Thalia Sinclair never thought her quiet admiration for Asher Vaughn Caldwell would lead to marriage. He was the golden boy of their youth, and she was a shadow in the crowd. Years later, an unexpected reunion, one night, and a life-changing twist brought them together in a marriage without love. She thought their story was over when she asked for a divorce—until the day she saw the storm in his eyes. Could it be that the man who seemed so distant had been hiding his true feelings all along?
View MoreSa presinto, tahimik na nakaupo si Thalia habang inaayos ng pulis ang kanyang pahayag. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang kamay, pero hindi niya hinayaang makita ito ng mama niya at Alex. Malakas na siya ngayon. Hindi na siya ang dating Thalia na kayang paikutin at lokohin.Katabi niya si Asher, tahimik ngunit matatag ang presensya. Minsan-minsan ay tinitingnan siya nito, tinitiyak na ayos lang siya. Sa kabila ng lahat, ramdam niya ang suporta nito."Kailangan niyo pong pumirma rito, Miss Thalia," sabi ng pulis, iniaabot sa kanya ang dokumento ng reklamo laban kay Alex.Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang ballpen at pumirma. Isang mabigat na hakbang ito, ngunit alam niyang kailangan niyang gawin."Tapos na ba?" tanong ni Asher, mababa ang boses ngunit may awtoridad."Oo, pero kung gusto niyang maghain ng isa pang reklamo, maaari siyang magsampa laban sa iba pang sangkot," sagot ng pulis.Tumingin si Thalia kay Lisa, na ngayo'y namumutla. Alam niyang oras na para tapusi
Tumayo si Alex at lumapit kay Thalia, ang tingin nito ay puno ng panggigipit. "Huwag mo nang gawin pang mahirap ito, Thalia. Ibigay mo na lang sa amin ang kailangan namin. Alam mong utang mo ‘to sa amin."Hindi makapaniwala si Thalia sa naririnig niya. "Anong utang? Wala akong utang sa inyo! Ako ang iniwan niyo noon! Ako ang naghirap mag-isa!"Sumingit si Lisa, ang boses nito ay punong-puno ng paninisi. "Hindi mo ba naisip ang iniwan mong responsibilidad, Thalia? Kung hindi mo tinanggihan si Asher, hindi sana tayo nagkakaganito! Pero ano? Iniwan mo siya at umalis ka nang wala man lang iniwang tulong sa amin!"Napailing si Thalia. "Hindi ko kailangang ipaliwanag sa inyo ang naging desisyon ko. At hindi ko hahayaang kunin niyo ang pinaghirapan ko!"Biglang lumapit si Alex, ang mga mata nito ay nanlilisik. "Alam mo, Thalia, pwede ko namang kunin ‘to sa paraang ayaw mong mangyari. Kung hindi mo ibibigay nang kusa, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ‘yan."Naramdaman ni Thalia ang takot na
Tahimik na tumango si Thalia habang inaalala ang sinabi ni Nathan. Alam niyang seryoso ito. Hindi lang ito basta pangarap—ito ang direksyong gusto nitong tahakin sa buhay."Alam mo, Nathan," mahina niyang sabi, nakatingin sa labas ng bintana. "Makakamit mo ‘yan balang araw. At sana, makasama mo ang tamang tao—‘yung pareho mong gusto ang pangarap mo."Saglit na hindi sumagot si Nathan, pero nang lumingon si Thalia sa kanya, nakita niya ang isang kakaibang ngiti sa mukha nito. Isang tingin na parang may gustong iparating, pero hindi niya masabi kung ano."Salamat, Thalia," sagot nito, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Sana nga, no?"Napatigil siya, pero bago pa siya makasagot, narating na nila ang harap ng bahay niya. Binitawan ni Nathan ang manibela at humarap sa kanya. "Sigurado ka bang okay ka na dito mag-isa?"Napangiti si Thalia, pilit na nagpapakita ng pagiging matatag. "Oo naman. Ako pa? Malakas ako! Kahit pa hindi nag-work ang plano ng kapatid ko noong isang araw, hindi ibig s
