KABANATA 68Natahimik ako habang nasa sasakyan kami ni Miggy, walang nagsasalita pagkatapos niya akong tanungin. Hanggang kailan nga ba ako aasa sa kanya? Kailan ba ako titigil sa kahibangan ko?Tahimik akong bumaba sa kotse ni Miggy at walang lakas na kumaway sa kanya. Bumusina rin siya bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa aming bahay, nakita ko si inay na nag-aayos ng lamesa. Napangiti na lang ako ng dumapo ang mata niya sa akin ng mapansing nakauwi na ako. “O, nandiyan kana pala anak, magbihis ka na at kakain na rin tayo,” saad ni inay kaya tumango ako at humalik sa ulo niya bago tuluyang umakyat upang makapagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko ang mga mensahe galing kay Pam. Napangiwi na lang ako ng makitang hinahanap na naman ako ng mga board. Anong problema nila? Maayos naman ang pamamalakad ng kumpanya. Inignora ko na lang muna iyon at bumaba na upang saluhan sina inay sa pagkain. Nakita kong kumpleto na sila roon sa hapagkainan. N
KABANATA 69Masaya ko pang binabaybay ang palayan hanggang sa nakita ko ang mga katrabahong magsasaka ni itay. “Hello po, Mang Fred, Mang Nilo, Mang Badong at Mang Del!” sigaw ko at kumaway sa mga magsasakang kasama ni itay sa pagha-harvest. Kung hindi ako nagkakamali ay palayan iyon nila Mang Nilo, naging tradisyon na ata iyon nila itay. Na sa tuwing season ng harvest ay sila-sila ang tatrabaho at kapalit ay isang kaban ng palay. At may kasama pang snack at inuman pagkatapos, hindi man ganoon karangya pero ayun na ang nakasanayan nila. Dahil rin sa tradisyong ito ay naging magkakasangga ang mga magsasaka lalo na kapag may kinakaharap na problema ang isa. Lahat ay handang tumulong at magbigay kahit pare-parehong walang pera. “Tay!” saad ko ng pinuntahan ko siya. Napangiti na lang ako ng makitang busy siya sa pagkuha ng mga palay. “Kahit wag na po kayong lumingon, focus lang po kayo diyan. May gusto lang po akong itanong, bakit po wala akong litrato noong highschool? Wala rin po ak
KABANATA 70“Hi! Amy right? Can I talk with Marketing Manager? May pinapakuha raw si Ma’am Olive from Marketing Department,” saad ko habang nakangiti sa babae. “U-uhm hello! W-wait tawagin ko lang si Sir,” nauutal na sambit ni Amy kaya natawa na lang ako. Mabilis ko rin naman nakuha ang papeles at liliko na sana papunta sa table ni Ma’am Olive ng halos makasalubong ko si Devia. Anong ginagawa niya rito?Nagtago ako sa pantry, napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang kabog. Hindi niya ako pwedeng makita dito sa resort. Dito pa naman daw siya laging nakikipagkita kung kani-kanino, wala na akong oras na sundan siya kung sakaling makaramdam siya na pinapanuod ko siya. “Anong sinasabi mo? Sinabi ko na sayong ayoko sa batang ‘yan. Wag na wag mong ipapaalam kay Colton yari talaga sa ‘kin ‘yang anak mo!” inis na bulong ni Devia pero narinig ko pa rin. Mukhang malapit lang din siya sa pintuan kaya kahit halos bulong ay narinig ko pa rin. Hindi ganito ang Devia na nakilala ko, mahinhin, m
