บททั้งหมดของ HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1): บทที่ 51 - บทที่ 60

76

CHAPTER 51

"HEY." Napatingin si Apollo sa babaeng nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Kilalang kilala niya ito. Base sa weird na kulay ng buhok nito, ito lang ata ang kilala niyang babae na laging iba ang kulay ng buhok every week. "Cassidy La Gresa, what do you need?" Usisa niya sa babae habang papalapit siya rito. Gaya ng karaniwang ginagawa nito, ngumunguya ito ng chewing gum habang may pilyang ngiti sa mga labi. Ngumiti ito ng malawak at pagkaraan ay may kinuha sa shoulder bag nito. Isang pulang sobre. "Here," anito at inabot sa kanya ang hawak. Alangan niyang dinampot ito habang nakakunot ang noo. Hindi sila gaanong close ni Cassidy, nagkakaroon lamang sila ng connection sa babae sa tuwing ginugulo nito ang pinsang si Rigel, kapag kasama nila ang huli. Bukod sa bali-balitang naririnig niya na isang pasaway na heredera ito ay wala na siyang alam sa babae.Pero sa totoo lang, ayaw niya itong nakikita dahil she reminds him of someone. Si Adella. "Ano ito?
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-10
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 52

"HEY, brat!" Tawag ni Rigel kay Cassidy. Nilingon siya ng pinsan na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Hinila niya sa pinsan sa may hindi gaanong matao para walang makarinig sa pag uusapan nila. "Why did you invite him here?" "Why not? It's my birthday party." "Oh c'mon brat. Kilala kita. Anong binabalak mo? " "Binabalak? Wala." Patay malisyang sagot nito. Tinaasan niya ng kilay ang pilyang pinsan at tinitigan sa mga mata. "Okay, fine!" Pagsuko nito. "I invited him here, para kay Adella. Para magkita na sila." "Seriously? Ginawa mo iyon? Alam mong iniiwasan siya ng kapatid mo, " naiinis na sabi ni Rigel. "I don't care!" Maldita nitong sagot. "Ang sarap mong tirisin. Pwedeng mag-create ng conflict ang ginawa mong ito. Dapat you let Adella na siya mismo ang makipagkita na kay Apollo." "Well, I made it easier for her, si Apollo na mismo ang nagpunta rito. Damn! This is the most memorable birthday party I ever had! " Tila timang na s
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-11
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 53

KINABAHAN si Adella, nang lumapit sa kanya si Apollo. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Bakit kahit apat na taon na ang lumipas ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya? "Kung isa ka palang La Gresa, anong ginawa mo sa dalawang milyon na kinuha mo sa pamilya ko? " Puno ng galit ang tinig nito. Hindi na siya nabigla, kasinungalingan kasi ang sinabi ni Althea rito. "Let me explain, first-" "Shut up!" Mariin nitong sabi. Malapit na malapit sila sa isa't isa. "I don't need your damn explanation. I won't let my self be fooled again." Base sa nakikita niyang galit sa mukha ng kaharap, alam niyang sarado na ang isip nito sa mga paliwanag na sasabihin niya. Masyado na itong nalason sa kung ano ang pinapaniwalaan nito sa nakalipas na taon. Sa kabilang banda, gusto niyang sisihin ang sarili, dahil hinayaan niyang lumipas ang ganoong katagal na panahon bago nagpaliwanag kay Apollo. Baka sakali sanang nalinis pa niya ang pangalan niya rito.
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-11
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 54

