KABANATA 57“Ganyan nga ang gusto ko bilang dating bestfriend mo Fily. Gusto kong naririnig na nawawalan ka ng hininga. Sayang at hindi ko nakikita kase kasama ko si Colton, mas pipiliin kong makasama siya kesa panuorin kang mamatay,” huling sinabi ni Devia pagkatapos sumalpok ng truck. Halos hindi ko maramdaman ang katawan ko dahil sa lakas ng salpok pero malinaw na narinig ko ang mga katagang sinabi niya. Naramdaman kong unti-unti ng bumibigat ang talukap ko, pinipilit kong inaaninag ang mga taong papalapit pero tuluyan ng nandilim ang paningin ko. ****************Paggising ko ay bumungad sa akin ang kulay puting kisame, naririnig ko rin ang mga aparatong tumutunog. Akala ko huling sandali ko na yun!Hindi ko maigalaw ang buong katawan, kahit anong gawin ko ay tanging mga daliri ko lang ang kaya kong pagalawin. Nakaligtas nga ako sa aksidente pero hindi naman ako nakakakilos, naluluha na agad ang mata ko pero narinig kong bumukas ang pintuan ng hospital room ko. “Bakit hindi pa
KABANATA 58Pagka-alis ni Colton ay sinubukan ko ulit na pagalawin ang mga daliri ko upang malaman nila inay na gising na ako. “Kenzo, g-gumalaw ang kamay ng anak natin,” sigaw ni inay kaya narinig ko ang pagkalabog sa loob ng hospital room ko. “Totoo ba Mariel?” masayang tanong ni itay at naramdaman kong may humawak sa kabila kong kamay. Unti-unti ay idinilat ko ang mga mata ko, kumurap kurap pa ako para hindi ipahalata sa kanila na kanina pa ako gising. Pero muling nagtulog-tulugan dahil sa isang lalaki. “I-inay? N-nasaan po ako?” nanghihinang tanong ko. Pero hindi na ‘to kasali ng pagpapanggap kase totoong nanghihina pa ang boses at katawan ko. “A-anak, n-naaksidente ka k-kaya ka n-nasa hospital ngayon,” nauutal na sabi ni inay at hinaplos ang kamay ko. “M-masaya akong bumalik ka sa amin anak ko.”“M-mariel, painumin mo muna ang anak natin. Alam kong nauhaw siya sa isang buwan na pagpapahinga,” saad ni itay at pinainom ako ng tubig. Pumasok din ang iilang mga doktor at tinig
KABANATA 57Nanlulumo siyang umalis sa hospital room ko ng gabing iyon, alam niyang ayaw siya nila inay at itay. Alam kong bukod sa dating kasintahan ko siya ay nararamdaman kong may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw nilang palapitin si Colton sa ‘kin. “Hindi ba’t sinabi ko na sayong layuan mo na ang anak ko! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Manang mana ka talaga sa ama mo,” sigaw ni itay kaya napamulat ako. Pasado alas 7 pa lang pero ang aga-aga niya magbunganga, pagtingin ko sa kanya ay pinapagalitan pala nito si Colton. Mukhang hindi pa siya nakakapagbihis dahil itim na polo pa rin ang suot suot niya katulad ng suot niya kahapon. Naliligo pa kaya siya? Ilang araw niya ng damit ‘yan?“G-gusto ko lang pong makita si Fily, K-kahit dito lang po sa bintana, w-wag niyo naman akong pagbawalan Mr. Sales,” mahinang pagmamakaawa ni Colton kay itay. Siguro ay naawa rin si itay pero malakas na sinarado sa harap ni Colton ang pintuan ng hospital room ko. May kumirot sa bahagi ng puso ko
