Chapter 72PAGBABA ni Camila ng cellphone, tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Parang walang katapusan ang kanyang mga luha.Habang umiiyak siya, biglang lumitaw ang isang pares ng sapatos sa kanyang paningin. Nang itaas niya ang kanyang tingin, nakita niya si Brix. Hindi siya nagulat, ngunit ang lalaki ay tinitingnan siya ng hindi maipaliwanag na ekspresyon."Bakit bumalik ka na naman?" tanong niya.Hindi pa tapos ang tanong niya, lumapit na si Brix at niyakap siya, marahang inihilig ang baba sa malambot niyang buhok."Don't be sad, Camila," anito habang marahang tinatapik ang kanyang likod na parang batang inaalo.Nanigas ang katawan ni Camila at biglang tumigil ang kanyang mga luha. Medyo naguluhan siya sa biglaang lambing nito.Sa totoo lang, alam niya na may malambot na bahagi si Brix pagdating sa mga babae, pero tumutugon lamang ito sa soft approach. Kapag matigas ang kanyang ugali, hindi ito nagpapakita ng reaksyon. At siya ay palaging matapang kapag kaharap ito.Itinulak niya i
Last Updated : 2025-01-28 Read more