Share

Chapter 80

last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-30 19:06:56

Chapter 80

PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.

Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."

Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag.

"Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"

Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"

Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.

Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?

"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
naku camila wag masyado pagalitan si braylee iniisip nya lng bad si sandy kasi un una nyang nakita paano ka saktan ni sandy
goodnovel comment avatar
Cita Parungan
update plss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 81

    Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhin

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 82

    Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 83

    Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 84

    Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at ayon sa utos ng butler, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga crystal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Matagal ki

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 85

    Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 86

    Chapter 86ISANG damit na nagkakahalaga ng kulang one hundred million, nasira lang nang ganoon kadali! Natahimik ang buong paligid, at ang babaeng nakabuhos ng alak ay halos maiyak sa takot."Hindi! Hindi ko sinasadya...!"Napakamahal ng damit na iyon. Kahit ibenta pa nito ang sarili, hindi nito kayang bayaran ang halaga nito!Lumingon ang babae kay Daisy—ang tunay na may pakana ng lahat. Pero hindi ito naglakas-loob na isisi ang nangyari kay Daisy dahil kaibigan ito ni Brix.Samantala, hindi na mapakali si Camila. Kailangan niyang makarating agad sa banyo. "Ayos lang," sabi niya nang walang pakialam bago muling naglakad.Ngunit bago pa siya makalayo, hinatak na naman siya ni Daisy. Muling kumabog ang kanyang dibdib. Pagtingin niya sa ekspresyon ng babae, biglang nagkaroon siya ng hinala.Mukhang hindi aksidente ang biglaang pagsakit ng tiyan niya…"Bitawan mo ako!" madiin niyang sabi, ramdam na ang inis."Camila, basa na ang damit mo. Halika, samahan kitang umakyat para makapagpalit

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 87

    Chapter 87"BILLY..." umiiyak na tawag ni Daisy kay Brix.Mabilis na tumingin si Brix kay Lolo Herman, na halatang hindi natutuwa dahil bakas sa mukha ang inis. Maging siya ay hindi rin nagustuhan ang inasal ni Daisy kaya’t bahagya siyang napakunot-noo."Lumabas ka muna at magpalamig."Ibig sabihin, sumasang-ayon si Brix sa desisyon ni Lolo Herman. Dahil dito, hindi na nag-aksaya ng oras ang butler. Hinila nito si Daisy palabas ng hall, kalahating hatak at kalahating kinakausap nang mahinahon si Daisy, bago iniwan ito sa garden. Nanatiling tensyonado ang paligid—walang gustong magsalita.Hanggang sa biglang tumawa si Lolo Herman. "Sige na, magpatuloy na kayo. Pasensya na kayo sa kaibigan ni Brix, medyo spoiled lang siya kaya napahiya ang sarili niya."Sa sandaling nagsalita si Herman, natawa ang lahat at parang walang nangyari.*Pagsapit ng gabi, unti-unting tinanggal ang mga extrang mesa at upuan. Kasabay nito, marahang dumaloy ang malambing at eleganteng musika sa mansion hall. Da

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 88

    Chapter 88"AAAHHHH!"Isang sigaw ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Sa isang iglap, nawala ang malambot at malabong tensyon sa paligid.Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa pinto at nakita si Daisy na pumasok nang nagmamadali, mukhang takot na takot. Dumadanak ang dugo mula sa kanyang kanang balikat pababa sa braso, at napakapula nito sa ilalim ng ilaw."Miss Daisy, anong nangyari sa'yo?!"Isang lalaki ang agad lumapit para alalayan ito pero tinabig lang ito ni Daisy at nagpatuloy sa paglalakad.Dalawang hakbang pa lang ang naitatakbo nito nang bigla itong manghina at bumagsak sa carpet. May luha sa mukha ni Daisy habang nakatingin sa dalawang taong nasa gitna ng hall—sa isang posisyong mukhang masyadong malapit sa isa't isa."Billy..."Pumiksi ang puso ni Camila saka napatingala kay Brix. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Daisy."Hintayin mo ako rito."Dahan-dahang binawi ni Brix ang kamay nito mula kay Camila at lumakad papunta kay Daisy."Br..."Ibinuka

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-02

Bab terbaru

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 217

    Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 216

    Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 215

    Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 214

    Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 213

    Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 212

    Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 211

    Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 210

    Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 209

    Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status