Share

Chapter 26

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2025-02-16 21:17:12

Gracie cleared her throat saka hinarap ang boss na si Oliver. "Ahm okay S-Sir, may mga agent po kasi tayo na hindi makakapasok ngayon."

"I see, mahalaga ay andito ka sa site," kalmadong sagot nito na hindi kinakitaan ng iritasyon.

"Okay Sir, lalabas din ako later para pumuwesto sa manning area natin," tukoy niya sa pwesto ng mga agent na may canopy. Nanibago siya sa mabilis na pagbabago ng mood ng boss niya.

"Alright, anyway sumunod ka sa akin ngayon Miss Reyes," utos nito.

Sa paglagpas ng lakad nito sa kanya ay awtomatikong sumunod siya. Nagtataka siya pagiging mahinahon nito ngayon. Kumpara kanina na para itong dragon na bumubuga ng apoy.

Hanggang sa nakarating sila sa pantry ng site office. Saka niya napansin na may dala itong mga canister na may lamang pagkain. Biglang kumalam ang sikmura niya sa gutom.

"Ako na bahala d'yan Sir sa mga food, ako na mag-prepare po n'yan." Mabilis na kumuha siya ng plato at kubyertos. Marahan niya iyong inilagay sa table na naroon.

Kinuha rin niya mu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ay grabe ka nman Oliver sobrang higpit mo kay Gracie kahit long weekend kailangan tlgang pumasok, hayyysstt kung ako sayo Gracie hindi ako papasok bahala sya jan hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 27

    NANG gabing iyon ay hinanap muli ni Gracie ang isang blangkong canvass. Ang salas ng apartment niya ang nagsilbi niyang studio. As part of the requirement ng workshop ay dapat makagawa na sila ng sketching para sa ipipinta nila."Kailangan na ready pa rin ako kahit na hindi pa ako sure na makaka-attend sa workshop," aniya sa sarili na hinawakan na ang pencil. "Sana naman ay magbago pa ang isip ni Sir Oliver."Lumapat lang sa canvas ang hawak niyang lapis pero wala siyang naipintang imahe. "Shit, wala pa nga pala akong subject. Napaka-pasyahan ko naman."Umalis siya sa pagkakaupo sa stool at saglit na iniwan ang canvas. Kailangang mapagana niya ang creative juice niya.Pupunta na siya sa kitchen kung saan balak niyang magtimpla ng kape, biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinukot agad niya sa bulsa ng short niyang suot.Isang tawag mula kay Oliver ang natanggap niya. Sinagot niya iyon. "Hello Sir, good evening.""Good evening Miss Reyes, please be ready tomorrow, pupunta tayo ng Manil

    Last Updated : 2025-02-17
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 28

    HINDI pa nakakalabas ng Quezon Province sina Gracie at Oliver nang biglang napahinto sila sa pag- andar."Something wrong Sir?" tanong niya sa boss.Itinabi muna nito ang kotse sa gilid ng kalsada. "Na-flat-an ako ng gulong. Need ko muna ipalit ang extra tire ko. Baba muna tayo."Tumalima siya. Halos magkasabayan silang bumaba ng kotse. Lumigid si Oliver sa trunk ng sasakyan at buksan iyon. Ubod lakas na inilabas nito mula doon ang spare tire maging ang ilang gamit."Anong maiitulong ko Sir?" tanong niya dito dahil nakadama siya ng hiya sa panonood lang dito."Stay put ka lang d'yan Miss Reyes, kaya ko na ito," anito na pinuntahan ang flat na gulong sa bandang unahan ng kotse.Wala siyang nagawa kundi ang isilong ang sarili. Pinanood na lang niya ang kanyang boss.Gamit ang lug wrench ay nagawa nitong luwagan at alisin ang affected tire. Maya-maya pa ay binuhat na nito ang spare tire.Tila nananadya ang panahon sa sandaling iyon, biglang bumukas ang malakas na ulan. Nagmamadali siyan

    Last Updated : 2025-02-19
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 29

