Chapter 74TINURUAN siya ni Brix? Si Camila ay nakaupo sa opisina at nang maalala niya ang sinabi ni Brix, hindi niya napigilang mapangiti.Marunong palang magsinungaling si Brix na hindi man lang kumukurap sa harap ng maraming tao. Pero kailangan pa rin niya itong pasalamatan. Kung hindi si Brix biglang dumating na nagpabago ng opinyon ng mga shareholders, baka hindi niya nakontrol ang sitwasyon noong oras na iyon.Ngayon, sigurado na ang lahat, siya na ang magiging acting president ng Perez Empire.Habang iniisip ito, bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi na parang natutuwa.“Miss Camila,” tawag ni Yesha na biglang pumasok. “May tawag sa front desk. May babae raw na nagngangalang Sandy na naghahanap sa’yo.”“Sandy?” sandaling napatigil si Camila. “Papasukin mo siya.”Simula nang malaman niya na si Sandy ang nagmanipula ng mga naked photos niya, hindi na sila nag-usap ulit. Medyo nakakapagtaka na kusa itong nagpunta ngayon.Tumayo siya at nagtimpla ng chamomile tea. Nang umabot
Chapter 75DALAWANG lalaki ang may dalang dalawang malalaking balde ng malamig na tubig at ibinuhos iyon sa dalawang babaeng nakahiga sa sahig na nakapikit ang mga mata.Sa pagkahilo, naramdaman ni Camila ang matinding lamig. Idinilat niya ang kanyang mga mata, ngunit ang malamig na tubig ay dumaloy papasok dito. Gusto niyang ikuskos ang kanyang mga mata, ngunit napagtanto niyang hindi niya magalaw ang kanyang katawan dahil nakatali ang mga kamay. Sa pagkurap niya, nakita niya ang sirang bubong sa itaas at ang mga sanga ng puno na sumasayaw sa hangin sa labas ng bubong."Ate, gising ka na?"Dahan-dahang lumapit si Charlotte, may hawak na latigo.“Ano ang balak mong gawin?”Habang nagtatanong si Camila, luminga siya sa paligid at nakita si Sandy na kakadilat lang din ng mata at nakahiga sa tabi niya.Nagkatitigan silang dalawa ngunit walang imik.“Pinag-isipan kong mabuti para lang madala kayo rito. Ano sa tingin niyo ang gagawin ko, ha?” Sinipa siya ni Charlotte. Itinaas nito ang ka
Chapter 76"SINONG NAND'YAN?"Isang boses ang narinig sa likuran at nagulat si Daisy.Paglingon niya, nakita niya ang isang lalaki na papalapit habang may hawak na bakal na tubo. Sa sobrang takot, mabilis niyang inalis ang mga damo sa harapan at tumakbo papunta sa kalsada."Hinto!" sigaw ng lalaki nang makita siya.Siyempre, hindi siya tumigil. Bagkus, mas binilisan pa ni Daisy ang takbo. Ang takong ng sapatos niya ay tumama sa baku-bakong daan na puno ng damo dahilan para hindi siya masyadong makalakad nang maayos."Sabi nang huminto ka!"Mabilis na hinabol ng lalaki ang babae habang hawak ang bakal na tubo. Mas mabilis itong tumakbo, halos doble ang bilis kaysa kay Daisy.Nang makita niyang malapit na itong makalapit sa kanya, nag-panic si Daisy at tumakbo nang wala nang pakialam.Bigla siyang napasigaw at nadapa sa lupa. Nang bumangon siya agad, mas malapit na ang lalaki sa likuran niya. Napakagat siya sa labi at tumakbo pa rin nang buong lakas.Bago siya maabutan, nakarating siya
Chapter 77YUMAKAP si Daisy sa leeg ni Brix habang umiiyak at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Camila. Kung nahanap lang kita agad, hindi ka sana nasaktan. Kasalanan ko ito lahat..."Pagkasabi nito, tumingala ito kay Brix na parang aping-api. "Billy, dapat ibaba mo na ako. Ayos lang ako. Tulungan mo na si Camila."Napangisi si Camila at nagsalita sa paos na boses. "Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo? Hindi ka ba napapagod umiyak araw-araw?""Hindi ako nagpapanggap, Camila… Bakit mo naman sinasabi ‘yan sa akin? Gusto ko lang naman tumulong sa 'yo at ayoko rin na mapahiya si Billy."Idinikit ni Daisy ang ulo nito sa balikat ni Brix at mayamaya pa’y basa na ang damit ng lalaki dahil sa luha.Lumingon si Brix, nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha. "Camila, pwede ba ayusin mo ang ugali mo? Huwag kang maging walang utang na loob. Kung hindi dahil kay Daisy na tumawag sa akin, baka...""Billy, tigilan mo na si Camila. Wala naman siyang kasalanan sa akin."Habang naririni
Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k
Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan
Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhin
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami