NATIGILAN sa paglalakad ng isang mall si Gracie nang may mamataan siyang dalawang pamilyar na nilalang. Ilang metro na lang ang layo nito sa kanya at makakasalubong niya. Sa pagiging alerto niya ay lumiko siya papasok sa loob ng isang bookstore. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Mula sa glass wall ng kinaroroonan niya ay nakita niya pagdaan nina Oliver at Tatiana. Magka-holding hand ang mga ito at sweet na sweet sa isa’t isa.
Mabuti na lang at nakaiwas agad ako sa kanila. Nakahinga nang malalim na saad niya sa sarili. Naningin na rin siya ng book kahit wala talaga siyang balak bumili. Isang fictional book ang napili niya na kaagad niyang binayaran sa counter.
Lumabas siya ng counter para ganap nang lumabas sa mall na iyon. Babalik na muna siya ng opisina. Few days ago ay nakiusap ang step-father niya na bumalik siya sa trabaho at ito na mismo ang humingi ng paumanhin sa ginawa ng half-sister niya.
Bago pa siya tuluyang makarating sa exit door, biglang nag-ring ang cellphone niya. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Narita na kaagad niyang sinagot. Nagpunta muna siya sa isang sulok na malayo sa karamihan ng mga nagdaraang tao.
“Mabuti naman at naalala mo pa ako,” may himig pagtatampong sabi niya sa babae sa kabilang linya.
“I’m sorry naman Gracie, kinailangan kong bumalik ng province dahil nagkaroon ng problema ang family business naming doon,” sagot ni Narita. “Congrats ah, for a job well done.”
“Mabuti nga at tumawag ka ngayon sa akin at muntikan kong makasalubong sila kanina dito sa mall. Paano ba naman kasi after ko magawa ang plano natin ay halos three days kang hindi nagparamdam d’yan.”
Mahina itong tumawa. “Sorry na okay, don’t worry Gracie, hindi masasayang ang mga pinagpaguran mo ng gabing iyon. Hayaan mo na maging masaya ngayon ang half-sister at si Oliver at soon ay sila naman ang masasaktan. Malapit ka nang makaganti sa kapatid mong mang- aagaw.”
“Pero ano ba talaga ang plano mo? Baka naman pwede kong malaman?” tanong niya sa kabilang linyan na luminga-linga ang tingin niya sa paligid. Siya lang naman ang tao sa bahaging iyon.
“Just relax lang Gracie, ginawa mo naman ang part mo then ako naman this time. Magugulat ka na lang na nakaganti ka na pala sa kapatid mo. Basta abangan mo na lang dahail malapit na. sige, I have to go muna at may pupuntahan pa ako.”
“Wait lang Narita, may ita-” subalit nawala na sa linya ang babae. Tanging end-tone na lang ang narinig niya sa cellphone niyang nakatapat sa tainga niya.
Bigala tuloy siyang nakadama ng kakaibang kaba. Ano nga ang pina-planong gawin ni Narita para makaganti siya kay Tatiana?
After ng gabing iyon ay nahiya siya sa sarili dahil sa pinaggagawa niya kay Oliver Wright. Alam niya na liliit ang mundo para sa kanilang dalawa ng lalaki kapag naging ganap na itong asawa ni Tatiana.
Just trust Narita. Kailangan na magtagumpay ang plano niyang revenge at kapag nangyari iyon ay hindi na mangyayari ang kinatatakutan mo. Assurance na sabi ng isang bahagi ng utak niya.
LATE nang nakarating ng reception hall ng isang malaking hotel si Gracie dahil sa matinding traffic. Isang evening dress ang suot niya na ibinagay sa nagaganap na okasyon. Inihatid siya ng isang waiter patungo sa table na nakalaan para sa kanya.
Ngayong gabi ay magarbong celebration ng fifty birthday ni Don Armand Luistro. Sa mga bisita pa lang na naroroon ay bakas na ng karangyaan. Mga business partner and friends ng amain. May mga imbitadong politician at mga may impluwnesyang tao sa lipunan.
