Home / Romance / Mr. Wright Beside Me / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Mr. Wright Beside Me: Chapter 21 - Chapter 30

44 Chapters

Chapter 21

“AY may boyfriend ka na pala Miss Gracie,” ang narinig niyang sabi ni Enzo.Marahan niyang itinulak ang lalaking naging mapangahas sa pag-angkin sa kanyang labi. Ganap siyang nakakalas dito. “Teka, sino-”Lalo pang nadoble ang pagkagulat niya nang mapagmasdan ang mukha ng lalaki. Oliver! Hindi niya inaasahan na andito pala sa Lopez ang boss niya. parang naiwan ang init ng labi nito sa labi niya. kaagad niyang sinupil ang anumang nararamdaman. Unexplainable.“Siguro naman ay klaro na sa’yo na may boyfriend na ang gusto mong babae at ako ‘yun,” ani Oliver saka inakbayan siya. Pilit nitong hinuli ang tingin niya para bigyan ng isang signal na silang dalawa lang ang magkakaintintidihan. “Kaya pwede ba lubayan mo na ang girlfriend ko huh.”Nahihiyang napatango si Enzo. “Sorry po Sir, Miss Gracie. Maiwan ko na ho kayo.”Tanging tango na lang ang naging tugon niya sa lalaki.“Bakit mo ginawa ‘yun?” tanong niya kay Oliver nang silang dalawa na lang ang naiwan sa shed. Kinakastigo niya ang bos
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

Chapter 22

“HINDI pa ba tayo aalis?” naiinip na tanong ni Oliver kay Gracie nang labasin niya ito mula sa emergency room. Kasalukuyan ng inaasikaso ng doctor at nurse ang babaeng dinala nila sa hospital na nakilala niya si Aling Lydia.“Hindi pa pero kung gusto mo nang umalis ay mauna ka na sa akin Sir,” sagot niya sa boss niya. Kita niya ang pagkapagod at pagka-inip sa mukha nito.“Ganyan ka ba talaga Miss Reyes?” bagkus ay tanong nito.Pinanlakihan niya ito ng mata. “What do you mean Sir?”Umiling na pinagmasadan nito ang mukha niya at halatanng may hindi makapaniwalang reaksyon. “I mean, tutulong at tutulong ka talaga kahit hindi mo kaano-ano?”“Ah okay.” Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. “Hindi naman kasi ako maramot Sir, pasensya ka na at may pagka-pusong mamon ako.”Bigla nitong naisanding ang likod sa dingding ng hallway ng kinaroroonan nila, napatingala sa kisame. “Kaya hindi na ako magtataka one day kung may umabuso sa kabaitan mo.”She shrugged. “Well bahala na silang mga tin
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

Chapter 23

NAKAHINGA nang maluwag si Gracie nang sa wakas ay nakalabas na ng town proper ang sinasakyan niyang tricycle. Ilang minuto rin siyang na-stock sa traffic dahil sa rush hour."Hindi naman siguro big deal kay Sir kung ma-late ako ng five minutes," aniya sa sarili na napatingin sa oras sa suot niyang relo.Sumapit na rin siya sa gate ng Palmera Estate. Pagkabayad niya ng pamasahe ay nagmamadali siyang bumaba ng tricycle. Mabibilis ang hakbang ng paa niya patungo sa site sales office.Pagdating niya sa may pintuan, napansin niya na nakabukas na ang ilaw sa loob. Nakikita niya sa glass wall.Kinabahang binuksan niya ang pinto saka pumasok sa loob ng office. Naroong nagulat siya nang mabungaran ang natutulog na si Oliver sa sofa.Payapa ang mukha nito sa kahimbingan. Magkasugpong pa rin ang mga kamay nito. Hinubad nito ang suot na black leather shoes.'Naku Sir kahit natutulog ka ay napaka-bossy mo pa rin. Pero ang gwapo mong pagmasdan huh' naging malagkit ang tingin niya sa natutulog na bo
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 24

