“IT is okay na maki-share ako dito sa table mo?” tanong ng babae kay Gracie na may naka-paskil na ngiti sa labi. “Wala na kasing vacant dito sa bar at natatamad naman na akong lumipat ng iba dahil sa traffic.”
Tinungga muna niya ang lamang alak ng hawak na glass. Muli iyong ipinatong sa ibabaw ng table nang masaid niya ang laman. “Sure, no problem Miss.”
Kinabakasan ng pagkatuwa ang mukha nito at saka naupo na sa bakanteng silya. “Thank you Miss? Ahm okay lang ba na malaman ang name mo?”
“Gracie,” tipid na tugon niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang glass niya. Nakahanda na siyang uminom muli.
“Nice to meet you Gracie, by the way ako nga pala si Narita,” kusang pakilala nito. Sa sumunod na sandali ay tinawag nito ang isang waiter para um-order ng drink nito.
Tumungga siyang muli ng alak na pa-simpleng nakikiramdam sa kasama niya sa table.
“Hope you don’t mind huh, it seems na nagpapakalunod ka yata sa pag-iinom tonight?” puna ni Narita sa kanya na nakatitig sa mukha niya.
Bumuntong-hininga siya matapos lumagok. Nararamdaman na niya ang pagtama ng espiritu ng alcohol sa sistema niya. Kaya pa naman niyang dalhin ang sarili. “Ang bigat lang kasi ng pinagdadaanan ko ngayon, grabe ang araw n- na ito sa akin panay s-sama ng loob ang dulot sa akin.”
“Sorry to hear that Gracie,” anito. “Since table mate naman tayo, kung wala kang mapaghingahan ng sama ng loob ay willing akong makinig sa’yo. I can be your friend.”
Nakaramdam siya ng kagaanan ng loob kay Narita kahit ngayong gabi lang sila nagkita. Tumungga ulit siya ng alak at nang matapos, natagpuan niya ang sarili na ikini-kwento sa babae ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyon. Ang malaking dahilan ng sama ng loob niya.
“Oh my gosh, sister mo pala si Tatiana?” bulalas nito na hindi makapaniwala.
“Yeah, may wicked half-sister at kahit kailan ay hindi niya ako itinuring na kapatid. Kalaban ang tingin niya sa akin dahil kaya ko siyang lamangan,” aniya na nabuhay ang galit sa kapatid. Kung kaharap nga lang niya si Tatiana ay baka napagsasampal na niya ito.
“Small world at ngayon ko lang na-realize na may purpose ang pagkikita natin ngayong gabi dito sa bar.”
“Kilala mo si Tatiana?” curious na tanong niya.
Hindi kaagad nakatugon si Narita dahil lumapit sa kanila ang waiter para ihatid ang mga order nitong drink at food. Saglit na naputol ang pag-uusap nilang dalawa.
“I know your half-sister well,” sagot ni Narita nang iwan na sila ng waiter. “Kilalang kilala ko siya at hindi ko siya malilimutan.”
“I can sense na may galit ka rin sa kanya?” Uminom siyang muli ng alak.
Uminom na rin si Narita ng order nito na sinabayan ng pagsubo ng pagkain.
“Inagaw lang naman niya ang lalaking pinakamamahal ko si Oliver Wright," diretsong sagot nito. “At pati ikaw na kapatid niya ay inagawan niya ng proposal. Grabe ang babaeng ‘yun, walang pinipili.”
“Oo boyfriend nga niya si Oliver pero hindi ko pa siya nami-meet kasi ‘pag may family gathering ay hindi naman ako belong.” Lumangkap ang pait sa sariling tinig niya.
Minsan pa siyan nag-self pity nang maalala ang sitwasyon ng buhay na mayroon siya. Sa edad niyang twenty-six ngayon ay never pa niyang naramadaman na pinalahalagahan at minahal ng pamilya na mayroon siya.