KABANATA 71Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko kaya sinilip ko ito, napaayos ako ng upo ng makitang si Amy iyon. May kasama siyang lalaki kaya napaayos ako lalo ng upo at inaya silang maupo, sabay naman silang umupo habang may dalang plato. “Hello! Upo kayo, maluwag pa itong upuan,” biglang saad ko kahit nakaupo na sila. Napangiti na lang si Amy at nag-pray bago naunang sumubo ng pagkain niya, napatingin ako sa lalaking kasama nito at ngumiti ng bahagya. “Uhm, I’m Fily, what’s your name?” tanong ko at inilahad ang kamay ko sa lalaking kasama ni Amy. Iniisip kong nasa iisang department lang siguro sila. “Englishera pala to bes, hindi mo sinabi. I’m Max,” saad niya at mahinang natawa bago nakapagkamay sa akin. Parang nahulog ang panga ko lalo na ng ikinumpas nito ang kamay pagkatapos hawakan ang kamay ko. Natulala na lang ako kay Max, “P-pasensya na, Fily, ganyan talaga ‘yan si Maxximus,” wika naman ni Amy na kinailing ko. “O-okay lang, I find him amusing. I like him,” nakan
KABANATA 72“Then, atleast give me a chance to prove myself. Beginner doesn’t mean stupid though,” kibit balikat na saad ko. Tuloy -tuloy din ang pag-iingles ko kaya nakita kong bahagyang nanlalaki ang mata niya. Mukhang nagulat siya ng kausapin ko siya ng straight english ha! Hindi naman porket baguhan ay mamaliitin niya lang. Pero todo tango naman siya sa ibang empleyado, pero pagdating sa ‘kin ay kulang na lang ay magbuga ng apoy. “I thought you’re gonna tour me? Should you be in front?” sarkastikong tanong ni Colton kaya muntik na akong mapairap ng sinenyasan ako ng head ng receptionist na mauna. “Let’s go first in checking the reception area Sir,” may diin iyon kaya medyo nanlaki ang mata ng head receptionist. Kinakabahan siya at gusto na ata akong kurutin sa singit pero nakapagtimpi naman siya. “No! I wanna check the department above first,” wika ni Colton. Nauna pa rin naman siyang naglakad kaya malakas na bumuntong hininga ako, unang lista pa lang ay wala ng nasunod sa si
KABANATA 73Nahihiyang napatingin ako sa mga body guard na kasama niya, “ Fine! Hindi naman kasali sa listahan ni Ma’am Olive ang function hall kaya hindi ko na inaral!” inis na mahinang bulong ko. “Then, it just means that not all beginners are not stupid. You knew that you’re going to tour someone important in this resort but failed to familiarize herself with the place?” tumawa siya. Pero halatang naiinis ang tawang iyon. “I know okay, it’s my fault for not familiarizing the whole resort for someone so special,” sarkastikong sambit ko. “Are you being sarcastic right now?” inis na tanong ni Colton. Napatingin ako sa kanya at nakataas na rin ang sunglasses niya kaya kitang kita ko ang mga matang nag-aapoy na sa galit. Konting konti na lang Fily ay mabubugahan ka na talaga ng apoy, wala ka pa namang pera pampa-opera. “Of course not Sir!” masiglang sambit ko ay naunang lumabas ng elevator ng makarating kami sa 7th floor. Padabog siyang lumabas ng elevator at mabilis na naglakad p
KABANATA 74Pagkatapos mag-lunch kung saan busog na busog ako mula sa sandamakmak na ordered foods ni Colton. Thanks Villagonzalo Resort for the good food (insert smirking face). Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niyang magbabayad siya pero extra income rin iyon para sa akin. