IBA ang inaasahan ng lasing na si Gracie, imbes nasa ilog siya bumagsak ay sa tila matigas na bagay dumampi ang katawan niya. Hindi naman sobrang sakit ang nadama niyang impact na nahaluan ng matinding pagtataka.Nagmulat siya at nanlaki ang mata niya nang mapansin na nakadagan siya sa katawan ng isang lalaki. “Teka, a-anong nangyari? Anong ibig sabihin nito?”Naiinis siyang tumayo saka hinarap ang estranghero. “An-ng ginawa mo sa akin huh? May balak kang masama ano?”Tumayo rin ang lalaki at apologetic ang mukha na sinalubong ang tingin niya. “Look Miss, wala akong any bad intention sa’yo. Ginawa ko lang na mapigilan ka sa pagtalon mo d’yan sa ilog.”Bigla niyang naalala ang binalak niyang gawin kanina. Lalo siyang nairita sa kaharap. “At sino ka naman ang nagbigay sa’yo ng right na pakialaman mo ako sa gusto kong gawin? Sana hinayaan mo na lang ako.”Umiling ito. “Hindi ko naman maaatim na hayaan ko na lang magpakamatay ka. Magiging dalahin ng konsensya ko ‘yun dahil ako ang nakakit
“LOPEZ,” malumanay na basa ni Gracie sa pangalan ng bayan na nakaukit sa istatwang bunga ng niyog na naroon sa tabi ng national highway matapos na lumagpas sila ng tulay. “Malapit na ba tayo Luis?”“The long wait is over Gracie, ilang sandali na lang ay nasa bahay na tayo. Welcome to my hometown. Sensya na at talagang malayo itong amin,” natatawang tugon ni Luis na nanatiling nasa pagmamaneho ang konsentrasyon.Napatawa rin siya. “Oo nga, limang oras din ata tayong nagbyahe ano. Don’t worry dahil hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa’yo.”Nakumbinse siya ni Luis na tanggapin ang alok nitong trabaho sa kanya sa probinsya nito mismo. Kahapon na matapos siyang kupkupin ng lalaki ay nagpasya na siyang umalis sa tinutuluyang apartment. Tinulungan siya nito na makuha ang lahat ng damit at gamit niya.“Good,” anito na hindi siya nililingon. “Oops, ano naman tinitingnan mo d’yan sa cellphone mo huh? Baka mag- install ka naman ng social media apps huh.”“Hindi ah, tumingin lang ako sa ora
NAPAYUKO na ang ulo ni Gracie sa pag-alis ng dalawang lalaki sa counter. Bahagya niyang nasilayan ang mukha ng kanina pa niya tinitingnan. Tama nga ang hinala niya na si Oliver nga ito.“Miss, akina po ang mga binili ninyo,” untag sa kanya ng babaeng cashier.Napapitlag siya saka kaagad na hinamig ang sarili mula sa paglipad ng isip niya. “Heto na, sorry.”Nakangiting tinanguan siya ng kahera hanggang makapagbayad na siya. Paglabas niya ng convenient store ay nakita niya ang dalawang lalaki na papasakay pa lang sa kotse na nakaparada sa gilid ng daan.Tila umahos ang adrenaline niya sa katawan at dahil na rin sa kaba ay napa-direstso siya sa pagtawid ng kalsada. Nagulat siya sa malakas na busina ng isang motocycle.“Miss, be aware naman sa pagtawid oh,” sabi ng driver n’on nakasuot ng helmet. Napatigil ito sa pag-andar dahil muntikan siyang masagasaan nito.“Pasensya na Sir,” nahihiyang sabi niya saka ganap na lumakad patungo sa kabilang panig ng kalsada. Nagmamadali siyang sumakay sa