Dugo at laman siya ni Lucia pero parang pabigat na ampon ang turing nito sa kanya. Hindi siya nito hinayaang mapalapit sa asawa at step-father niyang si Armand.
Oo, nakatira nga siya sa mansion ng mga Luistro pero parang boarder lang siya doon at minsan ay parang katulong din. Kapag rest day niya sa trabaho ay madalas siyang utusan ng mga gawaing bahay ng sariling ina at maging ni Tatiana.
“Grabe talaga ang babaeng ‘yun!” nagngitngit na sabi ni Narita saka lumagok na rin ng alak. Bakas ang kislap ng panlilisik sa mga mata nito. “Ironic ano? Nagkita pa talaga tayo na parehong may galit sa Tatiana.”
Mahina siyang napatawan dulot na rin ng pagiging tipsy niya. “Oo nga eh, kung andyan lang ang half-sister ay siguradong nasugod na natin siya.”
“At ‘wag na wag siyang magkakamaling pumunta dito.” Pagak na napatawa si Narita.
“Until now ay hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niyang paratang sa akin. Ako pa talaga ang ginawa niyang nagnakaw ng proposal na pinaghirapan ko. Ayaw talaga niya na malalalamangan o matatalo ko siya.”
“Obvious naman, actually, may naisip tuloy ako.” Tumungga ulit si Narita saka napunta sa malalim nap ag-iisip. Tila sinadya nito i-hang ang nasabing sandali.
Pumagitna ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa sa kabila ng ingay na nagaganap sa labas ng bar. Mabuti na lang at naroon silang dalawa sa secluded part ng nasabing lugar.
Tumungga at lumagok siya saka binalingan si Narita. “A-ano ng apala ‘yung naiisip mo?”
“Matanong muna kita Gracie, gusto mo ba makaganti kay Tatiana?” seryosong tanong nito.
“O0, gustong-gusto kong magantihan ang half-sister ko,” walang gatol na sagot niya. Hype ang takbo ng isip niya at high din ang emosyon niya lalo ang galit dahil sa epekto ng iniinom niyang alak.
“That’s good, and I’m willing to help you basta makiki-cooperate ka lang sa akin. Ano deal?” naninigurong tanong nito.
Bahagya siyang napailing. “Pero teka, b-baka usapang lasing lang ito Narita, hik.”
Muli itong napatawa. “Naku Gracie ikaw pa lang ang lasing at hindi pa ako. But I assure you na seryoso ako na tulungan ka para makaganti sa wicked half-sister mo.”
“S-sure ka huh?” Napasiring na siya. Humihina na ang alcohol tolerance niya. Pilit niyang tinatagan ang sarili sa gitna nag nadaramang kalasingan.
“Di ba nabanggit mo na hindi pa kayo nagkikita ni Oliver? Tama?” tanong ni Narita na nakatitig sa namumula na niyang mukha.
“Oo, baka sa kasal na nila ng kapatid ko siya ma-meet at kung invited ako,” aniya.
“That’s a good idea Gracie. Tamang-tama at timing sa plan na naiisip ko. Anyway ay hiramin ko muna ang cellphone mo para mai-save ko ang number ko. I will call you tomorrow para mas seryoso ang pag-uusap natin.”
Nagpatianod naman siya sa sinabing iyon ni Narita.
