Share

Chapter 82

last update Last Updated: 2025-01-31 16:57:04

Chapter 82

SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.

Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag.

"Waaaah—!"

Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.

'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'

"Braylee!"

Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap.

"Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.

Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan.

"Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee.

"Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak.

"Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."

Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita.

"Sorry
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cita Parungan
author wag nmn puro api si Camila
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
sana nman camila maging palaban kna kay daisy galing galling nya mambaligtad ng kwento dapat magaling ka rin kumalaban sayang yung talino mo kung kay daisy pa lng kaya ka nya paikutin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 83

    Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus

    Last Updated : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 84

    Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at ayon sa utos ng butler, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga crystal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Matagal ki

    Last Updated : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 85

    Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na

    Last Updated : 2025-02-01
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 86

    Chapter 86ISANG damit na nagkakahalaga ng kulang one hundred million, nasira lang nang ganoon kadali! Natahimik ang buong paligid, at ang babaeng nakabuhos ng alak ay halos maiyak sa takot."Hindi! Hindi ko sinasadya...!"Napakamahal ng damit na iyon. Kahit ibenta pa nito ang sarili, hindi nito kayang bayaran ang halaga nito!Lumingon ang babae kay Daisy—ang tunay na may pakana ng lahat. Pero hindi ito naglakas-loob na isisi ang nangyari kay Daisy dahil kaibigan ito ni Brix.Samantala, hindi na mapakali si Camila. Kailangan niyang makarating agad sa banyo. "Ayos lang," sabi niya nang walang pakialam bago muling naglakad.Ngunit bago pa siya makalayo, hinatak na naman siya ni Daisy. Muling kumabog ang kanyang dibdib. Pagtingin niya sa ekspresyon ng babae, biglang nagkaroon siya ng hinala.Mukhang hindi aksidente ang biglaang pagsakit ng tiyan niya…"Bitawan mo ako!" madiin niyang sabi, ramdam na ang inis."Camila, basa na ang damit mo. Halika, samahan kitang umakyat para makapagpalit

    Last Updated : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 87

    Chapter 87"BILLY..." umiiyak na tawag ni Daisy kay Brix.Mabilis na tumingin si Brix kay Lolo Herman, na halatang hindi natutuwa dahil bakas sa mukha ang inis. Maging siya ay hindi rin nagustuhan ang inasal ni Daisy kaya’t bahagya siyang napakunot-noo."Lumabas ka muna at magpalamig."Ibig sabihin, sumasang-ayon si Brix sa desisyon ni Lolo Herman. Dahil dito, hindi na nag-aksaya ng oras ang butler. Hinila nito si Daisy palabas ng hall, kalahating hatak at kalahating kinakausap nang mahinahon si Daisy, bago iniwan ito sa garden. Nanatiling tensyonado ang paligid—walang gustong magsalita.Hanggang sa biglang tumawa si Lolo Herman. "Sige na, magpatuloy na kayo. Pasensya na kayo sa kaibigan ni Brix, medyo spoiled lang siya kaya napahiya ang sarili niya."Sa sandaling nagsalita si Herman, natawa ang lahat at parang walang nangyari.*Pagsapit ng gabi, unti-unting tinanggal ang mga extrang mesa at upuan. Kasabay nito, marahang dumaloy ang malambing at eleganteng musika sa mansion hall. Da

    Last Updated : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 88

    Chapter 88"AAAHHHH!"Isang sigaw ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Sa isang iglap, nawala ang malambot at malabong tensyon sa paligid.Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa pinto at nakita si Daisy na pumasok nang nagmamadali, mukhang takot na takot. Dumadanak ang dugo mula sa kanyang kanang balikat pababa sa braso, at napakapula nito sa ilalim ng ilaw."Miss Daisy, anong nangyari sa'yo?!"Isang lalaki ang agad lumapit para alalayan ito pero tinabig lang ito ni Daisy at nagpatuloy sa paglalakad.Dalawang hakbang pa lang ang naitatakbo nito nang bigla itong manghina at bumagsak sa carpet. May luha sa mukha ni Daisy habang nakatingin sa dalawang taong nasa gitna ng hall—sa isang posisyong mukhang masyadong malapit sa isa't isa."Billy..."Pumiksi ang puso ni Camila saka napatingala kay Brix. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Daisy."Hintayin mo ako rito."Dahan-dahang binawi ni Brix ang kamay nito mula kay Camila at lumakad papunta kay Daisy."Br..."Ibinuka

