Nasa shop pa rin sina Ella at Levi nang bumukas ang glass door, at isang pamilyar na pigura ang pumasok.Si Sharia.Kalmado ang kilos nito, bihis na bihis sa isang eleganteng damit na lalong nagpatingkad sa kanyang matapang at sophisticated na aura. Hindi maikakaila ang kanyang presensya—maging ang ibang staff ay napatingin sa kanya, tila namamangha sa ganda at tindig nito.Hindi agad kumilos si Ella, pinagmamasdan lamang ang babae habang dahan-dahan itong lumapit sa display counter. Hindi ito tumingin sa kanya kahit isang beses, sa halip, si Levi ang nilapitan nito.“Good afternoon, ma’am. How can I help you?” tanong ni Levi, palaging magiliw sa mga customer.Matamis na ngumiti si Sharia. “I’m looking for something special. A gift for a man.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Levi. “Oh? Anniversary gift ba ito?”Muling ngumiti si Sharia, ngunit sa ilalim ng pormal nitong ekspresyon ay may kung anong kakaibang sinasabi ang kanyang mga mata. “Not exactly. It’s for a business partner. Alam
Matapos asikasuhin ang ilang nga customers, nanatili pang ilang sandali si Ella sa likod ng counter, pinipigil ang bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya gustong magpaapekto, pero hindi niya rin kayang balewalain ang nangyari.May gustong patunayan si Sharia. At halata namang hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.Muli siyang bumuntong-hininga at nagpasyang ituloy ang trabaho. Ngunit ilang minuto pa lang ang lumilipas, muli na namang bumukas ang glass door ng shop. Sa pagkakataong ito, isang mas pamilyar na pigura ang pumasok—si Rico.Nagtagpo agad ang kanilang mga mata. Nasa kanya pa rin ang matikas na postura ng isang negosyante, ngunit sa ilalim ng maaliwalas niyang mukha, may kung anong bigat ang bumabakas sa kanyang mga mata."Lunch?" alok nito, diretso sa punto.Napatingin si Levi kay Ella, bahagyang nakangisi. "Wow, personal pick-up? May pa-lunch date pa si madam."Pinili niyang huwag patulan ang pang-aasar ni Levi. Sa halip, inayos niya ang ilang papel s
Tahimik na nakaupo si Ella sa kanyang work desk, abala sa pagdidisenyo ng isang bracelet na balak niyang iregalo kay Rielle sa nalalapit nitong ikalimang kaarawan. Maingat niyang iginuguhit ang bawat detalye—isang simple ngunit eleganteng chain bracelet na may maliit na heart charm sa gitna. Sa loob ng heart, nais niyang ipaukit ang pangalan ng anak.Napangiti siya habang iniisip kung paano magliliwanag ang mukha ng anak kapag natanggap nito ang regalo. Alam niyang mahilig si Rielle sa mga kumikinang na bagay, at siguradong matutuwa ito sa kanyang munting obra.Habang nakatutok sa sketch, naramdaman niya ang isang mainit na presensya sa likuran. Isang pamilyar na kamay ang marahang dumapo sa kanyang balikat, kasabay ng isang mababang boses na bumasag sa katahimikan."Para kay Rielle?" tanong ni Rico, bahagyang yumuko upang silipin ang ginagawa niya.Napangiti si Ella at tumango. "Hmm. Gusto kong may personal touch ang regalo ko sa kanya this year. Something na galing talaga sa akin."
