Lahat ng Kabanata ng HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1): Kabanata 41 - Kabanata 50

51 Kabanata

CHAPTER 41

"AYOS lang ba ang suot ko?" Ang tanong ni Adella kay David. Naka kulay asul siyang gown na mermaid style. Isinama siya ni David sa party daw ng pamilya ng best friend nito, ayaw man niyang sumama dahil walang kasama si Atlas na ngayon ay limang buwan na. Iniwan nila ito kay Gina, ang isa sa mga kasambahay ni David. "You're gorgeous, Adella." Napangiti siya sa sinabing iyon ng binata. Si David na magmula makilala niya ay hindi na umalis sa tabi nila ng kanyang anak. Ilang saglit pa ang lumipas at nakarating na sila sa malaking mansion na destinasyon nila. Nakakalula naman ang yaman ng mga taong nakatira roon. Kahit pa ang mahal at ganda ng suot niya na binili ni David para sa kanya ay nanliliit pa rin siya. "Nakakahiya." Mahigpit siyang napakapit sa braso ng binata at napatigil sa paglalakad. "Don't be shy, Adella. I'm here," anito sa kanya. Natigilan siya. Tila bigla niyang naalala si Apollo sa tinuran nito, may kung anong kurot na naman ang naramd
last updateHuling Na-update : 2025-02-03
Magbasa pa

CHAPTER 42

NABALOT ng katahimikan ang isang kwarto kung saan naroon ngayon si Adella. Tila nasa isang library sila ng mansiong iyon, doon siya isinama ng matandang La Gresa. Ang kilala niya lamang na naroon ay sina David, Rigel at ang tinawag na Leon. Pero bukod doon ay hindi na niya kilala ang mga ibang mukha na ngayon ay mataman na nakamasid sa kanya. Hindi siya mapakali at sobrang kabado siya, kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Tila siya nabablanko sa mga nagaganap nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Bakit pakiramdam niya ay sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. "Hintayin natin sina Ernan at Lucila. Sila na lamang ang hinihintay natin," pagkaraan ay basag ng matanda sa katahimikan. Tsaka siya nito masuyong tinignan. "Nakakatiyak ako na ikaw nga si Cassandra, hija." Hindi siya sumagot. Naramdaman niya nang hawakan ni David ang nanlalamig niyang kamay na tila pinapakalma siya. Napangiti siya, buti na lang at naroon ito. Sabay-sa
last updateHuling Na-update : 2025-02-05
Magbasa pa

CHAPTER 43

"PAANO po ba nawala si Cassandra?" Iyon ang naitanong ni Adella sa sinasabing ina raw niya. Si Lucila. Nasa veranda sila ngayong dalawa, bumaba na kasi sa party ang mga kasama kanina sa library, pero sabi ni Lucila ay mag-usap na muna sila. Napabuntonghininga ang Ginang na nakaupo sa kaharap na upuan. Tsaka ito ngumiti ng malungkot. "Napadaan kami noon sa Quiapo. Naisipan naming magsimba ni Ernan, kasama si Cassidy at Cassandra. Likas na malikot noon si Cassandra at curious sa lahat ng bagay. Nang matapos kaming magdasal, wala na si Cassandra. Wala ka na. Inabot na kami ng magdamag pero wala kaming cassandra na nakita." Halos manlamig ang buong katawan ni Adella. Dahil sa mga narinig mula sa Ginang. Quiapo? Hindi ba ay doon daw siya natagpuan ng mga kinilala niyang pamilya? Totoo atang siya ang nawawalang miyembro ng La Gresa. Gustong gusto niyang yakapin ang Ginang nang mga oras na iyon, pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya munang umasa, gusto muna niyang m
last updateHuling Na-update : 2025-02-05
Magbasa pa