“OKAY Sir noted,” tanging naging tugon ni Myrna. Matapos ang ilang mga paalala ay pinabalik na ito ni Oliver sa trabaho ang head architect ng kompanya niya.“Kailangan lahat ng mga plano ko ay mag-materialize,” sabi niya sa sarili na tumingin sa screen nang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng table.Isang website ang news website ang binuksan niya para alamin ang lagay ng economy maging sa business and industry. Nag-pop up ang isang paid advertisement ng isang developer na kilalang-kilala niya.The Vita Rise on the way to your location. Nakalagay pa ang isang picture ng ground breaking ceremony na dinaluhang ng mga executive at stock holder ng nasabing kompanya. Mas umagaw ng pansin niya ang may katandaan ng lalaki pero na nanatiling matikas ang tindigan. Si Remegio Wright.Nagtiim-bagang siya sa pagkakatitig sa nasabing picture. “Ako ang nagpropose ng project na ‘yan Dad at ngayon ay pinapakinabangan mo na. binalewala at kinalimutan mo ang lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.”Bag
“OO nga picture ko nga ito noong naglalakad ako sa gitna,” aniya nang makita ang nasabing retrato sa cellphone ni Lando. Ang ‘gitna’ na tnutukoy ay ang tawag ng mga taga- Lopez sa sentrong kabayanan na malapit sa plaza. “Pero hindi maaari ito.”Naglalakad siya sa gilid ng daan at t’yempong nakuhaan siya ng close shot. Nalilpad-lipad pa ng hangin ang kulot na mahaba niyang buhok. Galing siya sa palengke noon dahil may binili siyang prutas.“Huh Ate, hindi ninyo nagustuhan?” tanong ni Estong. “Ang dami ngang share at comment sa post na nagagandahan sa inyo kahit ang mga babae.”Lalo siyang pinagpawisan. Nakadarama na naman siya ng trauma. Ilang taon na rin siyang hindi gumagamit ng social media. Matagal na niyang ini-close ang account niya. Nag-online lang siya gamit ang email account ng business para sumagot ng mga inquiry ng client.“Ayoko talaga, invading of my privacy ang ginawa sa akin ng nag-post na’yan,” naiiling niyang sabi na nakadarama siya ng iritasyon. “Ahm Lando paki-messag
MULA sa diretsong tingin ni Oliver kay Gracie ay nag-iwas ito ng mga mata. “I’m sorry, nagkamali lang pala ako. Just forget it.”Nabunutan siya ng tinik sa pagkakataong iyon. Salamat na lang at hindi nawala ang composure niya as an emcee. “It’s okay lang ba Sir na magbigay ka ng message for our celebrant.”Tila na-freeze ito sa pagkakaupo. Wala siyang balak pansinin. Pinakiramadaman muna niya ang lalaki. Bakit ba kasi tila lumiliit ang mundo nilang dalawa?“Ahm Miss, mamaya na siya magbigay ng message. One of the special guest siya ng Mommy,” imporma sa kanya ng anak ng babae ng celebrant.“Ah okay sige, pasensya na,” sabi niya na nilabanan ang pagkapahiyangn nadarama. Napaka-cold naman pal ani Oliver na malayo sa una niyan impression sa first meeting nila two years ago.Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Sana naman iyon na ang huli nilang pagkikita ng binata. May hatid pa ring takot sa kanya sa tuwing may nai-encounter siya na multo ng kahapong tinakasan niya sa siyudad.Nagpatul