    Last Updated : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 89

    Chapter 89ALAUNA na ng madaling araw pero malamig pa rin ang hangin.Maliwanag ang buwan sa langit at sumasabay dito ang ilaw ng mga poste sa daan. Kalahati ng paligid ay may liwanag, habang ang kalahati naman ay nalulubog sa dilim. Ang dating luntiang mga halaman, ngayo’y animo’y mga halimaw na handang manghablot. Tahimik na lumabas si Camila kasama si Braylee mula sa villa. Ang tanging maririnig ay ang tunog ng kanilang mga yapak sa kalsada.Napatingin siya sa walang katao-taong lansangan at doon lang niya naalala—nasa village sila. Malamang, wala masyadong dumadaang taxi rito.Medyo pinagsisihan niya na hindi siya nagmaneho papunta rito.Lumingon siya kay Braylee na seryosong naglalakad sa tabi niya saka yumuko. "Braylee, gusto mo bang buhatin ka ni Mommy?"Umiling ang bata at matapang na sumagot. "Hindi na po."‘I'm a big boy na. Hindi na ako pwedeng magpabuhat kay Mommy, hmm!’"Kapag lumaki ako, ako naman ang magbubuhat sa’yo," ani Braylee. Bahagyang ngumiti si Camila, "Sige, h

    Last Updated : 2025-02-02
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 90

    Chapter 90"MAGPAHINGA ka na. Lalabas lang ako sandali." Hindi huminto si Brix."Huwag kang umalis!"Sa sobrang pagkataranta ni Daisy, nahulog ang babae mula sa kama. Malakas ang tunog ng pagbagsak nito, halatang masakit.Kinagat nito ang labi at napasinghap, pero kahit ganoon, agad itong nag-abot ng kamay kay Brix habang lumuluha."Billy, huwag kang umalis... Pwede bang samahan mo ako?"Bumalik si Brix, binuhat si Daisy pabalik sa kama at tinakpan ng kumot. Walang emosyon siyang nagsalita. "Ligtas dito sa ospital. May mga bodyguard sa labas ng pinto. Magpahinga ka na.""Hindi..." Hinawakan ni Daisy ang mainit na kamay niya. "Huwag ka nang umalis, please..."Kumunot ang noo ni Brix. Hinila niya ang kamay niya at tumayo nang walang pakialam. "Matulog ka na.""Billy!"Biglang bumangon si Daisy, niyakap siya mula sa likuran at idinikit ang mukha sa kanyang likod."Huwag ka nang umalis, pwede ba? Ang talino ni Camila, walang mangyayari sa kanya. Ang tagal mo nang sumayaw kasama siya ngayo

    Last Updated : 2025-02-02

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 186

    Chapter 186"ATE..."Isang bahagyang nanginginig na boses ang pumukaw sa atensyon ni Camila habang nagbabasa siya ng libro sa sofa sa balkonahe.Ibinaba niya ang libro sa kanyang tuhod at tumingin sa direksyon ng boses. Nakita niya si Charlotte na nakatayo sa may pinto, may dalang lunch box, at mukhang may kasamang guilt sa mga mata. Pati ang ngiti nito ay mukhang pilit."Sino ka?" tanong ni Camila habang pinipisil ang mga mata, tila nag-iisip at may halong pagdududa.Sa narinig, natuwa si Charlotte at agad na nawala ang kaba niya. Maaga pa lang siyang pumunta roon matapos marinig na nawalan ng alaala si Camila. Sinadya niyang dumating nang wala si Brix.'Talagang pabor sa akin ang pagkakataon! Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko siya makukuha sa panig ko, pero ngayon, nawalan siya ng alaala—ibig sabihin, mas madali na ang lahat para sa akin!'Mabilis siyang lumapit, inilapag ang lunch box sa mesa, pagkatapos ay lumapit sa sofa na may masayang ekspresyon. Hinawakan niya ang kamay ni

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 185

    Chapter 185HINDI na-enjoy ni Camila ang pagkaing inorder ni Lolo Herman dahil mahina pa ang kanyang tiyan. Kailangan niyang kumain ng malambot at madaling tunawin na pagkain. Walang karne at hindi rin pwedeng sobra.Sa huli, malungkot niyang ininom ang lugaw, pumikit, at natulog.Kinabukasan, nagising si Camila sa ingay ng mga ibon sa labas ng bintana.Pagdilat ng mata niya, nakita niyang may isang lalaki na nakaupo sa tabi ng kama. Napasigaw siya, "B-Brix—"Pero agad niyang tinakpan ang bibig niya."Ano ‘yung sinabi mo?" Tinitigan siya ni Brix na parang gusto siyang titigan hanggang matunaw siya. "Ginagaya ko lang ‘yung tunog ng ibon, hindi mo ba narinig? Britt? Britt?" sabay turo niya sa bintana."...At saka, alam kong asawa kita pero dahil wala na akong maalala, wala ka nang halaga sa akin. Pwede bang kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko?""Kalokohan.""Hmph!" Pinaikot ni Camila ang mga mata niya, tumayo at pumasok sa banyo para maghilamos.Paglabas niya, may isang pamilyar n