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang lalo na ng nag-aya na siyang ikutin ang beach at pools ng resort. “Let’s go, I need to finish checking the whole resort today,” saad niya at tumayo sa kanyang kinauupuan. Nalulungkot na napatingin na lang ako sa mango sticky rice na hindi ko man lang masyadong nanamnam. Madaling madali kasi ang lalaking ito, pero wala na rin akong nagawa kundi sumunod dahil baka ako na naman ang mabara niya. “Here’s the first infinite fool that oversees the beach clearly,” saad ko sa kanya ng madaanan namin ang infinity pool. May mga bata, dalaga at matatandang nag-swimming doon na napatingin ng dumaan si Colton. May nakita kaming mag-asawa na naka-piggy back habang masayang luman
KABANATA 75“S-sir!” Nagulat ako ng biglang may humahangos na lalaking naka-tuxedo at dumiretso kay Colton. Mas lalo tuloy pinagtinginan ang dalawang naka-formal attire. “P-pinapatawag po kayo sa conference meeting! N-ngayon na raw po kaagad,” malakas na sambit nung lalaki. Kaya pala parang hinabol ang isang ‘to dahil may meeting nga pala, mabilis kong nilabas ang phone ko at tinignan ang napakaraming missed calls. Shit!Alam ko na kaagad na lagot ako dahil mag-iisang oras na ang mga missed calls na iyon. Paano ba naman kasi at nairita si Colton kanina habang kumakain kami ng may tumawag kaya kailangan kong i-silent ang phone ko. Mabilis na naglakad pabalik si Colton papunta sa building ng resort, pilit ko man sinasabayan ay malalaki ang hakbang niya kaya halos tumakbo na ako. “P-pasensya na po talaga, Sir. Nakalimutan kong-” paghingi ko ng paumanhin pero tinignan lang ako nito at muling naglakad. Muntik na akong maipit ng elevator kung hindi lang naiharang ni Colton ang kamay n
KABANATA 129Nung gabing iyon ay iniyak na namin lahat ng sakit, hindi ko man buong alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Kassius. Ramdam ko kung gaano kabigat iyon para sa aking sekretaryana itinuring ko na ring mahalagang parte ng aking buhay. Alam ko sa sarili kong ibubuwis ko rin ang buhay ko para kay Pam. Isa siya sa mga taong walang pagdadalawang isip na pagbibigyan ko nga buhay ko basta kapalit nun ay ligtas at masaya siya. Galit na galit ako kay Kassius pero sinabi na ng babae na ayaw niya ng makialam pa kami sa buhay ng lalaki. Sapat na raw ang pagiging tanga at bulag niya sa nakalipas na panahon para pag-aksayahan pa ito ng panahon. “Are you still sleeping, Fily? Mauuna na ako sa company,” pagpapaalam ni Pam. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig ang kaswal na boses niya na nagpapaalam. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pintuan para sana paghingahin muna siya. “Pam! I told you, wag ka ng pumasok ngayon. Ako na ang bahala muna sa kumpanya okay? Just re
KABANATA 128“You’re clearly angry to me, Ms. CEO?” mapanuyang saad niya kaya nilingon ko ito gamit ang nanlilisik kong mata. Kanina pa siya sunod ng sunod kahit sinabi kong wag siyang sumunod. Alam kong napakababaw ng dahilan kung bakit naiirita ako sa kanya. Pero hindi ko rin naman maiwasang magpantig ang tenga lalo na sa tuwing tinatawag ako nito sa pangalan ko. Mas naaalala ko lang siya!Kaya mas gusto kong hindi niya ako tinatatawag kasi mas lalo lang akong nangungulila. Pero alam ko ring wala na akong Colton na babalikan, lalo na at inamin niya na rin naman na mahal niya talaga si Devia. “Kailangan mo ng abogado para sa Dad mo diba?” tanong nito kaya napahinto ako sa pagmamadaling makaalis sa harapan niya. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginusto kong pumunta ng Manila. Ang humanap ng magaling na abogado para kay itay. Hindi lang basta abogado na ipipresinta siya sa korte subalit ilalathala rin ang katotohanan sa buong korte at medya. Sirang sira ang imahe ni itay da
