Sa loob ng sala, patuloy na tahimik na umiinom si George habang si Rachel naman ay umupo sa tabi niya, pinagmamasdan ang anak nilang si Rico. Si Ella ay nasa tabi lang ni Rico, hindi nagsasalita, pero tahimik na nakikinig sa usapan.Tinitigan ni George ang baso niyang may laman pang alak bago muling nagsalita. “Rico, anong nangyayari sa kumpanya? Kanina pa ako may gustong itanong, pero gusto ko munang hintayin kang magsalita.”Napatingin si Rico sa ama. Alam niyang hindi ito basta-bastang nagtatanong kung hindi seryoso. Ipinatong niya ang kamay sa kanyang tuhod at bahagyang sumandal sa sofa. “There’s an issue with one of our trusted employees. Si Jasmine.”Kumunot ang noo ni George. “Jasmine? Yung secretary general mo?”Tumango si Rico. “Yeah. Lahat ng ebidensya, siya ang tinuturo sa anomalyang natuklasan namin. Pero hindi ako makapaniwala. She’s been working for me for years, and she’s never done anything questionable.”Nagpalitan ng tingin sina George at Rachel. Halatang nag-aalanga
Maagang nagising si Ella upang maghanda ng almusal. Kahit na puno ng tensyon ang kanilang mga gabi nitong mga nakaraang araw, sinikap niyang panatilihing normal ang umaga nila. Isang simpleng agahan ang inilatag niya sa mesa—scrambled eggs, toasted bread, at fresh orange juice—pero alam na niyang hindi na ito aabutin ni Rico.Tama nga siya.Mabilis na bumaba si Rico, suot na ang kanyang suit, habang hawak ang telepono sa isang kamay. Halatang nagmamadali ito, at kahit hindi niya sinasabi, alam niyang patungong opisina ito para harapin ang gulo sa kumpanya.“Rico, kumain ka muna kahit konti,” alok niya, pero hindi man lang ito tumingin sa pagkain.Huminto si Rico sa tabi niya, saglit na inilapag ang telepono, at marahang hinalikan siya sa noo. “I don’t have time, Ella. May emergency meeting ako. I’ll call you later.”Bago pa siya makasagot, kinuha na nito ulit ang telepono, humalik kay Rielle na ngumunguya pa ang bibig. “Daddy needs to work, princess. Be a good girl, alright? I love yo
Dala ang kaba at pag-aalinlangan, nagmaneho si Ella papunta sa isang upscale restaurant kung saan siya makikipagkita kay George. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa pag-uusap nila, pero may kutob siyang hindi ito magiging magaan.Pagdating niya sa restaurant, agad siyang sinalubong ng staff at inihatid sa isang private dining area. Doon niya nakita si George, tahimik na nakaupo habang iniikot ang isang baso ng wine sa kanyang kamay."Good afternoon, Dad," magalang niyang bati, pilit na pinapanatili ang kanyang kumpiyansa kahit may bumibigat na tensyon sa paligid."Have a seat, Ella," malamig ngunit pormal ang tinig ni George.Umupo siya sa tapat nito, pinipilit na basahin ang ekspresyon ng matanda. Hindi ito galit, pero may seryosong bagay na bumabagabag dito.Nagpatawag ng waiter si George at umorder ng kape para kay Ella bago bumaling muli sa kanya.Siya ang unang bumasag sa katahimikan. "Ano po ba talaga ang dahilan kung bakit ninyo ako gustong makausap?"Itinaas ni George ang
Pagkalabas ni Ella mula sa restaurant, ramdam pa rin niya ang bigat ng rebelasyong natanggap niya mula kay George. Sa bawat hakbang niya papunta sa sasakyan, hindi niya maiwasang paulit-ulit na isipin ang sinabi nito—na maaaring si Sharia ang nasa likod ng nangyayaring problema sa Velasquez Group.Ngunit mas mabigat sa dibdib niya ang isa pang katotohanan. Kung totoo ang lahat ng ito, kung totoo ang sinabi ni George… anong magiging reaksyon ni Rico kapag nalaman niya?Habang nagmamaneho pauwi, paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang kwento ni George tungkol sa nakaraan. Hindi niya inaasahan na may ganitong lalim ang koneksyon ng Velasquez Group at Lee Group—at higit sa lahat, hindi niya alam na muntik nang ikasal si Rico kay Sharia bilang kabayaran sa isang utang na loob.Napakapit siya nang mahigpit sa manibela. "If Rico finds out… how will he feel about it?"Pagdating niya sa penthouse, agad niyang hinanap si Rico. Alam niyang nasa opisina pa ito, pero hindi siya mapakali. May b