"IN due respect to you Sir, informing na lang nangyari sa akin," pagtatanggol ni Gracie ng sarili sa boss niya. "As far as I know, may iba kang inutusan na maglagay ng tarpaulin ads natin."Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Oliver. "Pero common sense naman Miss Reyes, you must oversee this para 'di nasasayang ang pondo ng kompanya.""So akin ang lahat ng sisi ngayon Sir?" matapang na balik-tanong niya rito. "You can review my contract para alam mo kung ano ba talaga ang duties and responsibilities ko!"That's kind of character na na-develop niya sa ssrili, ang maging palaban. Isang malaking lesson sa kanya noon na naging sunod-sunuran siya hanggang naabuso na siya."Miss Reyes," nagtitimping tawag nito sa kanya. "Pasalamat ka na kailangan ko ng tao para sa project ko dito sa López. Kung hindi ay kanina pa kita ni-fired.""Feel free Sir, hindi lang naman kompanya mo ang pwedeng magbigay ng work sa akin," mapaghamong saad niya pero deep-inside ay kinakabahan siya. Hindi pa naman biro
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 25

“M-Maraming Salamat Sir for appreciating me,” sabi ni Gracie na umaapaw sa mumunting kaligayahan ang puso. Ang mga ganoong affirmation ay napakahalaga para sa kanya. Naalala niya tuloy ang kaibigang si Luis na madalas siyang purihin sa mga small achievement niya sa event and catering business nila noon.“But you’re still liable for every lapse in your work. Alalahanin mo na kailangan mong magtrabahong mabuti. Saka please forget din ‘yun sinabo ko kanina, I’m not mean it.”Parang gumuhong pader ang naramdaman niya sa sinabing iyon ni Oliver. Hindi na siya nakapagpasalita dahil nilagpasan na siya ng binata saka lumabas ng site sales office.Naku Sir, na-realize ko ngayon na ang hirap palang spelling-in ng ugali mo, sabi niya sa sarili na napatingin sa pintong nilabasan ng boss niya.Totoo nga talaga ang sinabi ni Cynthia. Kailan kaya aalis ng Lopez si Oliver para muli siyang makahinga sa kanyang trabaho.Napapitlag siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Oliv
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 26

Gracie cleared her throat saka hinarap ang boss na si Oliver. "Ahm okay S-Sir, may mga agent po kasi tayo na hindi makakapasok ngayon.""I see, mahalaga ay andito ka sa site," kalmadong sagot nito na hindi kinakitaan ng iritasyon."Okay Sir, lalabas din ako later para pumuwesto sa manning area natin," tukoy niya sa pwesto ng mga agent na may canopy. Nanibago siya sa mabilis na pagbabago ng mood ng boss niya."Alright, anyway sumunod ka sa akin ngayon Miss Reyes," utos nito.Sa paglagpas ng lakad nito sa kanya ay awtomatikong sumunod siya. Nagtataka siya pagiging mahinahon nito ngayon. Kumpara kanina na para itong dragon na bumubuga ng apoy.Hanggang sa nakarating sila sa pantry ng site office. Saka niya napansin na may dala itong mga canister na may lamang pagkain. Biglang kumalam ang sikmura niya sa gutom."Ako na bahala d'yan Sir sa mga food, ako na mag-prepare po n'yan." Mabilis na kumuha siya ng plato at kubyertos. Marahan niya iyong inilagay sa table na naroon.Kinuha rin niya mu
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 27

NANG gabing iyon ay hinanap muli ni Gracie ang isang blangkong canvass. Ang salas ng apartment niya ang nagsilbi niyang studio. As part of the requirement ng workshop ay dapat makagawa na sila ng sketching para sa ipipinta nila."Kailangan na ready pa rin ako kahit na hindi pa ako sure na makaka-attend sa workshop," aniya sa sarili na hinawakan na ang pencil. "Sana naman ay magbago pa ang isip ni Sir Oliver."Lumapat lang sa canvas ang hawak niyang lapis pero wala siyang naipintang imahe. "Shit, wala pa nga pala akong subject. Napaka-pasyahan ko naman."Umalis siya sa pagkakaupo sa stool at saglit na iniwan ang canvas. Kailangang mapagana niya ang creative juice niya.Pupunta na siya sa kitchen kung saan balak niyang magtimpla ng kape, biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinukot agad niya sa bulsa ng short niyang suot.Isang tawag mula kay Oliver ang natanggap niya. Sinagot niya iyon. "Hello Sir, good evening.""Good evening Miss Reyes, please be ready tomorrow, pupunta tayo ng Manil
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 28