"E MA'AM bumili lang po ako ng ice cream eh, pagbalik ko wala na po siya sa table niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Gina nang itanong niya rito ang anak. Iniwanan niya ang mga ito sa table dahil may bibilhin lang siya sa loob ng super market. Halos mahimatay siya sa sinabi ni Gina. "Ate Gina naman eh, Diyos ko saan natin hahanapan ang anak ko?" Taranta niyang sabi at naglakad-lakad sa mall na iyon. Alam niyang hindi pa nakakalayo ang anak niya dahil hindi naman nito alam ang palabas ng mall. Naglakad-lakad sila at hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag may nangyaring masama sa anak niya. Ayaw niyang isipin na may dumukot sa anak niya, naalala niya tuloy ang laging bilin ng Ama niya na huwag maglalabas kasama si Atlas lalo na at kilala ang pamilya nila. May mga kalaban sila sa business world na maaring gumamit ng ganoong taktika. "Atlas, where are you..." bulong ni Adella sa sarili. Binabalot ng takot ang pagkatao niya
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-13
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 55

ISANG suntok ang pinakawalan ni Apollo nang makita si Rigel. Pero buti na lang at nakailag ang huli. Nasa plantasyon sila ngayon at ngayon lang din nagpakita si Rigel sa kanya. Malamang sa malamang pinalamig nito ang ulo niya, the hell! Hangang ngayon nga ay mainit na mainit pa rin ang ulo niya sa mga natuklasan niya sa mga nakalipas na araw. "Whoa! Easy bro," ani Rigel na ngumisi pa at tila hindi alintana ang galit sa mukha ng kaibigan. Kung tinamaan siya sa suntok ni Apollo, sure ball na mamaga ang kabilang bahagi ng mukha niya. "Easy? How dare you! Wala ka bang balak na sabihin sa akin na pinsan mo si Adella at may anak kami?! You're a fucking asshole!" Gigil na gigil na sabi ni Apollo sa kaibigan. Naramdaman na lamang niyang tinapik ni Rom ang balikat niya. "Wala namang magagawa ang galit mo. Pag usapan na lang ng maayos and let him explain."- Rom "Atleast I'll break his fucking face," aniya na naiinis pa rin pero mas kalmado na kesa kanina. "Relax, Wil
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 56

"ARE you sure? hindi ko na kailangang sumama sa'yo roon?" Tanong ni David nang sabihin niya rito na gustong makipagkita ni Apollo upang pag-usapan ang tungkol kay Atlas. Ayaw na niyang istorbohin pa si David, dahil alam niyang may mga naka-sched itong operasyon ng mga pasyente. Sila na lamang dapat ni Apollo ang aayos sa problema nila. "Ako na lang ang pupunta. Problema namin itong dalawa, do you trust me?" Malumanay niyang tanong sa nobyo. Nakita niya ang pag-ngiti nito. "Ofcourse I do. Pero wala akong tiwala kay Apollo." "Honey, si Atlas lamang ang pag-uusapan namin doon at wala ng iba. Huwag kang mag-alala, sa'yo pa rin ako babalik." Itinaas pa niya ang kamay upang ipakita ang engagement ring nila na nasa daliri niya. Natawa si David at niyakap niya. "I never trust anyone in my life, more than I trusted you, honey." Gumanti siya ng yakap sa nobyo at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Langhap niya ang lalaking-lalaking amoy ng binata. "Ipaglal
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 57

"WHAT do you want to eat?" Usisa ni Apollo sa kanya nang makarating na sila sa Zambales. Nakaupo siya ngayon sa balcony ng bahay ng mga Williams sa Islang iyon. Inirapan niya ang lalaki. "Huwag ka ng mag-abala pa. Pag usapan na natin ang dapat pag-usapan para makauwi na ako," malamig niyang sabi. Pilit itinatago ang kabang nararamdaman. Ibinaling ang paningin sa karagatan. Wala pa rin ipinagbago ang lugar na iyon, payapa at maganda pa rin. Mukha pa ring paraiso para sa kanya. "Wait me here." Dinig niya ang pag alis ng binata at pumasok sa loob. Matigas talaga ang ulo nito, kukuha pa rin ito ng pwedeng kainin o maiinom kahit ayaw niya. Ilang saglit pa, bumalik na si Apollo. Tangan ang dalawang tasa ng kape. Inilapag nito ang isa sa mesang malapit sa kanya, wala sa loob na tinignan niya iyon. Coffee with cream, maraming maraming cream. Gaya ng paborito niya sa kape, umupo ang lalaki sa upuang kaharap niya. Inilapag ni Apollo ang kape nito, black coffee iyon. Hin
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-16
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 58