NAGISING si Gracie na nasa banyagang silid siya. Pupungas-pungas na bumangon siya pero nanatiling nakaupo sa malambot na kama. Napansin niya na iba na rin ang suot niyang damit, isang plain t-shirt at short na lang. Hindi na niya malinaw na matandaan ang mga nangyari sa nagdaang gabi.“Teka, nasaan ba ako ngayon?” maang na tanong niya sa sarili.Bago pa niya mailinga ang tingin sa apat na sulod ng silid ay bumukas ang pinto n’on. Iniluwa n’on ang isang babae na kilala pa rin niya.“N- Narita?” usal niya sa pangalan nito.Ngumiti ito. “Gising ka na pala Gracie. You were so drunk last night at dahil hindi ko naman alam ang address mo ay iniuwi na muna kita dito sa town house ko.”Nakadama siya ng hiya. “Pasensya na kung naabala kita. Feeling strong kasi ako kahit alam ko na mahina ako sa inuman.”“It’s alright, remember my unfinish business pa tayo,” anito.“Ano ‘yun?” nagtatakang tanong niya sa babae.“Ikaw talaga, iyong pagganti na gagawin natin sa half-sister mo. Ngayon ay hindi na u
SA dahan-dahang paglapit ni Gracie kay Oliver ay patuloy na gumiling ang katawan niya sa pagsasayaw. Nang-aakit ang mga tingin niya sa binata kung saan ay hindi na siya nagsuot pa ng mask. Sa manipis na make-up na ipinalagay niya kay Narita ay sinigurado niya na lalabas ang angkin ganda. She has an innocent look.Wala na rin siyang inhibisyon sa ginagawa ngayong gabi. hinayaan niyang sumapi sa buong katauhan niya ang espiritu ng alak. Ang mahalaga ay makapaghiganti siya sa kay Tatiana. Desperada na siyang masaktan ang kapatid niya sa ina.Itinulak niya paupo ng sofa si Oliver. Ang may katalimang titig ng mga mata nito ay namumugay na rin dahil sa nainom. Lalo pang lumakas ang appeal nito nang mas malapitan niyang masilayan ang mukha.“Let’s go guys! Enjoy the long night Ollie,” sabi ng isa sa mga lalaki at nauna nang lumabas ng bachelor’s pad. Nagsinunuran dito ang apat pa hanggag sa narinig niya ang tunog ng sumarang pinto.Silang dalawa na lang ni Oliver ang nasa loob ng unit nito.
NATIGILAN sa paglalakad ng isang mall si Gracie nang may mamataan siyang dalawang pamilyar na nilalang. Ilang metro na lang ang layo nito sa kanya at makakasalubong niya. Sa pagiging alerto niya ay lumiko siya papasok sa loob ng isang bookstore. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon.Mula sa glass wall ng kinaroroonan niya ay nakita niya pagdaan nina Oliver at Tatiana. Magka-holding hand ang mga ito at sweet na sweet sa isa’t isa.Mabuti na lang at nakaiwas agad ako sa kanila. Nakahinga nang malalim na saad niya sa sarili. Naningin na rin siya ng book kahit wala talaga siyang balak bumili. Isang fictional book ang napili niya na kaagad niyang binayaran sa counter.Lumabas siya ng counter para ganap nang lumabas sa mall na iyon. Babalik na muna siya ng opisina. Few days ago ay nakiusap ang step-father niya na bumalik siya sa trabaho at ito na mismo ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng half-sister niya.Bago pa siya tuluyang makarating sa exit door, biglang nag-ring a
SA kabila ng malamig na buga ng aircon sa reception hall ng hotel, pinagpawisan si Gracie sa mga nangyayari sa birthday party ng kanyang step-father. Isang malaking iskandalo ang sumabog sa marangyang pagtitipon na iyon at siya mismo ang involve.“Miss, ikaw ba ‘yung nasa video?” tanong ng katabi niyang guest sa okupadong table. Isang babae na nasa kalagitnaan ang edad na titig na titig sa mukha niya. “Hawig na hawig kayo eh.”“Oo tama ka Mrs. Royales, ang laki ng resemblance niya sa babaeng nasa video,” segunda ng isang babaeng guest na mas bata.Napatitig sa kanya ang lahat ng naroon sa table. Isang komosyon ang nangyayari sa paligid. Hindi niya malaman kung paano kikilos sa mga oras na iyon na ibinababad na siya sa suka ng kahihiyan. Gusto na niyang magpalamon sa lupa kung pwede nga lang.Narinig niya ang pagsigaw ni Lucia para ipatigil ang nagpi-play na video. Sa stage nakita niya si Oliver na pilit na nagpapaliwanag kay Tatiana pero sinampal ito ng huli. Kita naman sa mukha ni Ar