Habang naglalakad sina Nathan at Thalia pabalik sa kanilang sasakyan, hindi pa rin napuputol ang sunod-sunod na jokes ni Nathan. Kahit na malamig ang simoy ng hangin, tila ito napapalitan ng init ng kanilang tawa."Alam mo ba kung anong sinabi ng upuan sa mesa?" tanong ni Nathan, may pilyong ngiti sa labi.Napangiwi si Thalia. "Ano na naman?""Hindi ako tatayo para sa'yo!"Napapailing si Thalia habang pilit na pinipigilan ang tawa. "Nathan, bakit ang babaw ng jokes mo tapos minsan hindi naman nakakatawa, pero natatawa na lang ako kasi kung paano mo ideliver sa akin?""Uy, hindi mababaw ‘yun! Alam mo, minsan, ang buhay parang upuan at mesa. Kailangan mo lang umupo at magpahinga kahit saglit." depensa ni Nathan habang tinapik ang sarili sa dibdib na kunwari'y may lalim ang sinabi niya."Hay naku, ang corny mo talaga," natatawang sagot ni Thalia.Habang patuloy silang naglalakad, saglit na natahimik si Thalia. Nasa isipan niya ang hindi niya matanong kanina sa restawran. Sa kabila ng mga
Pagdating nila sa isang maliit ngunit maaliwalas na restawran, agad silang tinanggap ng staff at inihatid sa isang mesa sa tabi ng bintana. Mula rito, tanaw ang kumikinang na ilaw ng siyudad sa di-kalayuan. Habang hinihintay ang kanilang order, patuloy ang palitan ng biruan nina Nathan at Thalia."Sige, Nathan, patunayan mong sulit ‘tong dinner na ‘to. Anong joke mo ngayon?" may hamong sabi ni Thalia habang nakasandal sa upuan, sinasabayan ng pag-irap na kunwari’y inis pero hindi maitago ang aliw sa mukha niya.Ngumiti si Nathan, tila ba may naisip nang bagong biro. "Okay, okay, ito na. Ano ang sinabi ng bato sa tubig?"Napaisip si Thalia. "Hmm... ano?""Wag mo akong basain, hindi pa ako handa!’" sabay tawa ni Nathan sa sarili niyang joke.Napailing si Thalia, pero hindi niya napigilang matawa rin. "Ano ba ‘yan, Nathan! Ang babaw talaga ng jokes mo.""Hoy, bawal manghusga! Pang-matalino ‘yung joke ko, hindi mo lang na-appreciate agad," sagot ni Nathan na kunwari’y nagtatampo."Kung pa
Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik na minaneho ni Nathan si Thalia palabas ng gusali. Ilang minuto silang walang imik, hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan."Alam kong nag-aalinlangan ka sa akin," mahinahong sabi ni Nathan, panandaliang lumingon kay Thalia bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pero gusto ko lang linawin, wala akong masamang balak sa'yo."Hindi agad sumagot si Thalia. Hinayaan niyang dumaan ang ilang segundo bago siya tumugon. "Hindi ko naman iniisip na may masama kang balak, Nathan. Medyo nainis lang ako na itong demolisyon kasi biglaan, parang pinalala pa ni Asher dahil sa ‘yo. At pati na rin sa amin."Bahagyang natawa si Nathan. "Alam mo, parang ang sungit mo yata ngayon. Para kang si Madam Principal noong elementary pa ako."Napangiwi si Thalia sa biro nito pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ikaw lang talaga ang may ganang magbiro sa ganitong sitwasyon.""Syempre naman! Wala tayong magagawa kung hindi pagtawanan na lang ang ilang bagay, ‘di
Matapos pumirma ni Thalia, isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid. Isa-isa, ang natitirang mga negosyante ay lumapit na rin upang ilagay ang kanilang pirma. Sa huli, halos lahat ay pumayag sa redevelopment project, maliban sa ilang matitigas ang ulo na nanatiling tumututol."Para sa lahat ng hindi pumirma," malamig na anunsyo ni Asher, "hindi kayo makakatanggap ng anumang benepisyo mula sa proyekto. Sa oras ng demolisyon, mawawalan kayo ng puwesto, at wala kaming obligasyong bigyan kayo ng bagong lugar para sa inyong negosyo."Nagkatinginan ang iilan, napagtatanto ang bigat ng sinabi ni Asher. Isa-isa, ang ilan sa kanila na hindi pa pumipirma ay sumunod na lang dahil para rin naman sa business rin nila. Sa huli, halos wala nang natira sa panig ng tumututol.Matapos ang opisyal na pagpirma ng kasunduan, isa-isa nang nagsilisan ang mga negosyante. Ang ilan ay mukhang kuntento sa kanilang desisyon, habang ang iba ay may halong pangamba sa kanilang mukha.Sa gitna ng lahat ng i
