“OKAY Sir noted,” tanging naging tugon ni Myrna. Matapos ang ilang mga paalala ay pinabalik na ito ni Oliver sa trabaho ang head architect ng kompanya niya.“Kailangan lahat ng mga plano ko ay mag-materialize,” sabi niya sa sarili na tumingin sa screen nang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng table.Isang website ang news website ang binuksan niya para alamin ang lagay ng economy maging sa business and industry. Nag-pop up ang isang paid advertisement ng isang developer na kilalang-kilala niya.The Vita Rise on the way to your location. Nakalagay pa ang isang picture ng ground breaking ceremony na dinaluhang ng mga executive at stock holder ng nasabing kompanya. Mas umagaw ng pansin niya ang may katandaan ng lalaki pero na nanatiling matikas ang tindigan. Si Remegio Wright.Nagtiim-bagang siya sa pagkakatitig sa nasabing picture. “Ako ang nagpropose ng project na ‘yan Dad at ngayon ay pinapakinabangan mo na. binalewala at kinalimutan mo ang lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.”Bag
“OO nga picture ko nga ito noong naglalakad ako sa gitna,” aniya nang makita ang nasabing retrato sa cellphone ni Lando. Ang ‘gitna’ na tnutukoy ay ang tawag ng mga taga- Lopez sa sentrong kabayanan na malapit sa plaza. “Pero hindi maaari ito.”Naglalakad siya sa gilid ng daan at t’yempong nakuhaan siya ng close shot. Nalilpad-lipad pa ng hangin ang kulot na mahaba niyang buhok. Galing siya sa palengke noon dahil may binili siyang prutas.“Huh Ate, hindi ninyo nagustuhan?” tanong ni Estong. “Ang dami ngang share at comment sa post na nagagandahan sa inyo kahit ang mga babae.”Lalo siyang pinagpawisan. Nakadarama na naman siya ng trauma. Ilang taon na rin siyang hindi gumagamit ng social media. Matagal na niyang ini-close ang account niya. Nag-online lang siya gamit ang email account ng business para sumagot ng mga inquiry ng client.“Ayoko talaga, invading of my privacy ang ginawa sa akin ng nag-post na’yan,” naiiling niyang sabi na nakadarama siya ng iritasyon. “Ahm Lando paki-messag
MULA sa diretsong tingin ni Oliver kay Gracie ay nag-iwas ito ng mga mata. “I’m sorry, nagkamali lang pala ako. Just forget it.”Nabunutan siya ng tinik sa pagkakataong iyon. Salamat na lang at hindi nawala ang composure niya as an emcee. “It’s okay lang ba Sir na magbigay ka ng message for our celebrant.”Tila na-freeze ito sa pagkakaupo. Wala siyang balak pansinin. Pinakiramadaman muna niya ang lalaki. Bakit ba kasi tila lumiliit ang mundo nilang dalawa?“Ahm Miss, mamaya na siya magbigay ng message. One of the special guest siya ng Mommy,” imporma sa kanya ng anak ng babae ng celebrant.“Ah okay sige, pasensya na,” sabi niya na nilabanan ang pagkapahiyangn nadarama. Napaka-cold naman pal ani Oliver na malayo sa una niyan impression sa first meeting nila two years ago.Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Sana naman iyon na ang huli nilang pagkikita ng binata. May hatid pa ring takot sa kanya sa tuwing may nai-encounter siya na multo ng kahapong tinakasan niya sa siyudad.Nagpatul
ALAS cuatro na ng umaga nang matapos sa paglilipit ng mga gamit sina Gracie. Naisakay na nila lahat ng mga iyon sa service vehicle na gamit nila. Bakas man sa mukha nila ang pagod pero masaya dahil nagbigay ng malaking tips sa kanila ang pamilya ng birthday celebrant. Ibig sabihin ay nasiyahan lang sa service na ibinigay nila. Pa-umaga na rin nang matapos ang party.“Babawi ako sa pahinga mamaya Ate,” sabi sa kanya ni Trina na katabi niya sa front seat ng service vehicle. “Pero ang saya lang dahil malaki ang maiiuwi kong kita ngayon.”“You deserve a long rest at kayong lahat,” masayang tugon niya na tiningnan isa-isa ang mga kasamahan na nasa loob ng main body ng vehicle. May dibiyon na may malaking space ang nakapagitan sa mga ito. “Maraming Salamat sa inyong lahat huh.”Nakangiting tinanguhan siya ng mga ito.Maya-may pa ay sumakay na rin si Etong sa driver’seat at binuhay na ang makina ng sasakyan.“Ate ang gwapo n’ong pamangkin ni Ma’am Marcy ano? ‘Yung Oliver ba ang name niya?” k