ANG tunog ng pag-ring ng cellphone ni Gracie ang nagpalik sa isip niya sa reyalidad. Rumehistro sa screen ang isang pangalan na kilalang niya. walang pag-aatubiling sinagot niya ang tawag na natanggap.“Hello Narita, bakit naman gan’on ang plano mo?” malumanay pero may protestang tanong niya sa kabilang linya. Gusto niyang ilabas ang paghihimagsik ng kalooban niya. “Hindi ko ini- expect na iyon pala ang gagawin mo.”Mahinang napatawa si Narita. “So, it’s time for you to celebrate Gracie like me. Tagumpay ang mga plano natin. At walang dahilan para maging malungkot ka dahil nakaganti ka sa kapatid mo.”Umiling siya na parang kaharap lang ang kausap. “Hindi ko kaya kayang magsaya sa nangyari. Kahit ako ay na-surprise sa nangyari.” At idinugtong niya ang sinapit niya after the scandalous event.“Come on Gracie, bakit parang nagagalit ka yata sa akin?” tanong ni Narita na may pinipigil na iritasyon. “Aba tinulungan na nga kita para maiganti ang sarili mo huh.”“Kung sana ay ipinaalam mo s
HALA viral na pala ako. Ang nasabi niya sa sarili nang mapagtanto na trending topic na siya sa social media ngayong araw. Isang hindi nakaka-proud na pangyayari sa buhay niya bagkus ay lalo pang naglubog sa kanya sa mas malaking kahihiyan.“Para siya iyong babae na nasa kumakalat na video ngayon.”“Oo nga, kahawig eh.”Naagaw ang pansin ni Gracie sa narinig na usapang iyon ng dalawang baabeng dumaan sa harapan niya. Mabilis na naglakad ang mga ito nang balingan niya ang mga ito.At hindi pa doon natapos ang pagsubok sa katatagan niya. Marami pang dumaan sa gawi niya na pawang tinatapunan siya ng tingin. Nagbubulungan ang mga ito na hindi man niya marininig ay alam niyang kinukutya siya.Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon subalit wala man lang nagdaraang taxi o kahit anong PUV na pwede niyang masaktan. Nangangatog na ang tuhod niya sa kinatatayuan.Sa paglingon niya sa bandang kanan niya, nakita niya ang isang grupo na binubuo ng tatlong babae at dalawang lalaki. Lahat ng mga ito
IBA ang inaasahan ng lasing na si Gracie, imbes nasa ilog siya bumagsak ay sa tila matigas na bagay dumampi ang katawan niya. Hindi naman sobrang sakit ang nadama niyang impact na nahaluan ng matinding pagtataka.Nagmulat siya at nanlaki ang mata niya nang mapansin na nakadagan siya sa katawan ng isang lalaki. “Teka, a-anong nangyari? Anong ibig sabihin nito?”Naiinis siyang tumayo saka hinarap ang estranghero. “An-ng ginawa mo sa akin huh? May balak kang masama ano?”Tumayo rin ang lalaki at apologetic ang mukha na sinalubong ang tingin niya. “Look Miss, wala akong any bad intention sa’yo. Ginawa ko lang na mapigilan ka sa pagtalon mo d’yan sa ilog.”Bigla niyang naalala ang binalak niyang gawin kanina. Lalo siyang nairita sa kaharap. “At sino ka naman ang nagbigay sa’yo ng right na pakialaman mo ako sa gusto kong gawin? Sana hinayaan mo na lang ako.”Umiling ito. “Hindi ko naman maaatim na hayaan ko na lang magpakamatay ka. Magiging dalahin ng konsensya ko ‘yun dahil ako ang nakakit
