Saan naman pumunta si Chyrll?
Chyrll. Sumilip ako mula dito sa terasa ng aking silid ng may marinig akong sasakyan na tumigil. Alam kong pupuntahan ako dito ni Red Simon, dahil nga girlfriend na niya ako ngayon. Yari ako nito kay ate Carlyn kapag nalaman niya na boyfriend ko na ang lalaking gusto ko dati na gusto din pala niya. Kagabi ng hinatid niya ako dito sa mansion ay nag-isip kaagad ako ng paraan. Kaya, inutusan ko ang dalawang security guard na kapag pumunta dito si Red ay sabihin na umalis din ako kagabi na nagmamadali at maraming dalang maleta. Mabuti na lamang ay hindi ako nahirapan pasunodin ang dalawa. Kaya hito ako ngayon, nakasilip, sinisiguradong sumunod ang dalawa sa akiñg pinag-uutos. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Red Simon. Kung hindi ako pumayag na sumama sa kaniya kahapon, hindi sana ako nagtatago na parang daga ngayon. Aaminin ko, kahit papaano ay kinilig ako sa surpresa niya sa akin kahapon ng matalo niya ako sa pusoy, kunti nga lang na kilig dahil hindi na nga ako katulad n
Chyrll. Naalipungatan ako, pakiramdam ko ay may taong nakatingin sa akin habang natutulog ako. Iminulat ko ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng aking bangon ng may naaninag akong isang bulto na katawan na nakatayo sa may pintuan. Medyo madilim dito sa kwarto namin, dahilan na hindi ko makita masyado kung sinong taong yon? "Sino ka?" tanong ko kahit kinakabahan ako. Hindi ito nagsalita, kaya kumabog ang aking dibdib. "Sino ka?" tanong ko ulit na naiinis. Nalooban ba ako? Ano kaya ang pakay ng taong ito sa akin? At paano siya nakapasok dito? Kami lang ng kaibigan ko ang may susi dito sa kwarto naming dalawa. Tatayo na sana ako ng biglang lumiwanag ang kapaligiran. Medyo nasilaw pa ako, kaya naipikit ko ang aking mata. Ng iminulat ko ang aking mata, ay ganun na lamang ang aking gulat. "Red Simon!?" Sambit ko sa pangalan niya. Paano nalaman ng unggoy na ito, kung nasaan ako ngayon? May sa lahing aso pa yata ang damuhong ito. "Nagulat ba kita babe?" tanong pa nito ng na
Red Simon. Ng dalhin ko sa hospital si Sam ay tuloyan na itong pumayag na magpa kunsolta. Nasa kaniyang tabi lamang niya ako. Si Jobel na ang nakikipag-usap kay Tito Henry dahil siya ang may alam ng kakausapin ni Sam, at panaka naka na lamang akong nagtataka kung kinakailangan. Una nagtataka ito, dahil Daddy ang tawag sa akin ni Sam kaya mamaya ay kailangan ko itong makausap. Pagkatapos ng pangkunsolta kay Sam ay isailalim na agad ito sa pag gagamot, kailangan manatili dito sa hospital si Sam, bago ko ito dalhin sa america upang doon na ipagpatuloy ang paggagamot dahil mas advance don at kumpleto sa kagamitan. Hindi ko naman minamaliit ang mga doctor dito, pero buhay na ng bata ang nakasalalay dito, kahit hindi ko ito tunay na anak ay ibang usapan narin ito. Iniwan ko na si Jobel, pagkatapos maasikaso ng mga nurse at doctor si Sam, alas tres na ng hapon kaya kailangan na ng magpahinga ng bata. Dumiretso ako sa office ni Tito Henry. Kumatok ako. "Pasok." Rinig kong sabi nito sa lo