Pagpasok nila sa kanilang silid, isang tahimik ngunit mainit na tensyon ang bumalot sa paligid. Kasabay ng marahang pagsara ng pinto, naramdaman ni Ella ang kamay ni Rico na dumapo sa kanyang baywang, marahang hinila siya papalapit.“Let’s what I just begun earlier?” bulong nito, ang hininga’y dumampi sa gilid ng kanyang tenga.Napalunok si Ella, ramdam ang init ng palad ni Rico na gumagapang sa kanyang likod. “Hindi ba tayo magpapahinga?” tanong niya, pero mahina ang tunog ng kanyang tinig—isang senyales na hindi rin niya kayang tanggihan ang init na namamagitan sa kanila.“Hindi pa ako pagod.” May bahagyang landi sa boses ni Rico, kasabay ng dahan-dahan niyang pagyuko upang idikit ang kanilang noo. “Ikaw ba?”Napapikit si Ella nang dumampi ang labi ni Rico sa kanyang pisngi—banayad sa una, pero unti-unting lumalim ang bawat halik. Ang kanyang mga daliri ay kusa nang gumapang sa batok ng asawa, hinaplos ito nang may kasabikan.“Rico…” mahina niyang sambit, bahagyang nag-aalangan, ngu
Maagang nagising si Ella sa mainit na yakap ni Rico. Nakayakap ito sa kanya mula sa likod, habang ang kanilang katawan ay magkalapit pa rin, tila ayaw nitong lumayo kahit isang saglit. Napangiti siya, inabot ang kamay ng asawa at marahang hinaplos iyon.“Good morning, love,” bulong ni Rico, idinampi ang halik sa kanyang balikat.“Good morning,” tugon ni Ella, saka dahan-dahang humarap sa kanya. “Maaga tayong gigising, ‘di ba? May Family Day si Rielle.”Napabuntong-hininga si Rico at lalong niyakap siya nang mahigpit. “Hmm… hindi ba puwedeng mag-stay pa tayo sa kama ng ilang minuto?” may bahagyang pagmamakaawang tono sa boses nito.Napatawa si Ella at marahang itinulak ang dibdib ng asawa. “Rico, ayokong ma-late tayo. Excited si Rielle, baka malungkot ‘pag na-late tayo.”Napamulat si Rico at bahagyang tumitig sa kanya bago gumapang ang pilyong ngiti sa labi nito. “Fine. Pero may hinihingi akong isang kiss bago ako tumayo.”Kumunot ang noo ni Ella ngunit hindi niya mapigilan ang ngiti.
Ang unang activity ng araw ay ang sack race, kung saan kailangang magtulungan ang mag-ama upang makarating sa finish line. Si Rico ang may suot ng malaking sako habang si Rielle naman ay nakasakay sa kanyang likod, mahigpit na nakakapit sa balikat nito. Samantalang si Ella ay nasa gilid, nakahanda ang cellphone upang kunan ng litrato at video ang dalawa.Sa signal ng host, pumwesto na ang lahat ng magulang sa starting line, habang ang kanilang mga anak ay nasa likod nila, gigil na naghihintay ng pagsisimula ng laro.Napangiti si Rico at tinapik ang binti ni Rielle. "Ready ka na, baby?" tanong niya, puno ng excitement habang sinisiguradong maayos ang kapit ng anak.Nagningning ang mga mata ni Rielle, at halos mapatalon ito sa tuwa kung hindi lang ito mahigpit na nakakapit sa kanya. "Yes, Daddy! Kaya natin 'to!"Sa sandaling bumagsak ang banderang hudyat ng simula, mabilis na tumalon si Rico sa loob ng sako, matibay ang pagkakahawak sa anak upang hindi ito matumba. Halos walang sablay a
