"THAT'S bullshit. Ayusin mo ang trabaho mo, or else mawawala 'to sa'yo," galit at malamig na sabi ni Apollo sa kausap sa telepono. Ang kanyang sekretarya, may kapalpakan na namang ginawa. Napahilot siya sa kanyang sintido. "Who's that?" Napatingin siya sa kama kung saan nakahiga roon si Aileen. Halos kakatapos lamang nilang magsalo sa isang mainit na tagpo. Walang label sa pagitan nila ng dalaga, alam nito kung ano lang ang kaya niyang i-offer. They were a fuck buddy. "It's Allisa. Hindi ka pa ba uuwi?mag aalas otso na, " Usisa niya rito at pinulot sa sahig ang pantalon at T-shirt. Tsaka isinuot ang mga 'to. "Nah. Dito na ako matutulog," sagot ng dalaga na hindi pa rin nag aabalang isuot ang mga saplot at ibinabalandra pa rin sa harapan niya ang kahubaran nito. "Suit yourself. Pero ako aalis na, magkikita kami ni Rom, may pupuntahan kami." Kinuha niya ang susi sa bed side table at akmang lalabas na ng pinto. "Wait, saan na naman kayo p
"ANO ho ba ang nangyari kay Cassy, noong isang araw? " Usisa ni Adella sa Ina nang umagang iyon na nagsasalo sila sa agahan. Tulog pa si Cassidy at umalis naman ang kanyang Ama, dahil ito pa rin ang CEO sa isa nilang kompanya nila. Si Atlas naman ay kasama si Gina, para sa morning walk ng anak niya. Napabuntong hininga ang Ina at tila na-stress na naman ang mukha. "Paano ba 'yang kapatid mo e, nasangkot na naman sa gulo doon sa isang bar. Nagwala, pinagbabasag ang lahat ng makita roon, " sabi ng Ina. Hindi na dapat siya magulat dahil lagi naman itong nasasangkot sa gulo. Pero sa tagal na rin niyang kasama ang kapatid, hindi pa rin niya mapigilan ang magulat. "Ho? Bakit daw?" "May nakaapak daw sa bagong pedicure niyang paa. My goodness! Hindi na namin alam ng papa mo kung ano ang gagawin sa kapatid mo." Tila problemado ang Ina. "Huwag na po kayong pa-stress, Mama. Bata pa kasi si Cassidy, malay niyo po kapag nagtagal maiisip na niya na mali ang ginagawa n
KASALUKUYANG naglalakad sa mall si Adella. Sa mall na pag-aari ng kanyang kapatid na si Cassidy, balak niyang doon mamili ng mga gamit ni Atlas. Habang naghahanap ng mabibili para kay Atlas, biglang may nakabunggo sa kanya. "Sorry po!" Awtomatikong sabi niya. Pero bigla siyang natigilan nang makita kung sino ang nakabanggahan niya. Ilang taon na ang nakalipas pero tandang tanda niya ang mukha ng taong nasa harapan niya ngayon. Ang taong naging dahilan kung bakit nagwakas ang sa ano mang meron sila ni Apollo noon. "A-althea?" Aniya sa babae na mababakas din ang pagkabigla sa mukha. Pero bigla rin nakabawi ang kaharap. "So, it's you Adella," walang bahid-emosyong sabi ng babae. Gaya pa rin ito ng dati. "Ako nga," aniya at ngumiti sa taong dapat ay hindi naman niya dapat itrato ng ganito after all ng mga ginawa nito sa nakaraan. Pero kasi, siya ang tipo ng tao na hindi kayang magalit ng matagal. Taong ibinabaon na lamang sa limot ang mga kasalanan ng mga ta
"HAPPY Birthday, Lola." Yumuko si Adella at hinalikan sa pisngi si Doña Amor, na abot tenga ang ngiti. "Salamat, apo. Nasaan si Atlas?" Usisa ng matanda na nakaupo sa wheel chair. Habang nakatingala ngayon sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahang tinaglay noong kabataan ng kanyang Lola. Kagandahang namana ng lahi ng mga La Gresa. Kamukha raw ng lola niya ang pinsan niyang si Virgo na naka base sa Paris. "Na kay David po, Lola. Maya-maya lang po ay papasok na ang mga iyon," aniya sa matanda. Umupo siya sa kalapit na upuan. "Cassandra, apo. Kailan mo ba ipapakita ang anak mo sa totoong Ama niya? Don't you think na mas makakabuti kay Atlas kung makikilala niya ang Ama niya. Para hindi siya mabahiran ng mga katanungan sa katauhan niya?" Malumanay na sabi ng kanyang Lola. Napabuntong hininga siya, hindi lang ang mga magulang niya ang nangungulit na ipakilala si Atlas kay Apollo. Maging ang Lola Amor niya. "Sa tamang panahon po Lola. Hindi ko naman po