ALAS cuatro na ng umaga nang matapos sa paglilipit ng mga gamit sina Gracie. Naisakay na nila lahat ng mga iyon sa service vehicle na gamit nila. Bakas man sa mukha nila ang pagod pero masaya dahil nagbigay ng malaking tips sa kanila ang pamilya ng birthday celebrant. Ibig sabihin ay nasiyahan lang sa service na ibinigay nila. Pa-umaga na rin nang matapos ang party.“Babawi ako sa pahinga mamaya Ate,” sabi sa kanya ni Trina na katabi niya sa front seat ng service vehicle. “Pero ang saya lang dahil malaki ang maiiuwi kong kita ngayon.”“You deserve a long rest at kayong lahat,” masayang tugon niya na tiningnan isa-isa ang mga kasamahan na nasa loob ng main body ng vehicle. May dibiyon na may malaking space ang nakapagitan sa mga ito. “Maraming Salamat sa inyong lahat huh.”Nakangiting tinanguhan siya ng mga ito.Maya-may pa ay sumakay na rin si Etong sa driver’seat at binuhay na ang makina ng sasakyan.“Ate ang gwapo n’ong pamangkin ni Ma’am Marcy ano? ‘Yung Oliver ba ang name niya?” k
“YOU will not get affected Gracie, ako lang ang dapat mag-suffer sa maling decision na ginawa ko. Ipinapangako ko ‘yan sa’yo,” assured na sabi ni Luis sa kanya na kababakasan ng mga sinserong tingin.Naipikit niya ang mga mata saka marahang nagpakawala ng hangin sa baga niya. Inisip na lang niya na sana isang panaginip lang ang lahat at maya-maya ay magigising na siya. Ngunit sa pagmulat niyang muli ng mata ay iyon pa rin ang reyalidad na kaharap niya.“Pero paano? Hindi ko pa rin maintidihan ang lahat,” frustrated na tugon niya na sinabayan ng panglulumo. “Sabi mo nga mawawala na ang negosyo at maging ang bahay na ito. So, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin nito.”“Alam ko Gracie, hindi naman ako papayag na bumalik ka sa Manil dahil sa pinagdaanan mo doon. Hindi kita ibabalik sa malupit na mundong pinanggalingan mo. Huwag ka mag-alala may plano na ako para sa’yo sa pag-alis ko dito sa Lopez.”“Aalis ka Luis?” nadagdagan pa ang lungkot at panlulumo niya sa nabbingng iyon ng kaib
Isang prestihiyosong art exhibit ang isinasagawa sa grand lobby ng Paraday Island Resort nang sumunod na araw. Naka-display ang obra ng mga nakilahok sa art workshop. Kasama doon ang isang hyper-realistic painting na ipininta ni Gracie. "Miss Reyes, congratulations, isa po ang painting n'yo na tinitingnan ng mga guest. Gusto po nila kayong makita ," imporma sa kanya ni George na curator ng exhibit pagkadating niya sa venue.Nagtataka man siya dahil hindi makapaniwala ay natuwa pa rin siya. "Ah gan'on ba, sige George maraming salamat. Saang part ba nakalagay ang gawa ko?""Samahan ko kayo Ma'am," anang ng curator.Napasunod siya kay George. Ngunit pagdating sa naka-display niyang painting ay bigla siyang natigilan. Tila na-malikmata siya sa isang matangkad na lalaking nakatayo at pinagmamasdan ang obra niya.'No he can't be!' kontra ng isang bahagi ng utak niya.Hindi kailanman inakala ni Gracie na hahantong sa ganito ang gabing ito. Isang pangyayari na hindi niya akalaing magaganap.
