Home / Romance / Mr. Wright Beside Me / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Mr. Wright Beside Me: Chapter 11 - Chapter 20

44 Chapters

Chapter 11

NAPAYUKO na ang ulo ni Gracie sa pag-alis ng dalawang lalaki sa counter. Bahagya niyang nasilayan ang mukha ng kanina pa niya tinitingnan. Tama nga ang hinala niya na si Oliver nga ito.“Miss, akina po ang mga binili ninyo,” untag sa kanya ng babaeng cashier.Napapitlag siya saka kaagad na hinamig ang sarili mula sa paglipad ng isip niya. “Heto na, sorry.”Nakangiting tinanguan siya ng kahera hanggang makapagbayad na siya. Paglabas niya ng convenient store ay nakita niya ang dalawang lalaki na papasakay pa lang sa kotse na nakaparada sa gilid ng daan.Tila umahos ang adrenaline niya sa katawan at dahil na rin sa kaba ay napa-direstso siya sa pagtawid ng kalsada. Nagulat siya sa malakas na busina ng isang motocycle.“Miss, be aware naman sa pagtawid oh,” sabi ng driver n’on nakasuot ng helmet. Napatigil ito sa pag-andar dahil muntikan siyang masagasaan nito.“Pasensya na Sir,” nahihiyang sabi niya saka ganap na lumakad patungo sa kabilang panig ng kalsada. Nagmamadali siyang sumakay sa
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 12

“OKAY Sir noted,” tanging naging tugon ni Myrna. Matapos ang ilang mga paalala ay pinabalik na ito ni Oliver sa trabaho ang head architect ng kompanya niya.“Kailangan lahat ng mga plano ko ay mag-materialize,” sabi niya sa sarili na tumingin sa screen nang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng table.Isang website ang news website ang binuksan niya para alamin ang lagay ng economy maging sa business and industry. Nag-pop up ang isang paid advertisement ng isang developer na kilalang-kilala niya.The Vita Rise on the way to your location. Nakalagay pa ang isang picture ng ground breaking ceremony na dinaluhang ng mga executive at stock holder ng nasabing kompanya. Mas umagaw ng pansin niya ang may katandaan ng lalaki pero na nanatiling matikas ang tindigan. Si Remegio Wright.Nagtiim-bagang siya sa pagkakatitig sa nasabing picture. “Ako ang nagpropose ng project na ‘yan Dad at ngayon ay pinapakinabangan mo na. binalewala at kinalimutan mo ang lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.”Bag
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 13

“OO nga picture ko nga ito noong naglalakad ako sa gitna,” aniya nang makita ang nasabing retrato sa cellphone ni Lando. Ang ‘gitna’ na tnutukoy ay ang tawag ng mga taga- Lopez sa sentrong kabayanan na malapit sa plaza. “Pero hindi maaari ito.”Naglalakad siya sa gilid ng daan at t’yempong nakuhaan siya ng close shot. Nalilpad-lipad pa ng hangin ang kulot na mahaba niyang buhok. Galing siya sa palengke noon dahil may binili siyang prutas.“Huh Ate, hindi ninyo nagustuhan?” tanong ni Estong. “Ang dami ngang share at comment sa post na nagagandahan sa inyo kahit ang mga babae.”Lalo siyang pinagpawisan. Nakadarama na naman siya ng trauma. Ilang taon na rin siyang hindi gumagamit ng social media. Matagal na niyang ini-close ang account niya. Nag-online lang siya gamit ang email account ng business para sumagot ng mga inquiry ng client.“Ayoko talaga, invading of my privacy ang ginawa sa akin ng nag-post na’yan,” naiiling niyang sabi na nakadarama siya ng iritasyon. “Ahm Lando paki-messag
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Chapter 14