    BUONG linaw na naihatid ni Gracie ang presentation sa mga shareholder. Hindi man inaasahan na gagawin niya iyon ay naging ready siya. Mabuti at nadala niya ang external drive niya kung saan may nagamit siyang visual presentation."In conclusion, Palmera Estate is well-positioned for continued growth and success. We're committed to delivering value to our shareholders and customers. Thank you for your continued support." ang pagtatapos niya.Nagpalakpakan ang mga shareholder matapos niyang mag-present. Subalit si Oliver ay tahimik na nakaupo sa hulihan. Napaka-seryoso ng mukha nito at wala siyang mabasang emosyon.Natapos ang meeting. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga shareholder para kamayan siya. "Congratulations Miss Reyes."Tumaba ang puso niya sa mga sandaling iyon. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil walang nakakilala sa kanya. Nag-alisan na ang mga umattend sa meeting hanggang sa silang dalawa na lamang ng boss niya ang naiwan sa conference room.Masaya siyang lumapit kay Oli

    Last Updated : 2025-02-20
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 30

    IPIPIKIT na sana ni Gracie ang mga mata niya nang muling magsalita si Oliver. "Please plan our open house party in the next two days. Make sure na lahat ng mga agent at broker natin ay present.""Okay Sir," aniya na nahigit ang sariling paghinga. Pa-simple niyang ipinilig ang ulo."For today, maging aware ka muna sa possible walk-in prospect natin today. Pwestuhan mo rin ang site booth natin." Nilagpasan siya ng boss niya para magtungo sa sariling opisina nito.Naiwan siya sa living room ng site office na tila hugkag ang pakiramdam. Akala niya ay hahalikan siya ng boss niya.'Wake up Gracie. Huwag kang assuming d'yan' saway ng isang bahagi ng utak niya.Nagpunta na siya sa table niya para harapin ang mga trabahong naghihintay sa kanya. Nakadama siya ng antok sa harap ng nakabukas niyang monitor.Iniunat niya. "Hay puyat pa talaga ako ngayon. Hindi naman ako pwedeng matulog nito at andito si Sir Oliver."Tumayo muna siya para magtungo sa pantry. Kaagad siyang kumuha ng tasa na nilagyan

    Last Updated : 2025-02-23
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 31

    "I just want to inform you, Gracie," ngunit tila nabitin si Oliver sa dalaga. Ang intense gaze nito ay nahaluan ng kalagkitan."Inform what Sir?" tanong niya na pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya. Lumakas na naman ang tibok ng puso niya sa proximity iyon ng kanyang boss. "Sir!"Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig na nagulat sa ginawa niyang pag-untag dito. Naipilig nito ang sariling ulo at napa- distanya sa kanya. "Please plan for our open house party this week, this coming Friday na agad.""Okay Sir noted. Additional reminder?" tanong niya na kinasabikan niya ang mapalapit dito. Ang sanghaya ng gamit nitong perfume ay nanunuot pa rin sa ilong niya."Iyan na lang muna for the meantime. Inform na lang kita kung sakaling may nakalimutan ako. Punta na muna ako sa office ko." Tumalikod na itong muli sa kanya.Nasapo niya ang sariling dibdib. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. Bakit kaya ganoon na lang ang epekto sa kanya ni Oliver? Hindi niya maintindihan ang nangyaya

    Last Updated : 2025-02-24
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 32

    NAGLAKAD-LAKAD si Gracie sa makinis at puting yate na kinaluluanan niya ngayong umaga. Nararamdaman niya ang ang pagdampi ng init ng sikat ng araw sa balat niya maging ang paghampas ng hanging dagat sa buhok niya. Hinayaan niyang malipad-lipad ang ilang hibla.Ngayong araw ay papunta na siya sa Paraday Island Resort, kung saan ay mapalad siyang maimbitahan sa exclusive art workshop ng nasabing prestigious resort. 'Sa wakas ay natuloy pa rin ako umattend at nagbago ang isip ni Sir Oliver,' masayang sabi niya sarili.Habang naglalayag ang yate sa asul na dagat, nakadama si Gracie ng excitement at pasasalamat. Isang bonus na maituturing na pinayagan siya ni Oliver na mag-off sa trabaho ngayong weekend. Maganda naman kasi ang naging performance niya sa trabaho at deserve niya ang ilang araw na break sa maganda at mamahaling resort sa isla.Nasalubong niya ang captain ng yate, nasa kalagitnaan na ang edad nito. Kapansin-pansin ang malago nitong balbas. "Welcome aboard Miss Gracie! We'll h

    Last Updated : 2025-02-26
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 33

