All Chapters of The Billionaire's Unplanned Heir: Chapter 121 - Chapter 130

151 Chapters

Chapter 121

Pagpasok ni Ella sa opisina ni Rico, agad niyang naramdaman ang bigat ng atmospera. Nakaupo ito sa harap ng kanyang laptop, habang nasa screen ang ilang investors na nasa virtual meeting. Halatang may tensyon sa usapan, kaya tahimik siyang lumapit at umupo sa gilid, pinili munang makinig.“…This is highly concerning, Mr. Velasquez,” ani ng isang investor mula sa kabilang linya. “We’ve trusted your company for years, and now, with this internal fraud issue, we need assurances that our investments remain secure.”“I understand your concerns, Mr. Davenport,” sagot ni Rico, matigas ngunit kalmado ang boses. “We are already conducting a thorough investigation, and I assure you, we will find out the truth. The company remains financially stable, and this incident will not affect our commitments.”Nagpalitan ng tingin ang ilang investors bago nagsalita ang isa pa. “Then we expect regular updates on this matter. Any misstep, and we might have to reconsider our partnership.”Matapos ang ilang
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 122

Sa loob ng sala, patuloy na tahimik na umiinom si George habang si Rachel naman ay umupo sa tabi niya, pinagmamasdan ang anak nilang si Rico. Si Ella ay nasa tabi lang ni Rico, hindi nagsasalita, pero tahimik na nakikinig sa usapan.Tinitigan ni George ang baso niyang may laman pang alak bago muling nagsalita. “Rico, anong nangyayari sa kumpanya? Kanina pa ako may gustong itanong, pero gusto ko munang hintayin kang magsalita.”Napatingin si Rico sa ama. Alam niyang hindi ito basta-bastang nagtatanong kung hindi seryoso. Ipinatong niya ang kamay sa kanyang tuhod at bahagyang sumandal sa sofa. “There’s an issue with one of our trusted employees. Si Jasmine.”Kumunot ang noo ni George. “Jasmine? Yung secretary general mo?”Tumango si Rico. “Yeah. Lahat ng ebidensya, siya ang tinuturo sa anomalyang natuklasan namin. Pero hindi ako makapaniwala. She’s been working for me for years, and she’s never done anything questionable.”Nagpalitan ng tingin sina George at Rachel. Halatang nag-aalanga
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 123

Maagang nagising si Ella upang maghanda ng almusal. Kahit na puno ng tensyon ang kanilang mga gabi nitong mga nakaraang araw, sinikap niyang panatilihing normal ang umaga nila. Isang simpleng agahan ang inilatag niya sa mesa—scrambled eggs, toasted bread, at fresh orange juice—pero alam na niyang hindi na ito aabutin ni Rico.Tama nga siya.Mabilis na bumaba si Rico, suot na ang kanyang suit, habang hawak ang telepono sa isang kamay. Halatang nagmamadali ito, at kahit hindi niya sinasabi, alam niyang patungong opisina ito para harapin ang gulo sa kumpanya.“Rico, kumain ka muna kahit konti,” alok niya, pero hindi man lang ito tumingin sa pagkain.Huminto si Rico sa tabi niya, saglit na inilapag ang telepono, at marahang hinalikan siya sa noo. “I don’t have time, Ella. May emergency meeting ako. I’ll call you later.”Bago pa siya makasagot, kinuha na nito ulit ang telepono, humalik kay Rielle na ngumunguya pa ang bibig. “Daddy needs to work, princess. Be a good girl, alright? I love yo
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 124