Tahimik lang si Ella habang tinatanaw ang tanawin sa labas ng bintana. Dumaan sila sa isang hilera ng puno, ang dapithapong araw ay nagkukulay kahel sa kalangitan. Ilang beses siyang suminghap, pilit itinatago ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib.Ramdam niya ang panaka-nakang sulyap ni Rico habang nagmamaneho. Hindi ito nagtanong muli, pero dama niya ang tahimik na pag-aalala nito.Pagdating nila sa school ni Rielle, nakita agad nila ang kanilang anak na nakaupo sa bench malapit sa gate, mahigpit na yakap ang kanyang maliit na backpack. Sa kaniyang tabi, nakangiting kinakausap nito ang kaniyang yaya. Agad itong tumayo nang makita sila, kumakaway habang puno ng ngiti ang mukha.“Mommy! Daddy!” sigaw ni Rielle, tumatakbo palapit sa kanila.Mabilis na bumaba si Rico para salubungin ang anak, yumuko ito para alalayan ang pagtakbo ni Rielle bago ito sinalubong ng mahigpit na yakap.Si Ella, na pinagmamasdan lang ang eksenang iyon, ay hindi maiwasang mapangiti. Gaano man kabigat ang kany
Tahimik ang biyahe pauwi. Ang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan ay nagbigay ng komportableng pakiramdam, sapat para mahulog sa mahimbing na tulog si Rielle sa likod ng kotse. Nakayakap ito sa kanyang bagong librong fairy tale, mahigpit ang kapit, na para bang ayaw nitong bitiwan kahit sa pagtulog.Napangiti si Ella habang pinagmamasdan ang anak. “She must be really tired,” mahina niyang sabi.“Kanina pa siya antok pero pilit niyang nilalabanan. Mukhang hindi niya gustong matapos ang araw,” sagot ni Rico, bahagyang bumabagal ang pagpapatakbo ng sasakyan. “Pero hindi rin siya nakatiis.”Hinagod ni Ella ang buhok ni Rielle, ang puso niya ay puno ng init habang tinitingnan ang mahimbing na tulog ng anak nila.“Buti na lang, at least she had fun today,” dagdag niya.Tahimik silang dalawa habang patuloy ang biyahe. Ang ingay ng lungsod ay parang unti-unting lumalayo habang papalapit sila sa Repulse Bay. Hindi na rin nagtanong pa si Rico tungkol sa kung anong bumabagabag kay Ella kanina. A
Abala si Ella sa pag-aasikaso ng mga customer sa shop kasama si Levi. Kahit pagod sa mahabang araw, hindi niya mapigilang mapangiti habang pinapanood ang masayang pakikitungo ni Levi sa mga bumibili. Sanay na sanay ito sa pagpapaliwanag ng iba't ibang produkto, at halata sa mga mata nito ang kasiyahan sa ginagawa. Habang sinusuri ni Ella ang ilang bagong dating na stocks, biglang bumukas ang pinto ng shop, kasabay ng tunog ng maliit na bell sa ibabaw nito. Lumingon siya at agad na napansin ang lalaking pumasok—si Kenji. May dala itong bouquet ng pulang rosas at may kaunting pag-aalinlangan sa mukha, ngunit determinadong lumapit kay Levi. Napahinto si Levi sa ginagawa, halatang nagulat nang makita ang asawa. Mabilis nitong sinulyapan si Ella, tila humihingi ng suporta, bago muling ibinalik ang tingin kay Kenji. "Hey," bungad ni Kenji, may bahagyang ngiti sa labi. "I know I'm not the most romantic guy, pero... naisip kong bumawi." Halatang nagpipigil ng ngiti si Levi habang pinag
Nasa shop pa rin sina Ella at Levi nang bumukas ang glass door, at isang pamilyar na pigura ang pumasok.Si Sharia.Kalmado ang kilos nito, bihis na bihis sa isang eleganteng damit na lalong nagpatingkad sa kanyang matapang at sophisticated na aura. Hindi maikakaila ang kanyang presensya—maging ang ibang staff ay napatingin sa kanya, tila namamangha sa ganda at tindig nito.Hindi agad kumilos si Ella, pinagmamasdan lamang ang babae habang dahan-dahan itong lumapit sa display counter. Hindi ito tumingin sa kanya kahit isang beses, sa halip, si Levi ang nilapitan nito.“Good afternoon, ma’am. How can I help you?” tanong ni Levi, palaging magiliw sa mga customer.Matamis na ngumiti si Sharia. “I’m looking for something special. A gift for a man.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Levi. “Oh? Anniversary gift ba ito?”Muling ngumiti si Sharia, ngunit sa ilalim ng pormal nitong ekspresyon ay may kung anong kakaibang sinasabi ang kanyang mga mata. “Not exactly. It’s for a business partner. Alam
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam
Nanlalamig ang mga kamay ni Ella habang nakatitig sa folder sa harapan niya. Ang pangalan ng Velasquez Group ay nakalista kasama ng iba pang kumpanyang iniimbestigahan sa money laundering.Hindi niya agad nakuha ang boses niya. Parang tumigil ang mundo sa paligid niya.“What… is this?” tanong niya sa wakas, tinig na bahagyang nanginginig.Tinitigan siya ni Christ, ang mukha seryoso. “It’s an internal report. Matagal nang under surveillance ang kumpanya ni Rico.”Hindi pa rin siya makapaniwala. Impossible. Hindi ‘to maaaring totoo.Lewis, who had been unusually quiet, suddenly spoke up. “Okay, hold up. You’re saying na si Rico, ang asawa ni Ella, ay… involved in money laundering?”Christ leaned back, nodding. “Not just him. His whole company.”Ella swallowed, shaking her head. “No… Hindi maaaring gawin ‘to ni Rico. Kilala ko siya.”“I thought so, too,” sagot ni Christ. “But these documents say otherwise.”Ella flipped through the pages, trying to make sense of everything. May mga bank
