“LOPEZ,” malumanay na basa ni Gracie sa pangalan ng bayan na nakaukit sa istatwang bunga ng niyog na naroon sa tabi ng national highway matapos na lumagpas sila ng tulay. “Malapit na ba tayo Luis?”“The long wait is over Gracie, ilang sandali na lang ay nasa bahay na tayo. Welcome to my hometown. Sensya na at talagang malayo itong amin,” natatawang tugon ni Luis na nanatiling nasa pagmamaneho ang konsentrasyon.Napatawa rin siya. “Oo nga, limang oras din ata tayong nagbyahe ano. Don’t worry dahil hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa’yo.”Nakumbinse siya ni Luis na tanggapin ang alok nitong trabaho sa kanya sa probinsya nito mismo. Kahapon na matapos siyang kupkupin ng lalaki ay nagpasya na siyang umalis sa tinutuluyang apartment. Tinulungan siya nito na makuha ang lahat ng damit at gamit niya.“Good,” anito na hindi siya nililingon. “Oops, ano naman tinitingnan mo d’yan sa cellphone mo huh? Baka mag- install ka naman ng social media apps huh.”“Hindi ah, tumingin lang ako sa ora
Last Updated : 2025-01-24 Read more