na nasa
MargauxNang makarating kami sa hotel ay nagpa-valet parking si Dad para hindi na kami maglakad ni Mommy. Aniya, sayang naman ang kagandahan namin kung magpapakapagod pa. Ganyan siya, laging may pangbobola, pero ramdam kong may halong pagmamalaki rin sa tinig niya.Magkakasabay kaming pumasok sa hotel, si Daddy sa gitna naming mag-ina, tila ipinamamalas sa lahat kung gaano siya kaswerte sa amin. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang sumusunod sa amin. Maraming nag-uusap, marahil nagtataka kung bakit narito kami. Wala naman kasi sa larangan ng architecture o anupamang may kinalaman dito ang aming negosyo.Sa di kalayuan, nakita namin si Tita Samantha. Napangiti siya, at sa ekspresyon ng kanyang mukha, alam kong tunay ang kasiyahang nadarama niya sa pagkikita namin. Imbis na magpatuloy sa paglakad ay huminto kami dahil napansin namin ang paglapit niya sa amin.“Kamusta, Morgana?” bati niya kay Mommy.“Mabuti naman, kaibigan,” sagot ng aking ina sa malambing na tinig. Sa pagban
MargauxHalo halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa dalawang nakangiti pa sa amin.“Mr. Pinto, I’m glad na nakarating kayo,” sabi ni Draco. Ni hindi ako tinatapunan ng tingin.“Draco, thank you for inviting us,” sabi naman ng aking ama na tatayo na sana ngunit pinigilan na siya ng lalaki.“It’s okay ipapakilala ko lang sa inyo ang aking good friend, si Chiara.”“Hi,” nakangiting sabi ng babae na may kasama pang pagkaway pero ang isang kamay niya ay nananatiling nakapulupot sa braso ni Draco.“Chiara, he’s Mr. Rex Pinto and his wife, Morgana Pinto of course, their daughter— Margaux.”“Nice to meet you, Chiara,” formal na sabi ni Dad na ikinataka ko.“Nice to meet you all,” sabi din ng babae tapos ay nilibot ang tingin sa amin hanggang sa matapos iyon sa akin.Tinanguan ko lang siya na may kasama ding ngiti. Kailangan kong magpaka-plastic, bwisit!“Why are you sitting here? Doon kayo sa unahan.” May itinurong table si Draco na sinundan naman namin ng tingin ngunit magala
DracoPagpasok pa lang niya ng hall ay hindi na maalis ang tingin ko sa kanya pero mukhang hindi pa niya ako nakikita.Nagmukha siyang elegante at sopistikada sa suot niyang emerald evening gown na may asymmetrical one-shoulder design. Ang isang balikat ay may off-shoulder draped fabric na bumabalot pababa sa dibdib, habang ang kabilang bahagi ay may built-in na isang mahabang guwantes na umabot hanggang sa kanyang mga daliri, na nagdaragdag ng sleek at glamorous touch.Ang katawan ng gown ay body-hugging kaya naman hapit na hapit iyon sa katawan niya at kitang kita ang kurbada niyang gusto ko sana ay para sa mga mata ko lang.Mayroon itong intricate bead embellishments sa gilid ng baywang at balikat kaya nagmukha iyong kumikinang.Fuck! Ang palda ay may high-slit sa kaliwa niyang hita, na nagpapakita ng kanyang ka-seksihan at siguradong gulo ang mangyayari kung hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag nakita ko kung paano tumingin ang mga kalalakihan sa kanyang legs sa tuwing maglalak
MargauxNakakainis ang kagwapuhan ng gurang na ito. Habang nagsasalita siya ay napaka-confident niyang tignan kaya naman hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Muntik na nga akong mag-alala dahil baka napapansin na pala ako nila Mommy at Daddy kaya naman naisipan ko na sulyapan din sila paminsan minsan.Mabuti na lamang at naka focus din sila sa sinasabi ni Draco at kagaya ko ay mukha din silang na-impressed sa lalaki.Nang matapos ay inasahan ko na lalapit siya ulit sa amin ngunit hindi niya ginawa ng bigla na lang siyang awatin ng Chiara na ‘yon.Nagngitngit ako sa inis at kung pwede lang ay sinabunutan ko na ang babaeng yon.Hanggang sa nilapitan na ako at lahat ni Sam.“Hi, Margaux,” sabi niya. Mukhang nagulat ang aking mga magulang at maang na napatingin sa lalaki. “Kamusta po, Tito, Tita.”Tumaas ang kilay ng aking ina at nagsalubong naman ang sa aking ama. Paano nga ay ni minsan ay hindi pa nagpunta si Sam sa bahay para kausapin ang mga magulang ko. Isa iyon sa dahilan kun