    Isang prestihiyosong art exhibit ang isinasagawa sa grand lobby ng Paraday Island Resort nang sumunod na araw. Naka-display ang obra ng mga nakilahok sa art workshop. Kasama doon ang isang hyper-realistic painting na ipininta ni Gracie. "Miss Reyes, congratulations, isa po ang painting n'yo na tinitingnan ng mga guest. Gusto po nila kayong makita ," imporma sa kanya ni George na curator ng exhibit pagkadating niya sa venue.Nagtataka man siya dahil hindi makapaniwala ay natuwa pa rin siya. "Ah gan'on ba, sige George maraming salamat. Saang part ba nakalagay ang gawa ko?""Samahan ko kayo Ma'am," anang ng curator.Napasunod siya kay George. Ngunit pagdating sa naka-display niyang painting ay bigla siyang natigilan. Tila na-malikmata siya sa isang matangkad na lalaking nakatayo at pinagmamasdan ang obra niya.'No he can't be!' kontra ng isang bahagi ng utak niya.Hindi kailanman inakala ni Gracie na hahantong sa ganito ang gabing ito. Isang pangyayari na hindi niya akalaing magaganap.

    Last Updated : 2025-02-28
  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 34

    Habang lumalayo si Gracie, pakiramdam niya ay parang iniwan niya ang isang bahagi ng sarili niya sa harap ni Oliver—kasama ng obrang hindi niya inakalang makakaakit ng ganoong atensyon mula rito.Nang marating niya ang isang tahimik na sulok ng exhibit, napahinga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang puso niyang hindi pa rin makasabay sa isipan niya.“Gracie!”Napalingon siya at nakita si George na papalapit, may halong pananabik at pagtataka sa mukha nito.“Hala, Miss Reyes! magkakilala po pala kayo ni Sir Wright. Isa po siya sa VIP member ng Paraday,” anito, bahagyang pabulong pero may diin.“Ang liit ng mundo namin dalawa. Siya ang boss ko sa work ko” napapailing na sabi niya. Hindi niya malaman ang eksaktong madarama.Namangha si George. “Eh parang may something sa pagitan n’yo kanina. Para kayong nasa isang eksena sa pelikula!”Napailing siya. “Imagination mo lang ‘yan, George. Wala ‘yun. Malabo ang iniisip mo saka hindi ko siya pinangarap na lalaki.”Pero kahit pa sabihin

    Last Updated : 2025-03-01

Latest chapter

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 44

    Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 43

    Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 42

    Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 41

    KINABUKASAN, walang Oliver na pumasok sa site sales office ng Palmera Estate. Hindi maikakaila ni Gracie na nami-miss niya ang presensya ng binatang boss. O maging ng puso niya?Napailing siya sa isiping iyon. 'Huwag kang ilusyunada Gracie. Oliver will never like you lalo kapag nalaman niya ang secret mo. Siguradong magagalit 'yun sa'yo.'Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hinamig niyang muli ang sarili. Isang video call ang natanggap niya mula sa lalaking laman ng isip niya ngayon. Kaagad niyang sinagot iyon."Hello Gracie," bati ni Oliver sa kabilang linya. Malinaw niya itong nakikita sa screen ng cellphone niya. "I'm here in Manila now, may immediate meeting ako sa mga shareholder ng company. May ipapasuyo sana ako sa'yo.""Sure Sir, ano po iyon?" ang masiglang tugon-tanong niya kay Oliver. Ewan ba niya kung bakit naging sobrang saya niya na makita ito kahit online.Isang mahalagang file ang ipinapahanap nito sa kanya. Pansamantala nitong tinapos ang tawag. Nagpunt

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 40

    Tahimik si Gracie habang nakaupo sa maliit na sofa ng kanyang apartment, hawak ang isang baso ng wine. Mula sa bintana, tanaw niya ang city lights—parang simbolo ng lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga buwan.Marami na ang nagbago. Ang dating simpleng trabaho niya sa Palmera Homes ay nauwi sa mas malaking laban. Hindi lang niya tinulungan si Oliver Wright na iligtas ang kanyang kumpanya, kundi pati na rin ang relasyon nito sa ama.Napabuntong-hininga siya. Sa wakas, natapos na rin ang lahat ng kaguluhan.O akala niya lang.Dahil maya-maya lang, may kumatok sa kanyang pinto.Napakunot ang noo niya. Alas-diyes na ng gabi, sino kaya iyon?Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At halos mapalunok siya nang makita kung sino ang naroon.Si Oliver.Nakapamulsa ito, nakasuot ng simpleng dark blue polo at fitted jeans. Pero ang pinakamapanganib sa lahat? Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya—seryoso, parang may gustong sabihin.“Oliver?” bulong niya, halatang nagulat. “Anong

