KABANATA 66: Lunes ngayon at naka-schedule ako para sa interview sa Villagonzalo Resort. Bumili pa ako ng formal na kasuotan para sa araw na ito. Nakasuot ako ng pencil skirt at isang polo long sleeve top at may kulay itim na blazer. Hindi naman ako ganito manamit noon, at lumalabas ang pagiging mapili ko sa damit simula ng makaalala na ulit ako. Nung isang araw ay nag-declutter ako at pinamigay ang mga luma kong damit. Bumili ako ng mga basic top at mga kaunting shorts, trouser, jeans at skirt. Lahat ng pinili ko ay pwede kong i-mix and match dahil halos nasa iisang color palate naman ang mga iyon. Kulang black, white and brown, may kakaunting blue, green at red. “Aba! Ang ganda naman ng babaeng ito, pupunta ka ba talaga sa job interview o magpapakalad ng kumpanya?” natatawang tanong ni Miggy ng tignan ang itsura ko pagkalabas ng kwarto. Pormal din naman ang suot niya at nakapolo at black pants. Hindi lang naman ako ang nakaayos pero todo puri siya. “Ikaw din naman, ipa
Last Updated : 2025-02-21 Read more