KABANATA 60“F-fily please, b-bigyan mo lang ako ng kaunting oras. K-kaunting paghihintay pa, Fily,” pagmamakaawa ni Colton habang hawak ang kamay ko pero umiling lang ako sa kanya. “A-alam mo, Colton? N-nung hindi kita naka-usap sa coffee shop na iyon, alam ko na agad ang ibig sabihin nun. S-sana man lang s-sinupot mo ako, k-kahit man lang pinakita mo sa ‘kin yung likod mo o yung anino mo.”Hindi ko na napigilan ang luha kong sunod-sunod ng tumulo pero siguro oras na rin para linawin kung ano ba talagang meron sa pagitan namin. Kase kapag lalong pinapatagal, mas masakit, mas umaasa, mas malulungkot. “I-i’m so sorry.”“A-ano ka ba, o-okay lang Colton. U-una pa lang ay alam ko na kung saan ako lulugar pero mas pinili kong takbuhin ang nararamdaman ko para sa ‘yo,” pagrereklamo ko habang humihikbi. “P-please don’t cry, Fily. I’m sorry,” mahinang wika ni Colton habang nakayuko at gustong hawakan ang kamay ko pero pinagkait ko yun sa kanya. Ayun na nga lang ang pwede kong maipagkait pe
KABANATA 61Fiancee niya yun e, dapat lang na unahin niya. Naibulong ko na lang habang itinutulak na ni Doc Gino ang wheel chair papunta sa garden ng hospital. Pagkalabas pa lang namin ng pinto at nakalanghap ng sariwang hangin ay napangiti na lang ako. Namiss ko yung ganito, yung makalabas labas man lang. Kahit nung nasa condo ako ni Colton ay lumalabas ako papunta sa mga mall para mag-ikot ikot. Kaya nagugulat na lang ako na may biglang tumatawag ng pangalan ko. Magkakilala pala talaga kami, sadyang nakalimutan ko lang sila kaya hindi ko nakilala. Hanggang ngayon ay pilit kong iniisip kung paano ako nawalan ng alaala, kung aksidente ba o ano. Pero walang sagot na naibibigay ang isip ko. “Ang layo naman ng iniisip mo, Fily,” natatawang saad ni Doc Gino. Napatingin tuloy ako sa kanyang nasa harapan ko na pala. “Ay, kanina pa ba ako nakatulala Doc?” nakangiwing tanong ko pero marahan lang siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. “Anong iniisip mo? Akala ko ba gusto mo magpahangin at
KABANATA 62“Nadamay ka pa tuloy sa galit ng Kira na yun. Bakit sa atin niya ibubunton yung galit niya? Tayo ba ang nang-reject sa pag-amin niya ng feelings niya? Hindi ba dapat si Colton? Lagot talaga sa ‘kin ‘yang lalaking yan!” inis na wika ko kay Dev pero ilagay niya lang ang daliri niya sa bibig niya para patahimikin ako pero ang dami ko pang gustong sabihin. “Bakit mo ako pinapatahimik? Hindi ka ba nagagalit sa ginawa niya kanina? Ang dami mo kayang buhok na natanggal, patingin ng ulo mo baka mamaya may panot ka na ha, isusumbong ko yun sa guidance,” muling sambit ko. “O-okay na ako Fily, mauna na ako ha, nandyan na tricycle,” pagpapaalam niya at mabilis na sumakay ng tricycle. Kumaway pa ako sa kanya at pupunta na sa driver ko dahil nasa parking na raw ng halos himatayin ako paglingon ko. “What the fuck! Colton, anong ginagawa mo diyan? Papatayin ko ba ako sa gulat ha!” pagalit na sigaw ko at hinampas ang dibdib niya. “Mamamatay ka sa gulat? E halos patayin mo na ‘ko sa i
KABANATA 63: Hindi ko ipagkakaila na kinabahan ako sa text message ng unknown sender na iyon. May iniisip man akong taong gumagawa nun ay wala akong ebidensya. Pero bakit niya pa ako kailangan takutin kong nasa kanya si Colton? Wala na akong inaagaw sa kanya, mas lalong wala na siyang kaagaw sa fiancee niya. “Sa wakas, makakaalis din sa hospital,” masayang sambit ko habang nagbibihis ng damit mula sa ilang araw na hospital gown lang ang suot ko. “Masayang ka bang makakauwi ka na ng bahay anak?” tanong ni inay habang busy sa pagliligpit ng mga gamit sa hospital room. “Oo naman po nay, na-miss ko po ang bahay, ang palayan at mga kapitbahay,” magiliw na wika ko at ramdam ko rin na wala ng kahit anong masakit sa katawan ko. Ilang linggo ring nakatutok sina Doc sa ‘kin para mai-sure na walang kahit anong komplikasyon. Nagpaalam na rin ako kay Doc Gino at kay Glia na anak niya nung isang araw. “Glia, kapag nakalabas na ako ng hospital ipapasyal kita ha? Pwede naman Doc diba? Para nama