MULA sa diretsong tingin ni Oliver kay Gracie ay nag-iwas ito ng mga mata. “I’m sorry, nagkamali lang pala ako. Just forget it.”Nabunutan siya ng tinik sa pagkakataong iyon. Salamat na lang at hindi nawala ang composure niya as an emcee. “It’s okay lang ba Sir na magbigay ka ng message for our celebrant.”Tila na-freeze ito sa pagkakaupo. Wala siyang balak pansinin. Pinakiramadaman muna niya ang lalaki. Bakit ba kasi tila lumiliit ang mundo nilang dalawa?“Ahm Miss, mamaya na siya magbigay ng message. One of the special guest siya ng Mommy,” imporma sa kanya ng anak ng babae ng celebrant.“Ah okay sige, pasensya na,” sabi niya na nilabanan ang pagkapahiyangn nadarama. Napaka-cold naman pal ani Oliver na malayo sa una niyan impression sa first meeting nila two years ago.Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Sana naman iyon na ang huli nilang pagkikita ng binata. May hatid pa ring takot sa kanya sa tuwing may nai-encounter siya na multo ng kahapong tinakasan niya sa siyudad.Nagpatul
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

Chapter 15

ALAS cuatro na ng umaga nang matapos sa paglilipit ng mga gamit sina Gracie. Naisakay na nila lahat ng mga iyon sa service vehicle na gamit nila. Bakas man sa mukha nila ang pagod pero masaya dahil nagbigay ng malaking tips sa kanila ang pamilya ng birthday celebrant. Ibig sabihin ay nasiyahan lang sa service na ibinigay nila. Pa-umaga na rin nang matapos ang party.“Babawi ako sa pahinga mamaya Ate,” sabi sa kanya ni Trina na katabi niya sa front seat ng service vehicle. “Pero ang saya lang dahil malaki ang maiiuwi kong kita ngayon.”“You deserve a long rest at kayong lahat,” masayang tugon niya na tiningnan isa-isa ang mga kasamahan na nasa loob ng main body ng vehicle. May dibiyon na may malaking space ang nakapagitan sa mga ito. “Maraming Salamat sa inyong lahat huh.”Nakangiting tinanguhan siya ng mga ito.Maya-may pa ay sumakay na rin si Etong sa driver’seat at binuhay na ang makina ng sasakyan.“Ate ang gwapo n’ong pamangkin ni Ma’am Marcy ano? ‘Yung Oliver ba ang name niya?” k
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Chapter 16

“YOU will not get affected Gracie, ako lang ang dapat mag-suffer sa maling decision na ginawa ko. Ipinapangako ko ‘yan sa’yo,” assured na sabi ni Luis sa kanya na kababakasan ng mga sinserong tingin.Naipikit niya ang mga mata saka marahang nagpakawala ng hangin sa baga niya. Inisip na lang niya na sana isang panaginip lang ang lahat at maya-maya ay magigising na siya. Ngunit sa pagmulat niyang muli ng mata ay iyon pa rin ang reyalidad na kaharap niya.“Pero paano? Hindi ko pa rin maintidihan ang lahat,” frustrated na tugon niya na sinabayan ng panglulumo. “Sabi mo nga mawawala na ang negosyo at maging ang bahay na ito. So, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin nito.”“Alam ko Gracie, hindi naman ako papayag na bumalik ka sa Manil dahil sa pinagdaanan mo doon. Hindi kita ibabalik sa malupit na mundong pinanggalingan mo. Huwag ka mag-alala may plano na ako para sa’yo sa pag-alis ko dito sa Lopez.”“Aalis ka Luis?” nadagdagan pa ang lungkot at panlulumo niya sa nabbingng iyon ng kaib
last updateLast Updated : 2025-01-30
Read more

Chapter 17

“MISS Reyes tinatawagan ko po kayo kanina pero hindi po kayo nasagot. Pero Salamat at dumating naman po kayo,” salubong sa kanya ng isang chubby na babae pagdating niya sa office ng Palmera Estate na nasa kabayanan ng Lopez, malapit sa plaza.“Sorry po Ma’am Cynthia, nakasakay po ako ng tricycle n’on at hindi ko pa nasisilip ang cellphone ko.” Bigla niyang dinukot sa bulsa ng suot niyang slack ang nasabing gadget. Tama nga ang babaeng staff, ang daming missed call nito sa kanya. “May problema po ba?”“Not a problem at all Miss Reyes, by the way tuloy ka muna dito sa office.” Iginiya siya nito sa papasok sa loob ng office saka pinaupo na rin sa upuan sa gilid ng table nito.“Tuloy pa rin po ba ang contract signing ko? Or baka hindi pa po ako hired talaga?” hindi niya napigilang tanong kay Cynthia. Medyo kinakabahan siya.“Ganito kasi Miss, katatawag lang ng boss ko from Manila,” anito. “Gusto niya na doon ka sa head office ng kompanya sa Pasay mag-sign ng contract at para ma-interview
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more