"Ibaba mo ako Red Simon! Nakakainis kana talaga. "Kapag hindi ka tumigil kakasigaw mo hahalikan kita." Banta ko naman dito. Sabay palo ko sa kaniyang pwetan. Natahimik naman ito, at hindi na naglumikot pa at sumigaw hanggang sa makarating ng sasakyan ko. "Bwisit ka talaga, bwisit!" Gigil nitong angil sa akin ng ibaba ko siya sa passenger seat ng sasakyan ko. Inambahan ko naman itong hahalikan ko siya sa labi. Ang bilis naman nitong tinakpan ng kaniyang kamay. Takot ka naman palang mahalikan, ang tatapang tapang mo pa. Sayang masarap pa naman akong humalik," nakangiting sabi ko dito, sinamaan naman ako nito ng tingin. Tawa naman ako ng tawa ng isarado ko ang pinto ng aking sasakyan. "Manyak! manyak kang unggoy ka." Gigil nitong sabi sa akin. Sumakay na ako sa aking sasakyan. At bago ko e on ang makina ay isang pingot ang ginawa sa akin ng babe ko. "Babe, a masakit!" Reklamo ko "Talagang masasaktan ka, kapag, dinala mo ako sa kung saan saan lang." Inis nitong singhal
Chyrll "Ano naman nginingiti mo diyan, Red Simon? Tanong ko sa unggoy na ito, pagkatapos umalis ng waitress. Hindi ko akalain na magagawa kong halikan ang unggoy na ito sa harap ng ate kong bruha. Bakit ba kase sa dinami daming restaurant na pupuntahan ng dalawang bruhildang yon ay dito pa talaga sa resto ng kaibigan ko. Hindi ako pinansin ni Red, muntanga lang na natulala itong nakatingin sa akin. Hawak pa nito ang kaniyang labi na hinalkan ko ng smack lang. Kung hindi ko pa winagayaway ang aking kamay sa kanyang mukha, hindi pa ako nito papansinin. "Ano nanaman pumapasok diyan sa isip mo? Umayos ka Red, baka hinuhubaran mona ako diyan sa kukuti mo?" Tanong ko sa kanya. "Ha?" Tanong nito sa akin. "Bwisit talaga, ang dami ko ng sinabi dito. Ha lang ang isasagot mo sa akin. Umayos ka talaga na unggoy ka, ang manyak manyak mo talaga." Naiinis na sabi ko dito. "Ano ba kase 'yon babe? Nagagalit kananaman sa akin, hinaan mo naman yang boses mo. Baka isipin ng mga costumer d
Chyrll. "Carlyn, dumating naba yang kapatid mo sa labas?" Rinig kong tanong ni Rochelle. Nagkatinginan naman kami ni Red, at umikot na lang sa kawalan ang aking mata, kahit kailan talaga ang mukhang tipaklong na ito, gigil talaga ako nito. Humakbang na kami papasok sa mansion namin. Magkaholoding hands kaming pumasok. Una nagtatalo pa kami, dahil bakit kailangan pa mag holding hands? Eh sasabihin lang naman niya kay Daddy kung ano na kami ngayon, ang status naming dalawa. "Anong kailangan mo sa akin Rochelle? Bakit mo ako hinahanap? Nagsumbong na ba ang bruhilda kong half-sister.l?" Mayabang kong tanong. "Nandito kana pala, akala ko naduduwa-, Hindi nito naituloy ang kaniyang sasabihi dahil napatingin ito sa kamay naming dalawa ni Red Simon. "Anong ibig sabihin ito, Chyrll?" Nagtataka na tanong nito sa akin. Si Red sana ang sasagot ngunit pinigilan ko ito. "Ano pa ba sa tingin mo, Rochelle? Bakit nga ba magkahawak ang aming kamay ni Red, este ng babe ko? Sorry babe, hindi
Chyrll. Nandito lamang ako sa labas ng library ni Daddy, hinihintay kong matapos ang kanilang pag-uusap. At pilit kong pinapakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila, kaya para na akong tanga na nakadikit ang aking tainga sa pintuan na wala naman akong naririnig na kahit na ano. "Ay kalabaw!" bulalas ko ng biglang bumukas ang pintuan at masandig ako sa isang matigas na bagay. Kinapa ko kung ano ang matigas na pader ang nahawakan hanggang sa may nakapa akong isang maliit na parang butil na paminta. Pinisil ko ito. "Fuck, babe. Baka ngayon pa lang ay sumira na ako sa kasunduan ng Daddy mo dahil sa ginagawa mo. Tumingala ako dahil akala ko pader ang nasandigan ng biglang bumukas ang pinto, tao pala ito. "Bwisit ang manyakis mo talaga. "Chyrll, lumayo layo ka ng kaunti sa Red Simon na yan. Hindi pa ito ang araw na maglambingan kayong dalawa sa harapan ko, may pangarap ka pang kailangan tapusin." Sermon ni Daddy na napaka oa. "Ang oa mo Daddy, parang nagulat lang ako ng biglan