Matapos ang lahat ng laro at activities, dumating na ang pinakahihintay na awarding. Isa-isang tinawag ang mga nanalo sa iba’t ibang kategorya.Hanggang sa dumating ang Best Participating Family Award.“At ang pamilyang pinaka-active, pinaka-masaya, at pinaka-nagpakita ng matibay na samahan ay… the Velasquez Family!”Muling napuno ng palakpakan ang buong gym. Hindi lang mga guro at estudyante ang pumalakpak, kundi pati ang ibang magulang na humanga sa kanila.Sa pag-akyat nila sa stage, mahigpit na hinawakan ni Rico ang kamay ni Ella, habang si Rielle ay nakangiti nang malapad. Sa araw na ito, hindi lang sila basta isang pamilya—sila ang "Most Outstanding Family."Nang iaabot na sa kanila ang tropeo, masaya itong kinuha ni Rielle at ipinakita sa kanyang mga magulang. “Mommy! Daddy! This is for us!”Nagkatitigan sina Ella at Rico bago sabay na hinalikan sa pisngi ang anak.“We’re proud of you, baby,” bulong ni Ella.“And we’re proud of our family,” dagdag ni Rico, mahigpit na niyayakap
Tahimik na nakaupo si Ella sa loob ng E&L Shop. Sa oras na ito, kakaunti lang ang mga customer, kaya minabuti niyang gamitin ang pagkakataon upang tutukan ang isang bagay na matagal nang bumabagabag sa kanya—ang koneksyon ng Lee Group sa Velasquez Group. Sakto rin namang dumating na ang nga files na hinihingi niya kay Trixie.Nakatutok ang kanyang mga mata sa laptop screen, habang mabilis ang paggalaw ng kanyang mga daliri sa keyboard. Nag-scroll siya sa iba’t ibang artikulo, financial reports, at business records, pilit iniuugnay ang mga pangalan at kumpanyang tila may lihim na koneksyon."Bakit parang may itinatago ang Lee Group?" tanong niya sa sarili habang binubuksan ang isa pang dokumento.Sa kanyang pagsusuri, napansin niyang may ilang joint projects ang Velasquez Group at Lee Group, ngunit hindi gaanong ipinagmamalaki sa publiko. Sa halip, halos lahat ng kasunduan ay dumaan sa ibang shell companies, na parang sinadya upang pagtakpan ang totoong ugnayan ng dalawang kumpanya."H
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam
Nanlalamig ang mga kamay ni Ella habang nakatitig sa folder sa harapan niya. Ang pangalan ng Velasquez Group ay nakalista kasama ng iba pang kumpanyang iniimbestigahan sa money laundering.Hindi niya agad nakuha ang boses niya. Parang tumigil ang mundo sa paligid niya.“What… is this?” tanong niya sa wakas, tinig na bahagyang nanginginig.Tinitigan siya ni Christ, ang mukha seryoso. “It’s an internal report. Matagal nang under surveillance ang kumpanya ni Rico.”Hindi pa rin siya makapaniwala. Impossible. Hindi ‘to maaaring totoo.Lewis, who had been unusually quiet, suddenly spoke up. “Okay, hold up. You’re saying na si Rico, ang asawa ni Ella, ay… involved in money laundering?”Christ leaned back, nodding. “Not just him. His whole company.”Ella swallowed, shaking her head. “No… Hindi maaaring gawin ‘to ni Rico. Kilala ko siya.”“I thought so, too,” sagot ni Christ. “But these documents say otherwise.”Ella flipped through the pages, trying to make sense of everything. May mga bank
Mahigpit ang hawak ni Ella sa manibela habang binabaybay ang kalsada papunta sa E&L Jewels. Mula nang makausap nila si Jasmine sa ospital, hindi siya mapakali. Ang sinabi nito ay patuloy na umaalingawngaw sa isipan niya."They weren’t just after me, Ella. They were after you, too."Napalunok siya. Kailan pa siya naging target? At sino ang nasa likod nito?Mabilis niyang sinulyapan ang rearview mirror—tatlong itim na SUV ang sumusunod sa kanya mula pa nang umalis siya sa ospital. Mga tauhan iyon ni Rico, ipinag-utos nitong bantayan siya nang mahigpit matapos malaman ang banta sa buhay niya.Napabuntong-hininga siya. Naiintindihan niya ang dahilan ni Rico, pero hindi niya gustong mamuhay na parang bilanggo, palaging may aninong nakasunod sa bawat kilos niya.Pagbaba pa lang ni Ella ng sasaiyan, agad siyang sinalubong ni Lewis, halata sa mukha nito ang excitement. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, na para bang may magandang balitang dala."What's going on?" tanong ni Ella habang