Chapter 18

“OLIVER?!” napaawang ang labi niya sa pagkabigla nang mamalas ang gwapo pero seryosong mukha ng isang lalaki naka- executive attire. “I-ikaw ang magiging boss ko?”“There you are Miss Reyes.” He gave her an intense gaze. “To clarify, yes ako nga soon-to-be boss mo.”Na-froze ang paa niya sa kinatatayuan. Hindi pa rin siya makapaniwala na paliit nang paliit ang mundo nila ng binatang iniiwasan niyang makita at makasamang muli.“Take a seat Miss Reyes para ma-review mo ang contract,” utos nito na may langkap ng authority. “Tell me, natatakot ka ba sa akin?”Mabilis niyang hinamig ang sarili. “Of course not, bakit may dapat ba akong katakutan sa’yo?”Ngumisi ito. “Namumutla ka kasi. Anyway, I don’t have a word for that. It is something that you discover. Take a seat now.”Sa paglukos ng gwapong mukha nito ay naging go signal na iyon sa kanya para tumalima rito. Lumapit na siya sa table nito at naupo sa isang vacant side chair.“Next time Miss Reyes, sa isang sabi ko pa lang ay sumunod ka
last updateLast Updated : 2025-02-01
Read more

Chapter 19

“ANDITO ka rin pala Sir Oliver?” aniya na siya ang nagbawi ng tingin sa bagong boss niya. Hindi niya ini-expect na makikita ang presensya nito lalo na sa women’s section ito ng mall. “Ahm, may bibilhin din po ba kayo dito?”Nangunot ang noo nito sabay marahang napailing. “I’m just looking for a gift here. Babae kasi ang pagbibigyan ko. Akala ko ay nasa byahe ka na pauwi na Lopez Miss Reyes?”Sumeryoso na muli ang mukha nito. Napaka-sibil ng mga sumunod nitong kilos. Sa simpleng gesture ng katawan ay nakakagawa ng ivisible na pader na nagtatakda ng limitasyon nila sa isa’t isa. Iyong tipong walang makakatibag.She chuckled. “Dumaan po muna ako dito sa mall para bumili ng damit na ipangpapasok ko sa work ko.”Sa sinabing niyang iyon ay bigla siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. May disagreement na bumalatay sa mukha nito na pinagmasdan ang suot niyang casual dress sa mga sandaling iyon. “With that dress? Are you sure?”Saka niya napagtanto na lihis ang reasoning niya
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 20

"What do you want from me huh?" Nagpipigil sa galit na tanong muli ni Oliver sa babaeng bisita. "Kung tingin mo ay abswelto ka na sa kasalanam mo sa akin ay nagkakamali ka."Tumawa ito. "I know Mr. Wright, natutuwa ako sa mga nangyari sa buhay mo ngayon. And you even build your own company. Ibig sabihin ay nag tagumpay ako."Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "Get out of here now. Baka kung ano pa ang nagawa sa'yo."Ngunit hindi nawala sa composure nito ang babae. "Two foolish people fall in my preying hands.""Anong ibig mong sabihin huh?" Nagkaroon siya ng curiosity sa mga sandaling iyon. "Tell me."Hinaplos nito ang mukha niya pero mabilis na lumayo siya. "Poor Oliver, hindi lang naman ikaw ang nasira dahil sa akin. And I'm happy for it. Anong pakiramdam na nasira ka sa sarili mong ama?"Nagtagis ang bagan niya, naroong naikuyom niya ang isang kamao. "Sabihin mo na ng diretsahan sa akin ang lahat. Huwag mo na akong idaan sa paligoy-ligot mo.""Okay you want it! Sige sasabihin k
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status