LUMIPAS man ang taon, pero ganoon pa rin ang epekto ng halik na iyon kay Adella. Muntikan na siyang madala kung hindi lamang niya naisip si David. Itinulak niya si Apollo at isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito. Nakita niya nang magdilim ang mukha ng lalaki at isinandal siya nito sa malapit na pader. "Pakawalan mo ako!" Sigaw niya at pilit na nagpupumiglas. "Don't act like a fool, Adella. Ramdam kong nangungulila ka rin sa akin, " ani Apollo at pilit nitong hinuhuli ang kanyang mga mata. Hinding-hindi niya aaminin rito ang tunay na nararamdaman ano man ang mangyari. "Tigilan mo ito, Apollo. Hindi tama." Ngumisi lamang si Apollo at inilapit ang mukha sa kanya. "You left me hanging four years ago, Adella. This time, I won't let you get away from me, whore." May diin at gigil sa bawat salitang pinakawalan nito. Nakatitig lamang siya sa mata nito na puno ng galit. "And you think, hahayaan lamang kitang mapunta kay David ng ganoong kadali?"
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-16
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 59

MALAKAS ang dagundong ng dibdib ni Adella nang rumehistro ang pangalan ni Apollo sa screen ng cellphone na hawak niya. Hudyat na tumatawag ang huli, nagkapalitan kasi sila ng contact para kay Atlas. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, bago niya napagpasyahang sagutin ang tawag ng lalaki. "H-hello?" Medyo utal niyang sabi dahil sa tindi ng kabang nadarama niya. "Hihiramin ko si Atlas today. Ipapakilala ko siya kina Mommy," diretsong sabi nito mula sa kabilang linya. "O sige. Sasabihan ko sina Mama na pupunta ka sa mansion para kunin si Atlas. Nasa office ako, " aniya sa lalaki. "Fine. Thank you," malamig na sabi ni Apollo. Sasagot pa sana siya ngunit ibinaba na ng lalaki ang telepono. Napailing siya. Mas okay na iyon, kapag mas humaba pa ang usapan nila, baka kung saan na naman mapunta ang isip at nararamdaman niya. Pinilit na inabala ni Adella ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles. Ilang araw din natengga ang ibang trabaho niya dahil sa kaka
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-17
อ่านเพิ่มเติม

CHAPTER 60

"ILANF araw ko ng hindi nahuhuli ang kapatid mo," ani Aileen kay Althea. Nasa balkonahe sila ngayon ng bahay ni Aileen at umiinom ng ladies drink. "He's busy," tipid na sagot naman ni Althea, habang humihitit sa yosi na nasa gitna ng dalawang daliri. "Busy? Saan?" "Sa company and sa anak niya." Tumawa ng pagak si Aileen. "Sa anak ng bitch na 'yun?" Inis na sabi nito. "Listen, Aileen. Hayaan mo munang bumawi si Apollo kay Atlas. Since matagal na nagkawalay ang dalawa." "Dahil sa kagagawan mo," ani Aileen na umismid pa. Tumalim ang titig ni Althea sa kausap. "Pabor din naman sa'yo ang ginawa ko noon hindi ba? Nasolo mo si Apollo, nawala sa landas mo ang karibal mong si Adella." "Nawala ang physical na presensya ni Adella. Pero pakiramdam ko, hindi nawala ang babaeng 'yun sa puso ni Apollo. And that's what makes me mad, " inis na sabi pa ng babae, sabay lagok sa alak na hawak. Si Althea naman ang umismid. "Hindi ko na kasalanan kung hindi nabalin
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-18
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
1
...
345678
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status