May pumapailanlang na musika mula sa arkiladong sikat na orchestra sa Piilpinas.
Nakadama ng insecurity at self-pity si Gracie nang makitang nakaupo sa presidential table ang kanyang inang si Lucia, ang kapatid niyang si Tatiana kung saan napapagitnaan ng mga ito ang birthday celebrant.
Kahit kailan ay hindi niya naranasan na kabilang siya sa pamilyang iyon. Heto nga ay iniupo siya sa iba pang mga bisitang naroroon at mga hindi pa niya kilala.
“Good evening ladies and gentlemen, and now we start the program for the golden birthday celebration of Don Armand Luistro. Let’s give him a big round of applause.”
Natigil sa paglipad ang isip niya nang marinig ang sinabing iyon ng male program host na sinundan ng masigabong palakpakan ng mga bisita. Nakisabay rin siya ng pagpalakpak sa mga ito. Tumayo naman ang step-father niya saka kumaway sa mga crowd.
Sa sumunod na sandali ay nagkaroon muna ng sumptuous dinner para sa lahat ng bisita. Umaapaw sa maraming pagkaing masasarap at mga inumin. Lahat ay tinitiyak na mabubusog.
Nang matapos kumain ang lahat ay nagbalik sa stage ang male host. “This time may we call on our celebrant for his birthday message.”
Pumalakpak muli ang mga bisita sa pagtayo ni Armand at sa pag-akyat ntio sa stage. Kaagad na tinanggap nito ang microphone mula sa host. Masaya itong tumingin sa mga bisitang naroroon.
“First of all, ang aking pasasalamat sa Diyos at sa pamilya ko na kasama ko sa mahalagang araw na ito ng aking buhay.” Itinuro pa ni Armand sina Lucia at Tatiana na proud na naka-pwesto sa presidential table. “Of course, I want to thank everyone who came here tonight to join me in this special celebration. Maraming Salamat sa inyo.”
Nagpalakpakan muli ang mga bisita.
“But tonight, I have very special announcement,” pagpapatuloy na mensahe ni Armand. “After my birthday celebration ay muli tayong magkasama-sama sa isa pang malaking okasyon. Tonight, I formally annoucing the engagement of my dear daughter Tatiana Luistro to Mr. Oliver Wright.”
Muling nagpalakpakan ang mga bisita. Tinawag ni Armand ang magkasintahan para samahan ito sa stage. Nabuhay kay Gracie ang kakaibang attraction nang masilayan muli si Oliver. Napaka-gwapo nito sa suot na long-sleeves na pinatungan ng coat na may katernong slack.
Nagkaroon ng warning sa isip niya. kailangan na umalis siya agad sa party na iyon para hindi magtagpo ang landas nil ani Oliver.
Subalit naagaw ang atensyon sa hindi inaasahang anasan ng mga bisita. Isang komosyon ang nagaganap sa reception hall. Sa sumunod na sandali ay lahat ng mata ng mga naroroon ay tumutok sa kanyang lahat.
Maging siya ay nagulat sa video na biglang nag-play sa led screen. Pinagpawisan siya ng malamig at nanginig ang kalamnan niya nang mapagtanto na ang scandalous video ay napapanood na mga bisita sa party na iyon ni Armand. Ang video na kung saan kasama niya si Oliver at ang eksena ay mga naganap sa pagitan nilang dalawa sa loob ng bachelor’s pad nito!