Ang ingay sa loob ng meeting hall ay unti-unting lumakas habang nagkakagulo ang mga negosyante sa lugar. Mahigit kalahati sa kanila ang mariing tumututol sa plano ng redevelopment, at hindi nila hinayaang makapagsalita si Asher o ang kanyang team."Hindi namin hahayaan na basta niyo na lang baguhin ang lahat!" sigaw ng isang may-ari ng karinderya. "Kami ang mawawalan dito!""Oo nga! Hindi kami papayag!" dagdag ng isa pang negosyante. "May karapatan kaming tumanggi!""Huwag tayong magpadalos-dalos! Hindi natin alam kung ano ang hatid ng proyektong ito para sa atin," kontra naman ng isang mas batang negosyante na mukhang bukas sa pagbabago. "Pakinggan muna natin sila bago tayo humusga."Ngunit mas marami ang hindi pa rin kumbinsido. "Paano kung mawalan kami ng kabuhayan? Wala tayong kasiguraduhan!" sigaw ng isa pang may-ari ng maliit na tindahan."Hindi ba pwedeng magkaroon ng alternatibong plano na hindi naman tayo pinapaalis agad?" suhestiyon ng isa. "Baka pwedeng baguhin ang redevelo
Sa opisina ni Asher, matindi ang tensyon. Nakaupo siya sa harap ng mahabang mesa, habang ang mga investors niya ay abala sa pagsasalita, halatang hindi sang-ayon sa kanyang desisyon."Sir Asher, hindi ito ang napag-usapan natin!" sigaw ng isang matandang lalaki, si Mr. Henders, isa sa pinakamalaki niyang investor. "Ang ibibigay mong kompensasyon sa kanila at ang mababang renta ay magpapababa sa kita natin! Hindi ito makatarungan sa amin na naglagay ng malaking puhunan!""Tama si Henders!" dagdag ni Mr. Cole, isa pang investor na halatang hindi masaya. "Hindi ba dapat mas pinaprioritize natin ang kikitain ng kumpanya? Ano ang silbi ng negosyo kung ibibigay mo lang ng libre ang mga ari-arian?"Napangisi si Asher. Tahimik niyang hinayaan silang maglabas ng sama ng loob bago siya sumandal sa kanyang upuan. Nang makitang tahimik na ang lahat, mahinahon siyang nagsalita."Alam ko kung ano ang iniisip niyo," aniya, diretso ang tingin sa kanila. "Pero hindi ko babaguhin ang plano. Ang mga tao
Sinundan ni Thalia ang mga direksyon ng sekretarya patungo sa opisina ni Asher, ang kanyang puso ay kumakabog sa halo ng pagkamangha at kaba. Matapos ang dalawang taon ng kasal, this was her first time visiting his workplace.The secretary greeted her with a polite smile. "Mr. Asher is still in a meeting. Please, make yourself comfortable."Inabot ng sekretarya kay Thalia ang isang tasa ng mainit na tsaa, ang kanyang mga galaw ay maayos at propesyonal."Salamat," sagot ni Thalia nang magalang, tinanggap ang tsaa at naupo sa sofa ng reception.Her eyes wandered around the room. The décor was minimalist yet luxurious, may mga kulay ng gray at puti—isang pagsasalamin ng karaniwang estilo ni Asher.Nagtago ng isang mabilis na sulyap ang sekretarya kay Thalia, naiintriga. The woman looked much younger than she expected, may mahahabang, bahagyang kulot na buhok na dumadaloy sa kanyang mga balikat.Her side-parted bangs framed her face delicately. There was a softness to her appearance, a yo...
Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.
Comments