“LOPEZ,” malumanay na basa ni Gracie sa pangalan ng bayan na nakaukit sa istatwang bunga ng niyog na naroon sa tabi ng national highway matapos na lumagpas sila ng tulay. “Malapit na ba tayo Luis?”“The long wait is over Gracie, ilang sandali na lang ay nasa bahay na tayo. Welcome to my hometown. Sensya na at talagang malayo itong amin,” natatawang tugon ni Luis na nanatiling nasa pagmamaneho ang konsentrasyon.Napatawa rin siya. “Oo nga, limang oras din ata tayong nagbyahe ano. Don’t worry dahil hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa’yo.”Nakumbinse siya ni Luis na tanggapin ang alok nitong trabaho sa kanya sa probinsya nito mismo. Kahapon na matapos siyang kupkupin ng lalaki ay nagpasya na siyang umalis sa tinutuluyang apartment. Tinulungan siya nito na makuha ang lahat ng damit at gamit niya.“Good,” anito na hindi siya nililingon. “Oops, ano naman tinitingnan mo d’yan sa cellphone mo huh? Baka mag- install ka naman ng social media apps huh.”“Hindi ah, tumingin lang ako sa ora
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan
KINABUKASAN, walang Oliver na pumasok sa site sales office ng Palmera Estate. Hindi maikakaila ni Gracie na nami-miss niya ang presensya ng binatang boss. O maging ng puso niya?Napailing siya sa isiping iyon. 'Huwag kang ilusyunada Gracie. Oliver will never like you lalo kapag nalaman niya ang secret mo. Siguradong magagalit 'yun sa'yo.'Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hinamig niyang muli ang sarili. Isang video call ang natanggap niya mula sa lalaking laman ng isip niya ngayon. Kaagad niyang sinagot iyon."Hello Gracie," bati ni Oliver sa kabilang linya. Malinaw niya itong nakikita sa screen ng cellphone niya. "I'm here in Manila now, may immediate meeting ako sa mga shareholder ng company. May ipapasuyo sana ako sa'yo.""Sure Sir, ano po iyon?" ang masiglang tugon-tanong niya kay Oliver. Ewan ba niya kung bakit naging sobrang saya niya na makita ito kahit online.Isang mahalagang file ang ipinapahanap nito sa kanya. Pansamantala nitong tinapos ang tawag. Nagpunt
Tahimik si Gracie habang nakaupo sa maliit na sofa ng kanyang apartment, hawak ang isang baso ng wine. Mula sa bintana, tanaw niya ang city lights—parang simbolo ng lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga buwan.Marami na ang nagbago. Ang dating simpleng trabaho niya sa Palmera Homes ay nauwi sa mas malaking laban. Hindi lang niya tinulungan si Oliver Wright na iligtas ang kanyang kumpanya, kundi pati na rin ang relasyon nito sa ama.Napabuntong-hininga siya. Sa wakas, natapos na rin ang lahat ng kaguluhan.O akala niya lang.Dahil maya-maya lang, may kumatok sa kanyang pinto.Napakunot ang noo niya. Alas-diyes na ng gabi, sino kaya iyon?Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At halos mapalunok siya nang makita kung sino ang naroon.Si Oliver.Nakapamulsa ito, nakasuot ng simpleng dark blue polo at fitted jeans. Pero ang pinakamapanganib sa lahat? Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya—seryoso, parang may gustong sabihin.“Oliver?” bulong niya, halatang nagulat. “Anong
Sa Palmera Site Sales Office.Abala si Gracie sa pagsasaayos ng final plans para sa Palmera Estate Subdivision nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Si Oliver.Napatingin siya rito, bahagyang nagulat sa presensiya nito. “Sir Oliver? Andito na po pala kayo ”Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kanya, may hawak na isang folder. “Tapos na ang gulo. This is a good news .”Napangiti si Gracie. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito rin ay isang personal na tagumpay para kay Oliver.“Nagkaayos na kayo ng dad mo?” tanong niya.Tumango si Oliver. “Oo. Hindi pa perpekto, pero at least, nag-uusap na kami.”Mas lalong lumambot ang ekspresyon ni Gracie. Alam niyang napakalaking bagay nito para kay Oliver, lalo na sa lahat ng pinagdaanan nito.“Good,” sagot niya. “Dahil kailangan mo nang pirmahan ‘to.”Itinulak niya ang isang dokumento patungo kay Oliver—ang final contract para sa Palmera Estate Expansion Project.Napangiti ang lalaki at umiling. “Lagi mo na lang akong inuutusan,