SA kabila ng malamig na buga ng aircon sa reception hall ng hotel, pinagpawisan si Gracie sa mga nangyayari sa birthday party ng kanyang step-father. Isang malaking iskandalo ang sumabog sa marangyang pagtitipon na iyon at siya mismo ang involve.“Miss, ikaw ba ‘yung nasa video?” tanong ng katabi niyang guest sa okupadong table. Isang babae na nasa kalagitnaan ang edad na titig na titig sa mukha niya. “Hawig na hawig kayo eh.”“Oo tama ka Mrs. Royales, ang laki ng resemblance niya sa babaeng nasa video,” segunda ng isang babaeng guest na mas bata.Napatitig sa kanya ang lahat ng naroon sa table. Isang komosyon ang nangyayari sa paligid. Hindi niya malaman kung paano kikilos sa mga oras na iyon na ibinababad na siya sa suka ng kahihiyan. Gusto na niyang magpalamon sa lupa kung pwede nga lang.Narinig niya ang pagsigaw ni Lucia para ipatigil ang nagpi-play na video. Sa stage nakita niya si Oliver na pilit na nagpapaliwanag kay Tatiana pero sinampal ito ng huli. Kita naman sa mukha ni Ar
ANG tunog ng pag-ring ng cellphone ni Gracie ang nagpalik sa isip niya sa reyalidad. Rumehistro sa screen ang isang pangalan na kilalang niya. walang pag-aatubiling sinagot niya ang tawag na natanggap.“Hello Narita, bakit naman gan’on ang plano mo?” malumanay pero may protestang tanong niya sa kabilang linya. Gusto niyang ilabas ang paghihimagsik ng kalooban niya. “Hindi ko ini- expect na iyon pala ang gagawin mo.”Mahinang napatawa si Narita. “So, it’s time for you to celebrate Gracie like me. Tagumpay ang mga plano natin. At walang dahilan para maging malungkot ka dahil nakaganti ka sa kapatid mo.”Umiling siya na parang kaharap lang ang kausap. “Hindi ko kaya kayang magsaya sa nangyari. Kahit ako ay na-surprise sa nangyari.” At idinugtong niya ang sinapit niya after the scandalous event.“Come on Gracie, bakit parang nagagalit ka yata sa akin?” tanong ni Narita na may pinipigil na iritasyon. “Aba tinulungan na nga kita para maiganti ang sarili mo huh.”“Kung sana ay ipinaalam mo s
HALA viral na pala ako. Ang nasabi niya sa sarili nang mapagtanto na trending topic na siya sa social media ngayong araw. Isang hindi nakaka-proud na pangyayari sa buhay niya bagkus ay lalo pang naglubog sa kanya sa mas malaking kahihiyan.“Para siya iyong babae na nasa kumakalat na video ngayon.”“Oo nga, kahawig eh.”Naagaw ang pansin ni Gracie sa narinig na usapang iyon ng dalawang baabeng dumaan sa harapan niya. Mabilis na naglakad ang mga ito nang balingan niya ang mga ito.At hindi pa doon natapos ang pagsubok sa katatagan niya. Marami pang dumaan sa gawi niya na pawang tinatapunan siya ng tingin. Nagbubulungan ang mga ito na hindi man niya marininig ay alam niyang kinukutya siya.Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon subalit wala man lang nagdaraang taxi o kahit anong PUV na pwede niyang masaktan. Nangangatog na ang tuhod niya sa kinatatayuan.Sa paglingon niya sa bandang kanan niya, nakita niya ang isang grupo na binubuo ng tatlong babae at dalawang lalaki. Lahat ng mga ito
IBA ang inaasahan ng lasing na si Gracie, imbes nasa ilog siya bumagsak ay sa tila matigas na bagay dumampi ang katawan niya. Hindi naman sobrang sakit ang nadama niyang impact na nahaluan ng matinding pagtataka.Nagmulat siya at nanlaki ang mata niya nang mapansin na nakadagan siya sa katawan ng isang lalaki. “Teka, a-anong nangyari? Anong ibig sabihin nito?”Naiinis siyang tumayo saka hinarap ang estranghero. “An-ng ginawa mo sa akin huh? May balak kang masama ano?”Tumayo rin ang lalaki at apologetic ang mukha na sinalubong ang tingin niya. “Look Miss, wala akong any bad intention sa’yo. Ginawa ko lang na mapigilan ka sa pagtalon mo d’yan sa ilog.”Bigla niyang naalala ang binalak niyang gawin kanina. Lalo siyang nairita sa kaharap. “At sino ka naman ang nagbigay sa’yo ng right na pakialaman mo ako sa gusto kong gawin? Sana hinayaan mo na lang ako.”Umiling ito. “Hindi ko naman maaatim na hayaan ko na lang magpakamatay ka. Magiging dalahin ng konsensya ko ‘yun dahil ako ang nakakit