KABANATA 64Habang nasa byahe pauwi ng Batangas ay tinignan ko ang business card na binigay ni Colton. Nandun ang address ng resort na sinasabi niya, medyo malapit lang iyon samin kaya nasasayangan ako. Sinabi niya rin namang wala siya roon kaya baka magpasa ako ng application. Sayang naman kung nakatunganga na naman ako sa bahay. Lalo ngayong wala na akong pinagkukuhanan ng pera, may cheke pa naman ako galing kay Ma’am Lorraine pero gusto kong ilagay sa bangko iyon. Ina-update ko rin si Pam na secretary ko na siya na muna ang bahala sa kumpanya habang may inaasikaso pa ako. Mabilis naman siyang um-oo, sa mga nakalipas na taon ay si Pam ang nagpatakbo ng modeling agency na sinimulan ko. “Alam mo ma’am, ngayong nalaman kong nawalan po pala kayo ng ala-ala ay nagka-connect ang mga nangyayari ng mga nakaraang taon,” sabi ni Pam sa kabilang linya. “Bigla na lang naging mag-on si Ma’am Devia at Sir Colton, e kilalang clingy sa inyo yun at isa na ako sa mga saksi roon,” dagdag niya pa.“
KABANATA 129Nung gabing iyon ay iniyak na namin lahat ng sakit, hindi ko man buong alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Kassius. Ramdam ko kung gaano kabigat iyon para sa aking sekretaryana itinuring ko na ring mahalagang parte ng aking buhay. Alam ko sa sarili kong ibubuwis ko rin ang buhay ko para kay Pam. Isa siya sa mga taong walang pagdadalawang isip na pagbibigyan ko nga buhay ko basta kapalit nun ay ligtas at masaya siya. Galit na galit ako kay Kassius pero sinabi na ng babae na ayaw niya ng makialam pa kami sa buhay ng lalaki. Sapat na raw ang pagiging tanga at bulag niya sa nakalipas na panahon para pag-aksayahan pa ito ng panahon. “Are you still sleeping, Fily? Mauuna na ako sa company,” pagpapaalam ni Pam. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ang kaswal na boses niya na nagpapaalam. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan para sana paghingahin muna siya. “Pam! I told you, wag ka ng pumasok ngayon. Ako na ang bahala muna sa kumpanya okay? Just re
KABANATA 128“You’re clearly angry to me, Ms. CEO?” mapanuyang saad niya kaya nilingon ko ito gamit ang nanlilisik kong mata. Kanina pa siya sunod ng sunod kahit sinabi kong wag siyang sumunod. Alam kong napakababaw ng dahilan kung bakit naiirita ako sa kanya. Pero hindi ko rin naman maiwasang magpantig ang tenga lalo na sa tuwing tinatawag ako nito sa pangalan ko. Mas naaalala ko lang siya!Kaya mas gusto kong hindi niya ako tinatatawag kasi mas lalo lang akong nangungulila. Pero alam ko ring wala na akong Colton na babalikan, lalo na at inamin niya na rin naman na mahal niya talaga si Devia. “Kailangan mo ng abogado para sa Dad mo diba?” tanong nito kaya napahinto ako sa pagmamadaling makaalis sa harapan niya. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginusto kong pumunta ng Manila. Ang humanap ng magaling na abogado para kay itay. Hindi lang basta abogado na ipipresinta siya sa korte subalit ilalathala rin ang katotohanan sa buong korte at medya. Sirang sira ang imahe ni itay da