CHAPTER 44

HINDI makapaniwala si Adella, nang i-anunsyo ang resulta ng DNA test. Napatayo siya sa sobrang gulat, naroon sila muli sa library ng mansion nina Leon. Nabalik lamang siya sa realidad nang biglang may yumakap sa kanya, doon pa lang nag-sink sa kanya ang narinig. Positibo. Isa siyang La Gresa. Siya si Cassandra Gwyneth La Gresa na matagal ng nawawala. "Diyos ko! Napakagandang balita nito!" Ani Lucila habang nakayakap kay Adella. Ganoon din si Ernan na mangiyak-ngiyak na nakayakap sa kanya. Tumulo na rin ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan, ginantihan niya ng yakap ang mga tunay na magulang na kaytagal nawalay sa kanya. Halo-halo ang emosyong nadarama niya, pero nangingibabaw ang saya dahil sa wakas, alam na niya kung saan siya nanggaling. Hindi na siya nangangapa sa pagkatao niya, hindi na niya gabi-gabi tatanungin ang Diyos kung sino ang tunay niyang pamilya. Parang sa isang iglap naging buo ang pagkatao niya. "Hindi ko siya matatangap bilang kapatid!"
last updateHuling Na-update : 2025-02-06
Magbasa pa

CHAPTER 45

_______________________________________MAKALIPAS ANG TATLONG TAON. _______________________________________ MARAHANG ibinaba ni Adella, ang binabasang diyaryo kung saan naroon ang larawan ni Apollo, napangiti siya ng malungkot na may halong pakla. Matagal na taon na ang lumipas ngunit sa tuwing nakikita niya ang larawan nito o maalala niya ang lalaki, tila bumabalik siya sa masakit na nakaraan. Namayagpag ang pangalan ni Apollo Williams sa business world, isa na sa mga tinitingalang business tycoon sa bansa. Masaya siya para sa ama ng kanyang anak, natupad na ang pangarap ni Althea para sa kapatid. Muli niyang binalingan ang larawan na kung saan ang isang kuha ay katabi ni Apollo si Aileen, kita niya kung paano ang yakap ni Apollo sa balakang ng babae. Muli ay tila sinasakal na naman siya sa larawang iyon, pero bakit pa nga ba niya nararamdaman ang bagay na iyon? Ako dapat ang nasa tabi niya... Iyon ang naisabulong ng kanyang isip, pero mabilis na ipin
last updateHuling Na-update : 2025-02-07
Magbasa pa

CHAPTER 46

"THAT'S bullshit. Ayusin mo ang trabaho mo, or else mawawala 'to sa'yo," galit at malamig na sabi ni Apollo sa kausap sa telepono. Ang kanyang sekretarya, may kapalpakan na namang ginawa. Napahilot siya sa kanyang sintido. "Who's that?" Napatingin siya sa kama kung saan nakahiga roon si Aileen. Halos kakatapos lamang nilang magsalo sa isang mainit na tagpo. Walang label sa pagitan nila ng dalaga, alam nito kung ano lang ang kaya niyang i-offer. They were a fuck buddy. "It's Allisa. Hindi ka pa ba uuwi?mag aalas otso na, " Usisa niya rito at pinulot sa sahig ang pantalon at T-shirt. Tsaka isinuot ang mga 'to. "Nah. Dito na ako matutulog," sagot ng dalaga na hindi pa rin nag aabalang isuot ang mga saplot at ibinabalandra pa rin sa harapan niya ang kahubaran nito. "Suit yourself. Pero ako aalis na, magkikita kami ni Rom, may pupuntahan kami." Kinuha niya ang susi sa bed side table at akmang lalabas na ng pinto. "Wait, saan na naman kayo p
last updateHuling Na-update : 2025-02-07
Magbasa pa

CHAPTER 47

"ANO ho ba ang nangyari kay Cassy, noong isang araw? " Usisa ni Adella sa Ina nang umagang iyon na nagsasalo sila sa agahan. Tulog pa si Cassidy at umalis naman ang kanyang Ama, dahil ito pa rin ang CEO sa isa nilang kompanya nila. Si Atlas naman ay kasama si Gina, para sa morning walk ng anak niya. Napabuntong hininga ang Ina at tila na-stress na naman ang mukha. "Paano ba 'yang kapatid mo e, nasangkot na naman sa gulo doon sa isang bar. Nagwala, pinagbabasag ang lahat ng makita roon, " sabi ng Ina. Hindi na dapat siya magulat dahil lagi naman itong nasasangkot sa gulo. Pero sa tagal na rin niyang kasama ang kapatid, hindi pa rin niya mapigilan ang magulat. "Ho? Bakit daw?" "May nakaapak daw sa bagong pedicure niyang paa. My goodness! Hindi na namin alam ng papa mo kung ano ang gagawin sa kapatid mo." Tila problemado ang Ina. "Huwag na po kayong pa-stress, Mama. Bata pa kasi si Cassidy, malay niyo po kapag nagtagal maiisip na niya na mali ang ginagawa n
last updateHuling Na-update : 2025-02-08
Magbasa pa

