Tahimik na nakayakap pa rin si Thalia kay Asher, nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib nito. Ramdam niya ang init ng katawan ng lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit sa pagitan ng bigat ng emosyon, isang tunog ang pumuno sa katahimikan—isang mahina ngunit malinaw na pag-aalulong ng kanyang tiyan."Grrrkkk..."Napamulat si Thalia, kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Dahan-dahan siyang lumayo kay Asher, ngunit bago pa niya maitanggi ang nangyari, nagtagpo ang kanilang mga mata. Pareho nilang napagtanto ang narinig nila.Nagpipigil ng tawa si Asher, nakataas ang isang kilay. "Gutom ka na ba?"Namula ang pisngi ni Thalia, mabilis na umiling at sinubukang magpaliwanag. "Hindi... Hindi ako gutom! Hindi 'yun siguro ang tiyan ko... Baka may pusa lang sa labas—"Ngunit hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil napangiti na si Asher, at ilang segundo lang, natawa ito. Isang malakas, malambing na tawa na matagal nang hindi naririnig ni Thalia. Napapikit siya sandali, sinusubukang huwag
Terakhir Diperbarui : 2025-03-28 Baca selengkapnya