NASA isang restaurant si Apollo, habang kaharap ang isa niyang kliyente, natigilan siya sa pagsasalita nang may mahagip ang kanyang mga mata. Pamilyar na pigura ng isang babae. Kahit nakatalikod ito at may kausap sa telepono, alam na alam niya kung sino iyon. Ang salamin ng restaurant ang naghahati sa pagitan nila, medyo may kalayuan ito pero kitang kita niya ang babae. Damn! Is that Adella? E ano naman pala kung si Adella ang babaeng natatanaw niya ngayon? Pero kahit anong sabihin ni Apollo sa sarili, pigil-hininga pa rin niyang hinihintay ang pagharap ng babae. "Mr. Williams?" Bigla siyang napatingin sa kanyang kausap. Nakalimutan niyang may pinag uusapan pala sila. "Yes, Mr. Samson?" "Are you okay? Are you with me?" Nahilot niya ang sintido. "Sorry, Mr. Samson. Can I leave you for a while, may titignan lang ako. Just a minute." "Sure. Take your time, Mr. Williams, " nakangiting sabi nito sa kanya. Agad siyang tumayo at muling bu
"HEY." Napatingin si Apollo sa babaeng nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Kilalang kilala niya ito. Base sa weird na kulay ng buhok nito, ito lang ata ang kilala niyang babae na laging iba ang kulay ng buhok every week. "Cassidy La Gresa, what do you need?" Usisa niya sa babae habang papalapit siya rito. Gaya ng karaniwang ginagawa nito, ngumunguya ito ng chewing gum habang may pilyang ngiti sa mga labi. Ngumiti ito ng malawak at pagkaraan ay may kinuha sa shoulder bag nito. Isang pulang sobre. "Here," anito at inabot sa kanya ang hawak. Alangan niyang dinampot ito habang nakakunot ang noo. Hindi sila gaanong close ni Cassidy, nagkakaroon lamang sila ng connection sa babae sa tuwing ginugulo nito ang pinsang si Rigel, kapag kasama nila ang huli. Bukod sa bali-balitang naririnig niya na isang pasaway na heredera ito ay wala na siyang alam sa babae.Pero sa totoo lang, ayaw niya itong nakikita dahil she reminds him of someone. Si Adella. "Ano ito?
"HEY, brat!" Tawag ni Rigel kay Cassidy. Nilingon siya ng pinsan na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Hinila niya sa pinsan sa may hindi gaanong matao para walang makarinig sa pag uusapan nila. "Why did you invite him here?" "Why not? It's my birthday party." "Oh c'mon brat. Kilala kita. Anong binabalak mo? " "Binabalak? Wala." Patay malisyang sagot nito. Tinaasan niya ng kilay ang pilyang pinsan at tinitigan sa mga mata. "Okay, fine!" Pagsuko nito. "I invited him here, para kay Adella. Para magkita na sila." "Seriously? Ginawa mo iyon? Alam mong iniiwasan siya ng kapatid mo, " naiinis na sabi ni Rigel. "I don't care!" Maldita nitong sagot. "Ang sarap mong tirisin. Pwedeng mag-create ng conflict ang ginawa mong ito. Dapat you let Adella na siya mismo ang makipagkita na kay Apollo." "Well, I made it easier for her, si Apollo na mismo ang nagpunta rito. Damn! This is the most memorable birthday party I ever had! " Tila timang na s
KINABAHAN si Adella, nang lumapit sa kanya si Apollo. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Bakit kahit apat na taon na ang lumipas ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya? "Kung isa ka palang La Gresa, anong ginawa mo sa dalawang milyon na kinuha mo sa pamilya ko? " Puno ng galit ang tinig nito. Hindi na siya nabigla, kasinungalingan kasi ang sinabi ni Althea rito. "Let me explain, first-" "Shut up!" Mariin nitong sabi. Malapit na malapit sila sa isa't isa. "I don't need your damn explanation. I won't let my self be fooled again." Base sa nakikita niyang galit sa mukha ng kaharap, alam niyang sarado na ang isip nito sa mga paliwanag na sasabihin niya. Masyado na itong nalason sa kung ano ang pinapaniwalaan nito sa nakalipas na taon. Sa kabilang banda, gusto niyang sisihin ang sarili, dahil hinayaan niyang lumipas ang ganoong katagal na panahon bago nagpaliwanag kay Apollo. Baka sakali sanang nalinis pa niya ang pangalan niya rito.
