1/4 later uli dahil nasa school ako at may class ❤✨
Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k
Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan
Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhin
Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry
Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus
Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at ayon sa utos ng butler, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga crystal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Matagal ki
Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na
Chapter 186"ATE..."Isang bahagyang nanginginig na boses ang pumukaw sa atensyon ni Camila habang nagbabasa siya ng libro sa sofa sa balkonahe.Ibinaba niya ang libro sa kanyang tuhod at tumingin sa direksyon ng boses. Nakita niya si Charlotte na nakatayo sa may pinto, may dalang lunch box, at mukhang may kasamang guilt sa mga mata. Pati ang ngiti nito ay mukhang pilit."Sino ka?" tanong ni Camila habang pinipisil ang mga mata, tila nag-iisip at may halong pagdududa.Sa narinig, natuwa si Charlotte at agad na nawala ang kaba niya. Maaga pa lang siyang pumunta roon matapos marinig na nawalan ng alaala si Camila. Sinadya niyang dumating nang wala si Brix.'Talagang pabor sa akin ang pagkakataon! Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko siya makukuha sa panig ko, pero ngayon, nawalan siya ng alaala—ibig sabihin, mas madali na ang lahat para sa akin!'Mabilis siyang lumapit, inilapag ang lunch box sa mesa, pagkatapos ay lumapit sa sofa na may masayang ekspresyon. Hinawakan niya ang kamay ni
Chapter 185HINDI na-enjoy ni Camila ang pagkaing inorder ni Lolo Herman dahil mahina pa ang kanyang tiyan. Kailangan niyang kumain ng malambot at madaling tunawin na pagkain. Walang karne at hindi rin pwedeng sobra.Sa huli, malungkot niyang ininom ang lugaw, pumikit, at natulog.Kinabukasan, nagising si Camila sa ingay ng mga ibon sa labas ng bintana.Pagdilat ng mata niya, nakita niyang may isang lalaki na nakaupo sa tabi ng kama. Napasigaw siya, "B-Brix—"Pero agad niyang tinakpan ang bibig niya."Ano ‘yung sinabi mo?" Tinitigan siya ni Brix na parang gusto siyang titigan hanggang matunaw siya. "Ginagaya ko lang ‘yung tunog ng ibon, hindi mo ba narinig? Britt? Britt?" sabay turo niya sa bintana."...At saka, alam kong asawa kita pero dahil wala na akong maalala, wala ka nang halaga sa akin. Pwede bang kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko?""Kalokohan.""Hmph!" Pinaikot ni Camila ang mga mata niya, tumayo at pumasok sa banyo para maghilamos.Paglabas niya, may isang pamilyar n
Chapter 184NGAYON ang ikapitong araw mula nang mahulog sa coma si Camila at ito rin ang huling araw ng one week critical period. Kung hindi pa rin siya magigising, malaki ang posibilidad na hindi na siya makabangon muli at maging isang gulay.Maaga pa lang, dumating na sina Lolo Herman, Brix, Braylee, at Eric. Pinalibutan nila ang kama at matamang pinagmasdan si Camila, hindi pinalampas ang kahit anong maliit na galaw.Pero kahit na naghintay sila mula umaga hanggang lumubog ang araw at dumilim ang paligid, wala pa ring kahit anong senyales na magigising si Camila.Talaga bang magiging isang gulay na siya?Nakaramdam ng kaba si Brix kaya agad siyang lumingon sa nurse at nagsabi. "Tawagin mo ang attending doctor niya."Tumango ang nurse at agad lumabas para sunduin ang doktor. Ilang sandali lang, dumating na ang doktor na may bahagyang pawis sa noo."Mr. Monterde, Mr. Monterde, Mr. Pimentel..." Nagbigay ito ng magalang na pagbati sa isa’t isa habang bahagyang nakayuko."Tama na ‘yan,"
Chapter 183PAGBALIK ng assistant dala ang pagkain, agad na pinalitan ni Charlotte ang lalagyan ng mga pagkain, sinira ang maayos na pagkakaayos ng chef at dinala ito sa St. Mary's Hospital na parang siya mismo ang nagluto.Nagmamadali siya at kinabahan kaya nag-mask lang bago lumabas. Pero pagkapasok pa lang niya ng ospital, nakilala na siya agad."Ikaw ba si Charlotte?" Isang dalaga na nasa edad beinte ang lumapit sa kanya na may halong tuwa.Saglit na nag-alinlangan si Charlotte bago tumango, "Oo, ako nga.""Ah! Sobrang idol kita!" Ang mukha ng dalaga ay punong-puno ng kasiyahan, at agad na kinuha ang cellphone niya. "Pwede ba tayong magpicture?"Madaling kausap si Charlotte, "Sige, walang problema."Habang kinukunan sila ng litrato, unti-unting napansin ng iba pang nasa paligid si Charlotte. Mayamaya lang, maraming tao na ang lumapit para humingi ng autograph at makipag-picture sa kanya. Matapos niyang pagbigyan ang ilan, nagpaumanhin siya. "Ang saya niyong makilala pero nandito
