All Chapters of Deal of Love (Bastarda Series-Four: Chapter 21 - Chapter 30

51 Chapters

Chapter 20. Red(taxi driver)

Chyrll Point of view Sa wakas may taxi nang tumigil sa aking harapan. Makakauwi na ako, nangangawit at sumasakit na talaga ang paa at puwit ko dito kakaupo at tayo dito sa waiting shed. May pinakita sa akin ang taxi driver na isang sulat sa isang papel na laminated at may nakasulat ditong " Ma'am san po kita ihahatid?" Basa ko sa nakasulat. Kibit balikat na lang ako, pipe seguro. "Sa Redstone Marcos Residences (RMR) Boni Avenue Manong." Wala sa mood kong sagot sa taxi Driver. Hindi alam ni Chyrll na ang VIP Unit na regalo sa kanya ng kaniyan ama ay pag-aari pala ng lalaking iniiwasan niya. At hindi din alam ni Chyrll na ang driver ng taxi ay si Red. Hinanap ko ang phone number ni Aria at dinialed ko ito.. Ilang ring ay sinagot ni Aria ang tawag ko. "Hello, kapatid." Sagot sa kabilang linya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kapatid, pwede bang ipaalbularyo mo yang kuya mo. Sinasapian na yata yon ng masamang ligaw na espirito o ng engkanto, lakas ng amats ng kuya mo."
last updateLast Updated : 2025-03-31
Read more

Chapter 21. Ang kulit ng tatlo.

Chyrll. Ang dami naming tawa ni Rasselle dahil kay Marian. Iniwan namin ito sa isang botique. Ngayon naman ay pumasok kami ni Rasselle dito sa botique ni Issa, ang dami ngayong mga new limited edition na mga bags at sapatos ngayon dito. Ang mall na ito ay pag-aari mismo nila Kuya Eutanes, pangalawa ito sa malalaking sikat na shopping mall dito sa ka Maynila-an. Ang mall nila Aria ang pinakamalaki dito at sikat na sikat na puntahan at pasyalan ng mga tao dahil sa kakaibang ambiance nito ayon sa survey. Tanaw namin si Marian sa labas dito sa loob ng botique. Hinahanap kami nito hanggang sa makita kami na pinapanuod siya, tumakbo kaagad ito sa amin, at hindi nito napansin na ang entrance ng malaking botique ni Issa ay naka revolving door. Paikot-ikot lamang ito. Hinatak ko ang kamay ni Marian palapit sa amin dahil nahihilo na ito. "Hoy, lumapit ka nga sa akin!" Tawag ni Marian sa isang salelady ni Issa dito sa botique. "Yes ma'am. Ano pong kailangan mo sa akin?" Magalang na tanong
last updateLast Updated : 2025-04-01
Read more

Chapter 22. Jobel and Samantha.

Red Point of view. Ng makita ko si Chyrll na umiindak i sa waiting shed ay tumigil ako sa pagmamaneho. Bumaba ako kahit malakas ang ulan. Nilapitan ko ito na sumasayaw parin. Inalis ko ang headset nito sa kanyang tainga, nagulat ito sa akin. Inis na inis ito sa akin. Ayaw din nito magpahatid sa akin kaya may naisip ako. Kinausap ko ang lolo ni Jeran na taxi Driver na kung pwede ay maarkila ko mona ang taxi nito na pinapasada. "Okay lang hijo. Ganyan din ako nong kabataan ko, lahat gagawin ko mapansin lang ako ng babaeng mahal ko." Sabi ni lolo. "Salamat po, lo. Pero atin atin lang po ito ha, huwag mo po sana magkukwento kay Jeran o kahit na sino sa mga kaibigan ko. At lalong lalo na kay Szarina bulinggit." Sabi ko kay Lolo. Mapang asar pa naman ang mga yon kaya sekreto ko lang itó. Sumakay na ako ng taxi, pagkatapos ko magpaalam kay lolo. Gusto ko ng tumawa ng hindi ko tinatanggap ang pera na inaabot sa akin ni Chyrll dahil hindi ito makapaniwala na piso lang ang baba
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Chapter 23. Casino.