“LOPEZ,” malumanay na basa ni Gracie sa pangalan ng bayan na nakaukit sa istatwang bunga ng niyog na naroon sa tabi ng national highway matapos na lumagpas sila ng tulay. “Malapit na ba tayo Luis?”“The long wait is over Gracie, ilang sandali na lang ay nasa bahay na tayo. Welcome to my hometown. Sensya na at talagang malayo itong amin,” natatawang tugon ni Luis na nanatiling nasa pagmamaneho ang konsentrasyon.Napatawa rin siya. “Oo nga, limang oras din ata tayong nagbyahe ano. Don’t worry dahil hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa’yo.”Nakumbinse siya ni Luis na tanggapin ang alok nitong trabaho sa kanya sa probinsya nito mismo. Kahapon na matapos siyang kupkupin ng lalaki ay nagpasya na siyang umalis sa tinutuluyang apartment. Tinulungan siya nito na makuha ang lahat ng damit at gamit niya.“Good,” anito na hindi siya nililingon. “Oops, ano naman tinitingnan mo d’yan sa cellphone mo huh? Baka mag- install ka naman ng social media apps huh.”“Hindi ah, tumingin lang ako sa ora
NAPAYUKO na ang ulo ni Gracie sa pag-alis ng dalawang lalaki sa counter. Bahagya niyang nasilayan ang mukha ng kanina pa niya tinitingnan. Tama nga ang hinala niya na si Oliver nga ito.“Miss, akina po ang mga binili ninyo,” untag sa kanya ng babaeng cashier.Napapitlag siya saka kaagad na hinamig ang sarili mula sa paglipad ng isip niya. “Heto na, sorry.”Nakangiting tinanguan siya ng kahera hanggang makapagbayad na siya. Paglabas niya ng convenient store ay nakita niya ang dalawang lalaki na papasakay pa lang sa kotse na nakaparada sa gilid ng daan.Tila umahos ang adrenaline niya sa katawan at dahil na rin sa kaba ay napa-direstso siya sa pagtawid ng kalsada. Nagulat siya sa malakas na busina ng isang motocycle.“Miss, be aware naman sa pagtawid oh,” sabi ng driver n’on nakasuot ng helmet. Napatigil ito sa pag-andar dahil muntikan siyang masagasaan nito.“Pasensya na Sir,” nahihiyang sabi niya saka ganap na lumakad patungo sa kabilang panig ng kalsada. Nagmamadali siyang sumakay sa
“OKAY Sir noted,” tanging naging tugon ni Myrna. Matapos ang ilang mga paalala ay pinabalik na ito ni Oliver sa trabaho ang head architect ng kompanya niya.“Kailangan lahat ng mga plano ko ay mag-materialize,” sabi niya sa sarili na tumingin sa screen nang nakabukas niyang laptop sa ibabaw ng table.Isang website ang news website ang binuksan niya para alamin ang lagay ng economy maging sa business and industry. Nag-pop up ang isang paid advertisement ng isang developer na kilalang-kilala niya.The Vita Rise on the way to your location. Nakalagay pa ang isang picture ng ground breaking ceremony na dinaluhang ng mga executive at stock holder ng nasabing kompanya. Mas umagaw ng pansin niya ang may katandaan ng lalaki pero na nanatiling matikas ang tindigan. Si Remegio Wright.Nagtiim-bagang siya sa pagkakatitig sa nasabing picture. “Ako ang nagpropose ng project na ‘yan Dad at ngayon ay pinapakinabangan mo na. binalewala at kinalimutan mo ang lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.”Bag
