Ang unang activity ng araw ay ang sack race, kung saan kailangang magtulungan ang mag-ama upang makarating sa finish line. Si Rico ang may suot ng malaking sako habang si Rielle naman ay nakasakay sa kanyang likod, mahigpit na nakakapit sa balikat nito. Samantalang si Ella ay nasa gilid, nakahanda ang cellphone upang kunan ng litrato at video ang dalawa.Sa signal ng host, pumwesto na ang lahat ng magulang sa starting line, habang ang kanilang mga anak ay nasa likod nila, gigil na naghihintay ng pagsisimula ng laro.Napangiti si Rico at tinapik ang binti ni Rielle. "Ready ka na, baby?" tanong niya, puno ng excitement habang sinisiguradong maayos ang kapit ng anak.Nagningning ang mga mata ni Rielle, at halos mapatalon ito sa tuwa kung hindi lang ito mahigpit na nakakapit sa kanya. "Yes, Daddy! Kaya natin 'to!"Sa sandaling bumagsak ang banderang hudyat ng simula, mabilis na tumalon si Rico sa loob ng sako, matibay ang pagkakahawak sa anak upang hindi ito matumba. Halos walang sablay a
Last Updated : 2025-03-12 Read more