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 184

    Chapter 184NGAYON ang ikapitong araw mula nang mahulog sa coma si Camila at ito rin ang huling araw ng one week critical period. Kung hindi pa rin siya magigising, malaki ang posibilidad na hindi na siya makabangon muli at maging isang gulay.Maaga pa lang, dumating na sina Lolo Herman, Brix, Braylee, at Eric. Pinalibutan nila ang kama at matamang pinagmasdan si Camila, hindi pinalampas ang kahit anong maliit na galaw.Pero kahit na naghintay sila mula umaga hanggang lumubog ang araw at dumilim ang paligid, wala pa ring kahit anong senyales na magigising si Camila.Talaga bang magiging isang gulay na siya?Nakaramdam ng kaba si Brix kaya agad siyang lumingon sa nurse at nagsabi. "Tawagin mo ang attending doctor niya."Tumango ang nurse at agad lumabas para sunduin ang doktor. Ilang sandali lang, dumating na ang doktor na may bahagyang pawis sa noo."Mr. Monterde, Mr. Monterde, Mr. Pimentel..." Nagbigay ito ng magalang na pagbati sa isa’t isa habang bahagyang nakayuko."Tama na ‘yan,"

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 183

    Chapter 183PAGBALIK ng assistant dala ang pagkain, agad na pinalitan ni Charlotte ang lalagyan ng mga pagkain, sinira ang maayos na pagkakaayos ng chef at dinala ito sa St. Mary's Hospital na parang siya mismo ang nagluto.Nagmamadali siya at kinabahan kaya nag-mask lang bago lumabas. Pero pagkapasok pa lang niya ng ospital, nakilala na siya agad."Ikaw ba si Charlotte?" Isang dalaga na nasa edad beinte ang lumapit sa kanya na may halong tuwa.Saglit na nag-alinlangan si Charlotte bago tumango, "Oo, ako nga.""Ah! Sobrang idol kita!" Ang mukha ng dalaga ay punong-puno ng kasiyahan, at agad na kinuha ang cellphone niya. "Pwede ba tayong magpicture?"Madaling kausap si Charlotte, "Sige, walang problema."Habang kinukunan sila ng litrato, unti-unting napansin ng iba pang nasa paligid si Charlotte. Mayamaya lang, maraming tao na ang lumapit para humingi ng autograph at makipag-picture sa kanya. Matapos niyang pagbigyan ang ilan, nagpaumanhin siya. "Ang saya niyong makilala pero nandito

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 182

    Chapter 182 MATAPOS umalis sa mansyon ng pamilya Monterde, naglakad si Jeffrey patungo sa kotse sa gilid ng kalsada na may madilim na ekspresyon. Agad na lumapit ang kanyang matatalas na mata na tauhan at bumati sa kanya."Boss, kumusta ang usapan?"Matalim ang paghinga ni Jeffrey bago biglang sinuntok ang hood ng kotse. Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang tauhan at sa halip ay nagtanong. "Paano nakapasok sa ospital ang babaeng si Daisy kasama ang mga tao niya?"Sa surveillance footage, nakita niyang anim na lalaki ang kasama nito, pero may mga bodyguard si Brix na nagbabantay sa labas ng kwarto. Kaya nagtaka siya kung paano ito nakalusot.Yumuko ang tauhan at magalang na sumagot, "Ayon sa pag-iimbestiga, boss, nakipag-ugnayan siya sa isang lalaking nagngangalang 'Mr. Facundo', at ang anim na lalaking kasama niya ay mga tauhan ni Mr. Facundo.""Oh?" Kumunot ang makapal na kilay ni Jeffrey. "Sino siya?""Si 'Mr. Facundo' ay isang malaking tao sa mundo ng black market. Siya ang n