“YOU will not get affected Gracie, ako lang ang dapat mag-suffer sa maling decision na ginawa ko. Ipinapangako ko ‘yan sa’yo,” assured na sabi ni Luis sa kanya na kababakasan ng mga sinserong tingin.Naipikit niya ang mga mata saka marahang nagpakawala ng hangin sa baga niya. Inisip na lang niya na sana isang panaginip lang ang lahat at maya-maya ay magigising na siya. Ngunit sa pagmulat niyang muli ng mata ay iyon pa rin ang reyalidad na kaharap niya.“Pero paano? Hindi ko pa rin maintidihan ang lahat,” frustrated na tugon niya na sinabayan ng panglulumo. “Sabi mo nga mawawala na ang negosyo at maging ang bahay na ito. So, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin nito.”“Alam ko Gracie, hindi naman ako papayag na bumalik ka sa Manil dahil sa pinagdaanan mo doon. Hindi kita ibabalik sa malupit na mundong pinanggalingan mo. Huwag ka mag-alala may plano na ako para sa’yo sa pag-alis ko dito sa Lopez.”“Aalis ka Luis?” nadagdagan pa ang lungkot at panlulumo niya sa nabbingng iyon ng kaib
“MISS Reyes tinatawagan ko po kayo kanina pero hindi po kayo nasagot. Pero Salamat at dumating naman po kayo,” salubong sa kanya ng isang chubby na babae pagdating niya sa office ng Palmera Estate na nasa kabayanan ng Lopez, malapit sa plaza.“Sorry po Ma’am Cynthia, nakasakay po ako ng tricycle n’on at hindi ko pa nasisilip ang cellphone ko.” Bigla niyang dinukot sa bulsa ng suot niyang slack ang nasabing gadget. Tama nga ang babaeng staff, ang daming missed call nito sa kanya. “May problema po ba?”“Not a problem at all Miss Reyes, by the way tuloy ka muna dito sa office.” Iginiya siya nito sa papasok sa loob ng office saka pinaupo na rin sa upuan sa gilid ng table nito.“Tuloy pa rin po ba ang contract signing ko? Or baka hindi pa po ako hired talaga?” hindi niya napigilang tanong kay Cynthia. Medyo kinakabahan siya.“Ganito kasi Miss, katatawag lang ng boss ko from Manila,” anito. “Gusto niya na doon ka sa head office ng kompanya sa Pasay mag-sign ng contract at para ma-interview
“OLIVER?!” napaawang ang labi niya sa pagkabigla nang mamalas ang gwapo pero seryosong mukha ng isang lalaki naka- executive attire. “I-ikaw ang magiging boss ko?”“There you are Miss Reyes.” He gave her an intense gaze. “To clarify, yes ako nga soon-to-be boss mo.”Na-froze ang paa niya sa kinatatayuan. Hindi pa rin siya makapaniwala na paliit nang paliit ang mundo nila ng binatang iniiwasan niyang makita at makasamang muli.“Take a seat Miss Reyes para ma-review mo ang contract,” utos nito na may langkap ng authority. “Tell me, natatakot ka ba sa akin?”Mabilis niyang hinamig ang sarili. “Of course not, bakit may dapat ba akong katakutan sa’yo?”Ngumisi ito. “Namumutla ka kasi. Anyway, I don’t have a word for that. It is something that you discover. Take a seat now.”Sa paglukos ng gwapong mukha nito ay naging go signal na iyon sa kanya para tumalima rito. Lumapit na siya sa table nito at naupo sa isang vacant side chair.“Next time Miss Reyes, sa isang sabi ko pa lang ay sumunod ka
