Chyrll. "Sherely." Tawag ko ng magising ako. Una nagtataka ako kung bakit puro puti ang nakikita ko sa aking paligid. Nilibot ko ang aking paningin hanggang sa napagtanto ko na nasa hospital ako. Kaya, tinawag ko si Sherely na nakasandig sa dingding habang nakaupo at nakapikit ang mga mata. Agad naman itong tumayo at lumapit sa akin. "Senyorita, salamat kay papa god at gising kana po." Mangiyak-ngiyak na sabi sa akin ni Sherely. Halata sa kanya ang sobrang pag-aalala sa akin. Pasalamat ako,. kahit nasusungitan ko ito ay nag-aalala parin ito sa akin. Ngumiti ako dito. "Salamat, Sherely. Nagawa mo pang dalhin ako dito, akala ko itatapon mo na lang ako sa bangin." Biro ko naman, baka tuloyan itong humagulhol ng iyak eh. Maigi na yong biruin ko na lang. "Grabe ka Senyorita. Nagawa mo pang magbiro sa akin. Ano may galit lang at itatapon sa bangin?" Sagot nito sa akin. Natawa na lamang ako. Bigla akong sumeryuso ng maalala ko kung bakit ako nandito ngayon sa hospital.. Kailangan
Terakhir Diperbarui : 2025-04-16 Baca selengkapnya