Red Simon. Two days Later. "Dude, hindi ako pwede ngayon. Sinabi ko na ito saiyo nakaraan na may long ride kami ng babe ko." Sagot ko sa kaibigan kong siraulo na si Rage. Hindi ko siya masasamahan ngayon na mag-inum sa bar ni Fucklers dahil nga ay nakapangako na ako sa babe ko, kahit ayaw niya. Ibinaba ko na ang phone ko at tinawagan ko si Quin. "Hoy, tarantado nasaan ka?" Tanong ko kaagad sa isa ko pang siraulo na kaibigan. Isang malutong naman na mura ang narinig ko dito kaya natawa na lamang ako. "Samahan mo, ang gago nating kaibigan sa bar ni Fucklers ng ganito kaaga, baka hindi na non makayanan eh maglaslas yon ng kamay gamit ang nail cuticle pusher." Natatawa kong sabi sa kabilang linya. Panay naman ang mura ni Quin dahil alas singko pa lamang ng umanga ay nasa bar na si Rage. "Puntahan mona lang don. Hindi talaga ako pwede ngayon dahil may long ride kami ng babe ko." Sabi ko pa. Isang malutong ulit na mura ang natanggap ko kay Quin. Alam ko naman na hindi n
"Chyrll! Nangunot ang aking noo ng may tumawag sa aking pangalan dito sa loob ng JMBS-tore. Nagpalinga linga ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jayson na binasted ko ng magtangka itong manligaw sa akin noong Second year College kami. Pero nanatili parin ang pagiging magkaibigan namin ng mga kaibigan din nito sa sina Anthony kahit nagtransfer na sa ibang school, hanggang sa grumaduate kami... Haba ng kulot kong hair noh? "Jayson." Masaya ko ding tawag sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa naming dalawa na tanong. Pareho kaming natawa dahil nagtuturuan kami kung sino sa amin dalawa ang unang magsalita. Hanggang sa sumingit ang lukaret kong yaya. "Ako na ha, nagtuturuan pa kayo eh. Nandito kami sa mall na ito, dito pala sa JMBS-tore ay dahil may bibilhin ang Senyorita ko." Nakataas kilay pa na sabi ni Yaya. Natawa na lamang ako ng mahina. "Oh ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako dito, sorry ka dahil h
Chyrll. Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay Ayaw ni tito at ni tita Mapili si ate pati si kuya Strikto si lolo at si lola Mag-aral raw muna O mas bigyan ng oras ang pamilya Pero tandaan mo to Mahal na mahal kita Mahal kita pero Mahal kita pero Mahal kita pero Pero pero Bata pa tayo di ko pa kaya Marami pa tayong inaasikaso At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto Ang oras muna ay hayaang palipasin Pag tama na ang panahon Pwede mo naman akong lambingin Napahinto ako sa aking pagkanta at pagkuskos ng aking katawan ng kumatok sa pinto ng banyo si Sherely. "Senyorita, may tumatawag po sa phone mo. Number po ng Pilipinas." Tawag sa akin. Lumapit ako sa pinto at kinuha ko ang phone ko kay Sherely kahit marami akong bula sa katawan pati sa buhok ko. Sinagot ko ito "Hello, sino ito?" tanong ko. Walang nagsasalita kaya, nagsalita ulit ako. "Sino ito? Wala akong oras na makipag telebabad, kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino kang