“ANDITO ka rin pala Sir Oliver?” aniya na siya ang nagbawi ng tingin sa bagong boss niya. Hindi niya ini-expect na makikita ang presensya nito lalo na sa women’s section ito ng mall. “Ahm, may bibilhin din po ba kayo dito?”Nangunot ang noo nito sabay marahang napailing. “I’m just looking for a gift here. Babae kasi ang pagbibigyan ko. Akala ko ay nasa byahe ka na pauwi na Lopez Miss Reyes?”Sumeryoso na muli ang mukha nito. Napaka-sibil ng mga sumunod nitong kilos. Sa simpleng gesture ng katawan ay nakakagawa ng ivisible na pader na nagtatakda ng limitasyon nila sa isa’t isa. Iyong tipong walang makakatibag.She chuckled. “Dumaan po muna ako dito sa mall para bumili ng damit na ipangpapasok ko sa work ko.”Sa sinabing niyang iyon ay bigla siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. May disagreement na bumalatay sa mukha nito na pinagmasdan ang suot niyang casual dress sa mga sandaling iyon. “With that dress? Are you sure?”Saka niya napagtanto na lihis ang reasoning niya
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan
KINABUKASAN, walang Oliver na pumasok sa site sales office ng Palmera Estate. Hindi maikakaila ni Gracie na nami-miss niya ang presensya ng binatang boss. O maging ng puso niya?Napailing siya sa isiping iyon. 'Huwag kang ilusyunada Gracie. Oliver will never like you lalo kapag nalaman niya ang secret mo. Siguradong magagalit 'yun sa'yo.'Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hinamig niyang muli ang sarili. Isang video call ang natanggap niya mula sa lalaking laman ng isip niya ngayon. Kaagad niyang sinagot iyon."Hello Gracie," bati ni Oliver sa kabilang linya. Malinaw niya itong nakikita sa screen ng cellphone niya. "I'm here in Manila now, may immediate meeting ako sa mga shareholder ng company. May ipapasuyo sana ako sa'yo.""Sure Sir, ano po iyon?" ang masiglang tugon-tanong niya kay Oliver. Ewan ba niya kung bakit naging sobrang saya niya na makita ito kahit online.Isang mahalagang file ang ipinapahanap nito sa kanya. Pansamantala nitong tinapos ang tawag. Nagpunt
Tahimik si Gracie habang nakaupo sa maliit na sofa ng kanyang apartment, hawak ang isang baso ng wine. Mula sa bintana, tanaw niya ang city lights—parang simbolo ng lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga buwan.Marami na ang nagbago. Ang dating simpleng trabaho niya sa Palmera Homes ay nauwi sa mas malaking laban. Hindi lang niya tinulungan si Oliver Wright na iligtas ang kanyang kumpanya, kundi pati na rin ang relasyon nito sa ama.Napabuntong-hininga siya. Sa wakas, natapos na rin ang lahat ng kaguluhan.O akala niya lang.Dahil maya-maya lang, may kumatok sa kanyang pinto.Napakunot ang noo niya. Alas-diyes na ng gabi, sino kaya iyon?Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At halos mapalunok siya nang makita kung sino ang naroon.Si Oliver.Nakapamulsa ito, nakasuot ng simpleng dark blue polo at fitted jeans. Pero ang pinakamapanganib sa lahat? Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya—seryoso, parang may gustong sabihin.“Oliver?” bulong niya, halatang nagulat. “Anong
Sa Palmera Site Sales Office.Abala si Gracie sa pagsasaayos ng final plans para sa Palmera Estate Subdivision nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Si Oliver.Napatingin siya rito, bahagyang nagulat sa presensiya nito. “Sir Oliver? Andito na po pala kayo ”Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kanya, may hawak na isang folder. “Tapos na ang gulo. This is a good news .”Napangiti si Gracie. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito rin ay isang personal na tagumpay para kay Oliver.“Nagkaayos na kayo ng dad mo?” tanong niya.Tumango si Oliver. “Oo. Hindi pa perpekto, pero at least, nag-uusap na kami.”Mas lalong lumambot ang ekspresyon ni Gracie. Alam niyang napakalaking bagay nito para kay Oliver, lalo na sa lahat ng pinagdaanan nito.“Good,” sagot niya. “Dahil kailangan mo nang pirmahan ‘to.”Itinulak niya ang isang dokumento patungo kay Oliver—ang final contract para sa Palmera Estate Expansion Project.Napangiti ang lalaki at umiling. “Lagi mo na lang akong inuutusan,