“OO nga picture ko nga ito noong naglalakad ako sa gitna,” aniya nang makita ang nasabing retrato sa cellphone ni Lando. Ang ‘gitna’ na tnutukoy ay ang tawag ng mga taga- Lopez sa sentrong kabayanan na malapit sa plaza. “Pero hindi maaari ito.”Naglalakad siya sa gilid ng daan at t’yempong nakuhaan siya ng close shot. Nalilpad-lipad pa ng hangin ang kulot na mahaba niyang buhok. Galing siya sa palengke noon dahil may binili siyang prutas.“Huh Ate, hindi ninyo nagustuhan?” tanong ni Estong. “Ang dami ngang share at comment sa post na nagagandahan sa inyo kahit ang mga babae.”Lalo siyang pinagpawisan. Nakadarama na naman siya ng trauma. Ilang taon na rin siyang hindi gumagamit ng social media. Matagal na niyang ini-close ang account niya. Nag-online lang siya gamit ang email account ng business para sumagot ng mga inquiry ng client.“Ayoko talaga, invading of my privacy ang ginawa sa akin ng nag-post na’yan,” naiiling niyang sabi na nakadarama siya ng iritasyon. “Ahm Lando paki-messag
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan
KINABUKASAN, walang Oliver na pumasok sa site sales office ng Palmera Estate. Hindi maikakaila ni Gracie na nami-miss niya ang presensya ng binatang boss. O maging ng puso niya?Napailing siya sa isiping iyon. 'Huwag kang ilusyunada Gracie. Oliver will never like you lalo kapag nalaman niya ang secret mo. Siguradong magagalit 'yun sa'yo.'Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hinamig niyang muli ang sarili. Isang video call ang natanggap niya mula sa lalaking laman ng isip niya ngayon. Kaagad niyang sinagot iyon."Hello Gracie," bati ni Oliver sa kabilang linya. Malinaw niya itong nakikita sa screen ng cellphone niya. "I'm here in Manila now, may immediate meeting ako sa mga shareholder ng company. May ipapasuyo sana ako sa'yo.""Sure Sir, ano po iyon?" ang masiglang tugon-tanong niya kay Oliver. Ewan ba niya kung bakit naging sobrang saya niya na makita ito kahit online.Isang mahalagang file ang ipinapahanap nito sa kanya. Pansamantala nitong tinapos ang tawag. Nagpunt
Tahimik si Gracie habang nakaupo sa maliit na sofa ng kanyang apartment, hawak ang isang baso ng wine. Mula sa bintana, tanaw niya ang city lights—parang simbolo ng lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga buwan.Marami na ang nagbago. Ang dating simpleng trabaho niya sa Palmera Homes ay nauwi sa mas malaking laban. Hindi lang niya tinulungan si Oliver Wright na iligtas ang kanyang kumpanya, kundi pati na rin ang relasyon nito sa ama.Napabuntong-hininga siya. Sa wakas, natapos na rin ang lahat ng kaguluhan.O akala niya lang.Dahil maya-maya lang, may kumatok sa kanyang pinto.Napakunot ang noo niya. Alas-diyes na ng gabi, sino kaya iyon?Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At halos mapalunok siya nang makita kung sino ang naroon.Si Oliver.Nakapamulsa ito, nakasuot ng simpleng dark blue polo at fitted jeans. Pero ang pinakamapanganib sa lahat? Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya—seryoso, parang may gustong sabihin.“Oliver?” bulong niya, halatang nagulat. “Anong
Sa Palmera Site Sales Office.Abala si Gracie sa pagsasaayos ng final plans para sa Palmera Estate Subdivision nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Si Oliver.Napatingin siya rito, bahagyang nagulat sa presensiya nito. “Sir Oliver? Andito na po pala kayo ”Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kanya, may hawak na isang folder. “Tapos na ang gulo. This is a good news .”Napangiti si Gracie. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito rin ay isang personal na tagumpay para kay Oliver.“Nagkaayos na kayo ng dad mo?” tanong niya.Tumango si Oliver. “Oo. Hindi pa perpekto, pero at least, nag-uusap na kami.”Mas lalong lumambot ang ekspresyon ni Gracie. Alam niyang napakalaking bagay nito para kay Oliver, lalo na sa lahat ng pinagdaanan nito.“Good,” sagot niya. “Dahil kailangan mo nang pirmahan ‘to.”Itinulak niya ang isang dokumento patungo kay Oliver—ang final contract para sa Palmera Estate Expansion Project.Napangiti ang lalaki at umiling. “Lagi mo na lang akong inuutusan,