"I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya
PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa
"BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma
Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang
"Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N
Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba
"MOMMY?" Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin si Adella sa anak niya na katabi niya sa kama. Ang buong akala niya ay tulog na ito, bukas ng hapon pa sila makakabalik ng manila. "Why baby? akala ko tulog ka na," nakangiti niyang sabi sa anak. Ngumuso ito."Mommy, can I ask you something?" Inilapit niya ang sarili sa anak at tumango. "Sure. What is it?""Is there a chance na mabuo tayo nina Daddy Apollo?" inosenteng tanong ni Atlas.Natigilan si Adella. Unang beses na nagtanong ng ganito ang anak at hindi siya handa. Hindi siya agad sumagot, paano ba niya sasabihin sa anak na wala na? Dahil ikakasal na siya kay David."Don't get me wrong, Mmy. I love Daddy David, I really do. He's our knight in shining armor, right? You told me that. But." Lumungkot ang mukha ng bata at ang tinig nito. "But? "Huminga ng malalim si Atlas. "But I want to have a complete family, Daddy Apollo is my real Daddy, and I am happy when he's around." Muli na naman natigilan si Adella. Hindi alam kung ano
NAKAUWI si Apollo sa mansion nila, ngunit tahimik iyon. Hindi niya nadatnan ang Ina na karaniwan ay nasa sala ng ganoong oras. Naisip niyang baka natutulog ito. Hindi alam ng Mama niya na dumating na siya mula sa Hacienda Amor. Dumiretso kasi siya sa condo niya. Hindi naka-attend ito at ang kapatid niya dahil bawal ang Mama niya sa malayuang byahe. They only send their gifs. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mapansin na medyo awang ang pinto ng library, ibig sabihin ay may tao roon. Marahan siyang naglakad patungo doon, baka ang Ate niya ang naroon o pwede rin ang Mama niya. Pipihitin na sana niya ang seradura, nang ang mga usapang narinig niya sa loob ay nagpatigil sa pag-hinog ng mundo niya. "Natatakot ako na malaman ni Apollo ang ginawa natin noon, Mama." Boses ng kapatid niya. "Me too, bakit hindi na lang kaya natin sabihin sa kanya?" Boses naman ng Ina niya. "Sabihin? Paano natin uumpisaang sabihin sa kanya na tayo ang naging dahilan ng paglayo noon ni Adel
"BAKA naman masunog ang tinititigan mo," ang sabi ni Rom nang makalapit kay Apollo na masama ang tingin kay David, na ngayon ay nakaakbay kay Adella, habang si Adella ay hawak -hawak sa kamay si Atlas. Marahas na sinimot ni Apollo ang alak na nasa kopitang hawak. "Ang sarap burahin ng ngiti sa mukha ng Doctor na 'yon," pabulong niyang sabi. Paano ba naman, ang lawak-lawak ng ngiti ni David, habang kausap ang ibang bisita. Pilit na lamang niyang itinatago sa inis ang pait at sakit na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "Bakit pakiramdam ko, I am the outcast sa mag-ina ko," may lungkot sa tinig niya nang muling magsalita. Tinapik ni Rom ang kanyang balikat tanda ng pakikiramay sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Akala niya noon, wala ng isasakit nang bigla na lamang nawala si Adella nang walang paalam. Pero mali pala siya, mas masakit pala ang ngayong nakikita mong masaya ang mag-ina niya sa piling ng iba. Para iyong milyon-milyong karayom na dum