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Rico bago binuksan ang passenger seat. “Cedric, gusto kong siguraduhin mong hindi lalabas ang impormasyong ‘to sa media. Kahit anong mangyari, hindi dapat makarating sa publiko ang nangyari kay Jasmine.”Agad na tumango si Cedric. “I’ll handle it, Boss. Magpapadala ako ng tao para i-monitor ang lahat ng pwedeng paglabasan ng balita.”Matapos nito, bumaling si Rico kay Ella, ang tingin niya ay matalim pero may bahid ng pag-aalala. “At ikaw…” Tumigil siya saglit, tila pigil ang galit. “Sumama ka sa akin.”Hindi na nagsalita si Ella at tahimik na sumunod sa asawa. Matapos niyang sumakay sa passenger seat, agad namang pinaandar ni Rico ang sasakyan. Tahimik ang biyahe, pero ramdam niya ang bigat ng emosyon sa pagitan nila.Muling huminga nang malalim si Ella, alam niyang kailangan niyang magsalita. “Rico… pasensya na.”Hindi siya agad sinagot ng lalaki, pero bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan.Nagpatuloy siya, sinubukang ipaliwanag ang kan
Malakas ang pagkalabog ng pinto nang isara iyon ni Rico, halos yumanig ang buong silid sa lakas ng kanyang galit. Hindi niya alintana ang bumibigat na tensyon sa pagitan nilang tatlo—Ella, Cedric, at siya. Nakatayo siya sa gitna ng kanyang opisina, ang matalim na titig ay nakapako kay Ella, habang si Cedric ay nananatiling tahimik sa gilid.Sa loob ng ilang segundo, walang nagsalita. Tanging ang tunog ng marahas na paghinga ni Rico ang bumabasag sa katahimikan."Hindi n’yo sinabi sa akin?" Ang kanyang boses ay mababa ngunit matalim, puno ng pagpipigil na galit. "Binalak n’yo talagang ilihim ito sa akin?"Nagpalitan ng tingin sina Ella at Cedric bago tumingin muli kay Rico. Kahit hindi nila aminin, alam nilang mali ito sa paningin niya."Rico, we were trying to handle it—""Handle it?!" Mariing putol niya, ang kanyang boses ay tumindi, halatang hindi siya kumbinsido. "Jasmine got shot, Ella! Hindi lang ito simpleng corporate issue—this is life and death! Someone almost got killed right
Isang malakas na putok ang muling umalingawngaw sa café.Napahawak si Ella sa braso ni Jasmine at pilit siyang hinila pababa, ngunit huli na ang lahat.“Agh!” Napasinghap si Jasmine nang maramdaman ang pagbaon ng bala sa kanyang dibdib. Napaurong siya, halos matumba, habang mahigpit na nakakapit sa sugatang bahagi ng kanyang katawan.“Jasmine!” Mabilis na dumapa si Ella. Ramdam niya ang mainit na dugo na dumaloy mula sa sugat nito.Nagkagulo ang buong café. May mga sumisigaw, may nagtatakbuhan palabas, habang ang iba naman ay napadapa sa takot.Sa labas, mabilis na tumakbo ang lalaking may hawak na baril, naglaho sa likod ng isang van na agad umarangkada.“Damn it,” bulong ni Ella, pilit inaabot ang kanyang cellphone habang sinisiguradong hindi na muling babalik ang bumaril. Agad niyang tinawagan si Cedric.Ring. Ring.“Ella?” Sagot nito sa kabilang linya.“May bumaril kay Jasmine!” sigaw niya, desperado. “We need an ambulance—now!”Mabilis ang kilos ni Cedric. “Nasaan ka?!”“Sa Celes