CHAPTER 48

KASALUKUYANG naglalakad sa mall si Adella. Sa mall na pag-aari ng kanyang kapatid na si Cassidy, balak niyang doon mamili ng mga gamit ni Atlas. Habang naghahanap ng mabibili para kay Atlas, biglang may nakabunggo sa kanya. "Sorry po!" Awtomatikong sabi niya. Pero bigla siyang natigilan nang makita kung sino ang nakabanggahan niya. Ilang taon na ang nakalipas pero tandang tanda niya ang mukha ng taong nasa harapan niya ngayon. Ang taong naging dahilan kung bakit nagwakas ang sa ano mang meron sila ni Apollo noon. "A-althea?" Aniya sa babae na mababakas din ang pagkabigla sa mukha. Pero bigla rin nakabawi ang kaharap. "So, it's you Adella," walang bahid-emosyong sabi ng babae. Gaya pa rin ito ng dati. "Ako nga," aniya at ngumiti sa taong dapat ay hindi naman niya dapat itrato ng ganito after all ng mga ginawa nito sa nakaraan. Pero kasi, siya ang tipo ng tao na hindi kayang magalit ng matagal. Taong ibinabaon na lamang sa limot ang mga kasalanan ng mga ta
last updateHuling Na-update : 2025-02-08
Magbasa pa

CHAPTER 49

"HAPPY Birthday, Lola." Yumuko si Adella at hinalikan sa pisngi si Doña Amor, na abot tenga ang ngiti. "Salamat, apo. Nasaan si Atlas?" Usisa ng matanda na nakaupo sa wheel chair. Habang nakatingala ngayon sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahang tinaglay noong kabataan ng kanyang Lola. Kagandahang namana ng lahi ng mga La Gresa. Kamukha raw ng lola niya ang pinsan niyang si Virgo na naka base sa Paris. "Na kay David po, Lola. Maya-maya lang po ay papasok na ang mga iyon," aniya sa matanda. Umupo siya sa kalapit na upuan. "Cassandra, apo. Kailan mo ba ipapakita ang anak mo sa totoong Ama niya? Don't you think na mas makakabuti kay Atlas kung makikilala niya ang Ama niya. Para hindi siya mabahiran ng mga katanungan sa katauhan niya?" Malumanay na sabi ng kanyang Lola. Napabuntong hininga siya, hindi lang ang mga magulang niya ang nangungulit na ipakilala si Atlas kay Apollo. Maging ang Lola Amor niya. "Sa tamang panahon po Lola. Hindi ko naman po
last updateHuling Na-update : 2025-02-09
Magbasa pa

CHAPTER 50

NASA isang restaurant si Apollo, habang kaharap ang isa niyang kliyente, natigilan siya sa pagsasalita nang may mahagip ang kanyang mga mata. Pamilyar na pigura ng isang babae. Kahit nakatalikod ito at may kausap sa telepono, alam na alam niya kung sino iyon. Ang salamin ng restaurant ang naghahati sa pagitan nila, medyo may kalayuan ito pero kitang kita niya ang babae. Damn! Is that Adella? E ano naman pala kung si Adella ang babaeng natatanaw niya ngayon? Pero kahit anong sabihin ni Apollo sa sarili, pigil-hininga pa rin niyang hinihintay ang pagharap ng babae. "Mr. Williams?" Bigla siyang napatingin sa kanyang kausap. Nakalimutan niyang may pinag uusapan pala sila. "Yes, Mr. Samson?" "Are you okay? Are you with me?" Nahilot niya ang sintido. "Sorry, Mr. Samson. Can I leave you for a while, may titignan lang ako. Just a minute." "Sure. Take your time, Mr. Williams, " nakangiting sabi nito sa kanya. Agad siyang tumayo at muling bu
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status