Matagal nang alam ni Oliver at Gracie ang katotohanan—ang mismong ama ni Oliver ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kanya.Hindi lingid sa kanila ang bawat atake, ang bawat balakid na inilagay nito sa daraanan ni Oliver para sirain ang kumpanyang itinayo niya mula sa sarili niyang pagsisikap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi sila sumuko.At ngayon, hawak na nila ang ebidensya para tapusin ito.—Nakatayo si Oliver sa harap ng kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumentong inilapag ni Gracie sa kanyang lamesa. Tahimik siyang nagbabasa, ngunit sa bawat segundo, lalo lang tumitindi ang tensyon sa paligid.“Hindi na siya nagtatago,” malamig na sabi ni Oliver matapos basahin ang report. “Direkta na siyang kumikilos.”Tumango si Gracie. “Lahat ng galaw ng Vita Land nitong mga nakaraang buwan, may pirma niya. Ang mismong lupa na sinira niya gamit ang peke niyang soil report? Alam mong bakit niya ginawa ‘yon, ‘di ba?”Mariing isinara ni Oliver ang hawak na papel. “Dahil gusto niyang sirain ang
Pagpasok ng lalaki, bumungad ang matikas nitong tindig at ang seryosong ekspresyon sa mukha. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, tumagos ang matalas nitong titig kay Oliver—isang titig na puno ng kumpiyansa, ngunit may bahid ng pag-aalala."Arman Villarosa," malamig na banggit ni Oliver, hindi man lang itinago ang tensyon sa kanyang boses. "I was just about to call you."Ngumiti nang tipid si Arman at lumingon kay Gracie bago bumalik ang tingin kay Oliver. "Mukhang hindi maganda ang timpla mo. Ano bang nangyayari?"Hindi na nagpaligoy-ligoy si Oliver. Kinuha niya ang folder sa mesa at malakas itong ibinagsak sa harapan ni Arman. “Explain this.”Kumunot ang noo ni Arman habang marahang binuksan ang folder. Saglit niyang sinuyod ng tingin ang mga dokumento, at saka marahang umiling. "Ah... So, ito pala ang dahilan ng lahat ng ito."Tumayo si Oliver, ang mga kamao’y nakatukod sa mesa. "Don't play games with me, Arman. Alam mong hindi stable ang lupa, pero pinirmahan mo ang second r
TAHIMIK na nakaupo si Gracie sa kanyang desk sa sales office ng Palmera Homes. Pilit niyang iniintindi ang mga papeles sa harapan niya, pero kahit anong gawin niya, hindi niya maialis sa isip ang nangyari sa Paraday Island Resort. Ang init ng sikat ng araw sa labas ay walang sinabi sa naglalagablab na tensyon na bumabalot sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya si Oliver—ang matalim nitong tingin, ang bahagyang ngiti na parang may alam siyang hindi, at higit sa lahat... ang katotohanang binili nito ang kanyang painting. "Miss Reyes, I have decided to take your work with me..." Napakagat siya sa labi habang muling bumalik sa isip niya ang gabing iyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Oliver? Bakit kailangang siya pa ang bumili ng painting? At higit sa lahat, bakit parang sinasadya nitong guluhin ang isip niya? Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napalingon siya at agad na nanlamig ang kanyang pakiramdam nang makita kung sino ang bagong dating—si Oliver Wright mi