KABANATA 60“F-fily please, b-bigyan mo lang ako ng kaunting oras. K-kaunting paghihintay pa, Fily,” pagmamakaawa ni Colton habang hawak ang kamay ko pero umiling lang ako sa kanya. “A-alam mo, Colton? N-nung hindi kita naka-usap sa coffee shop na iyon, alam ko na agad ang ibig sabihin nun. S-sana man lang s-sinupot mo ako, k-kahit man lang pinakita mo sa ‘kin yung likod mo o yung anino mo.”Hindi ko na napigilan ang luha kong sunod-sunod ng tumulo pero siguro oras na rin para linawin kung ano ba talagang meron sa pagitan namin. Kase kapag lalong pinapatagal, mas masakit, mas umaasa, mas malulungkot. “I-i’m so sorry.”“A-ano ka ba, o-okay lang Colton. U-una pa lang ay alam ko na kung saan ako lulugar pero mas pinili kong takbuhin ang nararamdaman ko para sa ‘yo,” pagrereklamo ko habang humihikbi. “P-please don’t cry, Fily. I’m sorry,” mahinang wika ni Colton habang nakayuko at gustong hawakan ang kamay ko pero pinagkait ko yun sa kanya. Ayun na nga lang ang pwede kong maipagkait pe
Last Updated : 2025-02-18 Read more