"Itago mo itong brown envelope. Bilisan mo, bilis!" Utos sa akin ng matanda. Ako naman ay natataranta na tinago nga ang brown envelope. Nakakahawa itong matandang ito, pati ako natataranta. "Bakit ba kailangan pa nating itago ito?" Taka kong tanong. "Idiot! Paano kung magtanong kung sino ang nasa labas? Eh di may nakaalam ng pinag-uusapan natin. "Aba't, sumusobra na ang matandang ito. Feeling close sa akin, gusto pa akong sapatosin. Si Daddy nga at lolo, tinutungkod lang ako kapag nagagalit sa akin, tapos siya sapatos. Paano kung nakaapak siya ng tae, eh di bumaho pa ako. Pasalamat na lang at siya ang asawa ng babe ko. May pagka isip bata din pala itong ama ng babe ko, akala ko pa naman mahihirapan ako. Dahil napaka seryuso nitong kausap dati. Naiiling na lang akong umupong muli sa aking upuan. "Yes, Carol. Pasok ka. "Paumanhin po sa abala sir. Si Sir Juanito po kanina paa tumatawag daw po sa phone mo, hindi mo daw po sinasagot ang tawag niya." Sabi ni Carol ng nahihiyang d
"Tsk... Ano ba ang matatawag mo sa pinarehistro mo na kasal na kayo ng anak ko na hindi ko alam, lalo na ang anak ko. Sana nga ay hindi ka mabalatan ng buhay non kapag nalaman niya kasal na kayo. Kaya, magdasal dasal kana. Napakamot na lang ako ng aking kilay. "By the way, hijo. Kaya, ako nandito ay dahil may gusto akong ipa imbestiga saiyo. Alam ko kung ano ang kakayahan mo kaya ikaw ang nilapitan ko." Sabi nito sa huli sa akin. Kaya, naman nagsalubong ang aking makakapal na kilay. "Ano, naman po iyon Daddy? Nagtataka na tanong ko dito. Kaya, seguro mabilis tanggapin ang ginawa ko ay dahil may kapalit. Ayos din itong father in-law ko. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong brown envelop. "Here, Hijo. Buksan mo." Utos na sabi nito sa akin. Agad ko naman kinuha ang brown envelope, at binuksan ko ito. Kinuha ko lahat ang laman sa loob. Salubong ang aking kilay ng makita ko ang larawan ng kaniyang asawa at anak kasama si Lance Morales. Sinasabi ko na may kakaiba dito sa l
Red. "Good morning sir." Bati sa akin ng mebago kong sekretarya na si Caroline. "Good morning. Ano ang oras ng meeting ko ngayong araw?" tanong ko, bago ako pumasok sa loob ng aking opisina. "Um. Mamaya pa naman pong 1pm sir. At pagkatapos po ay wala na." Magalang na sagot nito sa akin. "Good," sagot ko. At binuksan ko na ang aking opisina. Pero bago pa man ako pumasok ay tumingin muli ako sa aking sekretarya. "May boyfriend kaba? tanong ko ng kinagulat niya. May mali ba sa tanong ko, at bakit namumula ang kaniyang pisngi. Shit, saka ko lang napagtanto baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin, wala ba saiyong magagalit kung sakaling isama kita sa susunod na buwan sa meeting ko sa Singapore? "Um, may fiancee na po ako sir. Pero kung tungkol naman po sa trabaho ay wala naman pong problema sa fiancee ko." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Good, mabuti na yong segurado ako na hindi tayo magkakaproblema. Mahirap na marami pa naman tsismosa sa paligid di
Red. Nang malaman kong umalis si Chyrll dito sa Pilipinas ay nagalit ako. Akala ko okay na kami, dahil ang sweet niya sa akin ng huling araw na magkasama kami. Iyon pala ay pagkukunwari lang pala ang lahat ng yon. Nandito ako ngayon sa bar. Umiinom mag-isa. Gusto ko siyang sundan sa Las Vegas, Nevada upang tanongin kung bakit hindi niya sa akin pinaalam na don pala niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag aabogada. Pinigilan lang ako ni Tito Wilson at ni Daddy, hayaan ko daw mona na tuparin nito ang kaniyang pangarap. Pwede naman niyang tuparin ang kaniyang pangarap na nasa tabi niya ako, bakit kailangan pa niyang itago ito sa akin. Kung iniisip niya na makakasagabal ako sa pangarap niya ay nagkakamali siya. Dahil kaya kong maghintay hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maging isang ganap na lawyer. "Hi," bati sa akin ng kapatid ni Chyrll. Boses pa lamang nito ay kilala ko na. "Wala akong panahon sa mga katulad mong babae, Carlyn. Umalis kana sa tabi ko baka hindi kita m