KABANATA 127Tatawagan ko na sana si Pam ng mauna na itong tumawag sa akin. Magsasalita pa sana ako ng mauna na itong mag-panic sa kabilang linya. “Shit Fily, alam kong papunta ka ngayon sa kumpanya. At God knows na gusto kitang samahan pero kailangan ako ni Kassius ngayon e. Pwede bang ikaw na muna ang tumapos kahit yung sa interview lang?” nagmamadaling tanong nito. At dahil wala naman akong magagawa ay umuo na lang ako, mukhang may malaking problema si Kassius kaya tarantang taranta ang gaga. “Alright, alright. Just calm down Pamela! You better drive sane! Kumalma ka dahil baka ikaw pa ang problemahin ni Kassius,” sigaw ko kaya naman unti-unti kong narinig ang pagkalma nito. Goodjob Pam!Pagkatapos niyang ibaba ang telepono ay mabilis na akong pumasok ng kumpanya at dumiretso na sa function hall kung saan ginaganap ang interview. Huli akong pumasok kaya nagulat ang mga recruiter, isang head ng marketing, head ng human resources at si Pam dapat. Palagi naman ay walang palya ang
KABANATA 126Buong akala ko ay isang malungkot at madrama na naman ako buong byahe pero dahil sa katabi ko. Hindi ko alam kung nandito ba ito para bwisitin ako o sandali niyang tinatanggal lahat ng hinanaing at sakit na tinatamasa ko.Gayunpaman, kapatid pa rin ito ng lalaking nanakit at nagpakulong kay itay. Kaya hindi ko siya lubos na mapagkatiwalaan, pero heto pa rin ako at nagpipigil ng tawa dahil sa mga sinasabi niya.“May interview ako ngayon, pero hindi pa ako nakakapag-ensayo dahil sayo,” sumbat bigla nito kaya naman napasimangot ako. “Aba! Sino bang nagdadadaldal sa tabi ko ha?” masungit na tanong ko sa kanya. Siya itong kanina pa nagsasalita sa tabi ko. Ngayong kinakausap ko na rin siya ay bigla niya akong pupunahin kaya hindi siya makapag-practice dahil sa ‘kin.“Joke lang, masyado na akong magaling para mag-practice no! Baka makita pa lang nila ako pasado na agad to!” pagyayabang nito kaya hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa.Dahil sa lakas ng tawa ko ay napapatingin
KABANATA 125Nakatayo lang ako dun habang walang magawa kundi umiyak at magmakaawang huwag nilang kunin ang itay. Pero kahit anong iyak at hagulgol ko ay ni isa ay walang makarinig ng boses ko. Maging sarili ko ay hindi ko na rin marinig dahil sa paulit-ulit na tunog ng police car, sigawan ng mga tao, maging ang ingay sa daan. Nang tumahimik na lahat ay nakita ko na lang ang sarili kong napaupo sa bakuran namin. Ang dating bahay na puno ng saya ay parang kusang nawalan ng ligaya. Maging ang mga halaman sa paligid ay mukhang malungkot dahil mga nakatungo ang mga dahon nito. Hindi ko alam kung malungkot rin ba sila dahil kinuha ng mga pulis ang matiyagang tumutulong kay inay upang diligan sila o sadyang malalanta na sila. “Wala ng magdidilig ng isang timba sa inyo,” pabirong bulong ko pero naalala ko lang ang masasayang kwentuhan at asaran habang nagdidilig sa bakuran na ito. “A-anak, a….anong gagawin natin? H…hindi kayang pumatay ng itay ninyo. B-bakit ayaw maniwala ng mga pulis?