Margaux“Margaux, please, tayo na lang ulit. Pangako, this time, magiging mabuti akong boyfriend.”Napansin niya yata ang pag-iisip ko kaya siya na ang kusang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.“I’m really sorry, Sam. I think it was better this way. Ayaw kong magkaaway pa kayo ng Daddy mo ng dahil sa akin. And yes, I think I started to like you uncle.” Ayaw ko sanang sabihin ang huling pangungusap dahil ayaw ko rin tanggapin iyon sa aking sarili.Pero ano ang magagawa ko kung iyon na ang nararamdaman ko. Maigi na rin na maipaalam iyon kay Sam para tigilan na niya ang paglapit sa akin at hindi na rin siya umasa.Napamaang siya sa sinabi ko. Ilang saglit din siyang natigilan bago nagsalita.“We’ve known each other for as long as I can remember and you loved me for years. Sunod ka ng sunod sa akin. Everyone at school knew how you feel about me. Sinasabi mo ba na ganon lang kadaling nawala ang nararamdaman mo para sa akin? Saglit pa lang nandito si Tito ay nabaling na sa kanya ang pa
Margaux“A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ko, pilit pinipigilan ang kaba sa aking boses. Ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip, isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago niya ako iniurong nang bahagya palayo sa sasakyan.“Grab?” tanong niya, at tumango ako bilang sagot. Mabilis niyang dinukot ang kanyang kamay sa likod ng kanyang pantalon, hinugot ang kanyang wallet, at walang pag-aalinlangang kumuha ng isang libong piso. Binuksan niya ang passenger seat door at iniabot ito sa driver.“Here, do whatever you want. Hindi na siya sasakay. Keep the change.”Napasinghap ako sa sobrang gulat.“Draco, ano ba?!” inis kong sabi, ngunit binalewala niya lang ako. Mabilis niya akong hinawakan sa pulso at hinila palayo sa sasakyan. Lalong tumindi ang galit na bumalot sa aking dibdib.“Saan mo ba ako dadalhin?!” Pilit kong pinipigilan ang sarili kong pumalag nang husto, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.Hindi pa rin siya nagsalita. Mas lalo akong nainis. Na
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
DracoBakas ang pagtataka sa mukha ni Kevin nang bumalik ako sa opisina mula sa coffeeshop. Nasa kabilang building lang naman iyon, pero hindi na ako pumayag na lumayo pa. Sinabi ko na rin kay Chiara na gusto ko nang umuwi pagkatapos."Oh? Akala ko diretso uwi ka na?" tanong ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy akong naglakad papasok sa opisina at pasalampak na naupo sa aking upuan, ramdam ang bigat ng mga nangyari."May nangyari ba?"Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I saw Margaux."Saglit siyang napatigil, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "So?"Tiningnan ko siya nang masama. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat magkasama na kayo ngayon? Bakit hindi kayo dumiretso sa bahay niyo?""Nakita ko siya... at nakita niya akong kasama si Chiara. Sinabi ko sa kanya noong gabi ng party na babalik na ng Germany ang babae in two days.""Owww...""Oww?" tumaas ang kilay ko."I’m sure galit siya," aniya, sabay ngisi. Masamang tingin ang binigay ko sa kany
MargauxAng sarap talagang bigwasan ng gurang na 'to! Nakatayo siya ngayon sa tabi ni Chiara, nakatitig sa akin at mabuti naman at mukha siyang guilty. Pero wala akong balak bigyang-pansin ang ekspresyon niya. Sa halip, pinili kong ngumiti at magpakaswal, kahit pa sa loob-loob ko ay gusto ko siyang tignan nang masama."Mr. Zaffiri, I didn’t expect to see you here." Totoo naman, hindi ko talaga inaasahang andito siya. May bahagyang inis sa tono ko, pero sinigurado kong hindi ito halata. Ngunit bago pa siya makasagot, si Chiara na ang sumingit, tila sabik na sabik ipakita na may koneksyon silang dalawa."I invited him. He’s so busy working and I thought he needed some fresh air." May pahawak-hawak pa siya sa braso ni Draco, na lalong nagpasingkit sa bilugan kong mga mata. Ang landi! Parang sinasadya niya pang ipakita sa akin kung gaano sila ka-close.Napansin ko ang tila pagpihit ni Draco kasunod ang marahang pagtanggal ng kamay ni Chiara sa kanyang braso. Parang gusto niyang magpaliwana
MargauxLalabas daw sina Draco at Kevin, ibig sabihin ay hindi na naman kami magkikita.Hay naku, namimiss ko na ang gurang na ‘yon eh. Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong hahanapin ko ang presensya niya sa bawat araw. Gusto ko nang magkita kami ng personal, pero paano mangyayari ‘yon kung lagi siyang busy? Pakiramdam ko tuloy, ako lang ang may gusto sa aming dalawa.Ayaw ko namang magreklamo dahil baka sabihin niya ay masyado akong feeling-era. Kahit paano naman siguro, may karapatan akong umangal, ‘di ba? Dapat lang naman na madalas kaming magkita dahil, base sa pagkakaintindi ko, kami na. Pero bakit parang hindi ko nararamdaman?Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Samantalang noong kami ni Sam ay wala akong paki basta masundan ko lang siya. Siguro ay dahil hindi ko magawa ang gannon kay Draco ngayon.“Ano, sama ka na?” tanong ni Tessa habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang matagal ko nang desisyon. Saglit akong napabuntong-hininga bago tumango.Kakala