NAGLAKAD-LAKAD si Gracie sa makinis at puting yate na kinaluluanan niya ngayong umaga. Nararamdaman niya ang ang pagdampi ng init ng sikat ng araw sa balat niya maging ang paghampas ng hanging dagat sa buhok niya. Hinayaan niyang malipad-lipad ang ilang hibla.Ngayong araw ay papunta na siya sa Paraday Island Resort, kung saan ay mapalad siyang maimbitahan sa exclusive art workshop ng nasabing prestigious resort. 'Sa wakas ay natuloy pa rin ako umattend at nagbago ang isip ni Sir Oliver,' masayang sabi niya sarili.Habang naglalayag ang yate sa asul na dagat, nakadama si Gracie ng excitement at pasasalamat. Isang bonus na maituturing na pinayagan siya ni Oliver na mag-off sa trabaho ngayong weekend. Maganda naman kasi ang naging performance niya sa trabaho at deserve niya ang ilang araw na break sa maganda at mamahaling resort sa isla.Nasalubong niya ang captain ng yate, nasa kalagitnaan na ang edad nito. Kapansin-pansin ang malago nitong balbas. "Welcome aboard Miss Gracie! We'll h
"I just want to inform you, Gracie," ngunit tila nabitin si Oliver sa dalaga. Ang intense gaze nito ay nahaluan ng kalagkitan."Inform what Sir?" tanong niya na pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya. Lumakas na naman ang tibok ng puso niya sa proximity iyon ng kanyang boss. "Sir!"Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig na nagulat sa ginawa niyang pag-untag dito. Naipilig nito ang sariling ulo at napa- distanya sa kanya. "Please plan for our open house party this week, this coming Friday na agad.""Okay Sir noted. Additional reminder?" tanong niya na kinasabikan niya ang mapalapit dito. Ang sanghaya ng gamit nitong perfume ay nanunuot pa rin sa ilong niya."Iyan na lang muna for the meantime. Inform na lang kita kung sakaling may nakalimutan ako. Punta na muna ako sa office ko." Tumalikod na itong muli sa kanya.Nasapo niya ang sariling dibdib. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. Bakit kaya ganoon na lang ang epekto sa kanya ni Oliver? Hindi niya maintindihan ang nangyaya
IPIPIKIT na sana ni Gracie ang mga mata niya nang muling magsalita si Oliver. "Please plan our open house party in the next two days. Make sure na lahat ng mga agent at broker natin ay present.""Okay Sir," aniya na nahigit ang sariling paghinga. Pa-simple niyang ipinilig ang ulo."For today, maging aware ka muna sa possible walk-in prospect natin today. Pwestuhan mo rin ang site booth natin." Nilagpasan siya ng boss niya para magtungo sa sariling opisina nito.Naiwan siya sa living room ng site office na tila hugkag ang pakiramdam. Akala niya ay hahalikan siya ng boss niya.'Wake up Gracie. Huwag kang assuming d'yan' saway ng isang bahagi ng utak niya.Nagpunta na siya sa table niya para harapin ang mga trabahong naghihintay sa kanya. Nakadama siya ng antok sa harap ng nakabukas niyang monitor.Iniunat niya. "Hay puyat pa talaga ako ngayon. Hindi naman ako pwedeng matulog nito at andito si Sir Oliver."Tumayo muna siya para magtungo sa pantry. Kaagad siyang kumuha ng tasa na nilagyan
BUONG linaw na naihatid ni Gracie ang presentation sa mga shareholder. Hindi man inaasahan na gagawin niya iyon ay naging ready siya. Mabuti at nadala niya ang external drive niya kung saan may nagamit siyang visual presentation."In conclusion, Palmera Estate is well-positioned for continued growth and success. We're committed to delivering value to our shareholders and customers. Thank you for your continued support." ang pagtatapos niya.Nagpalakpakan ang mga shareholder matapos niyang mag-present. Subalit si Oliver ay tahimik na nakaupo sa hulihan. Napaka-seryoso ng mukha nito at wala siyang mabasang emosyon.Natapos ang meeting. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga shareholder para kamayan siya. "Congratulations Miss Reyes."Tumaba ang puso niya sa mga sandaling iyon. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil walang nakakilala sa kanya. Nag-alisan na ang mga umattend sa meeting hanggang sa silang dalawa na lamang ng boss niya ang naiwan sa conference room.Masaya siyang lumapit kay Oli