HINDI pa nakakalabas ng Quezon Province sina Gracie at Oliver nang biglang napahinto sila sa pag- andar."Something wrong Sir?" tanong niya sa boss.Itinabi muna nito ang kotse sa gilid ng kalsada. "Na-flat-an ako ng gulong. Need ko muna ipalit ang extra tire ko. Baba muna tayo."Tumalima siya. Halos magkasabayan silang bumaba ng kotse. Lumigid si Oliver sa trunk ng sasakyan at buksan iyon. Ubod lakas na inilabas nito mula doon ang spare tire maging ang ilang gamit."Anong maiitulong ko Sir?" tanong niya dito dahil nakadama siya ng hiya sa panonood lang dito."Stay put ka lang d'yan Miss Reyes, kaya ko na ito," anito na pinuntahan ang flat na gulong sa bandang unahan ng kotse.Wala siyang nagawa kundi ang isilong ang sarili. Pinanood na lang niya ang kanyang boss.Gamit ang lug wrench ay nagawa nitong luwagan at alisin ang affected tire. Maya-maya pa ay binuhat na nito ang spare tire.Tila nananadya ang panahon sa sandaling iyon, biglang bumukas ang malakas na ulan. Nagmamadali siyan
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 29

BUONG linaw na naihatid ni Gracie ang presentation sa mga shareholder. Hindi man inaasahan na gagawin niya iyon ay naging ready siya. Mabuti at nadala niya ang external drive niya kung saan may nagamit siyang visual presentation."In conclusion, Palmera Estate is well-positioned for continued growth and success. We're committed to delivering value to our shareholders and customers. Thank you for your continued support." ang pagtatapos niya.Nagpalakpakan ang mga shareholder matapos niyang mag-present. Subalit si Oliver ay tahimik na nakaupo sa hulihan. Napaka-seryoso ng mukha nito at wala siyang mabasang emosyon.Natapos ang meeting. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga shareholder para kamayan siya. "Congratulations Miss Reyes."Tumaba ang puso niya sa mga sandaling iyon. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil walang nakakilala sa kanya. Nag-alisan na ang mga umattend sa meeting hanggang sa silang dalawa na lamang ng boss niya ang naiwan sa conference room.Masaya siyang lumapit kay Oli
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 30

IPIPIKIT na sana ni Gracie ang mga mata niya nang muling magsalita si Oliver. "Please plan our open house party in the next two days. Make sure na lahat ng mga agent at broker natin ay present.""Okay Sir," aniya na nahigit ang sariling paghinga. Pa-simple niyang ipinilig ang ulo."For today, maging aware ka muna sa possible walk-in prospect natin today. Pwestuhan mo rin ang site booth natin." Nilagpasan siya ng boss niya para magtungo sa sariling opisina nito.Naiwan siya sa living room ng site office na tila hugkag ang pakiramdam. Akala niya ay hahalikan siya ng boss niya.'Wake up Gracie. Huwag kang assuming d'yan' saway ng isang bahagi ng utak niya.Nagpunta na siya sa table niya para harapin ang mga trabahong naghihintay sa kanya. Nakadama siya ng antok sa harap ng nakabukas niyang monitor.Iniunat niya. "Hay puyat pa talaga ako ngayon. Hindi naman ako pwedeng matulog nito at andito si Sir Oliver."Tumayo muna siya para magtungo sa pantry. Kaagad siyang kumuha ng tasa na nilagyan
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status