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 39

    Sa Palmera Site Sales Office.Abala si Gracie sa pagsasaayos ng final plans para sa Palmera Estate Subdivision nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Si Oliver.Napatingin siya rito, bahagyang nagulat sa presensiya nito. “Sir Oliver? Andito na po pala kayo ”Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kanya, may hawak na isang folder. “Tapos na ang gulo. This is a good news .”Napangiti si Gracie. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito rin ay isang personal na tagumpay para kay Oliver.“Nagkaayos na kayo ng dad mo?” tanong niya.Tumango si Oliver. “Oo. Hindi pa perpekto, pero at least, nag-uusap na kami.”Mas lalong lumambot ang ekspresyon ni Gracie. Alam niyang napakalaking bagay nito para kay Oliver, lalo na sa lahat ng pinagdaanan nito.“Good,” sagot niya. “Dahil kailangan mo nang pirmahan ‘to.”Itinulak niya ang isang dokumento patungo kay Oliver—ang final contract para sa Palmera Estate Expansion Project.Napangiti ang lalaki at umiling. “Lagi mo na lang akong inuutusan,

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 38

    Matagal nang alam ni Oliver at Gracie ang katotohanan—ang mismong ama ni Oliver ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kanya.Hindi lingid sa kanila ang bawat atake, ang bawat balakid na inilagay nito sa daraanan ni Oliver para sirain ang kumpanyang itinayo niya mula sa sarili niyang pagsisikap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi sila sumuko.At ngayon, hawak na nila ang ebidensya para tapusin ito.—Nakatayo si Oliver sa harap ng kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumentong inilapag ni Gracie sa kanyang lamesa. Tahimik siyang nagbabasa, ngunit sa bawat segundo, lalo lang tumitindi ang tensyon sa paligid.“Hindi na siya nagtatago,” malamig na sabi ni Oliver matapos basahin ang report. “Direkta na siyang kumikilos.”Tumango si Gracie. “Lahat ng galaw ng Vita Land nitong mga nakaraang buwan, may pirma niya. Ang mismong lupa na sinira niya gamit ang peke niyang soil report? Alam mong bakit niya ginawa ‘yon, ‘di ba?”Mariing isinara ni Oliver ang hawak na papel. “Dahil gusto niyang sirain ang

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 37

    Pagpasok ng lalaki, bumungad ang matikas nitong tindig at ang seryosong ekspresyon sa mukha. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, tumagos ang matalas nitong titig kay Oliver—isang titig na puno ng kumpiyansa, ngunit may bahid ng pag-aalala."Arman Villarosa," malamig na banggit ni Oliver, hindi man lang itinago ang tensyon sa kanyang boses. "I was just about to call you."Ngumiti nang tipid si Arman at lumingon kay Gracie bago bumalik ang tingin kay Oliver. "Mukhang hindi maganda ang timpla mo. Ano bang nangyayari?"Hindi na nagpaligoy-ligoy si Oliver. Kinuha niya ang folder sa mesa at malakas itong ibinagsak sa harapan ni Arman. “Explain this.”Kumunot ang noo ni Arman habang marahang binuksan ang folder. Saglit niyang sinuyod ng tingin ang mga dokumento, at saka marahang umiling. "Ah... So, ito pala ang dahilan ng lahat ng ito."Tumayo si Oliver, ang mga kamao’y nakatukod sa mesa. "Don't play games with me, Arman. Alam mong hindi stable ang lupa, pero pinirmahan mo ang second r

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 36

    TAHIMIK na nakaupo si Gracie sa kanyang desk sa sales office ng Palmera Homes. Pilit niyang iniintindi ang mga papeles sa harapan niya, pero kahit anong gawin niya, hindi niya maialis sa isip ang nangyari sa Paraday Island Resort. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay walang sinabi sa naglalagablab na tensyon na bumabalot sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya si Oliver—ang matalim nitong tingin, ang bahagyang ngiti na parang may alam siyang hindi, at higit sa lahat... ang katotohanang binili nito ang kanyang painting. "Miss Reyes, I have decided to take your work with me..." Napakagat siya sa labi habang muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Oliver? Bakit kailangang siya pa ang bumili ng painting? At higit sa lahat, bakit parang sinasadya nitong guluhin ang isip niya? Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon siya at agad na nanlamig ang kanyang pakiramdam nang makita kung sino ang bagong dating—si Oliver Wright mi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status