"HEY." Napatingin si Adella sa papalapit na si Rigel. Kasalukuyan niyang nakaupo sa kubo, isinama kasi siya ngayon ni Apollo. "Hello, Rigel," aniya sa binata na nakangiti sa kanya. Nginitian niya rin ito. Mukha naman talaga itong mabait, pero bad boy lang ang datingan. Sa tagal-tagal na niyang nakikita at nakakasama ito, ngayon lamang siya nito kinausap ng sarilinan. Abala kasi si Apollo sa pakikipag-usap sa mga tao sa plantasyon. Umupo sa tabi niya ang binata pagkalapit sa kanya. "Alam mo, unang beses pa lang kitang nakita, parang may kamukha ka," anito at muli siyang pinagmasdan "Kamukha? Sino naman?" Curious niyang tanong. "Iyon ang hindi ko alam. Everytime I see you, you remind me of someone, someone I knew maybe? Pero hindi ko matukoy." Natawa siya. "Baka may kamukha o kahawig ako sa mga babaeng nakasalamuha mo na noon pa man?" Ito naman ang natawa. "Yeah, maybe." Biglang lumipad ang pansin nito sa kwintas
Last Updated : 2025-01-29 Read more