Chyrll point of view. "Dalawang linggo na lang ay flight ko na patungong Las Vegas, Nevada." "Sigurado ka ba, kapatid, na doon mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?" malungkot na tanong ni Rasselle sa akin. "Bakit naman biglaan ang pagpapasya mo?" "Kapag doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko bilang isang International Criminal Law, mas marami pa akong matutunan," paliwanag ko kay Rasselle upang mas maunawaan ako nito. "Ang sabihin mo, gusto mo lang umiwas kay Red," nakanguso na sagot nito sa akin. "Hindi ah, alam mo naman ang pangarap ko diba? Kaya huwag ka ng magtampo sa akin, sege ka iiyak na ako dito. At saka hindi si Red Simon ang dahilan ng pag-alis ko." Paliwanag ko pa. "Mamimiss kase kita, alam mo naman na ikaw lang ang palaging nandito sa tabi ko. Kaya, hindi mo maiaalis sa akin ang makaramdam ng lungkot." Ani pa ni Rasselle. "Tatlong taon lang naman ako don, at kapag bakasyon naman ay uuwi din ako dito. Kaya, magkakasama parin naman tayo noh. "Lahat na lang umaali
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Chapter 24. Talo si Chyrll.

Isang laro na lang ay may mananalo na sa aming dalawa, dahil pareho na kaming may tig dalawang panalo na. Kinakabahan ako, samantala si Red Simon ay pa easy easy lang at may ngiti pa sa kanyang labi. Sa inis ko dito ay sinipa ko ang binti nito sa ilalim ng lamesa. Ako naman ngayon ang napangiti dahil napangiwi ito sa ginawa kong pagsipa sa kanya. Siraulo ang lalaking ito, nagagàwa pa niyang ngumiti, samantalang ako, hito kinakabahan sa huling laro. Kumuha ako ng isang stick ng sigarliyo sa kaha at sinindihan ko ito. Nakakadalawang hits pa lang ako ay inagaw na ito sa akin ni Red Simon. "Paano ba yan? Isang laro na lang, kapag natalo kita, girlfriend na kita ngayon." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Huwag ka monang magsaya, Red Simon dahil hindi mo pa nasisiguro na ikaw nga ang mananalo sa larong ito." Inis kong sabi sa kanya. "Ipamigay mona," utos ko sa lalaking banker namin. Sinimulan na nga nito ibigay ang baraha. Unang dampot ko sa baraha ay Queen (Q♠️) pangalawa
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more

Chapter 25. Nagtago na si Chyrll.

Red Simon. "Good morning, hijo. Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?" Pagbati sa akin no Lolo. "Good morning po Lo. Um, hulaan mo Lo, kung bakit ako masaya ngayong araw?" Masayang sabi ko kay Lolo. "Mukhang magandang hulaan ito, apo ko. Pero bakit nga ba masaya ang apo ko. Umm, hula ko nakabuntis ka." Sagot ni Lolo. "Lo, naman. Bakit ganyan naman ang hula mo? Babaero man ako, pero hindi ako nag-iiwan ng bakas, kaya mali ang hula mo." Kakamot kamot ako ng aking batok na sabi ko kay Lolo. "Sabihin mona sa akin apo. Matanda na ako, huwag mona akong pahirapan pa na pahulaan kung bakit ka nga ba maganda ang gising mo?" Reklamo agad ni lolo. "Si Lolo, talaga. Ang gusto palagi hindi nahihirapan." Natatawa kong sabi. "Sabihin mona lang kasi apo, dahil na eexcite na akong marinig saiyo kung bakit masaya ka ngayon." Pagpupumilit ni lolo sa akin. "Ganito po kasi Lolo, kahapon, inaya kong lumabas ang babaeng gusto ko. Pumayag siya, tapos nagkaroon kami ng kasunduan. Napag kasun
last updateLast Updated : 2025-04-04
Read more

Chapter 26. Ngusuan daw.

Chyrll. Sumilip ako mula dito sa terasa ng aking silid ng may marinig akong sasakyan na tumigil. Alam kong pupuntahan ako dito ni Red Simon, dahil nga girlfriend na niya ako ngayon. Yari ako nito kay ate Carlyn kapag nalaman niya na boyfriend ko na ang lalaking gusto ko dati na gusto din pala niya. Kagabi ng hinatid niya ako dito sa mansion ay nag-isip kaagad ako ng paraan. Kaya, inutusan ko ang dalawang security guard na kapag pumunta dito si Red ay sabihin na umalis din ako kagabi na nagmamadali at maraming dalang maleta. Mabuti na lamang ay hindi ako nahirapan pasunodin ang dalawa. Kaya hito ako ngayon, nakasilip, sinisiguradong sumunod ang dalawa sa akiñg pinag-uutos. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Red Simon. Kung hindi ako pumayag na sumama sa kaniya kahapon, hindi sana ako nagtatago na parang daga ngayon. Aaminin ko, kahit papaano ay kinilig ako sa surpresa niya sa akin kahapon ng matalo niya ako sa pusoy, kunti nga lang na kilig dahil hindi na nga ako katulad n
last updateLast Updated : 2025-04-05
Read more

Chapter 27. Date daw sa Baguio.