Matagal nang alam ni Oliver at Gracie ang katotohanan—ang mismong ama ni Oliver ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kanya.Hindi lingid sa kanila ang bawat atake, ang bawat balakid na inilagay nito sa daraanan ni Oliver para sirain ang kumpanyang itinayo niya mula sa sarili niyang pagsisikap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi sila sumuko.At ngayon, hawak na nila ang ebidensya para tapusin ito.—Nakatayo si Oliver sa harap ng kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumentong inilapag ni Gracie sa kanyang lamesa. Tahimik siyang nagbabasa, ngunit sa bawat segundo, lalo lang tumitindi ang tensyon sa paligid.“Hindi na siya nagtatago,” malamig na sabi ni Oliver matapos basahin ang report. “Direkta na siyang kumikilos.”Tumango si Gracie. “Lahat ng galaw ng Vita Land nitong mga nakaraang buwan, may pirma niya. Ang mismong lupa na sinira niya gamit ang peke niyang soil report? Alam mong bakit niya ginawa ‘yon, ‘di ba?”Mariing isinara ni Oliver ang hawak na papel. “Dahil gusto niyang sirain ang
Pagpasok ng lalaki, bumungad ang matikas nitong tindig at ang seryosong ekspresyon sa mukha. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, tumagos ang matalas nitong titig kay Oliver—isang titig na puno ng kumpiyansa, ngunit may bahid ng pag-aalala."Arman Villarosa," malamig na banggit ni Oliver, hindi man lang itinago ang tensyon sa kanyang boses. "I was just about to call you."Ngumiti nang tipid si Arman at lumingon kay Gracie bago bumalik ang tingin kay Oliver. "Mukhang hindi maganda ang timpla mo. Ano bang nangyayari?"Hindi na nagpaligoy-ligoy si Oliver. Kinuha niya ang folder sa mesa at malakas itong ibinagsak sa harapan ni Arman. “Explain this.”Kumunot ang noo ni Arman habang marahang binuksan ang folder. Saglit niyang sinuyod ng tingin ang mga dokumento, at saka marahang umiling. "Ah... So, ito pala ang dahilan ng lahat ng ito."Tumayo si Oliver, ang mga kamao’y nakatukod sa mesa. "Don't play games with me, Arman. Alam mong hindi stable ang lupa, pero pinirmahan mo ang second r
TAHIMIK na nakaupo si Gracie sa kanyang desk sa sales office ng Palmera Homes. Pilit niyang iniintindi ang mga papeles sa harapan niya, pero kahit anong gawin niya, hindi niya maialis sa isip ang nangyari sa Paraday Island Resort. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay walang sinabi sa naglalagablab na tensyon na bumabalot sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya si Oliver—ang matalim nitong tingin, ang bahagyang ngiti na parang may alam siyang hindi, at higit sa lahat... ang katotohanang binili nito ang kanyang painting. "Miss Reyes, I have decided to take your work with me..." Napakagat siya sa labi habang muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Oliver? Bakit kailangang siya pa ang bumili ng painting? At higit sa lahat, bakit parang sinasadya nitong guluhin ang isip niya? Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon siya at agad na nanlamig ang kanyang pakiramdam nang makita kung sino ang bagong dating—si Oliver Wright mi