Hindi ko akalain na naka abang sa akin si Jobel. Seguro ay sinundan kami nito ni Red ng magpaalam ang unggoy sa kanila. "Anong pinakain mo kay Mon?" tanong sa akin ni Jobel. Nagpalinga linga pa ako kung makikita ko pa si Red sa paligid. Ng hindi ko na makita ay saka ko hinarap ang pangit na babaeng ito. "Bakit mo tinatanong? Ipapakain mo din ba sa kanya para balikan ka niya? Poor Jobel." Mataray ko din na sagot sa kanya. "Layuan mo ang ama ng anak ko-" "Correction, Jobel. Ang pagkakasabi sa akin ng babe ko ay hindi siya ang ama ng bata kaya wala kang karapatan na utusan akong layuan ang BOYFRIEND ko." Pagtatama ko sa baaeng ito, at talagang pinagdiinan ko ang salitang boyfriend kahit nasusuka ako. "At correction again, matagal ng annulled ang kasal ninyo kaya wala ng kayo, sa madaling salita hindi mona ASAWA ang BOYFRIEND ko. Kaya ikaw ang lumayo layo sa babe ko. Naiintindihan mo" Turan ko pa. Tsura ng babaeng 'to. Anong akala niya sa akin, tanga na hindi ko aalamin ang kato
"Ipapaliwanang mo ito o babasagin ko yang itlog mo, sa baba!" Babala ko sa damuhong unggoy na ito. Hindi porket, hindi ako seryuso sa relasyon namin ay etotolerate ko ang damuhong ito. Aba, hindi ako si Martina na martir at ayaw kong makatulad kay momny na pa sekretong nakabubtis ang lalaki, katulad ngayon may bata dito. "At bakit Chyrll na ang tawag mo sa akin, ngayon? Ipaliwanag mo ito?" Nagtitimpi kong sabi sa damuhong unggoy na ito. Ayaw ko naman ipakita sa bata na may ibang babae ang kaniyang Daddy dahil masakit sa kalooban yon. "I'm sorry babe, nagulat lang ako saiyo kung bakit kita natawag sa tunay mong pangalan." Namomroblema na sagot ng unggoy na ito sa akin. "Okay, tatanggapin ko yang paliwanag mong yan. Pero, ipaliwanag mo pa yong isa. Sino ang babaeng 'yan at ang bata na may sakit? Sino ang mga 'yan sa buhay mo? Pagkasabi ko noon ay tumingin ako sa babae na masama ang pagkakatingin sa akin at nakakunot pa ang kaniyang noo. Iba ang nakikita ko sa ugali ng babaeng ito,
Chyrll Ngayong nakauwi na kami ni Red mula sa Baguio ay ang mga kailangan ko naman sa aking pag alis ang dapat kong asikasuhin. Bago ako umalis ng aking condo ay sinabi ko na kay Yaya Sherely na mag impake na ng kanyang mga gamit na dadalhin niya sa Las Vegas. Mayroon naman na siyang tatlong maleta na gagamitin dahil bago ako sumama mag long ride kay Red ay binigyan ko siya ng pera na pambili niya ng maleta at iba pang gamit na dadalhin niya kasama ko sa pag-alis. Ewan ko lang kung sa online siya umorder o pumunta siya ng mall, alam niyo na ang dalaga kong personal maid may sumpa sa kaniyang mukha. Kahit naman ganun at palagi kong nasisigawan ay pababayaan ko na. Minsan kasi nakakainis din, paano palagi na lang lutang, mali mali pa ang ginagawa. "Ya, Sherely. Aalis ako ngayon, hindi kaba sasama sa akin?" Tanong ko ng makalabas ng aking silid na gayak na gayak. "Aalis ka Senyorita?" Nagtataka nitong tanong. Kaya, naman ay nagtataka din ako sa kanya kung bakit ganun ang reaksyon