Chapter 182 MATAPOS umalis sa mansyon ng pamilya Monterde, naglakad si Jeffrey patungo sa kotse sa gilid ng kalsada na may madilim na ekspresyon. Agad na lumapit ang kanyang matatalas na mata na tauhan at bumati sa kanya."Boss, kumusta ang usapan?"Matalim ang paghinga ni Jeffrey bago biglang sinuntok ang hood ng kotse. Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang tauhan at sa halip ay nagtanong. "Paano nakapasok sa ospital ang babaeng si Daisy kasama ang mga tao niya?"Sa surveillance footage, nakita niyang anim na lalaki ang kasama nito, pero may mga bodyguard si Brix na nagbabantay sa labas ng kwarto. Kaya nagtaka siya kung paano ito nakalusot.Yumuko ang tauhan at magalang na sumagot, "Ayon sa pag-iimbestiga, boss, nakipag-ugnayan siya sa isang lalaking nagngangalang 'Mr. Facundo', at ang anim na lalaking kasama niya ay mga tauhan ni Mr. Facundo.""Oh?" Kumunot ang makapal na kilay ni Jeffrey. "Sino siya?""Si 'Mr. Facundo' ay isang malaking tao sa mundo ng black market. Siya ang n
Chapter 181May nangyaring kakaiba kamakailan. Araw-araw, may grupo ng tao na pumupunta sa official blog ni Brix at nag-iiwan ng mga walang kwentang komento.Tulad ng:"Bakit ayaw mo kay Miss Daisy?""Paki-kontrol ang maldita mong childhood friend, sobrang inaapi niya si Camila!""Ang pinsan mo mahal na mahal ka, hindi ka ba naaantig?" at iba pang kahawig nito.Napaka-childish at walang kwenta ng mga komentong ito, na hindi bagay sa maingat at propesyonal na style ng page ni Brix.Ang official blog ay pinamamahalaan ng PR department ni Brix kaya wala siyang alam tungkol sa mga nangyayaring ito.Bagamat may investment ang kumpanya ni Brix sa entertainment industry, hindi siya personal na nakikialam maliban na lang kung may malaking issues. Tatlong araw matapos lumabas ang interview video ni Charlotte, lumapit sa kanya ang PR manager na halatang kinakabahan at ipinaalam ang sitwasyon.Napakunot-noo si Brix at tumango. "Sige, naiintindihan ko. Balik ka na sa trabaho."Mabilis siyang nag
Chapter 180TULAD ng sinabi ng reporter, nang lumabas ang balita, muling sumikat si Charlotte. Sunod-sunod ang pagdagsa ng mga tao sa kanyang Fàcebook, Instà at X, nagtatanong kung totoo ba ang kwento o hindi.Nakahiga si Charlotte sa sofa sa dormitoryo, nakangiti habang pinapanood ang mga tanga na nagpapahayag ng awa sa kanyang social media sites. May bahagyang pangungutya sa kanyang labi."Mga tanga, wala ba kayong mga utak?"Naniniwala sila agad sa lahat ng sinabi niya. Pero kung wala ang mga ganitong klase ng tao, paano siya makakabawi? Sa pag-iisip nito, lalo siyang natuwa habang pinagmamasdan ang mga uto-uto sa facébook. Habang nag-e-enjoy siya, biglang may lumabas na espesyal na notification na agad nakakuha ng kanyang atensyon. Si Cyfer ni-repost ang post niya. "Mahal, huwag mong kalimutan na nandito ako para sa’yo." May kasama pang pusong emoji sa dulo.Matalim ang ngiti ni Charlotte, saka niya nirepost ito. "Thank you, Cyfer my loves!" sinamahan pa niya ng dalawang umiiyak
Chapter 179ITINUTOK ni Daisy ang syringe sa kanyang leeg, may luha sa kanyang mga mata, kalahating nagmamakaawa at kalahating nagbabanta ang makikita sa mukha niya. Ngumisi lang si Brix. "Sa tingin mo ba may pakialam ako kung mabuhay o mamatay ka?"Nanlamig ang mukha ni Daisy sa narinig. Pumikit siya, hinigpitan ang hawak sa syringe at itinarak ang dulo ng karayom sa kanyang balat."Stop!" malamig na sigaw ni Brix.Natigilan si Daisy at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ngumiti siya at saka nagsalita. "Billy, may nararamdaman ka pa rin para sa akin, hindi mo lang matanggap."Umakyat ang dugo sa ugat sa noo ni Brix, ngunit hindi niya pinasinungalingan ang sinabi nito. Sa halip, iniabot niya ang kanyang kamay. "Ibigay mo 'yan sa akin.""Hindi..." Hindi pa si Daisy natatapos magsalita nang biglang lumipat ang kamay ni Brix sa likod ng ulo niya at hinampas ito nang malakas.Napapikit si Daisy, at nawalan ng malay sa isang iglap. Nabitiwan niya ang syringe at bumagsak siya sa sahig.Yu
Chapter 178PUMASOK si Daisy sa kwarto at agad na ni-lock ang pinto sa likod niya.Ang unang nakita niya ay ang maliit na kama. Sa ilalim ng malambot at puting kumot, tahimik na nakahiga si Camila, may suwero na nakakabit sa likod ng kaliwang kamay.Sinilip ni Daisy ang paligid ng kwarto, pati na rin ang balkonaheng natatakpan ng kurtina. Nang masiguradong wala nang ibang tao roon, lumapit siya sa kama.Dahil siguro sa kaba, kahit alam niyang mag-isa lang siya, maingat pa rin siyang naglakad at halos hindi naririnig ang kanyang yabag.Nang makalapit na siya, mas malinaw niyang nakita ang mukha ni Camila. Dahil puro nutritional injections lang ang kanyang sustento, lalo itong pumayat at lumiit ang mukha. Ang kutis nito ay maputlang-maputla kaya lalong lumabas ang pagiging mahina at kaawa-awa.Napasinghal si Daisy at biglang pinisil nang madiin ang pisngi ni Camila. Hindi niya ito binitiwan hangga't hindi lumilitaw ang bahagyang marka ng kuko sa balat nito.Masyado siyang natuon sa gina