KABANATA 124Mukhang nakikiayon rin ang kalangitan sa tinatamasa kong pighati, malakas ang bawat patak ng ulan pero hindi nun napapawi ang sakit ng mga salita ni Colton. Muli, siya lang ay may kayang dumurog sa ‘kin ng ganito bukod sa mga mahal ko sa buhay. Habang naglalakad sa gitna ng galit na galit na ulan, walang ibang pumapasok sa utak ko kundi paano ko palalakihin mag-isa ang anak ko. Pero isa lang ang sigurado ako, mamahalin at lalaking puno ng pagmamahal ang batang nasa sinapupunan ko. Hinintay kong habulin niya ako, pigilan na wag siyang iwanan pero hanggang sa makarating ako sa sakayan ay walang Colton ang tumawag at pumigil sa ‘kin. Happy Anniversary! Mas lalo akong nanghina at nanlumo ng makita ang naka-schedule sa calendar ko. Simula ng makaalala ako ay nga-notes ako ng mga special dates. At isa na roon ay ang anibersaryo namin ni Colton, excited pa akong i-surpresa siya ngayong araw pero hindi nangyari dahil na-hospital ako. Nakalagay sa notes na bibili sana ako ng
KABANATA 123“May importante ka bang sasabihin sa kapatid ko Miss?” nakangising tanong nito bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kung wala lang akong kailangan sa kanya ay baka sinapak ko na ‘to sa paraan ng pagtitig niya! Hanggang makaabot kami sa tenth floor ay puro tanong ang binabato nito sa akin kaya naman dahil sa inis ko ay napasigaw na ako. “Girlfriend ako ng kapatid mo, okay na? Kung wala ka ng ibang gustong tanungin pwede bang lubayan mo na ako? Kasi gustong gusto ko ng makita si Colton,” sigaw ko kaya naman napahinto ito. “Chill, if that’s what you want iiwan na kita rito.” Nakangisi pa rin ito habang paalis kaya napakalaki ng pagkakaiba nila ng kapatid niyang bugnutin at masungit. Nang iwanan niya ako ay mabilis na akong pumunta sa opisina ni Colton at walang katok-katok akong pumasok. “Love, I miss yo-” naputol sa ere ang sasabihin ko ng makita si Colton na may kahalikang babae. Para akong tinusok ng libo libong patalim sa nakita ko. Kaya ba hindi niya ako mabi
KABANATA 122Sobrang saya ko ng malaman ko na buntis ako, mas ginanahan akong kumain at maglakad-lakad para makalabas kaagad ng hospital. Nakakita rin ako ng mga batang naglalaro kaya naman pinanuod ko itong maglaro, sa susunod na taon ay baka ako naman ang naghahabol sa ganyan kalaking bata. “Are you girl or boy kaya baby? Pero kahit anong gender mo, mahal na mahal na agad kita,” naluluhang sambit ko habang haplos ang aking tiyan na wala pang senyales ng pagbubuntis. Wala man sa plano ang bata ay alam kong magugustuhan at mamahalin rin ito ng tatay niya. Palagi kong nakikita si Colton na palaging tumitingin sa mga bata at minsan ay nakikipaglaro pa sa mga ito. May isang beses pa nga na halos ayaw na siyang bitawan nung bata dahil wala siyang kapaguran sa pakikipaglaro sa mga ito.“Medyo malungkot lang si mommy anak, sabay sana naming nalaman ng daddy mo na ipinagbubuntis kita,” patuloy na haplos ko sa aking tiyan. Wala man siya ngayon ay ipinangako ko naman na siya ang pinakaunan
KABANATA 1213 days have passed at hindi ko na ulit nakita si Colton. Hinihintay ko siyang bumisita pero kahit anino niya ay hindi ko man lang naramdaman. I texted and calld him pero kung hindi available ang numero niya ay pinapatayan niya ako ng tawag. Which is very malayo sa Colton na gusto palaging naririnig at nakikita ako. FLASHBACK“Love, when I happen to be unreachable please be patient with me,” saad ni Colton habang nakayakap sa likod. Nanunuod kami ng movie kung saan bigla na lang siyang naglambing at pumunta sa likod ko. Nakayakap habang nakasandal ang baba sa aking balikat. “Will it happen, love?” tanong ko habang nasa telebisyon pa rin ang tingin pero ang atensyon ko ay nasa lalaking nakayakap sa likod ko. “Hindi ko kayang baliwalain ka Fily. Pero kung sakaling mangyari iyon ay sana alam mong mahal na mahal kita,” bulong nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. This night was suppossed to be a happy one, we were happy not until he came back from the