Draco Fuck, two weeks. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita nang personal si Margaux, at pakiramdam ko’y mababaliw na ako sa labis na pananabik. Hindi ako makuntento sa video call at text lang. Iba pa rin ang makita siya, mahawakan, at maramdaman ang init ng kanyang presensya. Gustuhin ko mang puntahan siya, sunduin sa school, at dalhin sa bahay upang makasama kahit sandali, hindi ko magawa. May kung anong bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko ba ay may mga matang laging nakamasid sa akin. Sa tuwing sinusubukan kong sipatin ang paligid upang hanapin ang anino ng maaaring nagmamanman, wala akong makita. Baka guni-guni ko lang, epekto ng nangyari kay Gertrud. Pero hindi ko rin pwedeng ipagsawalang-bahala ang kutob ko. Kaya sa ngayon, titiisin ko muna ang pananabik. Sugar: School cafeteria ako kasama ang mga friends ko. Draco: Dahan-dahan sa pagkain, and make sure na healthy. Alam kong kasabay ng pagbabasa niya ng text ko ay ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Napangiti ako habang hin
DracoIlang araw ko nang hindi nakikita ng personal ang aking Sugar, at sa totoo lang, naiinis na ako. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si Chiara, at sa tuwina, lagi siyang nakabuntot sa akin.Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan, lalo na’t hindi ko magawang makita o makausap ng maayos si Margaux. Nag-aalala na rin ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya magagalit o mag-iisip ng kung anu-ano ang pananatili ng kaibigan ko dito sa bansa hanggang ngayon.“Draco, what do you think of this?” tanong ni Chiara, hawak ang brochure ng isang condominium complex. Nakaupo siya sa tapat ng aking desk dito sa DZ Construction, waring hinihintay ang aking opinyon.“I don’t know, Chiara.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa folder na nasa harapan ko, isang report mula kay Kuya Dennis tungkol sa financial status ng kumpanya noong Alegre Construction pa ito. Mas importante ito kaysa sa kung anumang gusto niyang ipakita.“How would you know when you’re not looking?” reklamo
MargauxMasaya at puno ng kulay ang bawat araw ko. Para bang may bagong sigla ang mundo, isang ningning na hindi ko noon napapansin. Lahat ng ito, dahil kay Draco.Araw-araw, hindi nawawala ang kanyang mensahe. Minsan isang simpleng, "Good morning, Sugar," na tila isang mainit na halik sa aking noo, sapat na upang magdala ng ngiti sa aking mukha hanggang sa paglubog ng araw.Minsan naman, mahahabang kwento ang ipinapadala niya, mga random na bagay na nagpapaalala raw sa kanya sa akin. Parang kahit saan siya mapunta, kahit anong gawin niya, ako ang laman ng isip niya.At sa tuwing magkausap kami sa video call bago matulog, ang boses niya, kahit nasa kabilang linya lamang ay tila yakap na bumabalot sa akin ng kakaibang kapanatagan.Yung mga "I fvcking miss you" na text message niya ay nagbibigay ng kakaibang kilig sa akin. Kasunod ang pag-alala sa mga araw na nagsolo kami sa kanyang condo at sa bago naming bahay.Bago naming bahay. Kinilig talaga ako doon. Hindi pa man kami kasal ay kasa
Margaux“Bruha ka!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Yvonne ng makita niya ako sa school. Hindi talaga ako nagpakita sa kanya before magsimula ang klase pero heto siya at saktong kalalabas lang ng aming teacher ay pumasok na sa aming classroom.“Bakit?” patay malisya kong tanong.“Huwag mo akong ma-bakit-bakit na babae ka. Sabihin mo, sino ang kasama mo nung Friday night? Bakit mo ako kailangan kuntsabain about your parents?”Inaasahan ko naman na ito. At sure ako na hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Let’s go sa labas at magkape.”“Ano? Tanghaling tapat, kape?” bulalas ko. Lunchtime kasi sana namin, ano ang naisip ng bruhang ito at kape pa talaga ang in-offer sa akin?“Tinignan ko lang kung nasa tamang pag-iisip ka pa. Since nasa wisyo ka naman pala, ibig sabihin ay masasagot mo ng tama ang mga katanungan ko.”Natawa na lang ako sa sinabi niya at tsaka ako tumayo mula sa aking upuan. Dinampot ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat.“Let