KABANATA 127Tatawagan ko na sana si Pam ng mauna na itong tumawag sa akin. Magsasalita pa sana ako ng mauna na itong mag-panic sa kabilang linya. “Shit Fily, alam kong papunta ka ngayon sa kumpanya. At God knows na gusto kitang samahan pero kailangan ako ni Kassius ngayon e. Pwede bang ikaw na muna ang tumapos kahit yung sa interview lang?” nagmamadaling tanong nito. At dahil wala naman akong magagawa ay umuo na lang ako, mukhang may malaking problema si Kassius kaya tarantang taranta ang gaga. “Alright, alright. Just calm down Pamela! You better drive sane! Kumalma ka dahil baka ikaw pa ang problemahin ni Kassius,” sigaw ko kaya naman unti-unti kong narinig ang pagkalma nito. Goodjob Pam!Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay mabilis na akong pumasok ng kumpanya at dumiretso na sa function hall kung saan ginaganap ang interview. Huli akong pumasok kaya nagulat ang mga recruiter, isang head ng marketing, head ng human resources at si Pam dapat. Palagi naman ay walang palya ang
KABANATA 126Buong akala ko ay isang malungkot at madrama na naman ako buong byahe pero dahil sa katabi ko. Hindi ko alam kung nandito ba ito para bwisitin ako o sandali niyang tinatanggal lahat ng hinanaing at sakit na tinatamasa ko.Gayunpaman, kapatid pa rin ito ng lalaking nanakit at nagpakulong kay itay. Kaya hindi ko siya lubos na mapagkatiwalaan, pero heto pa rin ako at nagpipigil ng tawa dahil sa mga sinasabi niya.“May interview ako ngayon, pero hindi pa ako nakakapag-ensayo dahil sayo,” sumbat bigla nito kaya naman napasimangot ako. “Aba! Sino bang nagdadadaldal sa tabi ko ha?” masungit na tanong ko sa kanya. Siya itong kanina pa nagsasalita sa tabi ko. Ngayong kinakausap ko na rin siya ay bigla niya akong pupunahin kaya hindi siya makapag-practice dahil sa ‘kin.“Joke lang, masyado na akong magaling para mag-practice no! Baka makita pa lang nila ako pasado na agad to!” pagyayabang nito kaya hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa.Dahil sa lakas ng tawa ko ay napapatingin
KABANATA 125Nakatayo lang ako dun habang walang magawa kundi umiyak at magmakaawang huwag nilang kunin ang itay. Pero kahit anong iyak at hagulgol ko ay ni isa ay walang makarinig ng boses ko. Maging sarili ko ay hindi ko na rin marinig dahil sa paulit-ulit na tunog ng police car, sigawan ng mga tao, maging ang ingay sa daan. Nang tumahimik na lahat ay nakita ko na lang ang sarili kong napaupo sa bakuran namin. Ang dating bahay na puno ng saya ay parang kusang nawalan ng ligaya. Maging ang mga halaman sa paligid ay mukhang malungkot dahil mga nakatungo ang mga dahon nito. Hindi ko alam kung malungkot rin ba sila dahil kinuha ng mga pulis ang matiyagang tumutulong kay inay upang diligan sila o sadyang malalanta na sila. “Wala ng magdidilig ng isang timba sa inyo,” pabirong bulong ko pero naalala ko lang ang masasayang kwentuhan at asaran habang nagdidilig sa bakuran na ito. “A-anak, a….anong gagawin natin? H…hindi kayang pumatay ng itay ninyo. B-bakit ayaw maniwala ng mga pulis?