Dala ang kaba at pag-aalinlangan, nagmaneho si Ella papunta sa isang upscale restaurant kung saan siya makikipagkita kay George. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa pag-uusap nila, pero may kutob siyang hindi ito magiging magaan.Pagdating niya sa restaurant, agad siyang sinalubong ng staff at inihatid sa isang private dining area. Doon niya nakita si George, tahimik na nakaupo habang iniikot ang isang baso ng wine sa kanyang kamay."Good afternoon, Dad," magalang niyang bati, pilit na pinapanatili ang kanyang kumpiyansa kahit may bumibigat na tensyon sa paligid."Have a seat, Ella," malamig ngunit pormal ang tinig ni George.Umupo siya sa tapat nito, pinipilit na basahin ang ekspresyon ng matanda. Hindi ito galit, pero may seryosong bagay na bumabagabag dito.Nagpatawag ng waiter si George at umorder ng kape para kay Ella bago bumaling muli sa kanya.Siya ang unang bumasag sa katahimikan. "Ano po ba talaga ang dahilan kung bakit ninyo ako gustong makausap?"Itinaas ni George ang
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 125

Pagkalabas ni Ella mula sa restaurant, ramdam pa rin niya ang bigat ng rebelasyong natanggap niya mula kay George. Sa bawat hakbang niya papunta sa sasakyan, hindi niya maiwasang paulit-ulit na isipin ang sinabi nito—na maaaring si Sharia ang nasa likod ng nangyayaring problema sa Velasquez Group.Ngunit mas mabigat sa dibdib niya ang isa pang katotohanan. Kung totoo ang lahat ng ito, kung totoo ang sinabi ni George… anong magiging reaksyon ni Rico kapag nalaman niya?Habang nagmamaneho pauwi, paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang kwento ni George tungkol sa nakaraan. Hindi niya inaasahan na may ganitong lalim ang koneksyon ng Velasquez Group at Lee Group—at higit sa lahat, hindi niya alam na muntik nang ikasal si Rico kay Sharia bilang kabayaran sa isang utang na loob.Napakapit siya nang mahigpit sa manibela. "If Rico finds out… how will he feel about it?"Pagdating niya sa penthouse, agad niyang hinanap si Rico. Alam niyang nasa opisina pa ito, pero hindi siya mapakali. May b
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 126

Tahimik lang si Ella habang tinatanaw ang tanawin sa labas ng bintana. Dumaan sila sa isang hilera ng puno, ang dapithapong araw ay nagkukulay kahel sa kalangitan. Ilang beses siyang suminghap, pilit itinatago ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib.Ramdam niya ang panaka-nakang sulyap ni Rico habang nagmamaneho. Hindi ito nagtanong muli, pero dama niya ang tahimik na pag-aalala nito.Pagdating nila sa school ni Rielle, nakita agad nila ang kanilang anak na nakaupo sa bench malapit sa gate, mahigpit na yakap ang kanyang maliit na backpack. Sa kaniyang tabi, nakangiting kinakausap nito ang kaniyang yaya. Agad itong tumayo nang makita sila, kumakaway habang puno ng ngiti ang mukha.“Mommy! Daddy!” sigaw ni Rielle, tumatakbo palapit sa kanila.Mabilis na bumaba si Rico para salubungin ang anak, yumuko ito para alalayan ang pagtakbo ni Rielle bago ito sinalubong ng mahigpit na yakap.Si Ella, na pinagmamasdan lang ang eksenang iyon, ay hindi maiwasang mapangiti. Gaano man kabigat ang kany
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 127

Tahimik ang biyahe pauwi. Ang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ay nagbigay ng komportableng pakiramdam, sapat para mahulog sa mahimbing na tulog si Rielle sa likod ng kotse. Nakayakap ito sa kanyang bagong librong fairy tale, mahigpit ang kapit, na para bang ayaw nitong bitiwan kahit sa pagtulog.Napangiti si Ella habang pinagmamasdan ang anak. “She must be really tired,” mahina niyang sabi.“Kanina pa siya antok pero pilit niyang nilalabanan. Mukhang hindi niya gustong matapos ang araw,” sagot ni Rico, bahagyang bumabagal ang pagpapatakbo ng sasakyan. “Pero hindi rin siya nakatiis.”Hinagod ni Ella ang buhok ni Rielle, ang puso niya ay puno ng init habang tinitingnan ang mahimbing na tulog ng anak nila.“Buti na lang, at least she had fun today,” dagdag niya.Tahimik silang dalawa habang patuloy ang biyahe. Ang ingay ng lungsod ay parang unti-unting lumalayo habang papalapit sila sa Repulse Bay. Hindi na rin nagtanong pa si Rico tungkol sa kung anong bumabagabag kay Ella kanina. A
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 128