Chyrll. Naalipungatan ako, pakiramdam ko ay may taong nakatingin sa akin habang natutulog ako. Iminulat ko ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng aking bangon ng may naaninag akong isang bulto na katawan na nakatayo sa may pintuan. Medyo madilim dito sa kwarto namin, dahilan na hindi ko makita masyado kung sinong taong yon? "Sino ka?" tanong ko kahit kinakabahan ako. Hindi ito nagsalita, kaya kumabog ang aking dibdib. "Sino ka?" tanong ko ulit na naiinis. Nalooban ba ako? Ano kaya ang pakay ng taong ito sa akin? At paano siya nakapasok dito? Kami lang ng kaibigan ko ang may susi dito sa kwarto naming dalawa. Tatayo na sana ako ng biglang lumiwanag ang kapaligiran. Medyo nasilaw pa ako, kaya naipikit ko ang aking mata. Ng iminulat ko ang aking mata, ay ganun na lamang ang aking gulat. "Red Simon!?" Sambit ko sa pangalan niya. Paano nalaman ng unggoy na ito, kung nasaan ako ngayon? May sa lahing aso pa yata ang damuhong ito. "Nagulat ba kita babe?" tanong pa nito ng na
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Chapter 28. Utang daw

Red Simon. Ng dalhin ko sa hospital si Sam ay tuloyan na itong pumayag na magpa kunsolta. Nasa kaniyang tabi lamang niya ako. Si Jobel na ang nakikipag-usap kay Tito Henry dahil siya ang may alam ng kakausapin ni Sam, at panaka naka na lamang akong nagtataka kung kinakailangan. Una nagtataka ito, dahil Daddy ang tawag sa akin ni Sam kaya mamaya ay kailangan ko itong makausap. Pagkatapos ng pangkunsolta kay Sam ay isailalim na agad ito sa pag gagamot, kailangan manatili dito sa hospital si Sam, bago ko ito dalhin sa america upang doon na ipagpatuloy ang paggagamot dahil mas advance don at kumpleto sa kagamitan. Hindi ko naman minamaliit ang mga doctor dito, pero buhay na ng bata ang nakasalalay dito, kahit hindi ko ito tunay na anak ay ibang usapan narin ito. Iniwan ko na si Jobel, pagkatapos maasikaso ng mga nurse at doctor si Sam, alas tres na ng hapon kaya kailangan na ng magpahinga ng bata. Dumiretso ako sa office ni Tito Henry. Kumatok ako. "Pasok." Rinig kong sabi nito sa lo
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Chapter 29. Smack kiss.

"Ibaba mo ako Red Simon! Nakakainis kana talaga. "Kapag hindi ka tumigil kakasigaw mo hahalikan kita." Banta ko naman dito. Sabay palo ko sa kaniyang pwetan. Natahimik naman ito, at hindi na naglumikot pa at sumigaw hanggang sa makarating ng sasakyan ko. "Bwisit ka talaga, bwisit!" Gigil nitong angil sa akin ng ibaba ko siya sa passenger seat ng sasakyan ko. Inambahan ko naman itong hahalikan ko siya sa labi. Ang bilis naman nitong tinakpan ng kaniyang kamay. Takot ka naman palang mahalikan, ang tatapang tapang mo pa. Sayang masarap pa naman akong humalik," nakangiting sabi ko dito, sinamaan naman ako nito ng tingin. Tawa naman ako ng tawa ng isarado ko ang pinto ng aking sasakyan. "Manyak! manyak kang unggoy ka." Gigil nitong sabi sa akin. Sumakay na ako sa aking sasakyan. At bago ko e on ang makina ay isang pingot ang ginawa sa akin ng babe ko. "Babe, a masakit!" Reklamo ko "Talagang masasaktan ka, kapag, dinala mo ako sa kung saan saan lang." Inis nitong singhal
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status