KABANATA 124Mukhang nakikiayon rin ang kalangitan sa tinatamasa kong pighati, malakas ang bawat patak ng ulan pero hindi nun napapawi ang sakit ng mga salita ni Colton. Muli, siya lang ay may kayang dumurog sa ‘kin ng ganito bukod sa mga mahal ko sa buhay. Habang naglalakad sa gitna ng galit na galit na ulan, walang ibang pumapasok sa utak ko kundi paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mamahalin at lalaking puno ng pagmamahal ang batang nasa sinapupunan ko. Hinintay kong habulin niya ako, pigilan na wag siyang iwanan pero hanggang sa makarating ako sa sakayan ay walang Colton ang tumawag at pumigil sa ‘kin. Happy Anniversary! Mas lalo akong nanghina at nanlumo ng makita ang naka-schedule sa calendar ko. Simula ng makaalala ako ay nga-notes ako ng mga special dates. At isa na roon ay ang anibersaryo namin ni Colton, excited pa akong i-surpresa siya ngayong araw pero hindi nangyari dahil na-hospital ako. Nakalagay sa notes na bibili sana ako ng
KABANATA 123“May importante ka bang sasabihin sa kapatid ko Miss?” nakangising tanong nito bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kung wala lang akong kailangan sa kanya ay baka sinapak ko na ‘to sa paraan ng pagtitig niya! Hanggang makaabot kami sa tenth floor ay puro tanong ang binabato nito sa akin kaya naman dahil sa inis ko ay napasigaw na ako. “Girlfriend ako ng kapatid mo, okay na? Kung wala ka ng ibang gustong tanungin pwede bang lubayan mo na ako? Kasi gustong gusto ko ng makita si Colton,” sigaw ko kaya naman napahinto ito. “Chill, if that’s what you want iiwan na kita rito.” Nakangisi pa rin ito habang paalis kaya napakalaki ng pagkakaiba nila ng kapatid niyang bugnutin at masungit. Nang iwanan niya ako ay mabilis na akong pumunta sa opisina ni Colton at walang katok-katok akong pumasok. “Love, I miss yo-” naputol sa ere ang sasabihin ko ng makita si Colton na may kahalikang babae. Para akong tinusok ng libo libong patalim sa nakita ko. Kaya ba hindi niya ako mabi
KABANATA 122Sobrang saya ko ng malaman ko na buntis ako, mas ginanahan akong kumain at maglakad-lakad para makalabas kaagad ng hospital. Nakakita rin ako ng mga batang naglalaro kaya naman pinanuod ko itong maglaro, sa susunod na taon ay baka ako naman ang naghahabol sa ganyan kalaking bata. “Are you girl or boy kaya baby? Pero kahit anong gender mo, mahal na mahal na agad kita,” naluluhang sambit ko habang haplos ang aking tiyan na wala pang senyales ng pagbubuntis. Wala man sa plano ang bata ay alam kong magugustuhan at mamahalin rin ito ng tatay niya. Palagi kong nakikita si Colton na palaging tumitingin sa mga bata at minsan ay nakikipaglaro pa sa mga ito. May isang beses pa nga na halos ayaw na siyang bitawan nung bata dahil wala siyang kapaguran sa pakikipaglaro sa mga ito.“Medyo malungkot lang si mommy anak, sabay sana naming nalaman ng daddy mo na ipinagbubuntis kita,” patuloy na haplos ko sa aking tiyan. Wala man siya ngayon ay ipinangako ko naman na siya ang pinakaunan
KABANATA 1213 days have passed at hindi ko na ulit nakita si Colton. Hinihintay ko siyang bumisita pero kahit anino niya ay hindi ko man lang naramdaman. I texted and calld him pero kung hindi available ang numero niya ay pinapatayan niya ako ng tawag. Which is very malayo sa Colton na gusto palaging naririnig at nakikita ako. FLASHBACK“Love, when I happen to be unreachable please be patient with me,” saad ni Colton habang nakayakap sa likod. Nanunuod kami ng movie kung saan bigla na lang siyang naglambing at pumunta sa likod ko. Nakayakap habang nakasandal ang baba sa aking balikat. “Will it happen, love?” tanong ko habang nasa telebisyon pa rin ang tingin pero ang atensyon ko ay nasa lalaking nakayakap sa likod ko. “Hindi ko kayang baliwalain ka Fily. Pero kung sakaling mangyari iyon ay sana alam mong mahal na mahal kita,” bulong nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. This night was suppossed to be a happy one, we were happy not until he came back from the