Abala si Ella sa pag-aasikaso ng mga customer sa shop kasama si Levi. Kahit pagod sa mahabang araw, hindi niya mapigilang mapangiti habang pinapanood ang masayang pakikitungo ni Levi sa mga bumibili. Sanay na sanay ito sa pagpapaliwanag ng iba't ibang produkto, at halata sa mga mata nito ang kasiyahan sa ginagawa. Habang sinusuri ni Ella ang ilang bagong dating na stocks, biglang bumukas ang pinto ng shop, kasabay ng tunog ng maliit na bell sa ibabaw nito. Lumingon siya at agad na napansin ang lalaking pumasok—si Kenji. May dala itong bouquet ng pulang rosas at may kaunting pag-aalinlangan sa mukha, ngunit determinadong lumapit kay Levi. Napahinto si Levi sa ginagawa, halatang nagulat nang makita ang asawa. Mabilis nitong sinulyapan si Ella, tila humihingi ng suporta, bago muling ibinalik ang tingin kay Kenji. "Hey," bungad ni Kenji, may bahagyang ngiti sa labi. "I know I'm not the most romantic guy, pero... naisip kong bumawi." Halatang nagpipigil ng ngiti si Levi habang pinag
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 129

Nasa shop pa rin sina Ella at Levi nang bumukas ang glass door, at isang pamilyar na pigura ang pumasok.Si Sharia.Kalmado ang kilos nito, bihis na bihis sa isang eleganteng damit na lalong nagpatingkad sa kanyang matapang at sophisticated na aura. Hindi maikakaila ang kanyang presensya—maging ang ibang staff ay napatingin sa kanya, tila namamangha sa ganda at tindig nito.Hindi agad kumilos si Ella, pinagmamasdan lamang ang babae habang dahan-dahan itong lumapit sa display counter. Hindi ito tumingin sa kanya kahit isang beses, sa halip, si Levi ang nilapitan nito.“Good afternoon, ma’am. How can I help you?” tanong ni Levi, palaging magiliw sa mga customer.Matamis na ngumiti si Sharia. “I’m looking for something special. A gift for a man.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Levi. “Oh? Anniversary gift ba ito?”Muling ngumiti si Sharia, ngunit sa ilalim ng pormal nitong ekspresyon ay may kung anong kakaibang sinasabi ang kanyang mga mata. “Not exactly. It’s for a business partner. Alam
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 130

Matapos asikasuhin ang ilang nga customers, nanatili pang ilang sandali si Ella sa likod ng counter, pinipigil ang bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya gustong magpaapekto, pero hindi niya rin kayang balewalain ang nangyari.May gustong patunayan si Sharia. At halata namang hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.Muli siyang bumuntong-hininga at nagpasyang ituloy ang trabaho. Ngunit ilang minuto pa lang ang lumilipas, muli na namang bumukas ang glass door ng shop. Sa pagkakataong ito, isang mas pamilyar na pigura ang pumasok—si Rico.Nagtagpo agad ang kanilang mga mata. Nasa kanya pa rin ang matikas na postura ng isang negosyante, ngunit sa ilalim ng maaliwalas niyang mukha, may kung anong bigat ang bumabakas sa kanyang mga mata."Lunch?" alok nito, diretso sa punto.Napatingin si Levi kay Ella, bahagyang nakangisi. "Wow, personal pick-up? May pa-lunch date pa si madam."Pinili niyang huwag patulan ang pang-aasar ni Levi. Sa halip, inayos niya ang ilang papel s
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
PREV
1
...
111213141516
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status