HINDI pa nakakalabas ng Quezon Province sina Gracie at Oliver nang biglang napahinto sila sa pag- andar."Something wrong Sir?" tanong niya sa boss.Itinabi muna nito ang kotse sa gilid ng kalsada. "Na-flat-an ako ng gulong. Need ko muna ipalit ang extra tire ko. Baba muna tayo."Tumalima siya. Halos magkasabayan silang bumaba ng kotse. Lumigid si Oliver sa trunk ng sasakyan at buksan iyon. Ubod lakas na inilabas nito mula doon ang spare tire maging ang ilang gamit."Anong maiitulong ko Sir?" tanong niya dito dahil nakadama siya ng hiya sa panonood lang dito."Stay put ka lang d'yan Miss Reyes, kaya ko na ito," anito na pinuntahan ang flat na gulong sa bandang unahan ng kotse.Wala siyang nagawa kundi ang isilong ang sarili. Pinanood na lang niya ang kanyang boss.Gamit ang lug wrench ay nagawa nitong luwagan at alisin ang affected tire. Maya-maya pa ay binuhat na nito ang spare tire.Tila nananadya ang panahon sa sandaling iyon, biglang bumukas ang malakas na ulan. Nagmamadali siyan
NANG gabing iyon ay hinanap muli ni Gracie ang isang blangkong canvass. Ang salas ng apartment niya ang nagsilbi niyang studio. As part of the requirement ng workshop ay dapat makagawa na sila ng sketching para sa ipipinta nila."Kailangan na ready pa rin ako kahit na hindi pa ako sure na makaka-attend sa workshop," aniya sa sarili na hinawakan na ang pencil. "Sana naman ay magbago pa ang isip ni Sir Oliver."Lumapat lang sa canvas ang hawak niyang lapis pero wala siyang naipintang imahe. "Shit, wala pa nga pala akong subject. Napaka-pasyahan ko naman."Umalis siya sa pagkakaupo sa stool at saglit na iniwan ang canvas. Kailangang mapagana niya ang creative juice niya.Pupunta na siya sa kitchen kung saan balak niyang magtimpla ng kape, biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinukot agad niya sa bulsa ng short niyang suot.Isang tawag mula kay Oliver ang natanggap niya. Sinagot niya iyon. "Hello Sir, good evening.""Good evening Miss Reyes, please be ready tomorrow, pupunta tayo ng Manil
Gracie cleared her throat saka hinarap ang boss na si Oliver. "Ahm okay S-Sir, may mga agent po kasi tayo na hindi makakapasok ngayon.""I see, mahalaga ay andito ka sa site," kalmadong sagot nito na hindi kinakitaan ng iritasyon."Okay Sir, lalabas din ako later para pumuwesto sa manning area natin," tukoy niya sa pwesto ng mga agent na may canopy. Nanibago siya sa mabilis na pagbabago ng mood ng boss niya."Alright, anyway sumunod ka sa akin ngayon Miss Reyes," utos nito.Sa paglagpas ng lakad nito sa kanya ay awtomatikong sumunod siya. Nagtataka siya pagiging mahinahon nito ngayon. Kumpara kanina na para itong dragon na bumubuga ng apoy.Hanggang sa nakarating sila sa pantry ng site office. Saka niya napansin na may dala itong mga canister na may lamang pagkain. Biglang kumalam ang sikmura niya sa gutom."Ako na bahala d'yan Sir sa mga food, ako na mag-prepare po n'yan." Mabilis na kumuha siya ng plato at kubyertos. Marahan niya iyong inilagay sa table na naroon.Kinuha rin niya mu
“M-Maraming Salamat Sir for appreciating me,” sabi ni Gracie na umaapaw sa mumunting kaligayahan ang puso. Ang mga ganoong affirmation ay napakahalaga para sa kanya. Naalala niya tuloy ang kaibigang si Luis na madalas siyang purihin sa mga small achievement niya sa event and catering business nila noon.“But you’re still liable for every lapse in your work. Alalahanin mo na kailangan mong magtrabahong mabuti. Saka please forget din ‘yun sinabo ko kanina, I’m not mean it.”Parang gumuhong pader ang naramdaman niya sa sinabing iyon ni Oliver. Hindi na siya nakapagpasalita dahil nilagpasan na siya ng binata saka lumabas ng site sales office.Naku Sir, na-realize ko ngayon na ang hirap palang spelling-in ng ugali mo, sabi niya sa sarili na napatingin sa pintong nilabasan ng boss niya.Totoo nga talaga ang sinabi ni Cynthia. Kailan kaya aalis ng Lopez si Oliver para muli siyang makahinga sa kanyang trabaho.Napapitlag siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Oliv