Mahigpit ang hawak ni Ella sa manibela habang binabaybay ang kalsada papunta sa E&L Jewels. Mula nang makausap nila si Jasmine sa ospital, hindi siya mapakali. Ang sinabi nito ay patuloy na umaalingawngaw sa isipan niya."They weren’t just after me, Ella. They were after you, too."Napalunok siya. Kailan pa siya naging target? At sino ang nasa likod nito?Mabilis niyang sinulyapan ang rearview mirror—tatlong itim na SUV ang sumusunod sa kanya mula pa nang umalis siya sa ospital. Mga tauhan iyon ni Rico, ipinag-utos nitong bantayan siya nang mahigpit matapos malaman ang banta sa buhay niya.Napabuntong-hininga siya. Naiintindihan niya ang dahilan ni Rico, pero hindi niya gustong mamuhay na parang bilanggo, palaging may aninong nakasunod sa bawat kilos niya.Pagbaba pa lang ni Ella ng sasaiyan, agad siyang sinalubong ni Lewis, halata sa mukha nito ang excitement. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, na para bang may magandang balitang dala."What's going on?" tanong ni Ella habang
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Rico bago binuksan ang passenger seat. “Cedric, gusto kong siguraduhin mong hindi lalabas ang impormasyong ‘to sa media. Kahit anong mangyari, hindi dapat makarating sa publiko ang nangyari kay Jasmine.”Agad na tumango si Cedric. “I’ll handle it, Boss. Magpapadala ako ng tao para i-monitor ang lahat ng pwedeng paglabasan ng balita.”Matapos nito, bumaling si Rico kay Ella, ang tingin niya ay matalim pero may bahid ng pag-aalala. “At ikaw…” Tumigil siya saglit, tila pigil ang galit. “Sumama ka sa akin.”Hindi na nagsalita si Ella at tahimik na sumunod sa asawa. Matapos niyang sumakay sa passenger seat, agad namang pinaandar ni Rico ang sasakyan. Tahimik ang biyahe, pero ramdam niya ang bigat ng emosyon sa pagitan nila.Muling huminga nang malalim si Ella, alam niyang kailangan niyang magsalita. “Rico… pasensya na.”Hindi siya agad sinagot ng lalaki, pero bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan.Nagpatuloy siya, sinubukang ipaliwanag ang kan
Malakas ang pagkalabog ng pinto nang isara iyon ni Rico, halos yumanig ang buong silid sa lakas ng kanyang galit. Hindi niya alintana ang bumibigat na tensyon sa pagitan nilang tatlo—Ella, Cedric, at siya. Nakatayo siya sa gitna ng kanyang opisina, ang matalim na titig ay nakapako kay Ella, habang si Cedric ay nananatiling tahimik sa gilid.Sa loob ng ilang segundo, walang nagsalita. Tanging ang tunog ng marahas na paghinga ni Rico ang bumabasag sa katahimikan."Hindi n’yo sinabi sa akin?" Ang kanyang boses ay mababa ngunit matalim, puno ng pagpipigil na galit. "Binalak n’yo talagang ilihim ito sa akin?"Nagpalitan ng tingin sina Ella at Cedric bago tumingin muli kay Rico. Kahit hindi nila aminin, alam nilang mali ito sa paningin niya."Rico, we were trying to handle it—""Handle it?!" Mariing putol niya, ang kanyang boses ay tumindi, halatang hindi siya kumbinsido. "Jasmine got shot, Ella! Hindi lang ito simpleng corporate issue—this is life and death! Someone almost got killed right
Isang malakas na putok ang muling umalingawngaw sa café.Napahawak si Ella sa braso ni Jasmine at pilit siyang hinila pababa, ngunit huli na ang lahat.“Agh!” Napasinghap si Jasmine nang maramdaman ang pagbaon ng bala sa kanyang dibdib. Napaurong siya, halos matumba, habang mahigpit na nakakapit sa sugatang bahagi ng kanyang katawan.“Jasmine!” Mabilis na dumapa si Ella. Ramdam niya ang mainit na dugo na dumaloy mula sa sugat nito.Nagkagulo ang buong café. May mga sumisigaw, may nagtatakbuhan palabas, habang ang iba naman ay napadapa sa takot.Sa labas, mabilis na tumakbo ang lalaking may hawak na baril, naglaho sa likod ng isang van na agad umarangkada.“Damn it,” bulong ni Ella, pilit inaabot ang kanyang cellphone habang sinisiguradong hindi na muling babalik ang bumaril. Agad niyang tinawagan si Cedric.Ring. Ring.“Ella?” Sagot nito sa kabilang linya.“May bumaril kay Jasmine!” sigaw niya, desperado. “We need an ambulance—now!”Mabilis ang kilos ni Cedric. “Nasaan ka?!”“Sa Celes