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 181

    Chapter 181May nangyaring kakaiba kamakailan. Araw-araw, may grupo ng tao na pumupunta sa official blog ni Brix at nag-iiwan ng mga walang kwentang komento.Tulad ng:"Bakit ayaw mo kay Miss Daisy?""Paki-kontrol ang maldita mong childhood friend, sobrang inaapi niya si Camila!""Ang pinsan mo mahal na mahal ka, hindi ka ba naaantig?" at iba pang kahawig nito.Napaka-childish at walang kwenta ng mga komentong ito, na hindi bagay sa maingat at propesyonal na style ng page ni Brix.Ang official blog ay pinamamahalaan ng PR department ni Brix kaya wala siyang alam tungkol sa mga nangyayaring ito.Bagamat may investment ang kumpanya ni Brix sa entertainment industry, hindi siya personal na nakikialam maliban na lang kung may malaking issues. Tatlong araw matapos lumabas ang interview video ni Charlotte, lumapit sa kanya ang PR manager na halatang kinakabahan at ipinaalam ang sitwasyon.Napakunot-noo si Brix at tumango. "Sige, naiintindihan ko. Balik ka na sa trabaho."Mabilis siyang nag

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 180

    Chapter 180TULAD ng sinabi ng reporter, nang lumabas ang balita, muling sumikat si Charlotte. Sunod-sunod ang pagdagsa ng mga tao sa kanyang Fàcebook, Instà at X, nagtatanong kung totoo ba ang kwento o hindi.Nakahiga si Charlotte sa sofa sa dormitoryo, nakangiti habang pinapanood ang mga tanga na nagpapahayag ng awa sa kanyang social media sites. May bahagyang pangungutya sa kanyang labi."Mga tanga, wala ba kayong mga utak?"Naniniwala sila agad sa lahat ng sinabi niya. Pero kung wala ang mga ganitong klase ng tao, paano siya makakabawi? Sa pag-iisip nito, lalo siyang natuwa habang pinagmamasdan ang mga uto-uto sa facébook. Habang nag-e-enjoy siya, biglang may lumabas na espesyal na notification na agad nakakuha ng kanyang atensyon. Si Cyfer ni-repost ang post niya. "Mahal, huwag mong kalimutan na nandito ako para sa’yo." May kasama pang pusong emoji sa dulo.Matalim ang ngiti ni Charlotte, saka niya nirepost ito. "Thank you, Cyfer my loves!" sinamahan pa niya ng dalawang umiiyak

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 179

    Chapter 179ITINUTOK ni Daisy ang syringe sa kanyang leeg, may luha sa kanyang mga mata, kalahating nagmamakaawa at kalahating nagbabanta ang makikita sa mukha niya. Ngumisi lang si Brix. "Sa tingin mo ba may pakialam ako kung mabuhay o mamatay ka?"Nanlamig ang mukha ni Daisy sa narinig. Pumikit siya, hinigpitan ang hawak sa syringe at itinarak ang dulo ng karayom sa kanyang balat."Stop!" malamig na sigaw ni Brix.Natigilan si Daisy at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ngumiti siya at saka nagsalita. "Billy, may nararamdaman ka pa rin para sa akin, hindi mo lang matanggap."Umakyat ang dugo sa ugat sa noo ni Brix, ngunit hindi niya pinasinungalingan ang sinabi nito. Sa halip, iniabot niya ang kanyang kamay. "Ibigay mo 'yan sa akin.""Hindi..." Hindi pa si Daisy natatapos magsalita nang biglang lumipat ang kamay ni Brix sa likod ng ulo niya at hinampas ito nang malakas.Napapikit si Daisy, at nawalan ng malay sa isang iglap. Nabitiwan niya ang syringe at bumagsak siya sa sahig.Yu

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 178

    Chapter 178PUMASOK si Daisy sa kwarto at agad na ni-lock ang pinto sa likod niya.Ang unang nakita niya ay ang maliit na kama. Sa ilalim ng malambot at puting kumot, tahimik na nakahiga si Camila, may suwero na nakakabit sa likod ng kaliwang kamay.Sinilip ni Daisy ang paligid ng kwarto, pati na rin ang balkonaheng natatakpan ng kurtina. Nang masiguradong wala nang ibang tao roon, lumapit siya sa kama.Dahil siguro sa kaba, kahit alam niyang mag-isa lang siya, maingat pa rin siyang naglakad at halos hindi naririnig ang kanyang yabag.Nang makalapit na siya, mas malinaw niyang nakita ang mukha ni Camila. Dahil puro nutritional injections lang ang kanyang sustento, lalo itong pumayat at lumiit ang mukha. Ang kutis nito ay maputlang-maputla kaya lalong lumabas ang pagiging mahina at kaawa-awa.Napasinghal si Daisy at biglang pinisil nang madiin ang pisngi ni Camila. Hindi niya ito binitiwan hangga't hindi lumilitaw ang bahagyang marka ng kuko sa balat nito.Masyado siyang natuon sa gina

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status