"ANAK..." tawag ni Adella sa anak niyang nakadapa sa kama nang gabing iyon. Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi nito. "Atlas," muli ay tawag niya sa anak. Tumihaya ito at malungkot na umupo sa tabi niya. Tila dinadamdam nito ang naganap kanina sa resort. "Makinig ka sa akin, baby." Hinawi niya ang buhok ng anak at nginitian ito. "What you see sa resort kanina ay ipapaliwanag ko sa'yo." "Bad ba si Daddy Apollo? I saw him punching Daddy David. You told me not to hurt anyone, but Daddy Apollo did it," tila pagmamaktol na sabi ng anak niya. Bumuntong hininga si Adella, pagkaraan ay hinaplos ang pisngi ng inosenteng anak. "Ang nangyari kanina ay bunga lamang ng emosyon anak. Bata ka pa, maaring mahirap para sa'yo na maunawaan ang mga bagay na 'to. Pero gusto ko lang malaman mo na wala kay Daddy Apollo o Daddy David ang bad." "But mommy, I saw Daddy Apollo punching Daddy David. That's bad, right?" naguguluhang sabi ng anak. "Yes, that's bad, pero hindi ibi
Last Updated : 2025-02-21 Read more