Matagal nang alam ni Oliver at Gracie ang katotohanan—ang mismong ama ni Oliver ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kanya.Hindi lingid sa kanila ang bawat atake, ang bawat balakid na inilagay nito sa daraanan ni Oliver para sirain ang kumpanyang itinayo niya mula sa sarili niyang pagsisikap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi sila sumuko.At ngayon, hawak na nila ang ebidensya para tapusin ito.—Nakatayo si Oliver sa harap ng kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumentong inilapag ni Gracie sa kanyang lamesa. Tahimik siyang nagbabasa, ngunit sa bawat segundo, lalo lang tumitindi ang tensyon sa paligid.“Hindi na siya nagtatago,” malamig na sabi ni Oliver matapos basahin ang report. “Direkta na siyang kumikilos.”Tumango si Gracie. “Lahat ng galaw ng Vita Land nitong mga nakaraang buwan, may pirma niya. Ang mismong lupa na sinira niya gamit ang peke niyang soil report? Alam mong bakit niya ginawa ‘yon, ‘di ba?”Mariing isinara ni Oliver ang hawak na papel. “Dahil gusto niyang sirain ang
Pagpasok ng lalaki, bumungad ang matikas nitong tindig at ang seryosong ekspresyon sa mukha. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, tumagos ang matalas nitong titig kay Oliver—isang titig na puno ng kumpiyansa, ngunit may bahid ng pag-aalala."Arman Villarosa," malamig na banggit ni Oliver, hindi man lang itinago ang tensyon sa kanyang boses. "I was just about to call you."Ngumiti nang tipid si Arman at lumingon kay Gracie bago bumalik ang tingin kay Oliver. "Mukhang hindi maganda ang timpla mo. Ano bang nangyayari?"Hindi na nagpaligoy-ligoy si Oliver. Kinuha niya ang folder sa mesa at malakas itong ibinagsak sa harapan ni Arman. “Explain this.”Kumunot ang noo ni Arman habang marahang binuksan ang folder. Saglit niyang sinuyod ng tingin ang mga dokumento, at saka marahang umiling. "Ah... So, ito pala ang dahilan ng lahat ng ito."Tumayo si Oliver, ang mga kamao’y nakatukod sa mesa. "Don't play games with me, Arman. Alam mong hindi stable ang lupa, pero pinirmahan mo ang second r
TAHIMIK na nakaupo si Gracie sa kanyang desk sa sales office ng Palmera Homes. Pilit niyang iniintindi ang mga papeles sa harapan niya, pero kahit anong gawin niya, hindi niya maialis sa isip ang nangyari sa Paraday Island Resort. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay walang sinabi sa naglalagablab na tensyon na bumabalot sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya si Oliver—ang matalim nitong tingin, ang bahagyang ngiti na parang may alam siyang hindi, at higit sa lahat... ang katotohanang binili nito ang kanyang painting. "Miss Reyes, I have decided to take your work with me..." Napakagat siya sa labi habang muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Oliver? Bakit kailangang siya pa ang bumili ng painting? At higit sa lahat, bakit parang sinasadya nitong guluhin ang isip niya? Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon siya at agad na nanlamig ang kanyang pakiramdam nang makita kung sino ang bagong dating—si Oliver Wright mi